Chereads / What hurts the most ♡ / Chapter 4 - CHAPTER 03: I LOVE YOU BUT I CAN'T LOVE YOU BACK...

Chapter 4 - CHAPTER 03: I LOVE YOU BUT I CAN'T LOVE YOU BACK...

ARIES POV

Tinititigan ko sya ngayon parang sasabug ang puso ko habang nakikita kong may tumulong luha nya habang kumakanta narinig ko sya kanina sa girls comfort room nagulat ako sa narinig ko mahal ako ng bestfriend ko higit pa sa kaibigan gusto kong matuwa sa narinig ko gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko din sya ngunit .... hindi maaari kailangan kong pigilan ang sarili ko hindi ko pweding pairalin ang nararamdaman ko sa kanya hindi pwede kasi fiance sya ng kakambal ko ....

I'm sorry Aiden pero kailangan kitang saktan patawarin mo ko naikuyom ko ang kamay ko habang pinapakinggan ang kanta nya nararamdaman ko ang sakit at pighati sa kanta sa totoo lang naiingit ako kay Arien kasi sya lage ang bida mas mahal sya ng mga nagulat ko kaysa sakin feeling ko unwanted child ako .. ang mga grandparents ko lang ang nagmamahal sakin sila lang ang nakakaintindi para kasi sa mga magulang wala akong kwenta kasi daw puro problema lang binibigay ko sa kanila lage kasi ako nakikipagbasag ulo at hindi siniseryuso ang pag aaral ...

natapos ng kumanta si Aiden tumayo sya at naglakad paalis pero bago paman sya makalabas ng venue napatigil sya at humarap sa direction ko nakatitigan kami... nakikita ko sa mga mata nya ang sakit at kalungkotan ...pero wala na akong magagawa hindi tayo pwede I'm sorry Aiden my love hindi ako ang lalaking nararapat sayo kahit masakit kailangan kong tiisin Aiden kailangan kong tanggapin hindi ka kailangan man magiging akin .

I'm sorry kailangan kong gawin to hinarap ko si Gale at walang sabing hinalikan ko ito nagulat sya at di nagtagal gumanti sya ng pag halik sakin pag katapos ay kumalas ako at tinignan ulit si Aiden nakita ko ang mga luha sa mata nya at napaatras sya at tumakbo palayo ... gusto ko syang habulin pero pinigilan ko ang sarili ko nagpaalam ako kay Gale na mag CR pero ang totoo dito ako pumunta sa rooftop ng school building namin dito ang tambayan namin ni Aiden noon hindi ko pa sya iniiwasan ... oo iniiwasan ko sya kasi yon ang sabi ng magaling kong kakambal...

"Ahhhhhhhhhhhhhhhh!"napasigaw ako dahil sa subrang bigat at paninikip ng dibdib ko "I'm sorry....I'm so....rry"napasabunot ako sa buhok ko habang umiiyak nasuntok ko pa yong pader nakakabakla man pero diko na kayang pigilan ang emosyon ko...

diko namalayan na lumalalim na pala ang gabi at ng tingnan ko ang cellphone ko 09:49 pm na pala tumayo na ako at naglakad paalis ng rooftop.