Chereads / Crowned Assassins / Chapter 14 - Chapter 13

Chapter 14 - Chapter 13

"I'm in!" marahan akong humakbang papasok ng event hall ng Vargas mansion. 

Nakasuot ako ng itim na blouse at above the knee skirt na kulay itim din na may tatlong pulgadang slit sa kaliwang binti, itim na stockings at two inches pumps. May tali ng leeg ko ng silver scarf kaya nagmistulan akong flight attendant sa gitna ng party. Hindi naman ako nag-iisa dahil sampong babaeng serbidora din ang may ganitong kasuotan. Mukha akong sosyaling katulong ng mga Vargas.

I should be rejoicing at the moment because I was hitting two birds with one stone. Same location same event ang unang misyon ko at pagpapaunlak ng kahilingan (with sarcasm) ni Phelan para mabawi ko ang music book. Ofcourse compromising my debut party na parang hindi naman yata plinano ni Friedan.

"Stride to the left exit. Ayon sa blueprint ng mansion, may dalawang exit palabas ng event hall. The right exit goes directly to the parking area while the left exit is hidden." Saad ni Rumina mula sa nanophone na nakakabit sa kaliwa kong hikaw. "Bago ka lumapit sa dalawang high-end guards na nasa exit, spray your face with the solution I gave you. That is a neuron image stimulator. That would conceal your real identity and make you appear with the looks you desire. Take note that you should look like one of the Vargas' for you to get access."

"Copy that agent Gorgos," tipid kong sagot sa utos ni Rumina. Saka humakbang na palapit sa left exit.

Namataan ko ang mga kaibigan ni Phelan sa isang sulok ng event hall. Napansin nila ako. Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang tawanan nila nang makita nila ang kasuotan ko. I didn't care. I only cared for the people who mattered.

Ilang metro na lang ang layo ko sa left exit nang tawagin ako ng isang nakakaasar na boses. Nasa stage ito ng hall kung saan nakade-quatro ang upo nito sa single royal sofa na magkahalong kulay ginto at dugo. Umismid ito nang lingonin ko. Sa ngiti pa lang niya'y alam kong pagtitripan na naman ako ng lalaki.

"Lucy, what's keeping you long?" biglang sulpot ni Kelvin aka Polar sa kabilang linya. Marahil ay may naramdaman itong kakaiba sa mga bisita sa garden. May kakayahan kasi itong basahin ang pagkatao ng isang nilalang base sa kilos at anyo nito.

"One spoiled brat is seemingly asking for his milk. I can handle him. Warn me if you see something, Polar" sagot ko saka bumaling kay Phelan at kunwari'y walang pagtitimping kinikimkim sa dibdib. Ano na naman ba kaya ang gustong ipagawa ng kumag na 'to?

Mas lumawak ang ngiti ng lalaki sa labi nang lapitan ko. Mas bumigat naman ang gigil sa dibdib ko. "Kiera the geek, stay here for a while." Mahina ngunit makahulugan nitong usal saka tinapik ang gilid ng kinauupuang sofa.

"What? Uupo ako diyan?"

"Mamili ka, dito" turo nito sa tinapik na bahagi ng single sofa, "o dito?" saka naman nito tinuro ang gitna ng kanyang mga hita. Humagalpak ito sa kinauupuan nang makita niya ang gulat na gulat na reaksyon ko. "Choose or I'll choose for you."

I released a heaved. It turned to be almost a whimper. Kumuyom ang mga palad ko habang padabog na humakbang palapit sa gilid ng sofa saka nag-alangang umupo. Nasamyo ko ang mamahaling cologne ng lalaki nang halos magdikit ang aming mga katawan.

"Great. Now I have you as my source of strength. No one can harm me now." Pabiro nitong sabi saka nagtawag ng service staff.

"For the music book Vargas, I will pretend to be your bitch tonight." Mariin kong sambit saka umakbay sa balikat nito't tinanim ang mga kuko ko doon.

Nilingon ako ng lalaki na tila hindi apektado sa ginawa ko. A wrinkle on the side of his mouth showed he's hurt. "Fierce. Oh I like fierce Kiera." Kumindat ito na prang isang manyak sa loob ng pubhouse.

Tumagal ng ilang minuto ang pagtabi ko sa birthday pig na si Phelan. 

