PRESENT..
PUMUNTA ako ng hotel na isa sa mga sikat sa Manila, pagkabuklat ko ng glass door ay agad napasulyap ako sa receptionist sa side sabay lapit rito at magtatanong ng information.
"Puwede ko ba malaman kung saan naka-check in si Mr. Noel Raymundo?" tanong ko sa babae na medyo nataranta. Pansin ko na ayaw sabihin kaya nagpumilit ako ngunit tumanggi ulit ito.
"Ma'am di ko po pa-puwedeng ibigay sainyo ang information regarding sa mga naka-check in po dito."
"Pero puwede mo ba sabihin sa akin kung may kasama siyang babae papunta dito?"
Ma'am di po talaga puwede dahil against po sa policy namin at baka matanggal po ako sa trabaho" parang ayaw talagang ibigay ang room number ng asawa.
Gigil na hinampas ko ng kamay ang table nito na ikinagulat nito. "Miss! Alam mo ba ang feeling na pinagtaksilan. Miss kung di mo ibibigay ang room number ay baka maluka na ako di ko pa alam kung sino ang babae ng asawa ko!" halos tumaas ang boses ko at nanginig sa sobrang galit di na makapaghintay, ang ibang tao ay napapatingin sa akin sa likuran.
Binuksan niya ang drawer ng lamesa at may kinuha siya roon. Nilabas at nilatag niya sa akin ang room number 1620. I know there's something going on sa asawa ko kaya kinakabahan ako.
Alam ko na may babae ang asawa ko pero di ko pa kumpirmado kung sino at anong itsura ng babae dahil sabi daw ng kapitbahay namin na nakakita na kilala ko daw ang babae.
" Miss Please! Nagmamakawa ako."
"S-sige po ito na po, ito po ang room number niya sa sixteen floor po." akmang kukunin ko ang susi pero bigla niya ibinawi "Baka po kasi matanggal ako sa trabaho nito."
"Please Miss!"
Tuluyang ibinigay sa akin ang susi. Naglakad ako sa elevator at pinindot ang 16 floor pataas.
Medyo naiinip ako dahil mabagal ang pagtaas nito. Habang ang dalawa naman ay hibang na hibang pinangangapusan ng hininga sa isa't-isa. Sa wakas bumukas ang elevator, saglit ako nagpalinga sa paligid. Tinignan ko sunud-sunod na number tila maliligaw hinahanap ang room number 1620, linga kaliwa at linga sa kanan.
Habang naglalakad ako sa hallway ay ganun pa din ang sikdo ng puso ko, napapaiyak ako na di mo malaman at paunti-unti ang nga hakbang nang makita ang hinahanap.
Tinitigan ko ang kamay ko na may hawak na susi at tumingin ulit sa pintuan. Umangat ang kamay ko tila nerbiyos sa nginig.
isinukbit ko susi sa doorknob at pinihit paikot saka bukas iyun. Pagkabukas ko ng pinto ay dahang-dahan ako pumasok sa loob at luminga sa paligid. Nakita ko ang maliit na kulay pulang shoulder bag sa table at dalawang basong wine. Sa sofa naman ang damit panlalaki at parang kilala ko ang may suot nun.
May mga nagkalat na mga damit sa sahig hangang sa natagpuan ko ang sarili na humahakbang sa maliit na siwang ng pinto sa kuwarto, may naririnig akong ungol at halinghing.
'Hindi! Hindi maaari ito!'
Ipinihit ko ang pinto na walang kaingayan, pagbukas ko ay nakita ko ang asawa ko nakakumbabaw sa babae at si 'Lucia?' Mukhang di pa ako napapansin, tahimik akong umiiyak habang pinapanood ko sila..
'Napaka-walanghiya, ang bababoy niyo! Tama si Mang Juancho, kilala ko nga ang kabit ng asawa ko. Nagbalik sa akin ang mga sinabi ng mga kapitbahay pati ni Mang Juancho kilala ko daw siya. Di ko lang binigyan ng pansin, kung sino pa ang pinagkakatiwalaan ko ay siya pala ang tutuklaw sa'yo.
"Walanghiya kayo! Mga walang hiya!!!" naputol ang lambingan natigil dahil nakuha ko ang atensyon ng mga ito, biglang nakabalikwas si Noel at napatayo. Halatang nabigla at di nakaimik tila estatwang di makagalaw.
In my pheriphical view, Lucia is not guilty at all and of course plano niya ang lahat, she smirked.
"Oh you wife is here!" sabay lingon ni Lucia kay Noel ganun pa rin ang reaksyon.
