Chereads / Broken Trust | Completed / Chapter 66 - Chapter 64

Chapter 66 - Chapter 64

Chapter 64: Unexpected Meeting

Isa sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko ay 'yong napatawad ko si Papa nang nabubuhay pa ito, wala akong dapat pagsisihan dahil namayapa ito nang matiwasay, lahat ng dapat niyang gampangan sa buhay ay napunan niya lahat. Nagkamali man siya ngunit bumawi pa rin.

On the other side, it's still hard to accept this moment that he is finally get back to the heaven. However, thankful pa rin ako sa seven years nitong pamumuhay kahit may karamdaman na itong iniinda sa loob na taon na iyon, tumagal pa rin siya ng ganoon. Naiisip ko nga na kaya siguro binigyan pa siya ng etxra years ni God ay dahil para bumawi sa pagkukulang niya sa amin.

Sabi ko sa sarili ko na hindi ako iiyak, pero kinain ko rin ang sinabi ko. Habang dinadala na ito sa huling hantungan, doon na bumuhos ang luhang pinipigilan ko. Naiyak din si Mama at ang asawa ni Papa.

"Okay lang iyan." Prince took my hand and held it tightly. Nandito kami sa sementeryo at nililibing na si Papa. Kahit busy si Prince sa trabaho niya ay nagawa niya pa rin makiramay and at the same time, damayan ako. Samantalang 'yong iba ko pang mga kaibigan ay hindi nakapunta dahil sa kanilang mga trabaho kaya sa text na lang sila nag-condolence sa akin.

Umiiyak pa rin ako hanggang makauwi na ako sa bahay, binigyan ko muna ng isang araw na day off ang sarili mula sa trabaho dahil sa mga nangyari.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtulog when my phone suddenly rang. Kahit inaantok pa rin ako ay sinagot ko ang tawag. Inisip kong baka may emergency.

"Hello?"

"Ma'am, Jam. May isang matandang babae rito, nagrereklamo dahil may ipis daw 'yong kinakain niyang cupcake, kailangan po namin ng tulong niyo."

Lahat ng dugo ko sa katawan ay nabuhay. Tumayo ako at agad inayos ang sarili. Masamang balita ito, iyon ang bagay na kinatatakutan ko sa lahat ng puwedeng ma-ecounter ng customer ko sa shop. Gosh, paano nangyari iyon, gayon sinigurado naming malinis ang paggagawa namin ng mga produkto?

Sinabihan ko siyang papunta na ako at hintayin lang akong dumating.

Saktong paglabas ko ng bahay ay nakita ko si Prince; iginagala ang aso nito. Nakita niya rin agad ako at nagtanong kung bakit daw ako nagmamadali at saan daw ako pupunta.

"May nangyaring hindi maganda sa shop," sagot ko.

"Ha? Tara na, sakay ka na sa kotse ko."

Hindi ko na nagawang tumanggi pa dahil kailangan ko na rin kasing makarating sa shop. Nagmamadali niyang ipinasok 'yong aso niya sa loob ng bahay at lumabas agad, kahit sando at short lang ang suot nito ay agad niya pa rin akong sinamahan.

-

Pinauna na ako ni Prince na pumasok sa loob ng shop dahil ipa-park lang daw niya muna saglit 'yong kotse niya. Malawak na ngiti akong pumasok sa loob even deep inside, sasabog na ang puso ko dahil sa kaba. I have to be nice to the customers even to the rude customers.

Agad kong hinanap 'yong helper ko at 'yong matandang babae. Medyo nakakaramdam na ako ng hiya dahil nag-iiskandalo ang babae sa counter at halos lahat ng customer ay pinapanood siya. Kahit 'yong guard ko ay walang magawa kung hindi, bantayan 'yong babae.

"What happened?" tanong ko at hinarap ang babae.

"You are the owner of this shop?" mataray nitong tanong. Gosh, nakakatakot 'yong kilay niya.

"Yes, why? What's the point, then?"

"Meron kasi akong nakitang ipis sa loob ng cupcake na ito." Iniharap niya sa akin 'yong cupcake. Napakunot ang noo ko dahil hindi ganoon maliit 'yong ipis, kundi ay ka-size ito ng hinlalaki sa daliri. Imposibleng hindi namin napansin iyon habang ginagawa, dahil sa laki no'n ay makikita namin agad iyon sa cupcake. "See? Kabago-bago niyo lang dito ay madumi na agad itong shop niyo. How come when it takes longer? Maraming pang ipis ang ipapakin ninyo sa customer niyo? Nakakahiya kayo!"

"Sorry for inconvenience, but we were actually make sure that our product we've manufactured is safe to eat before it serve to the customer. And in this case, walang bahid ng katotohanan na may ipis talaga iyan cupcake. Sa laki niyan, iposibleng hindi napansin. Halos lagpas na nga sa size ng cupcake, eh!" Hindi ko na napigilan ang sarili para sumigaw na rin. Gosh, nakakahiya.

"Wala ka manlang respeto sa customer mo and yet, mas matanda pa ako sa iyo. Bastos ka palang magsalita."

