Chereads / Broken Trust | Completed / Chapter 7 - Chapter 5

Chapter 7 - Chapter 5

Chapter 5: Handkerchief

"Kaklase mo pala si Oliver, Jamilla," biglang sambit ni Claire habang kumakain. We are here in Cafeteria having our lunch. Nakakadismayado lang dahil hindi ko ulit nakasabay kumain si Aivin ngayon.

Dahil dakilang famous si Oliver, all students here already knew that he is studying here. Bongga, iba talaga kapag famous. Hindi ko masisisi kung bakit dahil halos lahat ng kababaihan dito ay binabasa ang istorya niya.

"Yep."

"E di, laglag panty mo n'yan? How lucky you are? Kaklase mo 'yong idol mo. Ang lupit ng kapalaran," sabi pa niya. Mariin akong tumawa, hindi dahil sang-ayon ako sa sinabi niya kundi dahil nagkakamali siya. Hindi ako masuwerte, kamalasan iyon.

"Sayang! Dapat Gold na rin section niya," panghihinayang na saad naman ni Jess. Hay naku, agree ako sa sinabi mo.

"Okay lang naman 'yon, Jess. Duh? We have a new handsome classmate kaya," kinikilig na sabi ni Claire. Hay naku.

"Ay! Oo nga pala, pang-hollywood ang hitsura niya." Tsk. Napailing na lang ako ng ulo. Basta guwapo, bigla-biglang nagiging hyper ang mga dugo nilang dalawa, unlike me? Well, secret ko lang sila pinapantasya dahil ayaw kong i-expose ang kalandian ko.

"Sino naman guwapo na 'yan?" tanong ko sa kanila sabay subo ng kanin.

Nagpalibre ako sa kanila ng lunch dahil sa naiwan kong pera. Thankful ako dahil meron akong kaibigan na katulad nila kasi kung hindi, siguro'y sa tubig na lang ako mabubusog ngayong araw.

"Si Aivin. Napaka-gwapo talaga niya. His face, his lips, his nose, his eyes and eveything, it makes him so adorable. He is perfect for me. I can't wait to see ourselves holding our hands together someday. Hays," pagpapantasiyang sabi ni Claire. Napailing na lang ulit ako ng ulo dahil sa mga sinabi niya.

"Si Aivin? Tsk. Iba talaga ang karisma ng kaibigan ko."

"Kaibigan?" sabay nilang tanong sa akin.

"Yep. He is my childhood friend."

Lumaki ang mga mata nila, lalo na si Claire. "OMG? Totoo?" Tumango ako bilang tugon. Mariin itong ngumiti at marahang hinawakan ang kamay ko, hinimas-himas niya ito. "He's your friend and I am your friend, too. So, can I have a small favor?" Sinamaan ko siya ng tingin. Sa tono ng pananalita niya, alam ko na kung anong balak niyang sabihin.

"No way."

"Hindi ko pa nga sinasabi 'yong favor ko, no way ka na agad d'yan," giit niya. "Ilakad mo naman ako sa kanya."

"First of all, why should I, Claire? Huwag kang maging desperada sa isang tao. Gagamitin mo pa ako, eh."

"I can't blame myself for being like this. Natamaan ako sa kanya. I love him already." Bahagya akong napairip.

"Mahal mo agad? Limang oras pa nga lang nang makita mo siya and I bet, hindi mo pa siya ganoon lubos na kilala. Hindi naman masamang matamaan sa isang tao pero kilalanin mo muna ito." Madalas na maging ganito si Claire sa mga lalaki, masyado siyang marupok at mabilis magdesisyon para sa nararamdaman niya.

"I agree," sabi ni Jess.

Napabagsak siya ng balikat niya at bakas sa mga mata niya ang pagkadismaya. "Siguro nga, masyado akong mabilis."

Hinawakan ko ang kamay niya. "Sorry, Claire," sabi ko."Ilan beses ka nang nabiktima ng ganyan kaya please, ngayon naman ay sundin mo na ako. Just let the destiny dictate a way for the both of you. First day of school pa lang naman, there are still ten months kaya marami pang chances para d'yan. At marami pang chances para mapansin ka niya. Maganda ka kaya at masarap kasama kaya hindi imposibleng mangyari iyon. Pero please, huwag mo akong gawing tulay."

"Ang hirap kasi pigilan. Okay lang, Jamilla." Bahagya siyang ngumiti but I still seek her dissapointment.

"Huwag ka kasing magpatulong sa isang taong may 'trust issues'. Tingnan mo, ang dami nang deep words ang sinabi." Sinamaan ko ng tingin si Jess, peronnag-peace sign lang ito sa akin. Nakakasawa na rin kasi mag-advice kay Claire kasi paulit-ulit na lang din naman niya sinusuway iyon.

