Chereads / Crowned Assassins / Chapter 9 - Chapter 8

Chapter 9 - Chapter 8

Muli kong pinasadahan ang sarili ko sa harap ng malaking salamin sa kwarto. I was wearing a figure-hugging, strapless serpentina gown. It was a deep crimson color. The mermaid gown, picked by my best friend Ara, has a very simple front with a back that reveals opulent details. Made of silk gazar, the gown has a hem of draped multiple folds at the back, which are like petals of red roses pulled together. At a very young age, buong-buo na ang hubog ng aking katawan. Hindi ako mapagkakamalang disisyete lang sa edad ko. Siguro ay dahil sa height kong limang talampakan at pitong pulgada at sa hugis ng aking katawan na dulot ng trainings na mas malala pa sa hardcore sessions sa gym na nagbigay saakin ng perfect figure. I look more mature than my age which I don't know if it is an advantage or a disadvantage. Perhaps, it can be both depending on the situation I'm into.

Isang nagmamadaling katok sa pintuan ang pumutol sa pagmumuni-muni ko. Malamang ay si Ara na ang nasa labas. Mas excited pa ito sa akin sa gagawing crowning ceremony. "Kiera! Nakasimangot na si sir Friedan sa labas! Kanina ka pa daw kasi diyan kaya pinaakyat na ako dito!" natatarantang sambit ng babae. Lagi itong aligaga lalo na kapag involve na si Friedan.

"Bukas 'yan!" 'yon ang tangi kong nasabi. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at hinintay ang sasabihin ni Ara. Nagtaka ako dahil sa katahimikan. Napalingon ako sa babae na nasa bungad parin ng silid, natulala at laglag ang panga.

"Oh my gosh! Ikaw na ba yan Kiera?" exaggerated nitong sabi sabay lapit sa kinatatayuan ko. ilang saglit lang ay nakita ko na sa salamin ang repleksyon naming dalawa. Nakasuot ito ng white strapless bubble cocktail dress with matching white gloves. Mas nagmukha itong bata sa itsura dahil na rin sa suot nitong tiara. "Oh gosh! Ang ganda mo at ang ganda natin!"

Sinulyapan ko ito sa aking tagiliran at nginitian para sabihing nagsasabi siya ng totoo. Mga ganap na kaming dalaga kung sa itsura ang pagbabasehan.

Napayakap saakin si Ara bago ito nagsalita, "Kiera, kailangan na nating bumaba kasi si boss kanina pa humahaba ang nguso niya. P-pinapababa ka na pala."

Si Friedan ang tinutukoy nitong boss. Bigla akong nataranta. Of all people, masamang pinaghihintay ang lalaking 'yon dahil tiyak na kahit wala pang Lingo ay makakarinig ka na ng napakahabang sermon. Hinagilap ko ang kinaroroonan ng aking bronze purse saka nagdesisyong tunguhin ang pinto. Huminga ako ng malalim bago pinihit ang seradura. Sana hindi pa ubos ang pasensya niya kundi sesermonan na naman ako ng di oras!

"Let's hope and pray na hindi pa ubos ang pasensya niya Kiera," tinapik ni Ara ang likuran ko para kumalma. Ito rin ay kabado. Sa lahat ng mga kakilala nitong urions, kay Friedan siya labis na takot. Hindi naman nananakit si Friedan, nakakatakot lang talaga ang disposisyon nito at ang aura niyang sobrang istrikto at walang mali sa katawan. Siya ang taong ayaw mong magkakamali sa harapan niya dahil hindi pa ito nagsasalita ay nanginginig ka na, ayon sa kaibigan kong si Ara.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Natanaw ko ang bumbunan ni Friedan na kanina pa pabalik-balik sa dulo ng hagdanan habang may kausap sa cellphone. Sinubukan kong huwag gumawa ng ingay ang pagbukas ng pinto kahit na alam kong maririnig at maririnig parin ng lalaki ang kahit na kanina'y pagpihit ko ng doorknob. I swallowed the invisible lump on my throat and stepped out of the door. Halos madulas ako sa una kong hakbang. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ng lalaki sa itsura ko. It matters to me. It always mattered. This is the first time he sees me dressed like a lady, I don't want him to think I dress weird and look weird. I always wanted to be the person he wanted to meet and to be with. Maybe this is my chance. Maybe this is the time he can see me as a woman, not just a young girl who he treats as his little sister.

