ARIES POV
Matapos nong operasyon ni aiden mag -iisang buwan na ang lumipas ay hindi parin siya nagkakamalay nag aalala na talaga ako sa kanya pumupunta parin ako sa hospital ng hindi alam ni tita dahil galit parin siya sa akin si tito lang ang nakakaalam pinapayagan niya akong dalawin si aiden. Halos araw - araw akong nagdadasal na sana ay magising na siya. Gusto kung marinig niya ang mga sasabihin ko na mahal ko din siya na pareho kami ng nararamdaman.
Nang makarating na ako sa hospital ay agad akong lumabas ng kotse ko at pumasok sa hospital sinalubong ako ni tito at halatang masaya ito.
"Iho, mabuti nandito kana gising na ang bestfriend mo pero......" biglang lumungkot ang mukha ni tito kaya tinanong ko siya.
" tito bakit po may problema po ba may nangyari po ba?" tanong ko sa kanya
" kasi iho wala siyang maalala nagkaroon siya ng temporary memory loss sabi ng doctor babalik naman raw ang alaala niya pero hindi niya alam ko gaano katagal". sa sinabi ni tito ay pinag sakluban ako ang langit at lupa kaya dali-dali akong pumasok sa ward ni aiden at nakita ko siyang nakatanaw sa bintana ng kwarto niya lumingon siya sa akin at ng makita niya ako ay kunot noo niya akong tinitigan .
"Sino po sila?" tanong niya sa akin
"Ah....pasinsya na nagkamali lang ako ng kwartong pinasokan sige alis na ako pasinsya na ." sabi ko at lumabas na ng kwarto kinausap ko si tito at sinabi ko sa kanya na wag akong babanggitin sa kanya na realize kong ito na siguro ang paraan ng tadhana para makalimutan niya na ako ng tuloyan ni aiden total naman hindi magiging kami dahil hindi siya para sa akin para siya sa kapatid ko.
Gustohin ko mang mahalin siya tadhana na ang may ayaw at ang gumawang paraan dahil unti - unti na akong na bubura sa isip at sa buhay niya.
"I'M FADED , LAHAT NG ALA ALANG MERON TAYO AY UNTI-UNTING NAGLALAHO." sabi ko habang hinahaplos ang larawan niya sa cellphone ko.