Chereads / Crowned Assassins / Chapter 18 - Chapter 17

Chapter 18 - Chapter 17

Nagtititili si Ara na sumalubong saakin sa lobby ng building. Isang buong oras akong parang batong nakaupo sa klase ni Vega. The fastest pillar acted like a real professor as if we do not know each other. 

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin saakin kung bakit nagsidatingan ang mga urions sa DHU. Was it related to the lunar eclipse that just happened during my birthday? Bakit hanggang ngayon ay wala pang binabanggit saakin si Friedan at hindi pa ako pinapatawag ni Sirius? If this was something very complex and risky, why was there no summoning from LOU? O sana sumulpot na lang bigla si  Zilla tutal siya naman ang palatandaan ko tuwing may panganib sa paligid.

"Kiera!" malakas ang boses ni Ara na umalingawngaw sa buong lobby. Naabutan ko itong nakaupo sa itim na couch sa receiving area at halatang inaabangan ang pagdating ko. Ara was in her usual look, her remarkable decorated-christmas-tree-like hair never failed to put a smile on my face.

"Anong meron?" takang tanong ko. Knowing Ara, her reaction would mean something surprising. Alam kong isang malaking balita ang dala nito kapag ganoon na kalakas ang boses niya na sinabayan pa ng nagniningning niyang mga mata.

Napatayo ito sa kinauupuan at dagling lumapit saakin. Mabilis at gigil nitong hinawakan ang braso ko na gaya ng lagi niyang ginagawa kapag may balitang hindi na niya kayang itago.  "Kiera, my goodness!" nataranta nitong usal saka ako hinila palabas ng Tech Building. Pinaypayan pa nito ang mukha gamit ang kanang palad na tila hindi na makahinga sa sobrang excitement. "May callback tayo para sa musical!" 

"What?" hindi 'yon ang balitang inaasahan ko. I was expecting something more complex. I was expecting about the outcross and the urions and the danger that's around. "Musical?"

Ara might have noticed my disappointment. Nabasa nito sa mukha ko na iba ang inaasahan ko. "Hindi ka natutuwa? Kiera we've been practicing so hard to get into this musical!" Hindi pa rin ito tumitigil sa paglalakad na halos hilain na niya ako sa kung saan niya balak akong dalhin. 

Nakarating kami sa auditorium na nasa tabi lang ng Tech Building. Naabutan namin ang mga nagkukumpulang mga estudyante sa harap ng bulletin board. Hindi pa rin matigil-tigil ang gigil ni Ara dahil sa sobrang kilig.  Pinagtitinginan pa kami ng mga estudyanteng naroon na kusang nagbigay daan para makita namin ang nakapaskil sa board. I saw my name and Ara's as well for callback. Sa tabi ng pangalan ko ay may nakasulat na 'understudy'.

"Halah, lagot siya kay Senina. Hindi ba siya 'yon?" bulong no'ng isa sa isang sulok.

"Hindi 'yan tatagal sa babaeng 'yon. Kawawa naman siya, mukhang kakainin siya ng buhay ni Senina."

"I pity her. Mabuti na lang hindi ako kasali sa casting. Okay na ako sa production team."

"Poor understudy girl. Sana makayanan niya."

Lahat ng bulungan sa paligid ko, narinig ko. Lahat ng 'yon, patungkol saakin at sa pangalang Senina. Base sa mga narinig ko, mukhang hindi magiging madali ang buhay ko kasama ang babae. Saka tama ba ang nakita ko na magiging understudy ako ng musical?

I felt numb for split second. My thoughts weren't on the musical itself but the possibilities that this could be a frame up or a form of sabotage in the process. Hindi ko alam kung nagiging paranoid na ako na isiping marahil ay na-set up ang casting ng musical na ilang lingo ko nang napag-audition'an.

After the weird events that happened on the eclipse of my birthday, I cannot blame myself for not trusting things that easy. Anything could be a bait of danger now. Anything.

