ARIES POV
Nandito ako ngayon sa labas ng emergency room naghihintay na lumabas ang doctor at sabihing okay lang si aiden kasama ko sina Tita Ai at Tito Dendo iyak ng iyak lang si tita habang yakap ni tito .
"Hon, ang anak natin hindi ko kakayanin pag may mangyaring masama sa kanya". sabi ni tita kay tito .
"Hon , walang mangyayaring masama sa anak natin okay ." sabi ni tito habang hinahagud ang likod ni tita na patuloy parin sa pag iyak.
Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari hindi sana ito mangyayari kong hindi ako nagpatangay sa nararamdaman ko kong kinausap ko sya hindi sana sya hahabulin hindi sana sya tatawid at lalong lalo na hindi sana siya masasagasaan . Hindi sana mangyayari lahat ng ito naalala ko ang nangyari kanina at subra akong nagsisisi at natakot ng makita kong nasagasaan siya dali dali ko siyang nilapitan at niyakap kinabahan ako ng makita ko puno ng dugo ang kanyang mukha diko namalayang umiiyak na pala ako nakatingin lang siya sa mga mata ko ng pinahid ang luha sa pisngi ko .
"A...ari-es...ma-hal na ma-hal ki-ta" sabi niya bago nya pinikit ang mga mata nya at nakita ko ang butil ng luhang pumatak sa gilid ng mata niya .
"aiden!!! no wag...wag kang matutulog aiden ! gumising ka mahal na mahal din kita mahal na mahal aiden !!!!" kasabay ng paghiyaw ko s ay ang pag sipatakan ng mga luha ko .
Napatayo ako bigla ng bumukas ang pinto ng emergency room kong saan naroon si aiden .
Dali daling lumapit sina tito at tita sa doctor at tinanong kong kumusta ang anak nila.
"Doc, kumusta po ang anak ko ? tanong ni tita habang umiiyak .
"Mrs , didiretsohin ko na po kayo malubha po ang lagay ng anak ninyo may namoong dugo sa ulo ng pasyente at kinakailangang maoperahan sa lalong madaling panahon " sa sinabi ng doctor ay lalong sumikip ang dibdib ko naihilamos ko ang palad ko at doon umiyak ..ng biglang bumukas ang pinto sa E.R
at ...
"Doc, ang pasyente !!!" pagkasabi non ay agad na tumakbo ang doctor at papasok sa E.R. at diko mapigilan ang mga paa kung sumunod sa pagpasok nagulantang ako sa nakita ko ng nagflatline ang heartbeat monitor at kung paano nila sinubukang isalba ang buhay ni aiden ipinikit ko ang mga mata ko at ng idilat ko ang mga mata ko ay bumalik ulit ang heart beat niya kaya lumabas na ako ng emergency room dahil pilit akong pinalabas ng isang nurse bawal raw ako doon kay lumabas na ako. Pagkalabas ko sinalubong agad ako ni tita at sabay tanong ng .....
"aries iho anong nangyari sa loob ? " sa tinanong ni tita ay hindi ako makasagot ...nilapitan siya ni tita at sabay sabing .....
"Hon huminahon ka ," sabi nya tito kay tita
" Tita o..okay lang po siya wala pong mangyayaring masama sa kanya" nasabi ko nalang para naman gumaan kahit kaunti ang nararamdaman ni tita.