"I'm just too worried, Jess. Kahit kaibigan ko si Aivin, hindi ko pa rin masasabi na may tiwala ako sa kanya para kay Claire. Ayaw kong eventually ay masaktan siya nito. Baka kasi kapag inilakad ko si Claire kay Aivin, baka mapilitin lang si Aivin na gustuhin si Claire kasi takot siyang masaktan ito dahil iniisip niyang kaibigan ko siya. Huwag natin pangunahan ang mangyayari at huwag natin ipilit ang sarili sa isang taong hindi pa tayo sigurado para sa atin. Hayaan natin na si Aivin ang mahulog kay Claire nang wala tayong ginagawa."

"Paano kapag hindi naman siya nahulog sa akin?"

"E di, wasak. We're still too young for that. Marami pang lalaki ang dadaan sa buhay mo."

"Kahit na. I'm still hoping that he's already the right one for me."

"Enough na! Hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi niyo!" Napatawa ako sa sinabi ni Jess.

"Don't worry, ako rin naman," matawa-tawa kong sambit. Tumingin muli ako kay Claire at ningitian ito. "May pag-asa ka—aray!" Napahawak ako sa ulo ko dahil ramdam kong may tumama rito.

I instantly turned around at hinanap kung sino nagbato ng matigas na bagay sa ulo ko. But sadly, wala akong makitang posibleng nagbato nito dahil lahat ng estudyante ay busy sa pagkain at pakikipag-usap. Siguro ay nagpatay-malisya na lang iyong tao na iyon.

"Ano iyan?" kunot-noo kong tanong kay Jess. Hawak-hawak niya 'yong bagay na tumama sa akin.

"Mga panyong nakarolyo na parang bola. Halatang sinadyang ibato sa iyo kasi may sticky note na nakadikit."

"Huh?" Agad kong kinuha sa kanya iyon at binasa.

Untie this

Hankerchief and find out

What's in it.

Out of my curiosity, sinunod ko ang utos ng nakasulat kaya kinalas ko agad lahat ng panyo na nakarolyo na parang bola sa isa't isa. Kumunot ang noo ko nang makita ko kung ano 'yong nasa loob, there's another sticky note. Kumulo ang dugo ko nang mabasa ko ang nakasulat.

Hey, tigre! Punta ka rito sa likod ng building ng grade 9. I have something important here that you have to know. 'Wag mo 'kong paghintayin.

~Oliver

Pagkabasa ko ng pangalan niya, kusang bumalik 'yong inis ko. Hindi talaga ako tatantanan ng Mokong na iyon.

"Ano'ng nasa loob?" usisa ni Jess. Agad kong ikinuyom sa kamay ko 'yong panyo para itago. Ayaw kong malaman nila na kilala na ako ni Oliver at may tensiyon ako sa kanila.

"Huh? W-wala."

"Patingin!" Pilit na kinuha ni Jess 'yong hawak kong panyo at tinanggal dito 'yong sticky note. Hindi na ako nag-apila pa dahil nabasa na niya agad 'yong nakasulat. I bit my lower lip when I saw the reaction flashed to her face. "For real? Close na kayo?"

"Bakit? Anong nakasulat?" Ibinigay ni Jess kay Claire 'yong sticky note. Lumaki ang mg mata nito na dulot ng gulat. "OMG. Ikaw na talaga ang masuwerte."

"Pumunta ka na! Hinihintay ka ng idol mo, oh," giit ni Jess sa akin.

I took a deep breath before I spoke. "Ayaw kong pumunta," matigas kong sabi.

Claire chuckled. "Ay, huwaw. Ang ganda mo, 'te. Pinaghihintay mo si Oliver. Take note, Oliver na sikat na author."

"Basta, ayaw kong pumunta."

"Bakit?" tanong ni Jess.

"Kasi.. Masama ang ugali niya."

"Masama ang ugali? Parang hindi naman, kasi whe we met him yesterday. Napaka-approachable niya and napakabait," sambit naman ni Claire. Napangisi ako dahil doon.

"Pakitang tao lang iyon! Kung alam niyo lang, kung gaano kagaspang ang ugali niyan, siguradong aayawan niyo rin iyan."

"Ano bang problema?"

Kahit ayaw kong malaman nila ay sinimulan ko nang ikuwento sa kanila 'yong panglalait sa akin ni Oliver kahapon at kanina. Nakumpirma nila kung bakit ganoon na lang ako umakto kahapon nang papalapit na kami sa booksigning ni Oliver. Nainis din sila but eventually, hindi ako makapaniwalang pinipilit pa rin nila akong pumunta kay Oliver.

"Pumunta ka na, bes." Jess insisted.

