Chereads / Crowned Assassins / Chapter 24 - Chapter 23

Chapter 24 - Chapter 23

The burning sensation inside my body became a raging acid which ran from my stomach all throughout my body and it's entire veins. It was like a wild fire combined with lava that slowly burnt every flesh of me. Nagsimula akong pagpawisan sa harap ng piano at halos mapakapit ako sa lid nito. 

Nang hindi ko na kayang pigilan ang kumakawalang daing ng kirot sa aking bibig ay mabilis akong tumakbo palabas ng music hall. Tinungo ko ang back door. 

I need to seek for help from Procyon, Achernar and Betelgeuse. Paiga-iga kong tinakbo ang backstage. Narinig ko pang tinawag ako ng tumigil sa pagtipang si Miss Pilorin pero hindi ko na iyon pinansin. What's happening was larger than life. Magkakasolar-eclipse at mukhang mas matindin ang nararamdaman kong kirot sa katawan ngayon kumpara sa lunar eclipse kagabi. 

Nang makalabas ako sa music hall ay bumungad saakin ang anino ng buwan na nakapatong na sa araw. The pillars weren't there. 

Mas lalong lumingkis ang kirot sa katawan ko. Nanlambot ang mga tuhod ko at halos hindi ko na maigalaw ang katawan ko. 

Naramdaman ko ang pagbagsak ng katawan ko sa semento. Bago ako tuluyang bumagsak, naramdaman ko ang isang mainit na kamay na humila sa kanang braso ko. I smelt the scent of Roen. He saved me from breaking a bone. 

"Urgh!" He grunted as he lifted me effortlessly. "Buong akala ko malakas na ako pero sobrang bibigat niyo pala!"

Niyo? Sinong kasama namin? 

Nasagot ang tanong sa utak ko nang mapansin kong nakaangkla sa kabilang balikat ng lalaki ang nanghihinang si Phelan. Sa tantiya ko'y wala na itong malay. 

Nangyari na naman. Parehas kaming apektado ng eclipse ni Phelan. Ano ba ang koneksyon namin? Magkapatid ba kami? Bakit parang nangyayari sa kanya ang nangyayari saakin tuwing magsisiping ang araw at ang buwan?

"We're damn hybrids who once can't bear the moon and the sun having sex, eh? Paggising niyo the phase is complete. Either you become like them, or you become us." 

'Yon ang huling dinig kong sinasambit ni Roen habang buhat-buhat kami ni Phelan patungong parking area. Bago ko pa man masilayan kung saan talaga kami dadalhin ng lalaki'y naubos na ang enerhiya ko't tuluyan na akong sinakop ng dilim. 

Paggising ko'y kompleto na daw ang phase. Either I become like them or I become like Roen? 

Who is Roen to begin with?

***

Muli akong nagising. Kaagad kong naramdaman ang magkahalong hapdi at lamig na nakadikit sa aking mga braso at binti. I was locked up in chains inside a dark room. I smelt rotten moss and dusts in the air. We're underground!

Tama ang hinala ko nang masuri ko ang buong lugar. Walang tao sa buong area. Tanging mga lumang bricks at mga pader ang nandoon. The place seemed to have been abandoned many years ago. Isang bilog na hugis sa itaas ang nagbibigay ng liwanag sa buong lugar. Sumipa na naman ang malaasidong hapdi sa aking sikmura at mabilis iyong kumalat sa buo kong katawan. 

Napasigaw ako. 

May sumigaw din sa tabi ko. Clattering metals from the chains came after. Then the male voice panted and grunted from the searing pain. Si Phelan. "Get me out of here!" Galit at puno ng gigil nitong untag saka sinubukang hilain ang mga kadenang nakadikit sa katawan niya. 

"P-Phelan..." Tawag ko sa lalaki. Nanuyot ang lalamunan ko habang nakasandal sa isang matigas na pader. I forage for a source of water. There is nowhere to drink. Nauuhaw ako. 

"Kiera." The guy called me back. Then he remained silent which was unfavorable for me. I needed him to explain what was going on kung may nalalaman man siya. I needed him to tell me what's our connection. Bakit nangyayari sa kanya ang nangyayari saakin.

