Chereads / BEAUTIFUL IN WHITE (Tagalog Version) / Chapter 2 - SAID I LOVE YOU BUT I LIED (Episode 2)

Chapter 2 - SAID I LOVE YOU BUT I LIED (Episode 2)

"Hello, Kathleen, pasensya ka na kasi nagpunta kami ni Henry sa hospital. Naaalala mo iyong ikinuwento ko sa iyo noon na may dinala kami ni Henry sa hospital na biktima ng pananaksak? Hangga ngayon ay wala pa rin siyang malay, kawawa naman siya," paliwanag ni William kay Kathleen.

"Paano, eh di hindi na tayo tuloy sa lakad natin?" ang sagot ni Kathleen na halata dito na siya ay naiinis.

"Pasensya ka na at babawi na lang ako next time. Hello... Hello... "

Magpapaliwanag pa sana si William, subalit ibinaba na ni Kathleen ang telepono, halata siyang galit kay dito.

"Ano, William, sabi ko na sa iyo tiyak na magagalit si Kathleen eh. Sino namang hindi magagalit eh pinaghintay mo siya ng matagal sa tagpuan ninyo at tapos hindi ka sumipot. Kahit ako ang lumagay sa katayuan niya ay ganoon din ang magiging reaction ko," ang nangingiting sabi ni Henry.

"Oo nga eh, kaya kung minsan hindi kami magkaintindihan ni Kathleen. Sa kaunti kong pagkakamali ay lagi niya akong pinagsasalitaan. Kasi alam niya na mahal ko siya kaya laging ako ang nagpapasensya."

"Mahal mo nga ba siya o nagsisinungaling ka lang. Sinasabi ng bibig mo subali't wala sa puso mo, hindi iyon nanggagaling sa puso mo," ang sabi ni Henry.

"Hindi ko nga alam, Henry, kapag magkausap kami at nangangarap para sa kinabukasan namin at sasabihin niyang mahal na mahal niya ako, at tutugunin ko din na mahal ko siya subali't sa pakiramdeam ko ay para akong nagsisinungaling sa kanya."

"Ano ngayon ang balak mo?"

"Hindi ko alam, Henry, kaya iniisip ko na lang ang tatlong taon naming pagiging magkasintahan."

"Hindi puwede iyon, William, hindi kayo magiging maligaya kung patuloy ka sa pagkukunwari sa kanya. Alam ko naman kung bakit ka unti unting nagbabago ng damdamin sa kanya eh, iyon ay ang pagiging obsession niya sa iyo. Para bang ayaw ka niyang bigyan ng space upang makahinga. At dahil natural lang sa tao ang nagbabago ng damdamin ay doon nga mauuwi ang lahat, kabiguan."

"Bahala na."

"Hindi puwede ang bahala na. Hangga't maaga bigyan mo ng kalutasan ang magiging problema mo sa hinaharap kung sakali't kasal na kayo ni Kathleen. Hindi magiging maligaya ang pagsasama ninyo, mark my words, William."

Sa pag-uwi ni William sa bahay

"William, tawag ng tawag si Kathleen at itinatanong kung saan ka naroroon? Sabi ko na lang wala kang nabanggit sa akin," ang sabi ng ina nito.

Hindi na kumibo si William at nagtuloy na ito sa kanyang kuwarto. Paghiga niya ay ipinikit ang mga mata at kahit nakapikit ang kanyang mga mata ay parang buhay na larawan ni Helena ang kanyang nakikita.

"Ano itong aking nararamdaman kay Helena? Naaawa lang ba ako sa kanya sa kalagayan niya ngayon o may iba itong kahulugan sa puso niya, sa damdamin niya?" ang nagiging palaisipan kay William na madalas niyang sabihin sa kanyang sarili.

At sa paglalakbay ng diwa ni William ay tuluyan na itong nakatulog at nanaginip siya. Napanaginipan niya si Helena na nagsasayaw na parang isang prinsesa,

"William, halika ka, magsayaw tayo."

"Okay"

"William, how much do you love me?" tanong ni Helena habang magkayakap silang nagsasayaw sa saliw ng isang magandang tugtugin.

"Helena, I love you not because you are you, but because you saved my life. I'm not sure if you know this, but when I first met you, I got so nervous. I couldn't speak at that very moment. I found the one and my life had found its missing piece. And from now 'till my very last breath, this day I'll cherish you. Helena, you look so beautiful in white. I love you from the bottom of my heart."

"Hoy! William, gising nananaginip ka at umuungol," ang sabi ng ina nito.

"Terible ang panaginip ko ah, pero ayoko ng ganoong panaginip... ayoko," ang matinding sinabi ni William.

"William bangon na at maaga ka pang papasok. Graduating ka na sa college kaya pagbutihin mo ang pag-aaral."

"Opo, mommy"

Si William ay magtatapos na sa college sa susunod na semester kaya ngayon pa lang ay marami na siyang plano sa buhay. Gusto niyang sa ibang bansa maghanap-buhay. Kung matutupad ang balak niya ay makaiipon siya ng sapat na halaga upang makapagtayo ng isang negosyo.

Tinawagan niya si Henry sa cell phone.

"Henry, sabay na tayo sa pagpasok, magkita tayo sa kanto."

"Okay"

"William, maaga kang umuwi at sabi ni Kathleen ay pupunta daw siya dito sa bahay mamaya."

