Chapter 2 - CHAPTER 1

~~Annika's Point of View~~

Ako si Annika Valiente, 20 years old, NBSB, oo tama ka, no boyfriend since birth. Sino ba naman kasing papatol sa kagaya kong bukod sa mataba na ay pangit pa. Nakakahiya man aminin, pero 30 inches ang waistline ko, halos pare-pareho ng laki ang dibdib ko, bewang at legs, idagdag mo pa na ang tangkad ko, nasa 5'8 ang height ko, imagine? Matangkad tapos mataba, ang laki ko diba? kilala ako sa baryo namin bilang FROG PRINCESS. Kung iniisip mo na natutuwa ako sa bansag na yan, nagkakamali ka! Ang mga tumatawag niyan sakin ay gusto kong itali ng sinulid ang mga dila para manahimik. Sino bang matutuwa? Tinawag akong Frog Princess ng mga bully sa school ko nung highschool dahil mukha daw akong palaka, bullfrog! Yung matatabang palaka baga, dahil kagaya daw ng palaka, mataba na nga ako, ay puno pa ng tigidig o tigyawat ang mukha ko! Ang sama nila di ba?

"Nika! Nagsesenti kana naman diyan!" - bulyaw ni nanay sakin ng makitang nakapangalumbaba ako sa mesa naming yari sa kawayan. Panira talaga ng moment si nanay! "Tumayo ka nga riyan at tingnan mo ang mga okra kung marami ng bunga" - Utos ni nanay, nagsesenti pa ako eh! Padabog akong tumayo.

"Inay naman oh! Panira ng moment!" - Nakasimangot kong sabi kay nanay.

"Tigilan mo ako Nika ah!" - Ani nanay at inihamba ang isang talong para sa ihampas sakin pero mabilis akong nakaiwas. "Hala! Humayo ka't tingnan mo na ang mga okra at ng maisama ko na sa mga paninda"

Wala na'kong nagawa kundi sumunod kay nanay, baka mamaya ay tsinelasin pa ako!

Pumunta ako sa likod-bahay para tingnan ang mga okra. Marami kaming tanim na gulay dito sa likod-bahay, ito kasi ang hanapbuhay namin ni nanay, ang pagtitinda ng gulay. Kaming dalawa lang ni nanay sa buhay. Interesado kang malaman kung bakit? Na'ko wag nalang pala, baka ichismis mo pa! Charot!

Ganito kasi yon, dating DH o katulong si nanay sa italy, so ayon nga, nainlababo ang inay! Hulaan mo kanino? Syempre sa tatay kong italyano! O diba? Ang taray ng lola mo, half-italian pala ako! Kaya nga matangkad ako, yun lang! Matangkad lang, walang ganda. Balik tayo sa mga magulang ko, so ayun nga, nainlove si inay, nainlove din naman daw sa kanya ang ama ko,  ang problema, hindi sila pwedeng dalawa, dahil katulong lang si inay, in short, anak ng mga amo niya si papa. Nagkaron ng sikretong relasyon si nanay at papa ko, at syempre nag-jugjugan sila, kaya nga nabuo ako! At noong nabuntis si inay sa akin, at nalaman ng mga amo niya, and worst nalaman na si papa ang nakabuntis sa kanya, ayon! Pinalayas si inay, pinauwi ng pinas, pagkauwi ng pinas, at nalaman ng mga magulang niya na pinagbubuntis niya ako at wala siyang asawa, ayon! Itinakwil siya, kaya walang choice si inay kundi mamuhay ng malayo sa pamilya niya at buhayin akong mag-isa. Wala talagang forever at walang happy ending!

"Nika!!" - dinig kong sigaw ni nanay sa loob ng bahay-kubo namin. Sus! Sira na naman ang moment ko.

"Andyan na po!" - pasigaw kong sagot. Nagmadali na ako, pinitas ko na ang mga magagandang klase ng okra para maisama na sa paninda ni nanay.

Pabalik na'ko sa bahay-kubo namin ng may mamataan ako. Jusmiyo! May multo! Charot. May nakahandusay na tao malapit sa talahiban, at dahil chismosa ako, binitawan ko ang timba na kinalalagyan ng mga okra at tinakbo ko ang talahiban para makita kung buhay pa ba ang tao!