I stepped down the staircase at nagsisi ako dahil sa pagsampa ng takong ng sapatos ko sa hagdan. Gumawa 'yon ng ingay dahilan para mapalingon si Friedan sa kinaroroonan ko. Nakatapat parin sa tainga nito ang cellphone. Umikot ang katawan nito para harapin ako. Napatingala ito ng bahagya. Napayuko ako at tinangkang huwag salubungin ang inaasahan kong masungit niyang tingin.

"Kiera, hindi ikaw si Kampanerang Kuba, that won't make a great impression." narinig kong bulong ni Ara sa aking likuran.

Bigla akong natauhan. Hindi ba't gusto ko siyang i-impress ngayon gabi? Hindi ba't gusto kong magbago ang tingin niya sa Kiera Quintana na nakilala niya noong binatilyo pa ito? Muli akong napalunok saka huminga ng malalim. Nakatatlong hakbang na ako saka kumapit sa rail ng hagdanan. Kaagad kong inayos ang aking postura at nilakasan ang loob na salubungin ang titig nito. I batt my eyelashes slowly kagaya ng tinuro ni Ara para mas magmukhang classy and sexy daw. Sa pagtigil ng pagkurap-kurap ng aking mga mata ay nagsalubong ang mga titig namin ni Friedan. I looked at him, and he is already staring. Nakatingin ito ng diretso habang kunwaring may kausap sa telepono. Ilang segundong nakatingin lang ito saakin habang bumababa ako sa twenty steps stairway.

His gaze. It looks different. It is the first time he stares at me this way. Parang may nagbago. Parang pakiramdam ko'y isa akong estranghero sa paningin niya at ito ang unang beses naming pagkikita. His dark brown eyes is not lying, maybe the young Kiera he's been scolding all these years is gone. Words are worthless when he stares at me like this. Mas lalo akong nagkaroon ng lakas ng loob para tahakin pa ang natitirang bahagi ng hagdanan. My feet is rushing towards him with my heart wishing that tonight, he will never look at me again the way he had gazed at me when I was young and careless.

"We'll be there in a sec," kunwaring bumawi ito ng tingin at binaling ang atensyon sa kausap. Ilang hakbang na lang ang pagitan namin at naamoy ko ang mabangong cologne na gamit nito. His scent has been my favorite scent the first time I smelled it. My nose have been keeping the secret all these years.

Isang hakbang na lang at nasa tabi na ako nito. Nakatalikod na siya at abala sa kausap kaya muli akong nakaramdam ng sakit. Siguro, imahinasyon ko lang talaga ang lahat kanina. Biglang bumigat ang kanang paa ko sa pagbaba. Hindi ko inasahang hindi sakto ang paglapat ng takong ko sa semento kaya nawalan ako ng balanse. Awtomatiko kong inihanda ang mga kamay ko sa pagbagsak ko sa semento pero bago pa man ako saluhin ng matigas na sahig ay nahagip na ako ng mga makapangyarihang bisig ni Friedan. His arms lift me up and instantly wrap my waist.

Kasunod no'n ay narinig ko ang pagbagsak ng telepono nito sa sahig.

Nakapikit ako habang halos buhat ni Friedan ang katawan ko. Muli kong nasamyo ang pabango nito na parang isang droga ang dulot sa katawan ko. Pagdilat ng mga mata ko, napansin ko ang nakahawak kong kamay sa matipuno niyang braso na nababalot ng suot nitong tuxedo. Mas lalo akong nabigla nang tumingala ako't bumungad saakin ang nangungusap na mga mata nito. Halos magkadikit na pala ang mga mukha namin. Hindi ko naikubli ang pamumula ng mga pisngi ko habang iniisip ang susunod kong gagawin.

