Chereads / Crowned Assassins / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

Sirius.

Vega.

Canopus.

Arcturus.

Astrid.

Capella.

Rigel.

Procyon.

Achernar.

Betelgeuse.

Ang sampong pinakamalalakas na alagad ng liwanag o mga urions na nasa harap ko ngayon. Nakamasid ang animnapo't siyam pang crowned urions sa paligid ng circular mound altar na nasa kalagitnaan ng isang masukal na kagubatan. Ito ang hideout ng mga crowned assassins o urions.

Isang three layered circular platform na ginagamit sa pagpupulong at sa mahahalagang seremonya ng LOU o League of Urions. May sampung pillars ang nakapalibot sa pinakamataas na layer ng altar. Ang sampong pillars na 'yon ay sumisimbulo sa sampong pinakamalakas at pinakamakapangyarihang urions sa buong organisasyon -ang sampong haligi ng organisasyon.

Ang unang sampo ang nag-mamay-ari ng crown of the stars, ang pinakamataas na korona na maaring ipatong sa isang anak ng liwanag. Si Sirius ang nagmamay-ari ng unang poste, ang first pillar, pinakamataas na halaga ng korona bilang pinakauna sa ranggo. Nasa ikalawang poste naman si Vega, ang tinaguriang swooping eagle o pinakamabilis sa lahat ng anak ng liwanag. Ikatlo si Canopus na sinundan ni Arturus at Astrid, ang pinakabata sa sampong ten pillars at ang aking mentor.

Sa second layer ng mound altar naman nakatayo ang mga nasa 11th to 20th ranked urions. Nasa kanila ang sampong powerful crowns na sumusunod sa crown of the stars. From the golden crown to brass and iron, to silver and bronze and the rest of the hard metals.

Bawat isa ay pinag-ipunan at pinagsikapan ang nasabing ranggo para maluklok sa posisyong iyon. Kadalasan, ang mga nasa second layers ang next in line sa top ten pillars. Sa oras na may matanggal sa pwesto ng unang sampong urion; maaring pinatay, nagresign sa posisyon o tinanggal ng organisasyon, sa second layer kinukuha ang kapalit. Maaring makuha ng mga nasa second o third layer ang isa sa mga crown of the ten pillars sa puntos na nakuha nila sa bawat matagumpay na misyon. Ang isa pang paraan para maging isa sa mga crowned pillars ay ang simpleng paslangin ang isa sa kanila para palitan sila sa kanilang kinatatayuan -isang napakaimposibleng pamamaraan. No one from the second layer ever defeated a pillar.

Nasa ikatlong layer ang mga nasa ranggong 21st hanggang 79th. Ang layer kung saan ako pwedeng mapabilang kung papalaring pumasa sa nakaraan kong misyon kasama si Astrid. Kapag nagdesisyon ang mga pinuno ng organisasyon na koronahan ako ng kahit alinman sa crown of the gems, mapapabilang na ako sa third layer of crowned assassins at mabibigyan ko na ng hustisya ang pagkamatay ni Dr. Roberts.

Si Sirius bilang pinakamalakas na urion ang siyang punong tagapamahala ng organisasyon. Nagsisilbing kanang kamay nito ang ikalawa o si Vega at ikatlo na si Canopus. Si Astrid kasama pa ang ibang pillars ang magdedesisyon kung karapat-dapat ba akong koronahan bilang isang ganap na urion.

Just one crown.

I need one crown for me to avenge Dr. Roberts and my parent's death.

This is my third time taking the LOU's assassin test. This organization is my access to infiltrate the hidden secrets of the outcross -ang grupo ng mga taong-halimaw na maaaring pumatay sa mga magulang ko. Just one crown, kahit na anong gem pa ang ipatong sa korona ko. Kahit na rank 80th pa ako, maluwag kong tatanggapin. Kailangan ko lang pumasa at maging isa sa LOU para maisakatuparan ko na ang lahat ng aking plano. I need a licence to kill!

