After the kissed, tinulak ko si Lucia sa sahig. Di ko inaasahang gagawin niya sa akin yun "Lucia! What the hell?"
"I'm sorry!" napatayo ito na wala sa oras, ang kaninang nag-aalalang anyo ni Noel ay naging galit. Ito'y isang patibong para kay Noel ngunit hindi naging madali dahil mukhang masisira pa yata ang mga plano ko.
"Ano ba talaga itong ginagawa mo? Gusto mo ako akitin, am I right? And to think na maaakit mo ako sa ganitong pamamaraan, puwes nagkakamali ka!"
"Mahal kita kahit noong una kitang makilala at kahit noong wala pa si Emily na pinakilala ko sa'yo minahal na kita!" she shedding tears.
"Lucia! Sasabihin ko sa'yo ito" huminga muna si Noel nang malalim saka nagsalita. "Kaya ako nakipaglapit sa'yo ay upang magpapasin kay Emily."
Tila patalim na tumusok sa kaniyang puso, di niya matanggap na kaya pala niya ako kinaibigan ay para kay Emily "I'm sorry Lucia, di ko talagang intensyon nakipaglapit sa'yo para kay Emily pero mahal na mahal ko siya."
"Bakit mo nagawa sa akin ito!?" pinagbabayo ni Lucia ang dibdib ni Noel ngunit dahil malakas si Noel, nagawa nitong sanggain ang mga kamay.
"Huhuhu! BAKIT?!" isa pang suntok sa dibdib ay tuluyan na nanghina si Lucia, kung alam lang niya kung ano ang dahilan ay sana di na sila nagkalapit at di na sana sila naging magkasintahan.
"I'm sorry Lucia--!" naputol ang sinasabi ni Noel nang may lumanding na sampal sa pisngi niya.
PAK!
"LUMAYAS KA NA, ALIS SABI!" pinagtulakan ko na siya palabas ng bahay, umiiyak na napahilamos at niyakap ang sarili saka napaupo sa sahig.
Walang nagawa si Noel, sumunod na lang siya sa sinabi nito. May parte kay Noel na nag-sisisi, kahit papaano ay naging mahalaga din si Lucia para sa kaniya pero si Emily talaga ang mahal niya at hindi si Lucia.
***
Kinabukasan...
Nagbago ang pakikitungo ni Noel kay Lucia, araw-araw na lang niyang iniiwasan kapag lalapit ito sa kaniya. Si Emily naman ay nakakahalata na para bang may nangyari na di niya alam.
"Are you guys okay?" tanong ni Emily, tila nagtatakang tanong habang naglalakad sila ni Lucia sa may parking lot sa gilid ng school.
Di nakaimik si Lucia. Iniiwasan na rin niya ang mga tanong nito, di napigilan ni Emily ang kunin ang braso nito at pinaharap sa kaniya.
"Tinatanong kita, mag-bestfriend tayo. No more secret, kung meron kang problema ay dadamayan kita nandito lamang ako upang maging sandalan mo Lucia."
"I-i can't tell you."
"You know what? We're bestfriend back in highschool, I know kung may gumugulo diyan sa isip mo whether it's family or money so come on tell me!"
"Gusto mo malaman?"
"Of course!" nagtitigan sila sa isa't-isa pagkatapos bigla na lang umiyak si Lucia sa harapan niya.
"May isang lalaki ako nagugustuhan. Pero nang magtapat ako sa kaniya na 'mahal ko siya', iniwasan niya ako mula ngayon at sinabi niya na may nagugustuhan na siyang iba. Alam mo ba kung sino ang nagugustuhan niya?"
Tila kinabahan ako sa sasabihin niya, bakit kaya napakalapit sa akin ang mga sinabi nito?
"Sino?"
"Ikaw! Ikaw ang nagugustuhan niya samantalang ako ang una niyang nakilala bago ikaw!"
"Si Noel ba ang tinutukoy mo, na lalaking mahal na mahal mo?"
"Oo! Siya nga!" tango nito, di pa tumitigil sa kakaiyak. May bahid sa boses nito ang pagseselos, galit at poot "kung alam ko lang na ikaw nagustuhan niya, sana di na lang kita pinakilala sa kaniya at sana di na lang kita pinalapit sa kaniya." Dinuro ko ang sarili ko "kasi itong nararamdaman ko para kay Noel matagal na sumibol pero anong ginawa niya? Ginamit lang niya ako para mapalapit sa'yo!"
"L-lucia hindi ko alam!" umiling ito, akmang lalapitan ni Emily si Lucia ngunit tinulak siya nito palayo.
"Wag kang mag-alala, dahil friendship over na tayo!" tumalikod ito at umalis. Ngayon ko lang napagtanto kung bakit nag-iiwasan ang dalawa at hindi man lang nag-uusap.
NANG PUMUNTA si Emily sa classroom ni Noel. The next thing she did, she slap her boyfriend on his face in front of the classmates.
"Emily---" Pak! Isang sampal sa mukha ni Noel.
"Ano ba talaga ang nangyari sainyo ni Lucia? Ipinagtapat niya sa akin na may gusto siya sa'yo, and yet di mo sinabi sa akin!"
"Alam ko na gusto niya ako pero wala akong gusto sa kaniya, ni hindi ko siya nagustuhan kahit noong di pa kita nakilala. Hangang kaibigan ang tanging maibibigay ko sa kaniya."
"Pero ang sabi niya na ginamit mo lang siya."
"Kahit kelan man di ko siya ginamit sinabi ko yun para tigilan niya na ako, Oo minsan nagpapatulong ako sa kaniya para makita kita, makausap at masilayan lamang kita sa malayo kaya gumagawa ako ng paraan para mapalapit sa'yo. At nang sagutin mo ako, nag-alala ako sa kaniya nang tumawag siya sa akin isang gabi. I thought she sick pero nang maabutan ko si Lucia na nakahiga sa sahig, bigla niya akong hinalikan."
"Bakit ngayon mo lang sinabi ito sa akin, are you planning to keep this secret from me, forever?"
Umiling si Noel "no! Hindi ganun yun, sasabihin ko dapat sa'yo kaso natatakot ako na baka mawasak ang pagkakaibigan niyo ngayon pa nga lang na alam mo na may gusto siya sa akin."
Lumuhod si Noel sa harapan ni Emily tila nagmamakaawa "please! Patawarin mo ako kung may mga di ako nasabi sa'yo, wag mo naman sana ako hiwalayan nang dahil kay Lucia kakasagot mo pa lang sa akin. Mahal na Mahal kita Emily, nagbago ako magmula nang makilala kita at iniwan ko ang pagiging play boy ko para sa'yo. Handa ako magpaka-under sa'yo, susunod ako sa lahat ng inuutos mo kahit pahirapan pa basta't wag mo ako hiwalayan."
Napabuntong hininga si Emily, mahal na din niya si Noel. Bahala na kahit magalit si Lucia sa akin, this is the perfect time na sundin ang tinitibok ng puso kaysa naman laging si Lucia ang inaalala ko.
"Hindi naman talaga ako makikipaghiwalay, tinatakot lang kita para usigin ka minsan ng konsensiya mo!"
"Joke ba yon?" anito tumayo pa.
"Hindi huh! Alam ko naman talaga na tapat ka sa mga sinasabi mo, kaya dinaanan muna kita sa mga simpleng acting ko hahaha!!!"
"Ikaw talaga! Akala ko totohanin mo na."