"Get up, y-your heavy." He said said noncommittal. His warm breathing brushed the surface of my cheeks. I felt my cheeks burning.

I almost shivered. Isang boltahe ng kuryente ang naging dulot nito saakin. Matagal ko nang itinago ang lihim kong pagtingin sa lalaki at wala akong balak sabihin o ipahalata ito. Pero ngayon, parang trinaydor ako ng pangyayari at ng aking reaksyon. He can see me blushing and almost shaking with the intensity he's unconsciously bringing.

Sa pagdidikit ng aming katawan, saka ko napagtantong tama ang matagal ko nang agam-agam. I am attracted to Friedan -more than physical. This, the attraction I have for him is more than the common. I feel like we have a mental connection, which is rare! The attraction was not intentional. It was never my choice. It was by accident when he saved me from those guys who tried to rape me when I was fourteen. Despite the incomparable strength I have, he awakens the weak side of me, the vulnerable part that made me want to have him by my side. Always. Friedan makes me feel ordinary -weak and susceptible.

Sinubukan ko namang itago ng nararamdaman ko. In the first place para na kaming magkapatid for God's sake! Ilang taon kong nilihim ang pagtingin ko, naging mas ilang ako sa kanya na sa tingin ko ay mas ikinatuwa niya. He would always want to make me feel unwanted and immature. He treats me like a little girl that needs guidance and protection. I hope tonight, everything would change and fall in my favor.

Hanggang ngayon, na nasa loob na kami ng sasakyan ay wala parin kaming imikan. Sinusubukang magsalita ni Ara pero natitigil ito sa tuwing humaharurot ang kotse. Kanina ko pa nakikita ang panay na pagsulyap ni Friedan sa rear view mirror ng sasakyan. Ilang beses kaming nagkasalubong ng tingin sa salaming kanina pa niya tinatanaw. Hindi na ito umimik kaninang binitawan niya ako't tinulungang makatayo. Kaagad itong dumiretso sa kotse na parang may iniiwasan.

Sa sobrang bilis ng sasakyan na tumakbo ng halos 90 kph ay hindi inabot ng halos limang minuto lamang ang biyahe patungong Underground City. Unang beses kong makakapasok sa nasabing lugar. Isang top secret ang Underground City. Ang Underground City ay isa sa mga pangunahing site of operations ng LOU na tanging mga naturally born urions lamang ang nakakaalam. May front company ito, isang istablisiyementong pinapalabas na bahagi ng isang imprastaktura para maitago ang hideout ng LOU. Ang Queen Elma Jewelries o QEJ ay ilang dekada na ring nag-ooperate bilang jewelry shop na pagmamay-ari ng LOU at pinapatakbo mismo ng isang crowned urion na si Wini, ang 19th. Sa pananaw naming mga urions, hindi ang pagbebenta ng mga mamahaling alahas ang ang pangunahing punsyon ng elite shop kundi ang pagtakpan ang opisina ngmain organization -ang League of Urions.

Sinalubong kami ng mga unipormadong tauhan ng boutique na pawang mga crowned. Kabilang sila sa third layer ng league, nasa ranks 62, 63 at 64 ang mga ito at halatang nababagot na sa kanilang tungkulin bilang mga tagabantay ng jewelry shop. Nagbigay galang ang tatlo nang papasok na si Friedan o mas kilala nilang Astrid, ang ika-lima. Nakasunod naman kami ni Ara sa lalaki na halos hindi kami lingunin patungo sa pinakadulong bahagi ng napakalawak na shop. Marahil ay nasa dulo ang secret door pababang Underground City. May nadaanan pa kaming mga customer na walang kamalay-malay sa totoong nagaganap sa ilalim ng jewelry shop.

Tinapunan kami ni Friedan ng isang seryosong tingin nang tumugil ito sa harap ng isang glass cabinet. Punong-puno ng mga mamahaling alahas 'yon. Nakakalula dahil pawang mga rare treasures ang nasa loob ng glass frame. Nagtaka ako kung anong gagawin ni Friedan sa cabinet? Huwag niyang sabihin wawasakin niya 'yon para mabuksan ang secret door pababa sa Underground City?