Nang makalapit ako, nakita ko ang isang lalaking nakasuot ng long sleeves at slacks, duguan ito, lalo na sa bandang ulo, duguan din ang parte ng tiyan nito, marami itong pasa sa mukha. Nataranta ako, kinapa ko ang pulso nito, pinakiramdaman kong maigi, mahina ang pulso nito, buhay pa sya!

"Tulong!" - sigaw ko. "Mga kapitbahay! Inay! Tulong!"

Patakbong lumabas ng bahay si nanay, hinahanap kung nasaan ako.

"Inay! Dito po!" - kumaway ako para makita agad ako ni nanay. Patakbong lumapit si nanay sa kinaroroonan ko.

"Susmaryosep!" - bulalas ni nanay ng makita ang duguang tao na nakahandusay sa damuhan. Nagsilabasan narin ang mangilan-ngilan naming mga kapitbahay.

"Dalhin natin sya sa ospital, buhay pa sya" - Sabi ko. Nagtulung-tulong ang mga lalaking kapitbahay namin, binuhat nila ang lalake, ang ibang kapitbahay naman ay nagtawag ng tricycle.

Mabilis naming nadala sa pinaka malapit na ospital ang lalake. Nilapatan lang sya ng paunang lunas, dahil kulang sa kagamitan ay ipinadala sya sa malaking ospital sa bayan para malapatan ng tamang lunas. Ako nalang ang pinasama ni nanay, jusmiyo! Naging yaya pa ako, pero naawa din naman ako kaya sinamahan ko na, tutal ay ako naman ang nakakita sa kanya.

Mahigit kalahating oras ang biyahe papuntang bayan. Pagdating sa ospital ay mabilis na inasikaso ang pasyente namin, ilang minuto palang ako sa labas ng emergency room ay muling inilabas ang pasyente namin. Syempre nagtanong ako kung saan siya dadalhin, aba! Kargo de konsensya ko sya no!

"San nyo po sya dadalhin?" - usisa ko sa mga nurse na nagtutulak ng stretcher.

"Kailangan siyang operahan miss. May gunshot sya" - sagot ng lalaking nurse. "Ikaw ang kasama nya?" - tanong nito sa akin.

"Opo" - napapatangong sagot ko.

"Jan ka lang, may kakausap sayo, hindi pwedeng hindi ito ireport sa mga pulis, may gunshot eh" - anang nurse. Magtatanong pa sana ako pero nagmamadali na ang mga itong dalhin sa operating room ang pasyente.

May doktor na kumausap nga sakin, inireport na daw sa mga pulis na may pasyente silang may gunshot. Ilang saglit lang ay may mga pulis nga na dumating, kinausap ako dahil ako ang kasama ng lalaking may gunshot. Tinanong ako kung ano daw ang pangalan ng biktima, at saang lugar daw ito binaril. Syempre wala akong nasagot, sinabi ko na nakita ko lang sya sa may talahiban na malapit sa bahay namin, at sinabi ko din na hindi ko sya kilala, tinulungan ko lang sya. Kaya ayon, no choice ang mga pulis kundi hintayin na maging okey ang lalake para malaman ang pagkakakilanlan nito.

Ilang oras din akong naghintay sa waiting area ng hospital, matapos maoperahan ang lalaking tinulungan ko, dinala ito sa recovery room, inobserbahan ng dalawang oras. Nang maging stable na ang lagay nito ay inilipat na sa semi private na kwarto, apat silang magkakasama sa kwarto, at pare-parehong naoperahan.

*****

Ilang oras na mula ng mailipat ng kwarto ang lalakeng tinulungan ko, pero hindi parin sya nagigising, maya't-maya siyang minomonitor ng nurse at doktor. Madaling araw na, hindi ko na nagawang makauwi ng bahay, paano ay ayaw akong paalisin ng mga nurse, sagutin ko daw ang lalake dahil ako ang nagdala sa kanya sa ospital. Juice ko! Baka ako din ang singilin sa hospital bills nito!

Nagtext nalang ako sa kapitbahay naming si Belay para ipasabi kay nanay na hindi pa'ko makakauwi.

Kasalukuyan akong nakaupo sa tabi ng kama ng pasyente ko, tinititigan ko itong maigi, shocks! Infairness, ang pogi ni kuyang! Pwera biro, kahit puno ng pasa ang mukha nito, litaw na litaw ang kagwapuhan nya. Kahawig nya yung gumanap na superman!

