Chereads / The Adventure in Past (BOOK 1) / Chapter 10 - ADVENTURE #10: "Afeston"

Chapter 10 - ADVENTURE #10: "Afeston"

Daphne's Pov

Kinuha rin ni Chiyeon ang cell phone at tila may ginawang. Nang iabot niya sakin ang cell phone, may nakasulat sa Note

'Parang nalalaman ko na ang nakasulat, pero di ko pa gaanong naiintindihan' Nakasulat dito

'Isipin mo lang, para malaman na natin at makauwi na' Sulat ko naman sa Note

Naaaninag kong paparating sina Cris at Miko, may bitbit silang mga nakabilog na tela

Sa hindi inaasahan, nalaglag ang dala ni Miko na nagbunga ng mabilis na tunog, napahinto naman agad sila

"Sssssss" Rinig namin

Tinabunan ni Shelton ang liwanag mula sa apoy nang makakita kami ng mga dilaw na mata mula sa mga puno

Kinapa ko ang libro pero napulot na pala ito ni Shelton, bi-nag ni Chiyeon ang mga gamit

"Ano yan?" Mahinang tanong ko kay Miko nang makalapit sila

"Mga Karne, nakita namin" Mahinang sagot naman nito

Nagulat kami nang ilaglag ni Shelton ang mga karneng buhat nina Miko at Cris

'Hindi yan karne ng hayop, sa tao galing yan!' Nakasulat sa pinakita niyang cell phone. Nagulat naman kami

Binilisan nalang namin ang lakad namin pero bigla kaming napahinto nang may makarinig kami ng tunog ng ahas. Nanginginig ang mga paa ko, kinakabahan narin ako! Ano ba'to?

Nakita ko ang mga dilaw nilang mga mata. Nakakatakot! Nilayuan namin ang mga nilaglag na karne kanina, pero imbis na iyon ang nilapitan nila ay lumagpas pa ito at tila sa amin ang punta

Hinawakan kami ni Cris at huminto. Napapikit nalang ako na sana ay layuan kami ng mga halimaw, nawala ang mga tunog at mga nakakatakot nilang mga mata na siyang ikinagaan ng loob namin

Pero akala ko lang yon....

Dahil may nararamdaman akong dumidila sa mga kamay namin ni Cris, magkahawak kasi kami. Napatingin kami sa isa't isa, di na ko nakatiis kaya napasigaw ako sa takot. Nagsilabasan ang mga nakakatakot na mata ng mga halimaw, hinila agad ako ni Cris at tumakbo, gayundin sila

Mabilis na sumunod sa amin ang mga halimaw, binuklat ni Chiyeon ang mapa at binuksan ang flashlight ng cell phone niya

"Tumalon tayo sa butas! Doon ang daan! Dagat iyon kaya dapat tayong lumangoy!" Sigaw ni Chiyeon

"Chiyeon!" Sigaw ko nang madapa siya, inalalayan naman siya ni Miko, hindi narinig ni Cris ang sigaw ko dahil abala sa pagtakbo at paghanap sa butas. Naiwan namin ang tatlo

Miko's Pov

Pinaghahampas ko ang mga lumalapit na halimaw gamit ang mga sangang nakakalat sa daan, inalalayan ko si Chiyeon sa pagtayo at pag-alis namin habang pinaghahampas uli ang mga halimaw

"Ang Mapa Miko! Naiwan ang mapa!" Sigaw ni Chiyeon

"Ako na ang babalik" Sabi ko at tumakbo pabalik sa pinanggalingan namin, nagtago naman siya sa gilid

Nakita ko ang mapa malapit sa mga paparating pang mga halimaw, pinaghahampas ko iyon at pilit na kinuha ang mapa, hanggang sa hinigitan nila ako ng lakas

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Napagaan ang pakiramdam ko nang tulungan ako ni Shelton at inalalayan ako, kinuha ko naman ang mapa at pinuntahan ang kinaroroonan ni Chiyeon, hinila ko siya kasama si Shelton paalis sa lugar na'to

"MIKO! DITO!" Rinig kong sigaw ni Daphne

"Doon!" Turo naman ni Chiyeon sa kinaroroonan ni Daphne na kumakaway. Tumalon siya sa butas at saka naman kami sumunod na tatlo

Chiyeon's Pov

Napapikit ako nang makatalon kami sa ilalim ng dagat, di ako makadilat, lumangoy na sila kaya gunundin ang ginawa ko, inalalayan ko ang salamin ko para di humiwalay. Binigay sakin ni Miko ang mapa, nasa Afeston Sea na kami, palabas na ng Afeston ito

Umahon kami mula sa pagkakalangoy, basa ang mga suot namin maliban sa mapa at libro. Pati mga cellphones namin basa na! Sira na!

"Nasa Zhadm (Pronunciation: Sha-Dam) na tayo, maglalakad pa tayo ng dalawang oras sa mabatong lugar na'to bago makarating sa Ice Land" Paliwanag ko

"Ang haba naman! Naka ka pagod!" Reklamo naman ni Miko

"Ano? Kikilos tayo o hindi na tayo makakauwi?" Tanong ni Daphne

"Tss!" ~Miko

"Bahala na" Sagot naman ni Cris