Wala kaming imikan nina Ara na nakakapit na sa aking braso. Hinintay kami ni Friedan na makarating sa likuran niya bago niya pinindot ang metal lock ng cabinet. Ang akala ko'y may kukunin siyang jewelry sa loob pero nagulat ako nang pagbukas niya sa glass cabinet ay bumungad saamin ang isang elevator sa loob no'n. Parang sabay pa kaming nagulat at nagkatinginan ni Ara dahil sa mapanlinlang na glass cabinet na ang totoong nasa loob ay isang elevator pababa sa venue ng coronation.

Tumikhim si Friedan nang sumara ang glass cabinet na siyang pagsara naman ng elevator. Inasahan ko nang may sasabihin ito at hindi naman ako nito binigo. "Kiera, I mean Lucy, I know how much you wanted the crown. I am proud of you, finally..." he took a long pause to gather his words. Then as he jerked his head slightly, he continued, "But no matter what happen, control and do not let go of your human strength. Do not pass out and lead yourself to using your unconscious skill."

Parang isang babala iyon mula sa ika-limang pillar. Alam ko kung ano ang gusto nitong sabihin. Friedan, Dr. Roberts and Ara have been hiding the secret -the deadly skill I am capable of doing. Matagal ko nang tinatanong kung bakit kailangang itago ang kakayahang iyon sa mga urions samantalang halos lahat ng mga crowned ay may special skill na tinatawag; Ara can erase a recent memory, Vega can move invisibly fast, Astrid can heal. I can go blank and come back with multiple kills. Alam kong nakakapangilabot nga na mawalan ng malay at paggising ko'y papaligiran ako ng mga patay na katawan, pero nakakapagtaka lang kung bakit ang special skill ko lang ang kailangang itago sa buong LOU?

"W-why?" I asked. Parang hanggang ngayon ay hindi parin ako kumbinsidong dapat itago ang kakayahan ko. Hindi parin kasi ako binibigyan ng isang katanggap-tanggap na paliwanag ni Astrid.

"Just do it. Hide it as long as you can if you want to stay alive, longer." Astrid answered plainly trying to control again his anger.

Sa sinabi nito, tila nahimasmasan ako at tumigil na sa pagtatanong. Hide it as long as you can if you want to stay alive, longer. Inuulit-ulit ng utak ko ang mga katagang iyon habang pababa kami sa underground city. Alam ko, sa pagkakasabi kanina ni Astrid, hindi pangkaraniwan ang seremonya ng coronation na gaya ng mga nagdaang crowning event. Huminga ako ng malalim at muling kinuyom ang namamasang palad bago tuluyang bumukas ang pintuan ng elevator at sumalubong saamin ang maingay na bulwagan ng pagdarausan ng coronation.

Parang nasa isang malaking disco party kami sa setting ng venue. Unang beses kong masilayan na ganito ang setting ng coronation. Nakatatlong dalo ako sa crowning ceremony at malayo ang itsura nito sa mga naunang seremonyas. May nagsasayawan sa dance floor habang pinapatugtog ang isang jazz music ng isang crowned na isa ring sikat na DJ sa mundo ng mga ordinaryo. Kilala ko siya at marahil ay kilala siya ng mga narito ngayon, si DJ Daryl na halos araw-araw napapanood sa telebisyon sa kanyang TV show. Nginitian ako nito saka kumaway na ikinagulat ko naman dahil hindi namin personal na kilala ang isa't isa. Sumama ang tingin ni Astrid sa lalaki dahil sa ginawa nito. Nilingon ako nito at inismiran bago tuluyang naglakad patungo sa kung saan.

"Hi Astrid!" anang isang crowned na nakasalubong namin habang hawak ang isang baso ng red wine.

"Ang gwapo niya!" tili naman ng isa pang malanding crowned kasama ang iba pang kababaihan. Tumili din ang apat pang kaharap nito na parang maiihi na sa kinatatayuan.

