Chereads / Broken Trust | Completed / Chapter 67 - Chapter 65

Chapter 67 - Chapter 65

Chapter 65: His Persistence

Simula no'ng pangyayari, nagsimula na rin malugi 'yong shop ko. It was because there's an issue spread out from internet, may mga customers ako ng mga araw na iyon na pinicturan 'yong cupcake na may ipis at i-post sa social media. And I, kasama din ako doon kasi rude raw ako makipag-usap sa customer. sa The sad thing about this is that the pictures went viral. Madalang na lang ang na-order sa amin at iniisip ng mga tao na marumi 'yong mga pagkain sa shop ko.

Ilan araw na ang lumipas at hindi na rin bumalik 'yong babae, hindi ko pa rin kilala kung sino siya at kapag dumating 'yong oras na makikilala ko siya, hindi ako magdadalawang-isip para ipa-report ko siya sa inuukulan agad. Dahil sa kanya nasira ang reputasyon ng shop ko.

"Ano na'ng gagawin natin? Any suggestion?" Nagkaroon kami ng pagpupulong ng mga tauhan ko at humihingi ako ng idea sa kanila para bumalik 'yong dating ligaya ng shop.

"Mamigay tayo ng flyers sa mga dumadaan sa harap ng shop natin para sa ganoon ay mahikayat natin silang kumain rito," suwetsyon ni Alin na isa sa helper ko sa counter.

"Mag-post ka sa page natin para i-confirm na hindi tayo ang may kasalanan kung bakit may ipis 'yong cupcake. At 'yong clip ng CcTv camera bilang evidence natin," suwetsyon ni Chef Raffy.

"Good idea," komento ko habang sinusulat sa notebook 'yong suggestions nila.

"Mag-isip pa tayo ng bagong flavor ng cakes and cupcakes," suwetsyon ni Chef Elle. 

"What if magpalagay tayo ng free wifi," suwetsyon ni Eka na isa rin sa mga helper ko sa counter.

"Gumawa na tayo ng advertisment para sa ganoon madaling ma-discover ng iba itong shop natin. I-feature natin 'yong pinaka mabenta na cakes and cupcakes. Ano sa palagay niyo?" Lumawak ang ngiti ko dahil sa sinabi ni Chef RJ.

"May budget pa ba tayo para doon?" tanong ni Chef Raffy.

"Yes!" sagot ko.

"Alright!" komento niya.

"But before we begin to do that, we should dissolve the issue first. We were gonna ask the owner to delete those pictures which went viral, bago tayo mag-post sa facebook page natin about sa response natin sa issue. So that, puwede na tayo mag-proceed sa advertisment," I stated.

"Sana bumalik 'yong buhay ng shop natin, 'no," sabi ni Alin.

Naka-open 'yong shop namin ngayon ngunit wala pa rin customer. Nakakalungkot lang isipin na last week ay sobrang dami ng customers pero ngayon ay wala, miski isa.

"Normal lang ito. Makakabangon din tayo!" sabi ko.

-

Lahat ng suwetsyon nila ay sinubukan naming gawin. On the next day, hindi na namin sinayang ang oras, nagpa-install na kami agad ng free WiFi as Eka's suggested and nagpa-print na rin kami ng flyers as Alin's suggested, too. Yesterday right after our meeting, nag-brainstorming naman kami for the new flavors na i-dadagdag namin sa menu. Thankfully because we come up with 5 flavors.

Nag-send na rin ako ng private message sa owner no'ng litrato na kumakalat sa internet, kasalukuyan na lang akong naghihintay ng response niya.

Nandito ako ngayon sa harap ng shop at namimigay na ng flyers sa mga taong nadaan. Mostly, estudyante ang nabibigyan ko at mabuti na lang ay nahihikayat ko silang kumain sa loob kahit papaano.

"Anong ginagawa mo?" Napatingin ako sa gilid ko nang may nagsalita, si Prince pala. Hindi ko manlang namalayan.

"Namimigay ng flyers, nalulugi na 'yong shop, eh."

He has something get out from his pocket and immediately wipe my face by it. Nagulat ako pero ningitian ko rin siya at hinayaan sa ginagawa. "Pawis na pawis ka na," sabi niya habang patuloy sa pagpunas ng mukha ko. "Bakit kasi tanghaling tapat ka namimigay ng flyers, puwede namang mamayang hapon na lang."

"I don't want to waste my time for nothing."

"Kahit mangitim ka na sa init ng araw? Kahit mamatay ka na d'yan?"

"Ang OA mo!"

"I'm just worried about you. Ayokong nahihirapan ang babaeng gusto ko." I smiled at him and slowly held his hand. Natigilan siya sa pagpupunas dahil sa ginawa ko at tumingin sa mga mata ko. Ngumiti ako sa kanya.

"Thank you for staying," pabulong kong sabi pero sapat na upang marinig.

Alam kong nakaramdam siya ng awkward dahil ibinaling niya ang tingin niya sa iba, bumitaw siya sa kamay na hawak ko at bahagyang kinamot ang noo. "Ano.. Kasi.. Kukuha lang ako ng tubig sa loob ng shop para sa iyo." Agad na itong pumasok sa loob ng shop.

Pagkabalik niya ay nag-offer siya na siya na lang daw ang magbibigay ng flyers at magpahinga na lang daw muna ako sa maliit na upuan sa harap ng shop. Siyempre, hindi ako pumayag no'ng una ngunit nagmatigas siya kaya wala rin akong nagawa.

While I was taking a sip to my drinks, nakapako lang ang atensiyon ko sa kanya. Pinapanood kung paano siya mamigay ng flyers. Nakakatuwa lang makita dahil maraming lumalapit sa kanya. Mostly, mga babae. Advantage na rin kasi na guwapo siya kaya ganoon.

"Konting tiis, Prince. Sasagutin din kita," I whispered to myself. Saktong tumingin siya sa akin at ningitian ako, ngumiti rin ako pabalik.

Kung may tang*ng nabubuhay at hinihintay na bumalik 'yong unang taong minahal, siguro ako na iyon. Umaasa pa rin ako na magkikita pa kami ni Oliver. Umaasa pa rin ako na babalik pa siya. Pero hindi na ako umaasa na magkabalikan pa kami, hindi na ako umaasa na pagkabalik niya ay mahal na niya ako, hindi na ako umaasa na magiging katulad pa kami ng dati.

Within the seven years, ang dami nang tao ang nagsasabing kalimutan ko na siya pero heto ako, pilit ko man gawin iyon ay hindi ko pa rin magawa-gawa. Lagi pa rin siyang nasagi sa gilid ng utak ko. Hindi ko masisisi ang sarili ko dahil siya ang unang sumubok gisingin ang puso ko para magmahal pero siya rin pala ang susugat nito na ngayon ay patuloy na ginagamot ni Prince.

Hindi ko alam kung paano niya natitiis maghintay para sa akin. Sa daming beses na pinapamukha ko sa kanya na may hinihintay pa ako, hindi pa rin siya sumusuko. Sa kanya ko nakikita 'yong tunay na pagmamahal pero itong puso ko, hindi pa sigurado para sa kanya. Hindi naman masama para tumaya muli sa pag-ibig. Sa katunayan nga, buo na 'yong tiwala ko sa kanya.

Hahanap na lang ako ng perfect timing, Prince para sagutin kita. Pero tandaan mo, espesiyal ka na sa akin.

Related Books

Popular novel hashtag