By the looks of it, habang nakalatag sa gitna ng altar ang nangangamoy at nilalangaw na kamay ng yumaong lawyer na may suot na limang singsing, mukhang mapupurnada na naman ang tsyansa kong maging isang crowned assassin. Mukhang palpak ang operasyon ko at ipinahiya ko ang ikalimang pillar na si Astrid.

"Ang utos ay dalhin ang empire ring hindi dalhin ang buong kamay ni Attorney Sulpicio. Sa ikatlong pagkakataon Sirius, mukhang bigo ang batang pinagkagastusan ng organisasyon. To think that Dr. Roberts sacrificed his life for this wasted urion, how could we even compensate the damages and sacrifices we have given?" Sa linyang 'yon ni Vega, alam kong hindi niya ako ipapasa kapag umabot sa botohan ng sampong pillars whether to crown me or keep me wasted for the third time. Tinignan pa ako ng masama ng babae -pula ang buhok nito pati ang mga labi, balingkinitan ang katawan at makinis. From the very start na nakilala ako nito, hindi na niya ako gusto.

Sumagot ang matangkad na babaeng may dilaw na buhok na si Procyon, and ika-walo. Nginitian ako nito bago nagsalita, "She was able to bring the empire ring plus the other legacies of the dead lawyer, to me that's already mission accomplished."

Lihim akong napapadyak sa suporta ni Procyon. Of all the crowned assassins, she's the nicest and most endearing. Well, Astrid can be nice at once as well as the other crowned but Procyon has been consistent. She is, among all, my closest pillar. Tanging pillar na nakakabiruan ng marami, nakakusap sa lahat ng bagay at pinaka-approachable. Minsan tinitrain ako nito at minsan kinakausap sa tuwing bakante siya. She's been of great help since I first took the test.

Capella, the 6th gave her opinion. Isa itong payat na crowned urion na may suot na eyeglasses at may super vision ability. Daig pa nito ang magnifying lenses sa sobrang linaw ng kanyang mga mata lalo na kapag wala itong suot na salamin. Those eyeglasses are used to keep her vision normal when not in the fighting state. "In my opinion," tumikhim ito to catch our attention, "Lucy was able to accomplish the mission. Though sa trabaho natin, accuracy is always important. Siguro ay hindi natin naipaliwanag ng maigi na kailangang isang singsing lang or ang empire ring lang ang dapat niyang dalhin sa altar na 'to at hindi lima. I think, we missed to specify the number of rings."

"Accuracy!" as if Vega agreed with Capella's statement. Namamagaw pa ang tawa nito saka nagsalita. "Bringing those rings with the dead man's arm, isn't that not enough to prove that this girl was not able to follow the LOU code? This is her third and the last, hindi ba dapat ay perfection na ang pinipresent nito hindi kapalpakan?" Her loud voice conquered the three layers of the mound altar.

"Lucy should have followed what was told. Accuracy is one of our secrets why this organization still exists," Rigel the seventh expressed. A guy six foot tall, blonde hair with a perfect physique and a dashing looks na halatang may kursunada kay Vega. He will always come as a supporting pillar to the second pillar, Vega. Buy one-take one most crowned call them.

"Pillars, any concerns before we vote?" Sirius finally asked. Ikinalat nito ang tingin sa siyam pang pillars. He stared at me seriously probably trying to check my sincerity for this job. Napayuko ako.

The pillars will voice out loud an "AYE" or "NAY" to express a yes or a no respectively. Namasa na ang mga kamay ko sa sobrang nerbyos. Pinagpawisan na ako ng malagkit.

Deafening silence conquered the three-layered altar.

"Sirius, my co-pillars and all crowned," Astrid, the fifth broke the silence. Nagtama ang aming mga paningin. His expressive eyes made me freeze for awhile. "Lucy was able to accomplish the job. The mission was almost impossible for a beginner and uncrowned urion but she was able to deliver these rings. I have never seen such an uncrowned as determined as her. The moment she was surrounded by the masked assassins, I thought she would fail the test again. P-pero nagawa niyang lusutan ang lahat ng 'yon."