Nilagpasan lang sila ni Astrid na parang walang narinig. His natural aura -walang pakialam sa paligid, hindi ngumingiti sa hindi kakilala at diretso lang ang lakad dahil walang magtatangkang humarang sa daraanan niya which gave us an easier access to pass though is always been plausible.

"Oh Astrid! Hindi ka na tumawag kahapon!" papansing salubong ng babaeng may dilaw na buhok at halos bakat ang buong katawan sa suot nitong almost-naked dress na tanging private parts na lang niya ang natatakpan.

Bumulong saakin si Ara na tila nakaamoy sa romance sa pagitan ni Astrid at ng babaeng crowned na alala ko'y Lexi ang pangalan, ang 40th. "You are what you wear, she wears nothing but her underwear, she's a slut."

Mabuti na lang at malakas ang tugtugin sa paligid kaya hindi ito narinig ni Lexi. Natuon ang atensyon ko kay Astrid na nakikipag-usap parin sa babaeng halos hubad. Natawa ito nang may binulong sa kanya ang babae, halatang nag-eenjoy ito sa company ng malanding si Lexi. Marunong palang tumawa ang gago! Nagtiim ang mga bagang ko at napahinga ako ng malalim. Magpigil ka Kiera, this is your coronation. This is your night!

"Doon tayo sa may sofa!" ani Ara sabay hila saakin patungo sa bakanteng sofa sa may dakong kanan ng venue. "Bilisan mo, nangangalay na ako sa suot kong heels! Umupo muna tayo."

Nagpatangay naman ako kay Ara. Mas mabuti ngang doon muna kami at lumayo sa naglalandiang sina Astrid at Lexi nang hindi masira ang gabi ko. Baka bigla pa akong mawala sa sarili at magising na kaharap ko ang pira-pirasong katawan ni Lexi. Kumuha si Ara ng dalawang baso ng alak sa dumaang waiter saka inabot ang isa saakin.

Nag-toast pa kami ng bestfriend ko saka tinangkang lagukin ang alak. Pagdikit na pagdikit ng lid ng baso sa bibig ko ay isang malakas na pwersa ang humablot sa hawak kong baso. Nagulat pa ako nang tuluyan nang makuha saakin ang basong may lamang alak na mukhang matapang ang amoy. Dumungaw sa nakatingala kong mukha ang naniningkit na mga mata ni Astrid. Mukhang sinapian na naman ito ng pagiging tatay ko kuno.

"This is tequila, you should not be drinking this!" nagpipigil inis niyang sabi saka kumaway sa isang waiter na may dalang bilog na tray. Nang makalapit sa kanya ang waiter ay ibinalik na sa tray ang baso ng tequila.

"Sir Astrid, sorry. Akala ko kasi, juice lang!" pagpapaumanhin ni Ara na kapwa wala ring alam pagdating sa mga alak. Nanginginig pa ang mga bibig nito habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa.

"We'll talk later, this is such a d-" naputol ang sasabihin nito sa biglang pagtigil ng music sa buong venue.

Sumunod ang tunog ng nakakabinging halinghing ng mikropono bago namin narinig ang boses ni Sirius, ang unang pillar. "League of Urions, welcome to the coronation of the 80th urion!"

"80th?!" nagitla ako sa binanggit nito. Hindi ba't tatlo kaming kokoronahan ayon sa nilalaman ng black invitation?

"We have three aspirants for the crown! Gorgos, Polar and Lucy..."

Hind na naging klaro ang mga sumunod na sinabi ni Sirius. Base sa mga sinabi nito kanina, alam ko na kung ano ang susunod na mangyayari. Kagaya ng mga sinaunang coronation event na natunghayan ko, alam kong may twists ang mangyayari ngayon. Iisa lang ang dapat koronahan, ang 80th crowned urion ay isa saamin nina Kelvin a.k.a Gorgos, Rumina a.k.a Polar at ako na kilala sa tawag na Lucy!

Napalunok ako at biglang nanginig. Hindi ko inasahang ganito ang twist ng crowning event. Magpapatayan kami para sa ikawalumpong korona!

###