Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

The Adventure in Past (BOOK 1)

Vaingerous
--
chs / week
--
NOT RATINGS
37.8k
Views
Synopsis
Sina Daphne, Chiyeon, Cris, Miko at Shelton. Ang mga magkakaibigang nasa modernong mundo, kung saan lahat ay makabago. Pero dahil sa liwanag, sila ang pinili ng nakaraan upang kunin ang mga makakapangyarihang bato noong maraming taon ang nagdaan, ang mga makakapangyarihang bato na pinaka-iingat-ingata­n na dapat mabantayan. Ang bato ng Craevuj, Millamia, Bieon at Naza. Ang mga ito ay pagmamay-ari ng magkakapatid noong unang panahon na sina Llazurepath, Xianet, Knaesxa, Metveuruhj at Voxivanne. Pero bakit nga ba ang magkakaibigan ang pinili ng nakaraan?
VIEW MORE

Chapter 1 - ADVENTURE #1: "Magkakaibigan"

Daphne's Pov

Shoes? Check!

School Uniform? Check!

Bag na may lamang notebooks, pens and other things related in school? Check na check!

Nakahanda na ba ang utak ko today?...

EKIS!

Tss! Kailangan pa ba yun? No need to memorize naman! Kayang kaya ko yan!

"Wahh? Taray ha? Ready-ng ready ka yata?" Bati ng kaibigan kong si Chiyeon. A nerd (medyo lang) and a smart student! Pero was yan sakin!

"Of course! Ako pa!?" Yeah! This is me!

At The Room

"Hala! Anong isasagot ko rito? Ano bang sagot, nakalimutan ko na!" Sabi ko sa isip ko habang tinitingnan ang test paper. Alam ko'to eh! Nakalimutan ko lang!

Pasimple akong tumingin sa test paper ni Chiyeon pero tinakpan niya ito nang mahalata niya ako

Damot! -___- !!

"Last 1 minute" Naku! Paktay!

Tuloy-tuloy parin ang oras, wala parin akong sagot....

Magte-30 seconds nalang ang natitira. May napansin naman akong gusot-gusot na papel malapit sakin. Kinuha ko iyon at dahan-dahang binuklat

'Pasalamat ka at may awa pa ako sayo!' Sulat ni Chiyeon at may mga sagot pa!

Nays!

Agad ko iyong sinulat sa answer sheet ko

"Last 10 seconds" Sabi ng teacher kong mataba. Sorry ka!

"Pass your paper" Sabi uli niya kaya pinasa na namin ang mga answer sheets namin

"Psst!" tawag ko kay Chiyeon kaya lumingon ito. Nag-Thank You ako sa kanya ng walang boses pero taray lang ang naging tugon nito

Sungit. -___-

At The Canteen

"Ano order niyo dali! Libre ko!" Sabi ko sa mga kaibigan ko

"Ay iba din! Akala ko di ka na manlilibre habang buhay, first time mo pa yata ngayon" Sabi ng kaibigan kong si Cris. Mukhang mayabang pero mabait naman

"Ano.... Ahh?? Dalawang Chicken at pizza lang naman ang sakin" Isa rin tong si Shelton. Mukhang mayabang pero kalog!

"Ako din! Ako din! Dapat may chocolate cake with strawberry fillings na kasama ah?" Sabi naman ni Miko

Lima kaming magkakaibigan. Ako, Si Shelton, Si Cris, Si Miko at si...

"Nasaan si Chiyeon?" Tanong ko sa kanila

"Nasa pwesto natin, baka daw maunahan pa kaya doon nalang daw siya. Pa-order nalang daw" Sagot ni Cris

"Ahh sige, bibilhan ko nalang siya ng lemon cupcake at Pepsi para--"

"Ay Hindi! Hindi. Gusto daw niya yung ginisang ampalaya sa itlog, gatas na maiinom at samahan mo narin daw ng pritong isda at saging" Sagot naman ni Cris

"Naku! Baka ikaw lang ang may gusto non?" Pang-aasar ko

"Ako kakain non? Kailan?" Sabagay, di kami kumakain ng mga gulay except kay Chiyeon

"Sige sige na" Sabi ko at nag-order na kami.

Habang kumakain kami, di ko maiwasang hindi mapatingin sa mukhang lumang kwintas na suot-suot ni Shelton. Mukha kasing antique or pamana or what? Basa nakaka-curious!

"Bakit Daph?" Tanong ni Shelton nang mapansin niyang nakatitig ako sa kwintas niya

"I'm just asking kung saan at kanino galing yang kwintas mo? Mukhang antigo eh!" Tanong ko

"Ah eto" Sabi niya sabay bitaw sa kinakain niya at hinawakan ang suot niyang kwintas "Bigay ito ni Lolo sakin, pampawala daw ng malas at ang sabi pa niya, galing daw ito kay Haring Llazurepath"

"Llazurepath?" Takhang tanong ko

"Oo" ~Shelton

"Eh sino yun?" Tanong ko ulit

"Si Llazurepath ay pinakamatanda sa magkakapatid, matapang at malakas pagdating sa pakikidigma. Noong unang panahon, pinamana sa kanya ang mga makakapangyarihang bato pero di niya ito tinanggap, dahil alam niyang malakas na siya. Kaya, binigay ng kanyang mga magulang ang mga ito sa kanyang mga kapatid na sina Knaesxa, Xianet, Metveuruhj at Voxivanne, dahil alam niya na mas kakailanganin pa ito ng mga kapatid niya kaysa sa siya" Paliwanag ni Chiyeon

"Ah, kilala mo siya Chi?" Tanong ni Miko at kinain ang fried chicken leg

"Of course! Hindi sinasabi ng mga teacher yon coz they didn't know about that" Sagot niya

"Saan mo naman nalaman yan?" Tanong ni Cris

"Sa pagbabasa ng libro, magbasa-basa rin kasi kayo kapag may time" Sagot niya saka umalis para kumuha ng tubig

"Actually, may punto siya sa sinabi niya. Ang cool!" Papuri naman ni Shelton sabay iling

Llazurepath? Saang libro naman mababasa yon?

"Hoy kumain ka na! Baka langawin pa yang pagkain mo!" Sabi naman ni Miko