"Kailangan ba na gumamit ako ng word na 'po' at 'opo'? Remember this, hindi sa edad nasusukat ang salitang respeto, sa ugali iyon. And on your attitude, it can't even reach the word respect. Respeto muna sa shop ko bago kita rerespetuhin bilang matanda."

"Ikaw pa ang may ganang pagsalita ako ng ganiyan. How could I respect your shop if ganito ang nangyari. Papatayin niyo ako dahil d'yan sa pagkain niyong may insekto?!" Nangibabaw na ang boses niya kaya tumigil ang ilan kumakain at nanood na sa eksena. "Ipapa-report ko kayo sa inuukulan para tuluyan bumagsak itong shop mo."

"Without any evidence? Let's watch the CcTv camera before ka magreklamo. Malay ko ba na sinadya mong lagyan ng ipis 'yong cupcake namin." Papasok na sana ko ng office ngunit saktong pumasok si Prince at may sinabi ito. Natigilan ako doon.

"Nanay ni Oliver?"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko at tumingin sa kanila. Sa tagal ng panahon na huling kita ko sa nanay ni Oliver ay hindi ko na matandaan ang hitsura nito.

"A-ako nga? B-bakit, Prince?" sagot nito.

"Magkakilala kayo?" tanong ko.

"She's my step mother. Nanay siya ni Oliver. Bagong asawa ng tatay ko." Lumapit sa tabi ko si Prince. Mabuti't tanda ko pa rin 'yong issue sa mga pamilya nila. "Ano raw problema?"

"May ipis daw 'yong cupcake na kinakain niya, at mukhang sinadya lang lagyan dahil sa laki nito para doon." Napatingin si Prince sa cupcake at napakunot ang noo.

"Kaya nga. Imposible naman iyon," sambit nito. Pareho kaming tumingin nang diretso sa babae. Pero may biglang tumatakbo sa isipan ko, kung nandito itong nanay ni Oliver, nandito na rin ba sa Pilipinas si Oliver? I gently shaked my head because of my thoughts, imposible iyon dahil matagal nang hindi nagkakasunduan ang dalawa.

"Forget what I'm complaining about. Aalis na ako. Just double check na lang siguro kapag gagawa kayo ng bagong produkto kung malinis ba ito para hindi na maulit itong pangyayari. Sorry sa 'yo. Otherwise, masarap naman 'yong mga cakes niyo, lalo na iyon drinks niyo." Kung anong naging awra niya kanina ay biglang nag-iba. Medyo nakaramdam ako ng hiya dahil sa inasta ko kanina, lalo na't nanay siya ni Oliver, ang pangit ng first impression nito sa akin.

"Sorry rin po sa sinabi't kinilos ko po."

Ngumiti ito sa akin at nagsimulang maglakad papalayo pero bago siya tuluyan makalabas, hindi ko inaasahan 'yong tanong na lumabas sa bibig ko.

"Asaan po si Oliver?" Napatingin sa akin ni Prince at 'yong babae.

"Matagal na kaming walang koneksyon sa isa't-isa. Besides, hindi niya pa rin ako napapatawad." Ramdam ko sa boses niya ang lungkot. "Ikaw si Jamilla, 'di ba? Nabasa ko lang sa nameplate mo. Girlfriend ka ng anak ko?"

Natigilan ako sa tanong niya. Lumipas ang ilang segundo pero wala akong naisagot, ngumiti na lang ito at tuluyang naglakad palabas ng shop. Masasabi ko pa bang boyfriend ko pa si Oliver, gayon hindi pa kami nag-be-break pero wala na kaming komunikasyon?

"Huy." Prince nudged me, so my mind came back to myself again, though. "Ayos ka lang?"

"Yes." Naglakad ako papasok sa office at pinanood pa rin 'yong clip ng CcTV camera. Nakinood din si Prince. Mabuti't malinaw at hagip ng camera kung saan nakapuwesto 'yong nanay ni Oliver kanina.

Nag-cr lang nang saglit ang nanay ni Oliver at may isang babaeng hindi nahagip sa camera ang mukha ang lumapit sa table niya at inilagay 'yong ipis. Then, pagbalik ng nanay ni Oliver ay nataranta siya at nagsimula na siyang mag-iskandalo. Sandali lang 'yong babaeng naglagay ng ipis at umalis din agad sa shop. Nagulat ako sa nangyari, tama nga 'yong hinala kong sinadyang ilagay 'yong ipis doon.

"Gosh, may sumasabutahe sa shop ko. Nakakatakot," sambit ko.

"Sino kaya iyon?" tanong niya.

Sinabihan ko na lang 'yong guard na mag-suri nang maiigi sa mga taong kumakain sa loob ng shop, at kung may kahina-hinala itong kinikilos ay ibigay alam niya agad sa akin iyon.

Hindi ko alam kung sino 'yong babae na iyon pero malakas 'yong kutob ko na babalik pa siya sa susunod na araw. Hays. I hope it will never happen again. Masisira ang pangalan ng shop ko.