"Seriously? how many masked assassins were there?" Vega was intrigued.

"Twenty three," Astrid answered. His gaze went blank.

"She killed them all?" Betelgeuse the tenth asked trying to fish some more details of what happened. Halatang interesado itong malaman ang detalye ng nangyari. As if he knows something about me, kung anong posible kong ginawa sa sitwasyon na 'yon.

"No," Astrid tried not to break his voice. He stayed calm and composed. Nagulat ako sa sinagot nito. "She was able to escape. I never expected her to escape with such swift moves but anyhow, I think she's ready."

Nagulat ako sa sinabi ng lalaki. Why did he not tell I killed those masked assassins after I blacked out? Is it a bad thing or a good one? I blacked-out and killed those assassins in less than a minute. Bakit hindi niya sinabi sa mga pillars ang nangyari? Anong dahilan niya?

"So tumakas siya at ganon na lang? Tumakas siya at nakapasa na siya?" Rigel almost revolted on his pillar. Napasandal ito sa posteng nasa tapat niya na tila kailangan pang idetalye ni Astrid ang mga nangyari. Sa tingin ko'y parang nagduda ito sa sinabi ng huli.

"Enough. Astrid shared what he saw," Sirius's voice came across stopping any argument arising. Napabuntong hininga ito saka tinignan isa-isa ang siyam pang pillars. "It's time to vote."

Finally. Heto na naman ako sa gitna ng botohan. Same pillars who voted me out for the past two consecutive years. Naalala kong sa unang botohan, si Procyon lang at ang ika-siyam na si Achernar ang bomoto. I got an eight out of ten. Kumbaga sa quiz ay bokya ako. I was fifteen back then. I was sixteen when I took the test again. Pagkatapos akong i-mentor ni Procyon, mukhang dumami ang boto ko dahil binoto ako ng apat na pillars na sina Procyon, Capella, Betegeuse at Vega na pakiramdam ko'y binoto lang ako para maramdaman ko kung gaano niya ako kinaaawaan para pumasa. I had to get six out of ten para makoronahan at maging isang ganap na crowned urion. I got four last year.

"Aye," Procyon expressed which means I got one.

"Nay," nakasimangot na pahayag ni Vega habang nakahalukipkip ang mga kamay.

Rigel said a "Nay" as expected.

"Nay," kalmadong sabi ni Canopus na tila nababagot na sa seremonya.

"Aye," bilang mentor ko binoto ako ni Astrid. Nang lingunin ko ito'y tila kinakabahan din sa botohan kaya nakayuko habang nakakuyom ang mga palad. Nakataya ang karangalan niya sa pagpasa ko sa misyon.

"Aye, I think Lucy is ready," Capella expressed na tinapunan ako ng seryosong titig. Naramdaman kong sinsero ito sa sinabi.

"Nay," pahayag ni Arcturus ang ika-apat saka umupo sa katapat nitong poste na nabagot na rin. Hinawi pa nito ang puti nitong buhok na lagpas balikat upang lumutang ang gwapo nitong mukha.

Isang NAY na lang at papalya na naman ako. napapikit ako nang pinakinggan ang sasabihin nina Achernar the 9th at Betelgeuse the 10th.

Sa lahat ng mga pillars, sila ang matatawag na unpredictable. Neutral ang mga ito sa lahat at parang may mga sariling pamantayan pagdating sa botohan. I turned about face para harapin ang ika-siyam at ika-sampo na nasa likuran ko. Achernar is a female with curly hair na nasa mid-thirties. Mukha itong bata sa kanyang itsura, her smooth round face looks harmless pero sa sampong pillars, siya ang may pinakamaraming kills. She has a lust for blood and death when out in the field but can be very friendly when not in a mission.

Nobyo nito si Betelgeuse, isang morenong lalaking may malaking pangangatawan at tadtad ng tattoo ang mga braso. Kalmado ito at mysterious sa lahat ng oras. Hinuha ko'y kapag bumoto ng 'yes' si Achernar ay marahil boboto din ng 'yes' ang lalaki.