Nakailang follow up na sina Kelvin at Rumina sa nanophone sa hikaw ko pero hindi ko magawang umalis at kumawala sa atensyon ng lalaki. Napansin ko ring wala ni isang babae ang lumapit kay Phelan habang nakaupo ako sa tabi niya. Walang mga fangirls. Walang mga naggagandahang modelong lumilingkis sa kanya. Hindi ko alam kung bakit may pigil na ngiti ang sumilay sa dibdib ko habang iniisip iyon.

Nang tawagin ng kaibigan ni Phelan ang lalaki sa hindi na mabilang na pagkakataon ay wala nang nagawa ang lalaki kundi paunlakan ito. Muli akong inalerto ni Rumina na marahil ay bagot na bagot na sa elf truck na nakaparada sa labas ng mansyon. Doon kasi nakaset-up ang mga monitors at spy gadgets niya para sa una naming misyon.

First mission: Zero Artifact 1A, Black Scorpion Box

Nakatago ito sa pinakamalalim na basement ng Vargas Mansion. Fourth basement to be precise. Ito ang dahilan kung bakit nagsimula akong pagdudahan ang pamilya ni Phelan including the guy ofcourse.

Kailangang mapagtagumpayan namin ang unang misyon na 'to. Nakasalalay dito ang mga susunod pa naming gagawin sa ilalim ng LOU.

"Leap your feet Lucy, I saw three outcross just arrived." Kelvin's voice trembled a bit. The outcross might have been so powerful which caused him antsy. I heard him swallowed a lump on his throat. The outcross who just arrived might be something.

"I felt the outcross too Lucy. Hurry up and spray your face," saad ni Rumina.

"Copy Polar and Gorgos. Spraying now."

Huminga ako ng malalim. I looked at Phelan over my shoulders and he was busied by his colleagues. Saktong lumabas ito sa even hall at nagtungo sa garden kaya kaagad kong tinungo ang left exit. Ikinubli ko ang kaba sa dibdib nang harapin ko ang dalawang naka-suit na guwardiya. Tumango ang mga ito saka ako pinagbuksan ng pintuan. "Access granted. I am taking the first basement door."

"Good." A credit from Rumina. "Now that door is a DNA enabled entrance. Do you have Phelan's hair?"

"Affirmative agent Gorgos. I have it in my purse since I arrived." I confirmed then quickly opened my pursed that was almost forgotten in my hidden pocket. Mabilis kong pinulot ang buhok ni Phelan saka ipinatong sa DNA scanner na nakadikit sa ibaba ng golden knob ng pintuan.

ACCESS GRANTED. A robotic female voice confirmed my entrance. Hindi ko akalaing magiging madali ito. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Rumina as a sign of her relief.

"Akala ko'y kakailanganin pang i-hack ang system ng Vargas mansions." bulalas ng babae.

"I thought so too Gorgos." Pasubali ko habang bumababa sa pangalawang basement.

"Mr. and Mrs. Vargas seem to be so close with the outcross guests. Here comes, the birthday boy. Parents introduce son to the outcross group. Now I am doubting Phelan's existence." Kelvin narrated on the other line. "It seems like there is something going on with your boyfriend and the outcross agent Lucy."

"Oh cut the crap Polar, he's not my boyfriend," sagot ko habang minamadaling tahakin ang ikatlong basement. Habang lumalalim ang binabaybay ko'y tila nauubusan na ako ng hangin sa dibdib. It might have been due to exhaustion and the basement itself. "I can't breathe."

"Take the oxy-candy Lucy. Tama ang naresearch kong may oxygen reducer ang basement ng mga Vargas. They provided you easy access to the first basement but beneath there is deadly."

"C-copy Gorgos." Nahihirapan kong tugon kay Rumina saka muling binuksan ang lalagyan ng oxycandy. Rumina packed four in my purse. An oxycandy can give my lungs enough supply of oxygen in five minutes. Ibig sabihin ay may twenty minutes ako para makuha ang black box mula sa ikaapat na basement. Kaagad na umepekto ang oxycandy sa katawan ko nang lunukin ko. My lungs felt like it was drowned with a minty sack of liquid oxygen that kept my breathing stable.

"Hurry up Lucy. They're heading you way," babala ni Kelvin mula sa taas.

