Tama si Emily, Dapat ako na lang ang namatay, kundi dahil sa ginawa ko pagtataksil, di na sana malalaglag ang anak namin at di na sana namatay ang anak namin. Di ko alam kung kelan niya ako di mapapatawad.
"Dad is it our little brother in heaven?" tanong ng panganay kong anak na babae na si Sydney, tumango lang ako bilang sagot.
"Yes!"
"Bakit napupunta sila sa heaven?"
"Dahil dun napupunta ang mga mabubuti ang kaluluwa nila, napupunta sa langit why did you suddenly ask?"
Di nakaimik ang 5 year old daughter ko, pinalapit ko siya sa akin at niyakap sa aking bisig.
'Sana mapatawad mo pa ako Emily, sa mga katarantaduhang ginawa ko. Kung saan kaman baby King anak! Sana mapatawad mo pa ako' ani ko pakiusap.
LUMAPIT SI NOEL sa puntod ng anak, dala ko ang bulaklak na puti at saka nilatag sa lapida. "Anak! Kung nasan ka man sa langit, sana mapatawad mo ako." Habang nagsasalita sa harapan ng puntod, di mapigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo "Your dad is such a jerk, I deserved this punishment for what I did to your Mom and of course.. you my son."
"Deserve ko na di mapatawad ng Ina mo, Napaka-walanghiya ko. Hayaan mo anak, gagawin ko ang lahat maibalik lamang sa dati ang lahat." sabay punas ng luha sa pisngi.
5 YEARS AGO (Past)
My name is Emily the beauty and brains top nocher student or top one in University of Philippines. One of the most beautiful, most popular and most genius, lahat na yata ng most ay nahakot ko na. Pinakamabait, pinakamaganda at pinakamatulunging anak kaya maraming nagkakagusto sa kaniya.
I am the opposite of Lucia, my best friend since highschool. Matalino din ito pero hangang top 2 siya, maganda at mabait din ito ngunit nasa loob ang kulo.
"Lucia!" tawag ko sa kaniya, sabay lingon sa akin "Emily!" nagyakapan kami. Agad din kami kumalas.
"Gusto libre Kita?" sabi ko.
"Sige bah! Gusto sa favorite fast food yung Jollibee."
"As you wish!" nagyakapan ulit kami, hudyat na magsisimula na ang klase dahil tumunog ang bell sabay kami nagtungo sa classroom.
Nagsi-upo na kami sa kaniya-kaniyang upuan nang dumating na ang Prof namin, bawat puwesto at pagkaka-arrange ng apilyedo ay maayos.
"Okay class malapit na ang graduation day niyo, excited na ba kayo?" ani sabi ng Prof. Naghiyawan at nagtitili ang lahat puwera lang kay Lucia, tila malalim ang iniisip at tahimik sa sulok.
"Lucia!"
"Lucia!" napaitad sa bigla si Lucia dahil may tumapik sa kaniya, napatingin ako sa lahat pati kay sir Andrei.
"Lucia di ka na nakinig."
"I'm sorry sir" dumuko si Lucia na paraan ng paghingi ng paumanhin, pero sa loob niya ay sama ng loob. Alam niyang di gusto ng Prof ang ugali niya dahil patago.
LUNCH TIME..
"Anong nangyari sa'yo bakit tahimik ka yata at wala ka sa tamang huwisyo?" tanong ko, nasa basketball court kami nanonood ng laro at kumakain ng kaldereta.
"Wala may problema lang sa bahay" tanging nasabi nito ngunit nagsinungaling si Lucia sa kaibigan.
"Puwede kita tulungan--.
"Wag na Emily, kaya ko to" ngumiti ito ng pilit.
Aalis na dapat kami ng covert court nang sumingit si Noel at mga grupo niya sa harapan namin "Hi Emily!"
"N-noel what are you doing here?" Bigla ako napaatras dahil lapit ng mga mukha namin, bigla na naman bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa paglapit niya.
"Why? is it bad to court the soon to be my wife?" mas lalong lumapit ang mukha nito sa akin, she smell his fresh breath above of her nose. Matangkad kasi ito kaya umaangat ang mukha ko sa kaniya.
"Soon to be my wife yang mukha mo, baliw ka na talaga" she said sarkastic but mixing tenderness.
"Yeah baliw na talaga ako.. sa'yo" sabay ngiti, ayan na naman ang mapuputi niyang ngipin at kay pantay pati ang mga mata na nagungusap. Parang hindi playboy ang nakikita ko sa halip ay good boy na ito.
"Uhm!" napalunok ako bigla, di ko namalayan na may nagseselos sa gilid at kay sama ng tingin na pinukol nito sa akin. Di nagpapahalata ngunit nagbabadyang gusto akong sabunutan.
"Oo nga pala" nilabas ni Noel ang tinatago niya sa likuran niya at pinakita kay Emily "flowers for you" bigla niya ako hinalikan sabay takbo.
Halos natulala ako dahil sa ginawa nitong paghalik sa akin, hinawakan ko ang labi ko at dinama maiigi saka napangiti. Kay saya ng aking nararamdaman at tila napakasuwerte ko habang si Lucia ay nagtitimpi lang.
TUMATAKBO SA saya si Noel kasama ang mga kabarkada ko "Pre wait lang ang bilis mo" sabi ni David na medyo hinihingal na rin.
"Woohoo! Sa wakas nahalikan ko na rin siya!"
"Baliw ka na talaga!"
"Guys tulungan niyo ako na mapasagot siya" yaya ko sa mga kaibigan ko.
Napamaang mga kaibigan ko tumingin sa akin, mukhang alam na nila kung bakit. In love na si Noel, never pa siya umibig dahil wala pa nagpapatino nito dahil kilalang playboy ako ng campus.
A campus heartrob, sometimes troublemaker. Minsan na rin ako muntikang makabuntis buti na lang nagsabi din ng totoo ang babae, isang laro lang para sa akin ang mga babae at minsan two timer pa.
But when I finally met Emily in unexpected incident, talagang na love at first sight ako. Para siyang anghel na bumaba sa langit, may isa lang problema ang bestfriend nito na si Lucia.
I know may gusto ito sa akin, ayaw lang niya ipahalata. Kaya minsan lang ako lumapit kay Emily kapag solo lang siya at walang kasama. Nagpa-plano ako kung paano ulit lumapit sa kaniya.
UUWI NA SANA si Emily nang may namigay ng mga rose at naghagis ng mga petals sa gilid kaya nagtaka ako kung bakit may ganun at ang dami ng tao sa paligid.
Nangunot ang noo ko habang naglalakad pagkuway yumuko, baka may event ngayon kaya ang daming tao. 'May artista kaya?' sabi ko sa sarili.
"Ano yun?"
"Emily---!"
"Ay palaka!" napatili ako sa gulat, nabungaran ko si Noel sa harapan ko "Noel bakit ang hilig mo mang-gulat?"
"Ang cute mo kasi kapag nagugulat ka."
"I-ikaw ba ang may pakulo nun?"
"Oo!" dahang-dahan ito lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko "Will you..?" paputol nito Napasin ko ang karatula sa gilid namin, bakit kanina di ko napansin yun? May nakasulat na 'Will you be my girlfriend'
'What?'