Chereads / Bared and restrained / Chapter 4 - PROLOGUE

Chapter 4 - PROLOGUE

"MAY BISITA ka, Ms. Pablo."

Eve's eyebrows furrowed. Weekday ngayon at hindi schedule ng bisita ni Pauline kasama ang anak niya na si Evan. Bihira lang bumisita ng weekdays si Pauline at kadalasan ay holiday iyon. Sa pagkakaalam niya ay birthday ng anak nitong lalake na si Gregory kaya busy ito sa party.

She stood up and followed the nurse. Nai-intriga siya sa kung sino man ang bumisita sa kanya.

Nang makarating sila sa visitor's lounge ay natigilan siya. Her body stiffened.

A guy in a casual attire stood up with extreme confidence… as always. He fixed his coat and walked slowly towards her.

Paano niya makakalimutan ang mukhang nagparanas sa kanya ng matinding sakit… at sarap?

Bakit nandito ito ngayon? She thought he hated her. Ang buong akala niya ay tapos na ang lahat sa pagitan nilang dalawa pero nagtataka siya kung bakit ito nandito ngayon.

Ang lalakeng iyon ang isa sa mga rason kung bakit siya naaawa sa sarili. He made her feel neglected. Ipinaramdam nito sa kanya na isa siyang basura.

"Anong ginagawa mo dito? Umalis ka na." She tried to swallow the lump forming in her throat.

Ngumisi ito sa kanya. "Really? After seducing me, ikaw pa ang may ganang magsabi sa'kin niyan?

She tried to act normal pero deep inside ay gusto na niyang magwala. After using her and telling her shits, halos gusto niya itong itali sa puno at sunugin ng buhay.

He smirked. Umupo na ito sa couch kung saan ito nakaupo kanina. He motioned her to sit down across the sofa, facing him, and she obliged. Gusto na niyang paalisin ito at ipagtabuyan.

"Anong kailangan mo?"

"Wala," he answered casually.

Mas lalo siyang nairita. "Anong ginagawa mo dito kung wala ka naman palang kailangan?!" She shouted. Nanatili lang itong nakangiti. His green eyes smiling.

"Come on, Eve. We shared something before, right? Kahit paano rin nama'y may pinagsamahan tayo–"

Her brow arched. "Sa kama." She interjected. "At nagustuhan mo naman. Nag-enjoy rin naman ako kahit paano kaya kung gusto mo lang makakuha ng critique mula sa'kin sa kung gaano ka kagaling sa kama, siguro 'ten over ten ang ige-grade ko sa'yo. Masaya ka na?" Itinuro niya ang exit. "Ayan ang labasan. Makakaalis ka na."

His jaw clenched. Tila nagpipigil ng sasabihin. But she wouldn't back down.

Akmang sisigawan na niya sana itong muli nang biglang dumating ang private nurse niya na si Sheree at may inabot na telepono.

"Eve. Tumawag si Evan. Hinahanap ka."

Lumukob ang takot sa buo niyang pagkatao. She tried her best to hide it but failed. Mabilis niyang kinuha ang phone sa nanginginig na kamay at pinatay ang tawag bago ibinalik ang telepono kay Sheree.

"Pero Eve, pinasasabi rin kasi ni Ma'am Pauline na nami-miss ka na ng anak mo kaya tumawag sa'yo si Evan. Bibisita raw sila sa friday, ngayong linggo."

Napapikit siya ng mariin. "Iwan mo muna kami, Sheree. May pinag-uusapan pa kami."

"Ay, sorry po."

Nang makarinig siya ng papalayong mga yabag ay napabuntong-hininga siya. She opened her eyes and looked at him. Confusion and shock were written all over his face.

"You conceived a child?". He asked in utter shock. "Since when–"

"Wala kang pakealam." Itinuro niya ang pintuan palabas. "Umalis ka na. Pakiusap."

"No, Evangeline. We're going to talk."

"Wala tayong dapat pag-usapan." Puno ng hinanakit niya itong tiningnan. "Lumayo na ako sa'yo dahil ayaw kong umasa na babalik ka pa. Ano pa bang gusto mo? Bakit ka nandito?!"

"To check on you!" Sagot nito sa kanya. Just by looking at him, Eve can tell that he is really pissed. Pero bakas ang sinseridad sa mga katagang sinasabi ng binata. Tumayo ito at inayos ang bahagyang nalukot na necktie. "And it looks like you've been hiding something from me." Inilapag nito ang isang box ng cake sa harap niya. It is strawberry-flavored cake. Her favorite. "Hindi ito ang huli nating pagkikita, Eve. Tandaan mo 'yan."

He stood up and fixed his suit. His green eyes flashed anger towards her. Tumingin muli ito sa wristwatch bago siya muling tingnan. "At malalaman ko rin kung ano iyon."

He left her dumbfounded.

And she knew right there that no matter how many times she tried to heal her wounds, conceal her scars, and move on, her past will always haunt her for the rest of her life.