Sa ibinilin ng kanyang ina ay parang nawalan ng gana si William. Hindi niya alam kung bakit.

Pagkatapos ng klase at pauwi na si William ng tawagan siya ng hepe ng pulisya at pinapupunta sila ni Henry doon.

"Henry, nasaan ka? Pumunta daw tayo sa police station ngayon."

"Okay, magkita na lang tayo doon."

Sa police station

"William, may mga dinampot kaming mga suspects, tingnan ninyo kung makikilala ninyo silaq."

"Sige po"

"PO1 Jack, papilahin sila sideways."

"Yes, boss"

"Ayan William, tingnan ninyong mabuti kung mayroon kayong natatandaan sa kanila."

Matagal ding pinagmasdan ng dalawa ang mga nakahilerang mga suspects, subali't wala silang makilala sa kanila.

"Sige, William, Henry, puwede na kayong umuwi. Salamat sa inyo at sa inyong kooporast," ang bigong sinabi ng hepe ng pulisya. "At sana huwag kayong madadala."

Pag-uwi ni William sa kanila

"William,matagal na naghintay si Kathleen at ng mainip ay umuwi na," sabi ng ina niya.

"Nagpunta po kami sa presinto, mommy, at may mga itinanong tungkol sa ginagawa nilang imbestigasyon.

"Hindi pa ba nahuhuli ang mga taong iyon?"

"Hindi pa po mommy."

"Kumusta naman iyong biktima?"

"Komatos pa rin po."

Dahil sa hindi na naman nagkita ang dalawa ay tiyak na kung ano ano na naman ang sasabihin ni Kathleen.

Sa school kinabukasan ay nagkita ang dalawa at nag-usap.

"William tapatin mo nga ako, iniiwasan mo na ba ako dahil may iba ka ng babaing kinalolokohan?" and medyo pagalit na pagtatanong ni Kathleen.

"Hindi sa ganoon Kathleen, hindi ba sinabi ko sa iyo noon na tumutulong ako sa imbistigasyon sa kaso ng taong dinala namin sa ospital," ang paliwanag ni William.

"Kahit na, sa pakiramdam ko ay binabale wala mo na ako."

"Kathleen, hindi kita maintindihan, lagi ka na lang galit sa akin. Sa kaunti kong pagkukulang ay inaaway mo ako. Samantalang kapag ikaw ang nagkukulang ay lagi kitang naiintindihan, Bakit?"

Sa sinabi ni William ay medyo nag-isip si Kathleen at pagkatapos ay siya na ang humingi ng sorry.

"Kathleen, gusto ko cool-off muna tayo. Bigyan natin ng space ang sarili natin at baka sakaling bumalik ang dati nating pagtitinginan."

"Ayako, William, mahal kita, pangako magbabago na ako."

"Gaundin din ang sinabi mo noon ng minsan tayong hindi nagkaunawaan, subali't heto ka na naman, nangangako na hindi naman natutupad."

"Buo na ang pasya ko Kathleen, nakikipag break na ako saiyo."

"Ano? Iyon ba ang gusto mong mangyari? Sige break kung beak, bakit sa akala mo ba ikaw lang ang lalake sa mundo?"

"Hindi sa ganoon, Kathleen, ng pumasok tayo sa relasyong ito ay mga bata pa tayo at habang tumatagal ay nakikilala natin ang isa't isa at nagkakaroon iyon ng pagbabago, sa paguugali, sa personal na emotion at higit sa lahat sa damdamin. sana naiintindihan mo."

Umiyak si Kathleen dahil naisip niya nasayang lamang ang tatlong taon nila bilang magkasintahan.

"Sige, William, kung iyan ang gusto mo ay hindi kita pipilitin, sana kahit papaano ay maalala mo ako."

At pagkasabi niyon ay biglang tumakbo si Kathleen na umiiyak. Tumawid siya sa kalsada na parang wala sa sarili kaya hindi niya napansin ang paparating na sasakyan at siya'y nasagasaan at namatay.

Biglang nagkagulo, dumami ang tao, may dumating na ambulansya at maging mga pulis na magiimbistiga sa pangyayari.

"Ikaw ba ang driver?"

"Opo, subali't hindi ko po kasalanan, bigla po siyang tumawid ng hindi tumitingin kaya ko po nasagasaan."

Natulala si William at walang nagawa kundi lapitan si Kathleen na wala ng buhay na nakahandusay sa gitna ng kalsada.

"Patawarin mo ako Kathleen, hindi ko inaasahan na mangyayari ito sa iyo. When I said I love you, I was wrong. I said then that I love you, but I lied. Sorry, may you have peace in the afterlife," said William na hindi niya napansin na tumutulo ang kanyang luha, dahil sa isip niya kahit papaano ay minahal niya si Kathleen in any ways. Totoo na napakasakit ang ganitong pangyayari sa paghihiwalay ng dalawang naging magkasintahan.

Madaling lumipas ang panahon at unti unti na ring lumilipas ang mga hindi magandang nangyari sa buhay ni William.

Graduate na siya ng kursong engineering at natanggap na rin na makapagtrabaho sa ibang bansa.

"Henry, I'm leaving for Canada in a month. Just kept me informed of whatever news you will have especially in the case of Harry. But before I leave I'll try to see Helena, just for a sake of friendship," said William.

"Huwag kang mag-alala, William, babalitaan kita, para saan pa ang pagiging magkaibigan natin."

Related Books

Popular novel hashtag