Chereads / My Beast Boss / Chapter 60 - 59. When He Call

Chapter 60 - 59. When He Call

Magka-hawak kami ng kamay habang sabay naming binabaybay ang daan papunta sa opisina ko.

Sa sobrang sweet niya jusme, ihahatid pa daw niya ako sa opisina, bago siya tutungo 'don sa opisina niya. Hinatid niya rin kasi ako dito, nang maaga siyang pumunta 'don sa bahay kanina. Kaya sabay kaming nakarating dito sa kompanya niya.

Tungkol naman dito, naalala ko si Dwayne. Isa pa 'yon, jusko. 'Pag-uwi namin kasi kahapon, sinalubong niya ako ng maraming tanong tungkol kay Logan.

Alam niya kasi na magkasama kami, at hindi na rin ako mag-tataka kung bakit gusto niyang alamin 'yon--kung anong nangyari sa tatlong araw namin sa bicol.

Hays. Tsismosang Dwayne na 'yon.

At tungkol naman dito, naaabutan ko rin kasi kahapon 'don si Troy sa bahay kahapon kasama niya. Bad timing lang siguro dahil naaabutan ko siyang naka-akbay kay Dwayne, habang mag-katabi sila sa upuan at nanonood silang dalawa. Pero naawat naman 'yon nung dumating ako.

Hays. Grabe talaga kabataan ngayon oh. Pero okay lang naman 'yon sa akin. Basta may limitasyon pa rin sila. Mahirap na kapag lumagpas sila sa rules ko 'no.

Tumigil kami sa pag-lalakad ng nasa harap na namin yung opisina ko. Humarap ako sa kanya at gayon rin siya sa akin.

Nag-tinginan naman kami sa isa't-isa habang ngayon ay naka-pulupot na ang kanyang mga bisig sa'king balikat. Bakit ang bilis niya sa bagay na 'yon?

"Can you just stay there in my office love? Please.."

"A-ano ka ba Logan. May trabaho tayo.." Tumigil ako sandali. "Saka may time naman tayo para sa atin.." pero aaminin ko, gusto ko rin namang palaging nasa tabi niya.

Pero syempre 'no, baka sa sobrang sweet namin, maumay na siya sa akin at hindi na niya ako mahalin. Hays. Syempre, ayoko namang mangyari 'yon. Baka iwan niya yung magandang tulad ko.

"Okay, I understand. But.." pagkasabi niya niyon ay hinawakan niya ako sa'king baba. Bahagya niya iyon inangat. Napa-taas ako ng kilay.

"But, I want you to leave me a kiss first before that.." para na namang kiniliti yung sa tiyan ko. Kumakabog rin yung tibok ng puso ko.

"P-pero, nakakahiya.." luminga-linga ako sa paligid at nakita kong may napadaan na ilang empleyado malapit onti sa'min, at napasadahan nila kami ng tingin.

Binalik ko naman ang tingin ko kay Logan na ngayon ay halatang nananabik na naman sa labi ko.

Hays. Hindi pa ba siya nagsasawa? Halos bawat oras nga eh panay halik niya sa akin.

"Then, I will not leave.." wala na akong nagawa kundi ang pag-bigyan siya sa gusto niya. Wala pa 'yon sa limang segundo nang gawin ko 'yon sa kanya, pero halata sa mukha niya na nabitin siya.

Aba. Mamaya, kapag nag-out na ako sa trabaho ko. Papayagan ko siya, kahit magdamag kami. Bulong ko sa sarili.

Pagdaka'y tuma-likod na siya sa akin at naglakad papunta sa elevator. Nang mawala na siya sa paningin ko, pumasok na ako sa loob ng opisina ko. Nang maka-pasok na ako, saka ko naman sinara ang pinto.

"Oy, Marsha!"

"Ay tikbalang ka!" halos mapatalon ako sa gulat ng bigla na lang kasi 'tong sumulpot sa likod ko si ate Cecil.

"Grabe ka naman sa'kin. Do I look like tikbalang ba?" tinungo ko muna yung desk ko. Pagdaka'y, umupo ako sa swivel chair at nilapag ko ang bag ko sa gilid.

"Hays, sabagay. Tama ka nga Marsha. Kaya siguro wala pa akong jowa hanggang ngayon.." tinapunan ko siya ng tingin at nakita ko naman siyang naka-upo na ngayon sa harap ko. Sabay pumanga-lumbaba siya. Ipinatong ko ang mga bisig ko sa ibabaw ng desk.

