Annika's P.O.V
Mahigit isang linggo din ang itinagal ni Leonard sa ospital, nakausap na rin siya ng mga pulis, pero wala namang nahita ang mga ito sa pagkausap sa kanya. Sinabi ni Leonard na wala siyang maalala, ni pangalan daw niya kunwari ay hindi niya alam, pang best actor ang acting ng lolo nyo! Nalaman na rin ni nanay ang sitwasyon nya, paano? Malamang! Dumalaw siya sa ospital, at syempre dahil chismosa ako chinika ko kay nanay. At ang maawain kong ina, ayon! Naawa at pansamantala daw munang patitirahin samin si Leonard habang hindi pa daw ito maayos, hindi lang sa pisikal, kundi ang buhay na rin nito.
At ako? Syempre hindi ako pumayag noong una, kahit pa ubod ng gwapo ng Leonard na yan, estranghero parin sya, ni hindi nga namin alam kung anong klaseng tao sya. Sinabi ko ang saloobin ko kay nanay, pinagalitan pa ako! Ang judgmental ko daw, wag daw akong basta-bastang manghuhusga! Masama daw yun. So ayon nga, wala rin akong nagawa, paglabas ng hospital, dito sa bahay namin tumuloy si Leonard. Nagtataka siguro kayo kung paano nabayaran ang bills nya sa ospital noh? Sinangla ko lang naman sa pawnshop yung kwintas na suot ni Leonard, syempre alam nyang sinangla ko yun, siya kaya may utos sakin non! Malaki ang halaga nung kwintas kaya nabayaran ang bills nya, may konti pa ngang natira.
"Nika, tawagin mo na si Tisoy, kakain na tayo" - utos sakin ni nanay, Tisoy ang tawag nya kay Leonard, sobrang puti daw kasi nito at para na rin sa kaligtasan niya.
Nakasimangot akong tumayo mula sa pagkakaupo, konti nalang eh! Magkikita na ang original at kabet sa binabasa kong kwento! isinara ko ang pocket book na binabasa at nagmartsa patungo sa maliit na kwartong dati naming tinutulugan ni nanay na ngayon ay tinutulugan ni Leonard.
"Hoy Kapre! Kakain na daw" - nakasimangot paring tawag ko kay Leonard, kapre kasi sobrang tangkad nya, nagmukha akong maliit sa height niyang lampas pa ata sa 6 feet.
Sinamaan lang ako ng tingin ni Leonard, ayaw kasi niyang tinatawag na kapre. Agad din naman siyang tumalima, sumunod na sya sa hapag kainan. Pinakbet at pritong galunggong ang niluto ni nanay para sa tanghalian namin.
"Iho, pasensya kana sa niluto ko ha, yan lang kasi ang kaya ko sa ngayon" Ani nanay kay Tisoy, napanguso naman ako, sobrang bait ni nanay sa kapreng 'to.
"Okay lang po Nay Anita, kumakain naman ako niyan" - Matamis ang ngiting turan ni Leonard kay nanay, juice ko! Kahit may konting pasa pa ang mukha niya, litaw na litaw parin ang kagwapuhan nya! Ba't ba may ganito kagwapong nilalang?
"Are you okay?" - tanong ni Leonard sakin, napaiwas tuloy ako ng tingin.
"Ah..eh.. oo naman, ba't naman di ako magiging okay?" - sabi ko at pilit paring nag-iiwas ng tingin.
"Parang anytime kasi mangingisay kana diyan sa inuupuan mo" - Natatawang sabi ni Leonard. "Kinikilig ka siguro sa kagwapuhan ko" - dagdag pa nito. Grabe! Sipain ko kaya mukha nya, ang kapal!
"Nek-nek mo! Naiihi lang ako noh! Wag ka ngang assuming" - Pagdedeny ko, juicemiyo! Alangan namang umamin ako diba? Edi lalo siyang nagyabang!
"Kumain na nga kayo, baka magkatuluyan pa kayo diyan sa ginagawa nyo" - Nangingiting saway samin ni nanay.
Tahimik kaming kumain, mukhang nasarapan si Kapreng Leonard sa luto ni nanay kaya naparami ito ng kain.
Nang matapos kaming kumain ay ako na ang nagligpit ng pinagkainan, at ako narin ang maghuhugas, bumalik na sa kwarto si Leonard at pumunta naman sa sala si nanay at binuksan ang maliit naming tv at nanuod ng paborito naming noon time show.
"Tisoy! Tingnan mo, nasa balita ka" - Bulalas ni nanay, napahinto rin ako sa paghuhugas at patakbong pumunta sa sala, at nakita ko ang mukha ni Leonard sa isang parte ng tv screen, kasabay ng breaking news, lumabas din ng kwarto si Leonard.
"Kasalukuyan paring pinaghahanap ang nawawalang negosyanteng si Leonard Alzadon, ayon sa paunang imbestigasyon base sa natagpuang sasakyan ni Alzadon, malinaw na Carnapping at pagnanakaw ang pakay ng suspect"
"That's not true" - kalmado, ngunit nagngingitngit ang mga bagang na sabi ni Leonard. "May gustong pumatay sakin, at yon ang dapat kong malaman"
Nagkatinginan kami ni Nanay nang bumalik si Leonard sa kwarto.
*****
Hapon na, kasalukuyan akong nakahiga sa mahabang upuan na gawa sa kawayan, nagbabasa parin ng pocket book, wala si nanay, nagtinda na siya ng mga gulay, dati rati ay magkasama kaming nagtitinda, pero ngayon naiwan ako, banyatan ko daw si superman slash kapre.
"Taba" - Muntik ko ng maibato ang pocket book na hawak ko ng magsalita si Leonard. Bahagya pa akong napatayo. Ano kayang kailangan nito?