Rumina and Kelvin's arrival at school, Vega taking a new role just to be  undercover, Phelan's sudden changes both in appearance and attitude and the feeling I have inside me that something is happening behind my innocence. Friedan never talked to me about the eclipse. The hightened strength and senses I gained after the event was unexpected. I might be digging my own grave now if I don't pile up blocks of vigilance.

"Okay na kahit understudy ka Kiera. Atleast you have fifty percent chance to get the lead role. That is, if something horrible happens to Senina Wespie." Ara tried to make me feel better by giving me a taste of a consolation. At the back of my mind, I was not interested to get the lead role and become the live counterpart of Phelan Vargas.

"Horrible like what?" isang mataray na boses ang sumabat kay Ara mula sa likuran. Mabilis na nagsiatrasan ang mga taong naroon na para bang ilag sila sa kung sino man ang dumating.

"Oh my gosh, Senina is here" bulong ng isang babae sa di kalayuan. Mukhang pigil pa ang pagkakasabi nito sa pangalan ng babae.

Napalingon kami ni Ara. 

Tumambad sa aming likuran ang isang magandang babaeng singputi ng nyebe ang kutis at singpula ng dugo ang mga labi. Napapaligiran din ang mga mata nito ng makakapal na pilik mata at ang mukha niya'y parang hinubog para bumagay sa mga detalyeng naroon. Her hair, shiny and curly painted with burgundy and ebony colors was confidently falling down to her shoulders. Pakiramdam ko'y nanonood ako ng isang vampire movie at kaharap ko ang reyna ng clan. 

Senina was beyond exquisite beauty.

"Senina," kinakabahang sabi ni Ara. I can hear her heartbeat raised so fast like crazy horses running. Kumapit ito sa braso ko.

"So, you're the understudy? Hmm? Kiera Roberts?" anito habang nakatingin saakin. Tinaasan ako nito ng kilay habang nakatitig ang mga mata niyang parang nakatingin sa isang boring na palabas sa TV. "Speak!"

Senina was intimidating. I couldn't speak with urgency because of her presence; but she didn't scare me. "I am." I confirmed then tried to wear a smile but failed.

Her hands went akimbo as we exchanged gazes. She assessed my presence from head to toe and found nothing but a nerdy girl that would never bring her intimidation, or even insecurity. "You can be good at being an understudy Kiera, just an understudy because you will never have the chance at replacing someone like me."

Muling lumakas ang bulungan sa paligid. Pakiramdam ko'y nasa gitna ako ng wrestling match kung saan inaasahan ng mga expectator na dehado ako sa laban. Na kay Senina lahat ng pusta. The feeling got more awkward.

"Senina!" someone called the girl's name from afar. Naputol ang tensyon na binuo ng babae. Lahat ay napalingon sa lalaking naglalakad palapit sa kinaroroonan namin.

"Oh my... si Phelan Vargas!" untag ng babae na sinundan pa ng tili. Pigil na nagsitilian ang mga kasama din nito na halatang mga tagahanga ng lalaki.

Pumalatak pa sa pandinig ko ang tunog ng bawat hakbang ng palapit na lalaki. Nahuli ko itong nakatingin saakin habang naglalakad. Patay malisya naman akong umatras at nakihalo sa mga kumpulang naroon. Ara was with me at hindi pa rin nito binibitiwan ang braso ko.

Nang makalapit si Phelan ay kaagad na kumapit sa braso niya ang magandang babae. Sa itsura ng mga ito'y parang may relasyon na ang dalawa. Napatiim ako ng bagang. Bakit pakiramdam ko'y hindi ko nagugustuhan ang nakikitang intimacy ng dalawa?

Phelan sighed deeply as he gazed at Senina at then back at me. "So you finally met your understudy. What do you think?"

Senina rolled her eyes. Mas lalong humigpit ang kapit nito kay Phelan who was looking so gorgeous on his white T-shirt and semi-fit denim. Napansin kong tila mas naging fit ang katawan nito kumpara sa mga nakaraan araw. Idagdag pa ang mahigpit na pagkapit ng girlfriend niya kaya naemphasized ang malaki niyang braso.