"Akala ko, inis na rin kayo sa kanya?"

"Kaysa naman maghintay 'yong tao sa wala." sagot ni Claire. Pinanlakihan ko siya ng mga mata.

"Ayaw kong aksayahin ang oras ko and besides, makikita ko rin naman siya mamaya after this lunch." Iniisip ko pa lang na kailangan ko ulit magtiis ng apat na oras kasama siya, ayaw ko nang pumasok. Ano na naman kayang kayabangan ang gagawin niya?

"Kahit na! Go na!"

Humugot ako nang malalim na hininga. "Okay, fine! Mapilit kayo, eh." 

-

Nakita ko agad siya sa isang gilid habang nakasandal sa pader ng building at nakapamulsa ang mga kamay.

Nang mapansin na niya ang presence ko ay agad itong lumapit sa akin at ngumiti nang malawak. Ramdam kong uminit ang pisngi ko dahil sa ngiti niya. Iniwas ko ng tingin ko dahil ayaw kong mapansin niya iyon.

"Akala ko hin—" I cut him off.

"Direct to the point. What's the important thing that I have to know about? Just do it faster."

Ngumisi muna ito sa akin bago niya ipasok ang kamay niya sa loob ng bulsa. Dahan-dahan niyang inilabas ang bagay na hawak niya rito. My eyes got bigger as I saw it. Nandoon 'yong pinakaimportanteng panyo ko. Bigay ito sa akin ni Lola bago siya pumanaw noong bata pa lang ako. Tanda ko, bilin niya sa akin ay ingatan ko raw iyon. Siya pa mismo ang gumawa no'n at nagpurda ng pangalan ko doon. Kinapa ko ang bulsa ko ngunit wala na talaga iyon doon.

"Ang bilis ng kamay mo at nanakaw mo agad 'yan, ano?" Naging blanko bigla ang mukha niya.

"Iniisip mo na ninakaw ko ito? Kasalanan ko ba na inilaglag mo?"

"Hindi na iyon mahalaga. Give it to me," Inilahad ko ang palad ko pero hindi niya ito pinansin.

"You're too fast," ngisi niyang sabi.

Napakunot ang noo ko at binawi ang palad ko. "What?"

"Hindi gano'n kadali para makuha mo 'to." Iniwagayway niya pa sa harapan ko 'yong panyo ko. Kukuhanin ko na sana iyon kaso mabilis niyang inilayo iyon sa akin.

"Pinapatagal mo pa." Lumapit ako sa kanya pero agad niyang itinaas ang kamay niya kung nasaan ang panyo ko. How could I get it? Ang tanggad ng Mokong na 'to. Hello, kumusta naman kaya 'yong height ko?

"No. That's so fast, Jamilla. Gusto ko nang kapalit." Natigilan ako. Sa tono ng pananalita niya, it's sounds not good.

"Ano?!" Hindi makapaniwala kong tanong.

"Be my slave in 7 days," Tinaasan ko siya ng kaliwang kilay.

"Nahihibang ka ba?!"

"Nahihibang na kung nahihibang na ako pero gusto ko ng alipin."

"At ako ang nagustuhan mo?"

"Oo, gusto kita..." May kasamang ngitinh nakakaloko nang pagkasagot niya sa akin no'n. Tila naging double meaning para sa akin 'yong tanong ko at ang sagot niya. "na maging alipin ko."

Napahilamos ako ng mukha dahil sa inis. Bakit parang pakiramdam ko sinalo ko na lahat ng kamalasan ng mga tao ngayon araw. Nakakainis.

"Para lang sa panyong iyan ay gagawin mo akong slave?"

"Yep. And I guess this thing seems so special for you. So that means, alam kong hindi mo tatanggihan ang sasabihin ko."

"Talaga lang, ha?" Ningitin ko siya nang nakakaloko. "Pwes, manigas ka d'yan kakahintay na pumayag ako." Nagsimula na akong tumalikod at maglakad papalayo. Ang utak ko ay nagsisimula nang mag-over think. Paano kung seryoso 'yong sinabi niya? Paano kapag hindi ko na mababawi iyon? Ayaw kong mawala 'yong bagay na importante sa akin dahil lang sa kanya.

"Kapag nagsimula na akong magbilang pababa, binabalaan na kitang hindi mo na talaga makukuha ito sa akin." Rinig kong sabi niya pero ipingpatuloy ko pa rin ang paglalakad. "In.. 3.. 2.."

Kinuyom ko ang kamao ko at humarap sa kanya. Hindi ko na matitiis ito. Masyado ko kasing pinahahalagahan ang mga bagay na meron ako. "Punyeta ka! Oo na! Sige na! Papayag na ako!" 

"Good."