Chereads / What hurts the most ♡ / Chapter 6 - CHAPTER 06: MAHAL NA MAHAL KITA...

Chapter 6 - CHAPTER 06: MAHAL NA MAHAL KITA...

AIDEN's POV

Hindi ko mapigilan ang mga luhang pumatak sa mga mata ko sa mga sinabi nya okay lang naman sa akin na kahit di nya ako pansinin. Okay lang na magalit siya sakin matatanggap ko pa yon kaysa umalis sya .Gusto ko dito lang sya gusto kong makita sya lagi kahit na hindi ko sya malapitan basta makita ko lang syang masaya wala na akong hihilingin pang iba. Pero sa mga sinabi nya kanina mukhang hindi ko na sya maKikita pa kasalanan ko ito eh...kung hindi ko pinag tapat ang nararamdaman ko hindi sana magkakaganito hindi sana siya mawawala saakin. Europe? ang layo non naalala ko tuloy yong sinabi niya...

"Aiden siguro ito na yong huli nating pagkikita aalis na ako papuntang Europe."

Nabigla ako sa mga sinabi nya Europe? Bakit? Bakit kailangan nyang lumayo hindi ko na nga pinagpilitan ang sarili ko sa kanya diba bakit kailangan nya pang umalis? Napatigil ako sa paglalakad ....

No kailangan kong malaman ang dahilan nya kong bakit? Kaya patakbo akong bumalik sa rooftop kong saan ko siya iniwan kanina pero pagdating ko doon ay wala na akong naabutan pa kaya ako ulit . Kahit hinihingal ay hindi ko yon pinansin.

Nakita ko sya sa labas ng school at papasakay na sya sa sasakyan niya. Tinawag ko ang pangalan niya pero hindi nya ako pinansin ng makarating ako sa gate ng school nasa kabilang side ng kalsada naka park ang kotse niya. Tinawag ko sya pero di niya parin ako pinansin at nagpatuloy siya sa pagpasok sa sasakyan niya.

Kaya tumawid na ako at ng nasa bandang gitna na ako ay narinig kong may bumusina kaya nilingon ko ito nanlaki ang mata ko at parang na bato ako sa kinatatayuan ko. Ipinikit ko ang mata ko kasabay non ay ang pag patak ng aking mga luha. Kasunod non ay ang bigla kong pag tilapon at ang paghandusay sa malamig na seminto. Nakita ko ang mukha ni aries na umiiyak at niyakap nya ako pinahid ko ang luha sa pisngi nya sabay sabi sa kanya ng....

"A....ari-es....ma-hal ...na...ma-hal ki-ta"

Kasabay non ay ang pag tulo ng luha sa mata ko at ang unti-unting pagkawala ng aking malay at ang huli kong nadinig ay ang pagsigaw niya sa pangalan ko.