Senina laughed with sarcasm and glanced at me. Tapos ay bumalik ang titig nito sa gwapong katabi. "She can be understudy forever."

Nagtawanan ang mga tao sa paligid. I caught Phelan smirking. Hindi na ako nito tinapunan pa ng tingin pagkatapos.

"Kiera, let's go." Malungkot na aya saakin ni Ara. Nagawa nitong hilain ako paatras sa crowd. As we step back from the group, we were gone like useless bits of a mighty chip. Kumbaga, sa isang malaking tinapay, para kaming mga crumbs- unnoticed, useless and irrelevant.

Nakayuko akong palabas ng auditorium. Ara never let go of my arm as she continuosly mention that everything's going to be fine --nonstop. We walked pass the landscaped garden of DHU until we reached the gazeebo that's near the man-made river. Bago pa man kami makaupo sa gazeebo ay muli kong narinig ang boses ni Phelan mula sa likuran. He was fast. He called my name and something felt weird inside me.

"Kiera, we need to talk." Kalmado nitong sabi.

"W-we can talk at the gazeebo," turan ko sabay lingon kay Ara na parang tutol sa kahilingan ng lalaki.

"I need to talk to you alone. Just us." pagpupumilit nito na nagawa pang humakbang palapit saamin. He was almost three meters away. Pakiramdam ko'y may mahalagang sasabihin ang lalaki.

"Kiera, are you sure you want to talk to him?" Ara asked with a condescending tone. Her eyes were filled with questions... and warning.

Tumango ako at ngumiti ng pilit.

"You guys can take the gazeebo. I will just be around." Ara suggested. She knew that the gazeebo was the safest part for us to talk in private. Bukod sa tago ito ay hindi kami maririnig ng kung sinoman dahil sa malakas agos ng ilog at mga huni ng ibon na naroon.

Nang makaalis si Ara ay kaagad akong nagtungo doon. Naramdaman ko namang sumunod si Phelan. Nang magkaharap kami ng lalaki ay nagsimula na akong kabahan dahil sa expresyon sa mukha nito. Mukhang seryoso nga ang sasabihin nito.

He heaved a deep breathing that's almost a whimper then gazed at me intently. "Kiera, the understudy thing was all set up."

His statement confirmed all my doubts. Mas lalo akong kinabahan dahil totoo ngang may kinalaman ito sa mga makalipas na pangyayari. "What is going on Phelan?"

"The bad guys are around. You need protection!"

At that moment, I have grasped one huge reason to ask him one thing. Matagal ko nang gustong tanungin ang lalaki at sa tingin ko'y ito na ang tamang oras para tanungin ko siya. "What are you Phelan?"

He remained silent. Hindi ito makatitig saakin.

"What are you?" napalakas kong sabi. Narinig ko ang pagbilis ng tibok ng puso nito. He can't be an outcross dahil hindi ko maramdaman ang presensya ng itim na enerhiya sa katawan nito di tulad ng mga madalas kong makaengkwentro. Hindi rin ito isang urion, I am pretty sure of that. I cannot feel any string that binds or connects us unlike those of the pillars and other urions. Malalaman kong isa siya saamin kapag naramdaman ko ang koneksyong nagdurogtong saamin bilang mga urion.

"I am not the bad guy Kiera!"

"Then why all of the sudden? Bakit bigla-bigla mo na lang sinasabi na kailangan ko ng proteksyon?"

"I know who you are. That is the reason why I am trying to protect you because I know who you really are Kiera."

Natigilan ako sa sinabi ni Phelan. Those were words that doesn't mean anything but means something. Something definite. Something that has been written.

Sino ba talaga ako bukod sa pagkakakilanlang binuo ng LOU sa utak ko?

Who is Kiera Roberts beyond what is known?

###