Hindi ko napansin na sobrang lapit na pala ng mukha ko kay a.k.a superman, kaya nagulat ako ng magmulat ito ng mga mata, sa sobrang gulat ay napaatras ako, uupo sana ako pero dumulas ang pwetan ko sa upuan, ang ending? Malakas na kalabog ang nagpagising sa ibang pasyente at bantay, bumagsak ako sa sahig una ang pwetan ko.

"Ouch!" - Daing ko ng maramdaman ang pagbagsak ng pwetan ko.

Lumapit ang isang janitor ng ospital sakin na sa oras yon ay naglilinis ng c.r. "Miss okey ka lang?" - Tanong nito. Grabe! Tanungin ba naman kung okey ako, nakita na ngang hindi!

"Mukha ba akong okey?!" - Mataray na sabi ko. Kahit sinungitan ko ay tinulungan parin naman akong tumayo ng janitor. Naupo ako sa upuan.

"Lecheng superman 'to! Ba't kasi bigla nalang nagmumulat!" - Bulong ko. Si superman diretso lang ang tingin sa kisame, disoriented pa ata, di man lang napansin ang pagbagsak ko!

Kahit iniinda ko parin ang pananakit ng balakang ko dahil sa pagbagsak ko, pinilit kong tumayo sa pagkakaupo at naglakad palabas ng kwarto para tumawag ng doktor, dedma lang sa mga kasama namin sa kwarto na pinagtitinginan ako.

Nang masuri na ng doktor si superman ay nagbilin ito tungkol sa mga gamot na dapat kong ipainom. Talagang naging instant tagapag-alaga ako ng mokong.

"Miss..nasan ako?" - Nagulat ako ng magsalita si Superman.

"Hindi ba obvious? Nasa ospital ka" - Sagot ko.

"I know that I'm in hospital, ang ibig kong sabihin, saang lugar ba 'to?" - Ani superman, napapikit pa ito.

"Linawin mo kasi" - napapairap na sabi ko. Aba, baka akala ng mokong ay madadaan nya ako sa kapogian nya. "Nasa Tarlac District Hospital tayo" - dagdag ko.

"Tarlac?" - kunot noong tanong ni superman.

"Oo, Tarlac. Teka nga muna, ano bang pangalan mo ha?" - Tanong ko. Napatingin naman ito sakin.

"Leonard" - Sagot nito. "But please.. Don't call me that while I'm here, you can call me whatever you want"

"Bakit naman?" - takang tanong ko.

"May gustong pumatay sakin, walang pwedeng makaalam na nandito ako" - napatakip ako sa bibig dala ng gulat ng marinig ang sinabi ni superman, este ni Leonard pala.

"Ah...eh..ano palang pwede kong itawag sayo?" - tanong ko.

"It's up to you. Just don't call me Leonard or Leon" - anito.

"E kung Nardo nalang?" - suggest ko. Lechugas! Kahit ako nakokornihan sa naisip ko.

"Shit! Wala ka na bang ibang maisip? Lakas naman makatanda niyan" - natawa ako sa reaksyon ni Leonard.

"E kung Superman nalang?" - Tanong ko, bagay naman sa kanya yun, tutal a kahawig niya yung gumanap na superman.

"What?! Lakas naman makabata niyan" - reklamo ulit ni Leonard, wala na'kong maisip, bahala na nga sya.

"Tss.. Ikaw ba walang naiisip ha?" - Tanong ko.

"Wala! Sumasakit ulo ko sayo!" - Masungit na sabi ni Leonard. Hindi na ulit ako kinausap nito, edi hindi ko na rin kinausap! Paki ko sa kanya! Inayos ko nalang ang upuan ko paharap sa mesang pinaglalagyan ng pagkain at ng kung anu-ano, since wala pa namang laman ay dito muna ako iidlip, kailangan ko ng tulog, halos madaling araw na, umupo ako at ipinatong ang ulo sa mesa, maya-maya ay nakaramdam na ako ng antok.

Itutuloy...

******

A/N - Ayan at nagkakilala na sina Annika at Leonard, subaybayan nyo lang ang hindi pang fairytale na story nila.