Chereads / The Adventure in Past (BOOK 1) / Chapter 6 - ADVENTURE #6: "Sa Nakaraan"

Chapter 6 - ADVENTURE #6: "Sa Nakaraan"

Shelton's Pov

Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakarating na sina Chiyeon at Daphne, dala-dala parin nila sa bag ang libro at ang sketch

"Tara sa kwarto ni lolo, nandodoon lang yon!" Sabi ko kaya agad silang sumunod sakin

Dahan-dahan kaming pumasok sa kwarto ni lolo at binuksan pa namin ang maliit na kwarto, dito ang mga iba pa niyang koleksyon. Kitang kita namin ang makalumang salamin na  naka-display sa loob ng isang magandang lalagyan

"Iyan! Iyan ang salamin sa panaginip ko!" Sabi ni Chiyeon

Binuksan namin ang lalagyan at kinuha ang salamin, maraming itong mga makukulay at makikinang na disenyo. Parang pwedeng ibenta

Lumabas kami ng kwarto ni lolo para pumunta naman sa kwarto ko. Pagkalabas namin, napahinto naman kami sa saktong pagdating ni lolo, galit ang mukha niya nang makita na hawak-hawak namin ang salamin

"Hoy! Bakit nasa inyo ang salamin!?" Galit na sabi niya. Pumasok ulit kami sa kwarto ni lolo at ni-lock ang pinto

"Naku! Saan tayo pwedeng dumaan?" Tanong ni Chiyeon

Naghanap kami ng pwedeng matakasan pero ako, hindi ko alam o sadyang wala talaga?

"Tara sa salamin!" Sabi ni Miko at kinuha ang salamin sakin saka nilapag sa sahig

"Baka kung saan tayo mapunta?!" Banta ko

"Bahala na, basta hindi lang tayo mahuli ng lolo mo" Sabi naman ni Cris at tumalon sa salamin

Nanlaki ang mga mata naming apat....

"Sige na, tara na!" Sabi naman ni Miko at tumalon narin

Sumunod naman si Daphne at maya-maya ay si Chiyeon. Nang mabuksan na ni lolo ang pintuan ng kwarto, tumingin muna ako kay lolo na papalapit sa kinaroroonan ko "Sorry lo" Sabi ko at tumalon narin sa salamin

"Aappoo!!" Rinig kong sigaw ni lolo hanggang sa unti-unting nawala ang tinig nito

Daphne's Pov

"Wwaahhh!!" Sigaw naming lima habang nalalaglag kami mula sa pagkataas-taas

"Mamamatay na'ko! MAMAMATAY NA'KO!!" Sigaw naman ni Miko

Kinuha namin ni Chiyeon ang mga kamay nila at naghawak-hawak...

"Condolence sa'tin guys" Sabi ko at saka pumikit

Maya-maya ay naramdaman ko na ang pagbagsak naming lima

Nawalan ako ng malay at dumilim ang paningin ko...

Maya-maya'y naramdaman ko ang pagsakit ng katawan ko na siyang kinagising ko

"A-aray" Rinig kong daing ng mga kasama ko at inalalayan nila ang isa't isa

"Daphne" Sabi ni Miko at inalalayan ako

"Nasaan tayo?" Tanong ko sa kanila

Ang natatandaan ko lang ay napasok kami sa salamin ng lolo ni Shelton at bigla kaming nalaglag na parang galing sa 250,000 feet

"Hindi ko alam *cough* *cough* mabuhangin!" Sabi naman ni Cris

"Teka teka, naririnig niyo ba iyon?" Tanong ni Chiyeon at tila may pinakikinggan, nakigaya narin kaming apat

"May paparating!" Bulong ni Shelton at balak naming magsitago. Kaso naman, walang mapagtaguan

"Wwaayy! Sino sila!!??" Sigaw ni Chiyeon at biglang nagtago sa likod ni Miko na nagpapagpag ng buhangin sa damit niya

Si-sino sila!?...

Nagtabi-tabi kaming lima at inaabangan kung sino ang dumarating

Nanlaki ang mga mata namin sa mga dumating. Napamangha kami sa mga kalalakihan na kulay gold ang kanilang suot at armas, sumunod naman ang mga naglalakihang elepante na sakay-sakay ang mga taong nakabonggang kulay gold din ang suot. Huminto sila sa harap namin

Biglang nagsalita naman ang medyo katandaang lalaki, hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, parang bulol!

Siniko ko si Chiyeon kung alam niya ito, umiling naman siya

Nagtinginan naman ang medyo katandaang lalaki at ang nakaupo sa elepanteng nasa gitna. Pinuno yata nila yon

"M-magandang Umaga" Sabi lang ni Chiyeon

Ngumiti naman ang medyo katandaang lalaki "Magandang Umaga" Sabi nito

"Marunong naman palang managalog" Sabi ni Miko pero sinikuan ko lang ito

~~~

Pinunta kami ng mga taong ito sa malaki at magarang palasyo. Kwinento namin ang nangyari sa amin, pinakain nila kami ng mga sari-saring prutas sa long-long table nila

"Walang Ice cream?" Bulong ko kay Chiyeon

"Shunga! Nasa nakaraan tayo, wala pang ice cream" Bulong din nito

Tiningnan ko ang buong paligid at mga tao, halos kami lang lima ang may ganitong suot, samantalang sila ay nakamahaba, mukhang sinauna at mala-golden ang kanilang suot.