None of them met my gaze. Nanatili silang nakatingin sa isa't isa na tila sinusukat ako at ang kakayahan ko sa kanilang sariling pamantayan.

"Well, this girl is intriguing," Achernar flipped her hair before she continued, "naiintriga ako kung bakit nagkainteres sa kanya si Dr. Roberts. The doctor even risked his life for her. Maybe shes j-"

"Achernar, your vote," Sirius cut whatever Achernar is saying. He exhaled an amount of air and waited for Achernar to speak.

"As you wish sir, it's a NAY!" sagot ng babae saka bumaling sa gulat na si Betelgeuse.

I'm dead! She voted a NAY. Sa isang hibla ng pagkakataon, gumuho ang mundo ko.

"What? Did you say nay?" gulat na tanong ng nobyo nito.

Natawa si Achernar dahilan para maguluhan ang mga kasamahan nitong pillars. "Sorry! That was a joke!" Tumawa uli ito ng malakas na halos ikasakit ng sikmura nito.

"What is wrong with you?" tila naaasar na sabi ni Vega. Napansin ko ang pagkagat nito sa pang-ibabang labi para magtimpi "Your final vote! Now!"

"Hot headed red head witch. Bawal magbiro sa pagpupulong? Tignan niyo nga mga itsura niyo oh, tumatanda na kayo sa sobrang seryoso niyo." Pinilit nitong kontrolin ang tawa nang mapansin ang pagseryoso ni Sirius. "Sorry Sirius, I am just so delighted to see Kiera again. This girl is such a mystery. Kier-"

"Achernar!" sigaw ni Betelgeuse. Ramdam kong isa iyong pagbabanta dahil sa pagbanggit ng babae sa tunay kong pangalan. Isang malaking kasalanan ang banggitin ang tunay na pangalan ng isang urion sa mga ganitong tagpo.

"Lucy, you have my yes. AYE AYE for Lucy!" sigaw ni Achernar na bigla ding tumahimik.

"Betelgeuse," Sirius asked the tenth.

"Ofcourse. This kid here deserves a yes."

Katahimikan.

I only need one more 'yes'. Just one more.

Napaismid si Vega. Nakapameywang pa ito nang balikan ng tanaw si Sirius. "Now Sirius, decide whether she deserves to be one of us or she deserves something better outside the organization."

Tumikhim si Sirius. Napayuko ako at tila hinihintay na lang ang sasabihin nito. Halos putol-putol ang aking paghinga habang dinadama ang malamig na ihip ng hangin. Tila unti-unti nang hinihigpitan ang taling kikitil sa buhay ko habang hinihintay ang sasabihin ng first.

"She will be the 80th. She has my vote. It's an AYE."

'Yon ang huli kong narinig mula kay Sirius bago sakupin ng hiyawan at palakpakan ang tatlong layers ng mound altar. Nakakabingi at halos sabayan 'yon ng malakas na pagtibok ng puso ko. Naririnig ko ang mga pagbati ng halos lahat ng nasa organisasyon. Tumagal ng mga ilang minuto ang palakpakan at hiyawan bago muling nagsimula ang ika-una.

"Our 80th urion, Lucy, will receive the diamond crown," pahayag ni Sirius na halos gumulantang sa lahat.

Isang nakakaalarmang katahimikan.

"What? No! She can't have the diamond crown Sirius!" malakas na pagtutol ni Vega na halos sugurin na ang ika-una. "She does not deserve that crown! Never!"

No one have ever worn the diamond crown. I was expecting Sirius to give me the topaz, crystal, ruby or pearl crown dahil ang mga iyon ang nabakante noong nakaraang taon dahil sa pagkamatay ng mga nagmamay-ari nito. Pero bakit gustong ipagkaloob saakin ni Sirius ang koronang wala pang nagsuot sa kasaysayan ng LOU? Anong ibig sabihin ng lahat ng 'to?

###