Chereads / The Wife and the Mistress / Chapter 5 - Chapter 4: Stolen Kiss

Chapter 5 - Chapter 4: Stolen Kiss

"Noel" she shout his name, he was going avoid me everytime and everyday I'm come near him. Miss na miss ko na siya, tila nakaramdam ako ng guilt sa sarili ko dahil sa pag-basted niya rito.

"Noel!" she called his name again but he didn't even turn his face around me, he continued marching. Humakbang ako palapit rito kahit lumalayo pa ito.

"Please let's talk!"

"At ano pa ba paguusapan natin? Malinaw na sa akin na ayaw sa akin, na ayaw mong ligawan kita" anito may bahid na galit.

"Di naman sa ganun, Noel kaya ako di pumayag dahil gusto ko muna makapagtapos ng pag-aaral."

"Eh! Gusto ko ngang maging tayo" sabay lingon nito sa akin. Walang sabing-sabing nag-walk out.

"Noel oo na, tayo na!" sabi ko para di na ito magalit pa, sa totoo lang ay wala talaga ako balak gawin yun. Pero may nagtutulak sa akin na pumayag sa gusto nito.

Saglit ito napatigil, lumingon ito sa akin at nakita ko ang kasiyahan sa mukha nito.

"Tayo na!" she say it once again.

"Really!" tumakbo ito palapit sa akin at dinakma ang magkabilaang braso ko, pinakatitigan niya ako mata sa mata.

She nodded "Yes!" bigla lang niya ako niyakap at nagsisigaw sa tuwa.

"May girlfriend na ako!"

Si Lucia naman tila na-curios kung bakit sumisigaw si Noel at pinapapigil ito ni Emily "Whooo! Yes!"

"Ano ka ba wag kang sumigaw nakakahiya!" saway ni Emily rito, hinampas pa nito si Noel.

'Bakit masaya si Noel, ano kaya ang ginawa ni Emily para mag-sisigaw sa tuwa si Noel?' tanong ni Lucia sa isip, pero may pumasok na sa idea niya 'hindi! Hindi maaari ito!'

"LUCIA MAY ipagtatapat nga pala ako sayo" ani ni Emily habang naglalakad sila sa may kalagitnaan ng canteen.

"Ano nga pala yun?" tila walang mapagkunwari walang alam sa na laman niya.

"Ako at si Noel ay..k-kami na!" masaya si Emily dahil tila ayaw magpahalata ni Lucia na hindi siya nasisiyahan sapagkat ang lalaking inaasam niya na magugustuhan din siya at ang kaibigan ay magkasintahan na. Parang ayaw niyang maniwala pero parang sinasaksak siya ng kutsilyo sa dibdib sa sinabi nito, bakit ganito kasakit?

"W-wow! Congrats sa'yo at naging kayo ni Noel!" pilit na ngiti aniya ko pero sa loob-loob ko 'di dapat nangyari ito!'

"Are you happy for me?"

"O-oo naman!" kahit ang totoo ay hindi, niyakap ako ni Emily. "Ang saya ko beshie, sobra!" ang ngiti ni Emily umabot hangang tenga.

"A-ako rin masaya!" kumalas na siya sa pagkakayakap niya sa akin, parang gusto ko magwala ngunit ayaw ko makahalata si Emily na hindi bukal sa puso ko pagmamahalan nilang dalawa.

"ANAK MALAPIT na pala ang debut mo, konting araw na lang at magiging 18 years old ka na. I'm so proud of you my princess hay! Ang bilis ng panahon kung kelan lang napaka-liit niyo pa lang, ngayon may boyfriend at magiging 18 ka na" napapaiyak turan ng Ina niya na si Doña Rosa sa anak.

"Oo nga po ang bilis, pero kahit man po mag-asawa na ang anak niyo ay patuloy pa rin ako dadalaw at bibisita sainyo syempre Mama ko kayo eh!"

"Hmm! Na-touch naman ako dyan anak, napaka-suwerte ko at naging anak kita my daughter my princess."

Nagyakapan silang dalawa, kapwa masaya tila ito ang moment nilang dalawa nang di nila napapansin ang tatlong nakatayo sa sulok ng pinto.