"What is the meaning of this? Tell me! And you Lucia, Your my best friend for pity sake. How could you do this to me? Noel siya ang babae mo? Lucia ikaw ba ang kabit ng asawa ko? Are you f**king my husband?" sinambulat niya sa mga ito ang mga katanungan na gusto kong masagot.
"Yes! My Dear Bestfriend! Ang drama mo nakita mo naman di ba, deretsa-hin mo na kasi at nang malaman ng asawa mo Noel!" lumingon ulit si Lucia kay Noel.
"Paano mo nagawang pagtaksilan ako!" sumugod ako kay Lucia at akmang sasabunutan nang humarang si Noel hinawakan ang mga braso ko "Walang hiya talaga kayo mga P**tangina niyo!!!" asik ko.
"T-tama na Emily!"
"Anong tama na! Mga hayop kayo!" gigil na ihahampas sana si Lucia ngunit humarang ulit siya kaya siya ang napagbuntungan ko ng galit. "Tama n--!"
Pak!
Pak!
Pak!
Binigyan ko siya ng mag-asawang sampal sa pisngi "Malandi ka Lucia!" lumanding din sa wakas ang mas masakit na sampal kay Lucia.
Pak!!
Muntikan na matumba ito dahil sa lakas ng impak "Tama na sabii!!" bahagya niya ako naitulak kaya kaunti na lang masusubsob na ang mukha ko sa sahig. Di ko alam ang mga sumunod na mga nangyari pero ang alam ko lang ay sumasakit ang tiyan ko, hinawakan ko ang bandang pang-upo ko saka ko lang naramdaman ang likido.
'Dugo? Hindi ang baby ko!'
"Tulungan mo ako Noel ang baby natin!" ang boses ko at may himig na pagkataranta at takot. Dun lang nagawang kumilos ni Noel, kinuha ako ni Noel para buhatin palabas at iniwan si Lucia.
DINALA ni Noel sa hospital si Emily at kamustahin ang lagay nito. "Doc kamusta na yung baby namin?" habang unconscious pa si Emily.
"This is sad news, your baby is gone."
Isang bombang sumabog nagpagimbal sa pagkatao ni Noel "w-what?" parang nabingi si Noel sa sinabi ng doctor.
"Nalaglag ang anak niyo."
"Huh! P-paano ko sasabihin sa asawa ko na wala na ang baby namin?"
"She deserved to know the truth."
Napaupo na lang at saka nag-iiyak sa labas ng silid, habang sa loob naman. Si Emily ay nagising sa pagkakahimbing.
Inilibot ko ang aking paningin sa paligid, napagtanto ko na nasa hospital bed pala ako pero nasan si Noel? Dun lang bumukas ang pinto ng silid ko.
Si Noel ay medyo kinakabahang tumingin sa asawa, paano sasabihin sa kaniya na wala na ang baby nila.
Hinaplos ni Emily ang impis ng tiyan, dun lang napagtanto na parang wala na ang baby nila.
"Ang baby?"
"I'm sorry!"
"HINDI ANG BABY KO HUHUHU!!!" na akmang yayakapin ang asawa at aaluin ito sa pag-iyak biga namang hampas siya ng malakas na sapak at sampal lumanding sa akin. Sa sobrang lakas ay parang nakakabingi, pinabayaan na lang niya ito upang mailabas pa nito ang galit hangang sa mag-sawa at mapagod.
"Walang hiya ka wag na wag mo akong lalapitan!" tindi niya ang galit, poot at muhi nito.
"I'm sorry!"
"Umalis ka na! Ayoko na kita makita pa."
Walang nagawa si Noel kundi lumabas ng silid, 'what am I done?' tanong ni Noel sa sarili.
MGA ILANG araw na si Emily sa hospital ay sa wakas nakalabas siya pero baon ang lungkot sa pagkawala ng anak. Maski pati ang mga magulang niya ay alam ang nangyari, gusto sana sugurin at bugbugin si Noel ng ama ko pero pinigilan ko siya dahil wala na magagawa pa.
Kinabukasan araw ng libing ni baby King, nang magpunta si Noel sa Mansion. Galit na galit humarap si Emily kay Noel.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Nais ko man lang makasama ang anak natin kahit sa huling hantungan nito, di naman ako magtatagal dahil alam ko na galit ka at ayaw mo ako makita."
"Pagkatapos ng ginawa mong kataksilan at pagpatay mo sa anak natin, sa tingin mo mapapatawad pa kita?"
"Di ko hinihingin ang patawad mo, nais kong makasama ang anak ko kahit ngayon lang."
"Hinding-hindi mo na madadalaw ang anak ko kahit kelan, alam mo. Sana ikaw na lang ang namatay!"