"Ano ka ba ate Cecil, syempre, hindi 'no. Maganda ka promise.." tinaas ko pa ang kamay ko para malaman niya na nagsasabi talaga ako ng totoo.

"Talaga?" paninigurado niya. Nakangiti ko naman siyang tinanguan. Pagdaka'y, inalis ko na ang tingin sa kanya ng simulan ko nang ayusin yung mga papel na nasa ibabaw ng table ko.

"Anyway, Marsha. Ano pala yung nakita ko kanina, ha? anong ibig sabihin 'non ha?"

"Nung alin?" tinapunan ko siya sandali ng tingin. Pagdaka'y umayos siya ng upo niya. At ngayon naman, napansin ko sa kanya na tinitigan niya ako ng mabuti. Malapad ang ngisi nito na animo'y nakaka-loko.

"Sus, hindi pa sabihin..." inayos niya ang upo niya, at nag-cross legs siya sabay tinapunan niya ulit ako ng tingin.

"Ano ba yung tinutukoy mo ate Cecil?" taka kong tanong.

Hindi ko kasi talaga alam kung anong tinutukoy niya eh.

"Kayo ni sir. You two had kissed each other earlier. Tapos ang sweet sweet niyo pa sa isa't-isa. Anong ibig sabihin 'non ha? Kayo na ba?" sumeryoso naman ang mukha nito ngayon. Nginitian ko siya ng maintindihan ko na ngayon yung sinasabi niya.

"A-ahh oo ate Cecil. Kami na.." napa-kurap kurap pa siya at mukhang hindi pa rin makapaniwala sa sinabi ko.

"Totoo ba talaga Marsha?" tumango-tango pa ako. Halos mapa-tili siya at mapatalon sa tuwa ng malaman niya 'yon. Pagdaka'y bumalik siya ulit sa pagkaka-ayos ng upo niya.

"Marsha, kailan pa 'to? Bakit ngayon mo lang binalita sa akin? Ang unfair mo.." nagtampururot naman siya ng pumanglaw ang mukha niya sandali. Sabay nangalumbaba siya.

Kinuwento ko naman sa kanya lahat 'yon. At napansin ko na habang kinuwento ko 'yon sa kanya, halata sa kanya na mas kinikilig pa siya kesa sa akin.

"Sabi ko sa'yo eh. I'm right, Marsha. Hindi talaga ako nag-kamali.." hindi pa rin maalis ang malapad niyang ngiti sa kanyang labi.

"Pero, paano yung Steven? So, sa akin na siya?"

Tungkol naman kay Steven. Nawala na siya sa loob ko. Kamusta na kaya siya? Bakit hindi na kaya siya nagpaparamdam sa akin?

Naalala ko naman sandali yung huli niyang sinabi sa akin nung gabi na huli naming pag-kikita. Pero, hindi naman porke't tinalikuran ko siya 'non, galit ako sa kanya. Nabigla lang kasi ako sa mga nangyari.

"Hoy, Marsha. 'Wag mong sabihin pati si Steven ko, kakanain mo rin?" binalingan ko si ate Cecil na naalala kong kausap ko pa pala ngayon.

"A-ahh, oo. Este, sige. Sa'yo na siya. Ipapakilala pa kita sa kanya..."

"Salamat Marsha. Aabangan ko 'yan." para naman siyang bata na tuwang-tuwa. Inayos niya pa ang sarili niya at nagpaganda pa. Jusme. Ganon ba talaga siya ka-sabik na magkajowa?

Matapos ang ilang minuto naming pag-uusap, naawat naman kami doon nang maalala naming pareho na may trabaho pa pala kami. Wala pa kaming nasimulan kahit isa, at baka kapag nagkataon, makita pa kami ng ibang empleyado dito at ano pa sabihin sa amin.

Kaagad ko nang inasikaso yung trabaho ko at nagsimula akong i-type sa computer yung mga reports at letter na kailangang ipadala sa mga kliyente. May mga tawag rin akong natanggap, galing sa mga kliyente rin at mga shareholders. May appointments naman akong natanggap na nai-schedule na.

Sandali, napa-tigil naman ako sa pag-aayos ng mga papel na hawak ko ng marinig kong may tumunog. Pinakinggan ko kung saan 'yon nanggagaling at mukhang sa cellphone ko 'yon nanggagaling.

Kaagad kong binuksan ang bag ko at kinuha ko 'yon doon. Pagbukas ko ng cellphone, tumambad naman sa akin yung unknown number. At hinala kong kay Logan 'tong number. Pagdaka'y, sinagot ko yung tawag.