"Agent Polar, make way to delay them," suhestiyon ko habang tinatahak ang hagdanan pababang fourth basement. Nilagok ko ang pangalawang candy. Ilang hakbang pa ay nasa pintuan na ako ng ikaapat na basement. Bumungad saakin ang digital lock ng pintuan. "Digital lock. I need codes Gorgos!"

"Oh no!" bulalas ni Rumina na nasa kabilang linya.

"What do you mean oh no?" kinabahan kong tanong habang hinahabol ang paghinga. Mukhang mali ang tantiya ko sa twenty minutes. Mukhang kukulangin ako ng supply ng oxygen kapag hindi agad nahack ni Rumina ang codes.

"The system is kicking me out. I cannot hack it!"

"I tried to delay Phelan by asking him an autograph," Kelvin sighed deeply and almost chortled at the thought. "That was kinda lame but it bought us two minutes. You k-"

"Stop the fuss Polar!" iritableng singhal ni Rumina kay Kelvin sa kabilang linya. "Agent Lucy, capture the digital lock and let me figure it out."

Mabilis kong pinihit ang crown ng wristwatch ko saka itinapat sa digital lock. The minute hand rotated at three hundred sixty and the bezel released a circular neon lights. Mabilis na nagpakita ang nakuhang larawan ng lock. I pushed the crowned and sent it to Rumina's device analyzer.

"Okay, so this is a Yale digital touchscreen lock A8-0890Y. This comes with six codes." Rumina paused for a while. I swallowed the third candy. I only have ten minutes. I looked at the clock. Mag-aalasdose na ng hatinggabi. Ilang minuto na lang at magiging legal na ang edad ko.

"Lucy, abort mission. Papunta na sila diyan!" tarantang babala ni Kelvin. Pilit nitong pinapakalma ang boses pero hindi maitago ang kaba sa tono nito.

"I still have 8 minutes. I can hold my breath in five minutes so make it thirteen minutes. Gorgos, what's the code?" pagpupumulit ko. I don't want to fail this mission. Ito ang unang hakbang para sa mga kasagutan kung sino ang pumatay sa mga magulang ko.

"Thirteen minutes Lucy. If it gets complicated, abort the mission. The vote is two is to one." Rumina mentioned. "Try 102307"

Mabilis kong pinindot sa screen ang mga numerong sinabi ni Rumina.

ACCESS DENIED.

"I was thinking medyo cheesy ang mga Vargas kaya pinaghalo nila mga birthdays nila. Sorry! Now try 646712, that's the estimated worth of their wealth minus the six zeroes."

I keyed in 646712.

ACCESS DENIED. We're doomed!

"Polar, Gorgos, I will make a guess." Pagboboluntaryo ko nang maramdamang mukhang hindi umuubra ang suhestiyon ni Rumina. Huminga ako ng malalim. Pumindot ako ng mga numero. 143440, 143143... 123456 pero hindi umubra. The codes I was keying looked stupid. Hanggang sa naisip ko ang pangalan ni Phelan. Naalala ko ang nickname nito nang itext niya ako noon sa gym. PHEL.

"Six minutes Lucy! Abort in five minutes!" saad ni Kelvin na pakiramdam ko'y nakahanda nang lumabas ng mansion.

Then I keyed in, 168512 na katumbas ng bilang ng initials ng palayaw ni Phelan sa alphabet.

ACCESS GRANTED. I got so lucky!

Pakiramdam ko'y biglang nadoble ang hangin sa aking baga. 

Bumukas ang pintuan ng basement 4. Tumambad saakin ang mga mamahaling alahas na nakalagay sa glass frames and glass displays. Hinagilap ko ang itim na box na gaya ng nasa larawang nakuha namin sa aming research. Nasa dulo iyon ng basement. I ran fast while keeping my guard at post.

Binuksan ko ang aking mahiwagang purse at hinablot ang lipgloss. Binuksan ko saka pinaikot ang base nito. I looked like an ordinary lipgloss but the content of it can burn any form of metal or glass. Gumuhit ako ng pabilog sa de-salaming kahon ng black scorpion box. Ilang segundo lang ay nalusaw ang bahaging ginuhitan ko ng lipgloss. I grabbed the black box and finally felt accomplished. I heed for the exit.

I was so ready to leave the fourth basement when I heard footsteps gearing their way towards me. 

Now I smelt trouble in my nostrils. 

I was warned. 

I must dwell with it.

###