Chereads / The Adventure in Past (BOOK 1) / Chapter 7 - ADVENTURE #7: "Utos"

Chapter 7 - ADVENTURE #7: "Utos"

Daphne's Pov

"Kayo ang pinili?" Rinig kong tanong ng medyo katandaang lalaki kay Shelton. Pinaliwanag naman ni Shelton sa matanda ang nangyari

Mukhang hindi naman sila nagkakaintindihan...

Pinatuloy muna nila kami sa isang silid na malaking kama at maganda. Magpahinga daw muna kami

After An Hour

Pagkagising ay sinabi ng matanda na gusto daw kaming makausap ng pinuno nila, agad naman kaming pumunta sa kinaroroonan nito. Pagkarating sa trono ay hinawakan ng matanda ang kanyang dibdib at nagbigay galang, nagtitigan muna kaming lima bago din gawin ang bagay na'yon

"Isasalin ko na lamang ang bawat sasabihin ng aming pinuno" Sabi ng matanda, binigyan naman kami ng mauupuan ng mga alipin

Nagsalita ang pinuno at nagsialisan ang ibang mga tao maliban saming lima at sa medyo katandaang lalaki. Nagsalita ulit ang pinuno

"Ano ang nagdala sa inyo dito?" Translate ng matanda

"Ahhmm, napatalon po kami sa mahiwagang salamin kaya napadpad po kami rito" Paliwanag ni Shelton

*Translate*

"Bakit daw kayo nandito?" Tanong uli ng matanda

"Dahil kami daw po ang nais ng nakaraan" Sagot naman ni Miko

*Translate*

"Kayo lang daw ba? Kung oo, anong mga pangalan niyo?" Tanong uli ng matanda

"Ako po si Chiyeon"

"Ako si Daphne"

"Ako naman si Shelton"

"Ako si Miko"

"At ako naman si Cris"

Pagpapakilala namin sa mga sarili namin

*Translate*

Nagtitigan naman kaming lima

"Magpapakilala kami, ako si Mzaxumar (Pronunciation: Ma-Shu-Mar) at ang aming kagalang-galang na pinunong si Haring Llazurepath (Pronunciation: La-Shur-Pat) " Pagpapakilala nito sabay yukod

"H-haring Llazurepath?!" Di makapaniwalang tanong naming lima saka muling nagbigay galang sa Hari

"Nasaan po ang mga kapatid niya?" Tanong agad ni Chiyeon sa matanda

"Nagkaroon ng digmaan, napatay ang kanyang mga kapatid, pilit mang iligtas ng Hari ang kanyang mga kapatid pero hindi niya nagawa, huli na ang lahat. Gustong kunin ng mga kalaban ang mga makakapangyarihang bato pero nabigo sila, hanggang sa libingan ng mga kapatid niya ay dala-dala parin nila ang mga bato" Paliwanag ni Mzaxumar

"Nakakalungkot" Sabi ko

"At kaya kayo pinatawag ng Hari ay dahil nais niyang kayo ang kumuha ng mga bato, mayroon lamang kayong apat na buwan para makuha ang mga bato sa mga abandonadong kaharian na may nakaambang mga kapahamakan" Sabi ni Mzaxumar

"Ano pong kapahamakan?" Tanong ni Miko

"Bawat kaharian na papasukin ninyo ay may nakaambang panganib, kailangan niyo silang maisahan para makuha ang bato at maglakbay muli patungo sa iba pang kaharian. Dahil nais ng Hari na maingatan ang mga bato mula sa mga kalaban" Paliwanag nito "Huwag kayong magpakita sa kahit sinomang tao kapag kayo'y naglalakbay, baka mapag-isipan nila kayo" Dugtong pa niya

"Ano naman pong premyo kapag nagawa po namin ang mga to?" Tanong ni Cris

"Makakabalik na kayo sa dati ninyong mundo" Sagot ng matanda na ikinangiti namin. Naku! Baka hinahanap na'ko ni mama ko

Pagkatapos ng mahaba-habang pag-uusap ay bumalik kami sa silid, dala-dala parin namin ang libro sa bag. Buti hindi pinakealaman

"Basahin kaya natin?" Sabi ko sumang-ayon naman sila kaya binuksan ko ito

Nang buksan namin ang libro, wala nang lumabas na liwanag mula rito. Nilipat namin ang bawat pahina, may mga litrato na nakaukit dito pero kalabuan

"Hindi ko maintindihan ang libro, ibang lenggwahe!" Reklamo ni Miko

"Pero iba ang nasa panaginip ko, alam ko ang mga letra pero di ko maintindihan. Teka? Unti-unti ko nang nalalaman ang mga napanaginipan ko!" Sabi naman ni Chiyeon

"Bakit? Ano ba yung napanaginipan mo?" ~Miko

"Oo nga, ikwento mo naman! Nakaka-curious eh!" ~Cris

Sinara muna namin ang libro at umupo kami ng pabilog sa sahig. Hawak-hawak ko ang libro

Ikwinento ni Chiyeon ang buong pangyayari, kaya pala sabi ng lolo ni Shelton na napapanaginipan niya pero hindi niya naiintindihan, astig naman!