"How are you love? I miss you.." halos parang may boltahe na naman ng kuryenteng dumaloy papunta sa ulo ko dahil 'yon kagad yung binungad niya sa akin.

Jusme. Bakit ba pinapakilig na naman niya ako? Saka halos magkasama naman kami kanina ha?

"Hey, are you still there?"

"A-ahh oo, love.." napukaw ang atensyon ko ng marinig kong sambitin niya 'yon.

"Will you visit me here for a while? Please.." para naman akong engot na naka-ngiti dito mag-isa. Napa-tango ako.

"O-okay, sige. Papunta na ako diyan.." pagkasabi ko 'non, pinatay ko na yung tawag. Inayos ko muna yung mga nakalagay sa ibabaw ng table ko.

Inayos ko rin ang sarili ko dahil para naman maging maganda pa ako sa paningin niya. Kailangan 'yon syempre. Pagdaka'y tumayo na ako sa kina-uupuan ko.

Hindi pa man ako nakakalabas, narinig kong tumunog ulit yung cellphone ko. At mukhang sa kainipan ni Logan, baka tumawag siya ulit.

Hays. Ganoon ba talaga niya ako ka-miss kaagad?

Binuksan ko yung screen ng cellphone na ngayon ay iniwan ko doon sa loob ng bag ko. Binalikan ko yung bag ko sandali, at pagdaka'y kinuha ko na yung cellphone ko doon.

Pag-kakuha ko 'non, saka ko kaagad sinagot yung tawag. Pero sandali, natigilan ako ng malaman kong hindi boses 'yon ni Logan ng narinig kong nagsalita siya.

"Marsha.." at kung hindi ako nag-kakamali, boses 'yon ni Steven.

"S-steven?" gulat kong sabi. Hindi na rin naman nakakapag-taka kung alam niya yung number ko, dahil binigay kasi ni Dwayne yung number ko sa kanya. Kaya niya ako nata-tawagan.

"Did I disturb you?" umupo muna ako sandali sa swivel chair ko.

"A-ahh hindi naman.." aniya ko. "Bakit ka pala napatawag?" narinig ko ang pag-hugot niya ng hininga muna bago siya nagsalita.

"Marsha, if you don't mind, can we have a meet up later? I just want to say something on you.." hindi muna ako tumugon sa sinabi niya ng natilihan ako sandali.

Hindi ko alam kung papayag ba ako sa sinabi niya. Pero, hindi ko parin naman nakakalimutan yung nangyari sa amin nung gabing 'yon. Pero pa sa akin, wala na 'yon at tapos na. Kailangan ko nalang sigurong alamin kung 'yon talaga yung totoo tungkol sa sinabi niya.

Tungkol naman dito, naalala ko pa rin na pumayag akong mag-dinner kaming dalawa palagi. At dapat, kung hindi lang nagkataon na pumunta kami sa bicol ni Logan, baka halos magkasama kami palagi. Pero, ngayon na kami na ni Logan, alam kong mahihirapan na akong gawin yung bagay na yaon.

"It's okay if you can't. I understand.." sabi niya, at walang boses na akong narinig pagkatapos niyon.

"Oo, Steven. Saan ba tayo magkikita?"

Sinabi naman niya yung lugar kung saan kami magkikita at kung anong oras. Pagkatapos 'non ay pinatay ko na yung tawag.

Ibinalik ko naman na yung cellphone ko sa loob ng bag ko. Napa-isip naman ako sa sandali.

Hays. Baka mahalaga rin siguro yung sasabihin niya sa akin. Hindi naman ako ibang tao para tanggihan siya, at kung 'yon na rin yung pagkakataon uli na alamin ko ang totoo tungkol 'don sa mga sinabi niya sa akin, baka sakaling maibalik ang alaala ko kung 'yon nga iyon.

Pero naisip ko rin si Logan. Dahil alam kong kapag nalaman niya na makikipag-kita ako kay Steven, magha-halimaw na naman 'yon.

Ugh! Bahala na. Gagawa nalang ako ng paraan para mamaya.

Tumayo na ako sa kina-uupuan ko ng maalala kong kailangan ko na palang pumunta 'don sa opisina ni Logan. At napansin kong nag-riring na naman yung cellphone ko. Baka naiinip na 'yon doon sa ka-hihintay sa akin.

Pagdaka'y, kaagad na akong lumabas nang opisina ko, at saka ko mabilis na tinungo ang elevator.

Related Books

Popular novel hashtag