"Ano?!" - iritang tanong ko, ayaw na ayaw ko talagang iniistorbo ako sa pagbabasa. At anong tinawag nya sakin? Taba?
"May cellphone kaba?" - Tanong ni Leonard. Napatingin ako sa kanya.
"Meron" - Sagot ko kay Leonard. "Bakit?"
"Pahiram nga muna, I need to call a friend" - Anito.
"Hihiram ka lang ng cellphone tatawagin mo pa'kong taba!" - bulong ko habang kinukuha ang cellphone sa bulsa ng short ko.
"Mataba ka naman ah, kaya okay lang na tawagin kang Taba" - Sabi pa ni Leonard, narinig pala nito ang bulong ko, sinamaan ko nga sya ng tingin.
"Eh kung ipalamon ko kaya sayo 'tong cellphone!" - Naiinis na sabi ko, hinablot na nito ang cellphone sa kamay ko kahit di ko pa binibigay.
"Ang dami mo pang sinasabi, eh mataba ka naman talaga" - Ani Leonard ng makuha ang cellphone ko, mabilis itong pumasok sa kwarto ng akma kong ibabato ang pocket book sa kanya.
"Kapre!" - Pasigaw kong sabi, lakas makapanglait ng kapreng 'to!
Makalipas ang trenta minutos ay muling lumabas ng kwarto si Leonard dala ang cellphone ko. Seryoso ang mukha nito.
"We need to talk" - Ani Leonard, naupo ito sa pang isahang upuan na gawa din sa kawayan.
"Tungkol saan?" - Curious na sabi ko.
"Nakausap ko na si Vincent, he's my bestfriend, nasabi ko na rin ang mga plano ko sa kanya, inaayos narin nya ang tutuluyan ko sa Manila, my problem is, kailangan ko ng makakasama sa bahay, I mean, kailangan ko ng kasambahay, since ikaw at si nanay Anita at Vincent lang ang nakakaalam ng tunay na nangyari sakin, kayo lang ang mapagkakatiwalaan ko" - Mahabang pahayag ni Leonard, seryoso naman akong nakikinig. "Pwede bang ikaw nalang ang kunin kong maid?"
"Ako? Sa Manila?" - Hindi makapaniwalang tanong ko, nangangarap din naman akong mapadpad ng Manila, pero bigla kong naisip si nanay, di ko yata sya kayang iwanan. "Pero paano si Nanay?"
"Edi isasama natin sya, hindi rin naman kaya ng konsensya ko na iwanan siyang mag-isa dito, matapos ng ginawa nyo para sakin? No way!" Ani Leonard, na-touch naman ako! Marunong pala siyang tumanaw ng utang na loob.
Hindi nako tumanggi pa sa alok ni Leonard, kahit katulong pa ang role ko, keri yan! Atleast makakatungtong nako ng Manila, si nanay nalang ang kailangan naming kumbinsihin.
*****
Malalim narin ang gabi at abala kami ni nanay sa pag-e-empake ng mga damit na dadalhin namin. Napapayag namin si nanay na sumama sa Manila, ika nga nya, magandang opportunity din daw iyon, baka sa Manila daw magbago ang buhay namin. Hindi namin napansin ang paglapit ni Leonard.
"Nakaalis na si Vincent sa Makati, in a few hours darating na sya dito, be ready" - Ani Leonard. "Nay Anita, sorry kung rush ang pag-alis natin"
"Naiintindihan ko iho" - Nakangiting tugon ni nanay.
Nang matapos kaming mag-empake ni nanay ay iidlip muna sana ako, pero inutusan ako ni nanay na gumawa ng kape, wag na daw akong magtangkang matulog dahil konting oras nalang ay darating na ang sundo namin. Nagtimpla nga ako ng kape para saming tatlo, at habang nagkakape, iniimagine ko kung ano bang itsura ng manila, katulad lang malamang ng napapanood ko sa tv, mga magagandang bahay, matataas na building at maraming mga sasakyan, excited na tuloy ako!
Alas once pasado na ng gabi ng dumating ang kaibigan ni Leonard, nakakahanga na alam niyang puntahan ang lugar namin, dahil daw yon sa gps, hightech na mapa, may ganon din naman ang cellphone ko, pero dahil mumurahin lang, at madalas wala naman akong load para mapagana yon gamit ang internet, wala rin siyang silbi.
Katulad ni Leonard, gwapo din ang kaibigan nito, halos magkasing tangkad lang sila. Artistahin ang peg!
"Nika, Nay Anita this is Vincent" - Pagpapakilala ni Leonard sa kaibigan niya.
"Good evening" -Nakangiting bati ni Vincent sa amin.
"Vince, this is Nika and Nanay Anita, sila ang naglitas sakin" - Sabi pa ni Leonard, ang sarap sa pakiramdam na pinagmamalaki niyang niligtas namin siya.
Matapos ng konting kamustahan at chikahan, binitbit na nina Leonard at Vincent ang konting bagahe namin, konti lang dahil yung maayos na damit lang ang dinala namin ni nanay, nakakahiya naman kung pati yung may mga butas kong blouse ay dalhin ko pa. Matapos mai-locked ni nanay ng maigi ang pintuan ng bahay namin ay sumunod na kami sa dalawang adonis, at talagang napa wow ako ng makita ang sasakyang dala ni Vincent, hindi ito ordinaryong kotse, iyong mamahaling kotse talaga! Lalo pa'kong napa-wow ng pumasok na kami sa loob, hightech lahat ng gamit, may maliit pa itong monitor malapit sa manibela, parang tv. Parang nananaginip ako, hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyayari, makakarating na'ko ng Manila!
Manila! Here I come!
Itutuloy...
*****
Please vote and comment your opinion and suggestions.
Thanks and Godbless.