Ang Ama at ang dalawang magkuya. Tila nasisiyahan, napapangiti sa kanilang nakikita. Pinutol na nila ang moment ng dalawa bago pa magiyakan tuluan ng luha.

"Ops! Ops! Ops! Puwede ba kami sumali diyan?" anang ama ni Emily na si Emil.

"Of course Dad, puwedeng-puwede!"

"Hahaha!"

"Dad naman next time wag po kayo paningit sa moment namin ni Mama" nakalabi pa tila kunwaring nagtatampo.

"Sorry anak, ikaw talaga oh!"

"Okay tama na group hug!" nagyakapan silang lima, sapagkakataong iyon ay wala nang mas sasaya pa. Sana Wala nang dumating na kahit anong pagsubok nakakaharapin at sana magtuloy-tuloy na.

SA NALALAPIT na debut at graduation day, niyaya pa ni Emily si Lucia na kumain sa labas "kain tayo sa labas, my treat."

"Talaga!"

"Oo naman! Saan mo gusto?"

"I want Jollibee" nakangiting turan ni Lucia, naglalakad na sila palabas ng pinto ng school nila.

"Okay tara!"

Tuloy-tuloy na dapat kami sa gate nang harangin kami ni Noel "Saan kayo pupunta guys?"

"Sa jollibee sana eh! Sama ka?" tanong ni Emily, tila umiba ang timpla ng mukha ni Lucia. Suddenly change her mood.

"Oo naman! Basta't subuan mo ako kapag kumain tayo" anito tumingin pa si Noel kay Lucia na parang nagkakailangan sa isa't-isa.

"Lucia okay ba sa'yo na isama natin si Noel?" tanong ni Emily napalingon pa sa akin, nag-aantay na ng sagot.

"O-oo! Payag ako" tanging nasabi ko.

"Kung ganun tara!"

Umalis sila sa University of the Philippines saka sumakay ng kotse papuntang Jollibee.

Ang sweet nina Emily at Noel, nagsusubuan pa sa harapan niya samantalang siya ay tila isang third wheel sa kanilang tatlo.

'Dapat pala kung alam ko lang ganito ang makikita ko edi sana di na lang ako sumama sa kanilang dalawa!' sabi ko sa isip. Nanginig ako sa galit, napansin ni Emily ang di ko pag-galaw sa pagkain at ang mga kamay ko ay nanginginig hawak ang tinidor.

Napansin din nito ang masamang tingin ni Lucia sa kaniya kaya tinanong ko ito "Lucia okay ka lang ba?"

"Huh! O-oo naman!" nagising sa pagkatulala niya kanina.

"Gusto mo na ba umuwi?"

"Oo!"

"Pagda-drive na kita" paanyaya ko, nakauwi na sina Noel at Emily pero si Lucia ay hindi pa. Nagiiyak sa sulok, nagpupuyos sa galit at pagseselos.

Kinuha ni Lucia ang cellphone niya mula sa bulsa saka nag-dial ng numero at tinawagan si Noel.

Nagtaka si Noel nang may tumawag ng ganitong gabi, unknown number ito. Nung una di niya pinansin pero nang nag-ring ulit sinagot ko na kasi makulit "hello sino to?"

"N-noel s-si Lucia ito!"

"Lucia bakit ka napatawag ng ganito gabi na, at saka bakit ganyan ang boses mo?"

"T-tulungan mo ako!" naa-lerto si Noel, tila nataranta sumakay si Noel ng SUV at pumunta sa bahay nito.

Nang makapunta si Noel sa bahay nito ay natagpuan niya na nakahandusay ito sahig, lumapit siya rito saka ginising ito sa pamamagitan ng pagtapik sa mukha nito.

"Lucia! Wake up."

"Wake up!" ilang saglit pa ay nagising ito "N-noel!" aniya tawag nito sa pangalan ko.

"May masakit ba sa'yo?" nasa tono ng boses ni Noel ang pag-aalala, namalayan na lang ni Noel na kinabig nito ang ulo ko at hinalikan niya ako sa labi na ikinagulat ko.