"Don't struggle guys. The more you go against the current, the harder it would take you to complete the phase." Sa wakas ay narinig ko boses ni Roen. It took me seconds to locate him. Nakasandal ito sa kabilang pader kung saan tanging ang pulang buhok nito ang naaaninag ko dahil sa sinag ng araw. 

Nahihirapan man akong magsalita, sinubukan ko pa ring tanungin ang lalaki kung anong nangyayari. "Anong nangyayari Roen? Pakipaliwanag kung anong nangyayari? Wala akong alam!"

The guy gave a half-suppressed laugh. He walked from side to side then shook his head at a leisurely pace. "The urions have not told you a word, eh? Poor Kiera. Just as what I always thought. They're really good at keeping so many secrets."

Bigla akong natakot sa sinabi nito. The urions have been keeping me secrets. It's nothing new. There are a lot of secrets to keep from each urion to every mission. But why would they keep my true identity a secret? "W-what do you mean?" 

He whimpered. "You're scared? I can smell your emotions Kiera. You're scared to know the reason why all these years they have kept your identity a secret? It's like being deprived of the rights you always have had."

Nanggigil ako. Nanghihina man ay nagawa ko pang hilain ang mga kadena sa braso ko. I hissed, "Sabihin mo na kasi! Ano ba kasing nangyayari at bakit parehas kaming nagkakaganito ni Phelan?"

"It'll pass. Like what I said Kiera, this is just part of the phase. Once you complete the phase, either you become like them or you become like me." Inulit na naman nito ang sinabi kanina. Masyadong malalim ang tinutukoy nito. Hindi ko alam kung sino ang sinasabi niyang "them" at kung sino siya? 

All I thought was he's an outcross. I was wrong. He calls himself a hybrid. 

Hindi na ako nakapagsalita pa. Bigla na lang kasing natabingan ang liwanag na nagmumula sa malaking pabilog na butas sa itaas ng kwarto kung saan kami nakakadena. 

"The solar eclipse is almost done. Total solar eclipse will complete this through." Muling sambit ni Roen na bahagya nang umatras at hindi ko na naaninag kung saan nagtungo. 

Sa tuluyang pagdilim ng kapaligiran ay bumulwak ang dugo mula sa aking lalamunan. Nalasahan ko ang sarili kong dugo. A hard metallic slimy taste. 

Ang kanina'y isang masidhing asido sa sikmura ko'y napalitan ng tila isang mainit na bola. Pakiramdam ko'y may dinadala akong isang lobong puno ng mainit na enerhiya. Kumalat ang init na iyon mula sa aking tiyan paakyat sa aking dibdib hanggang sa gumapang ito sa bawat hibla ng ugat sa katawan ko. 

Binuhay ng mainit na likidong iyon ang kanina'y nanghihina kong katawan. I felt reborn. Energized. Anew. 

Gumapang pa ang mainit na sensasyon sa katawan ko. Tila isang grupo ng hiblang naghahanap ng isang pugad. Dumaloy ito sa bawat buto ko. Halos mapaliyad ako dahil sa dayuhang pakiramdam na dulot no'n. Nang tumigil ang dulo ng mainit na enerhiya sa likuran ko'y unti-unti iyong gumapang paakyat sa batok ko at doon nito inipon ang lahat ng hiblang nakakalat sa katawan ko. 

I felt a burning and electrocuting mix on my nape. Tila minamarkahan ng hiblang 'yon ang ang batok ko. Napasigaw ako sa hapdi. Nahila ko ang kadenang nakapulupot saakin. Sa sobrang lakas no'n ay natanggal ko iyon mula sa pagkakaangkla sa pader. 

Mas lumakas ako. Ramdam ko iyon. 

Napaatras si Roen. "Kiera, you have to control yourself. Don't let it take over your body. Stay calm!" 

How can I? With all this pain?

Hindi tumigil ang hindi maipaliwanag na kirot sa batok ko. Nakuyom ko ang mga palad ko at sinubukang pigilang kumawala ang itim na enerhiyang matagal nang nakakulong sa katawan ko. Kapag naubos ang lakas ko at nawalan ako ng ulirat, paniguradong magkakaroon ng take-over at baka mapatay ko sina Phelan at Roen. 

I was struggling to get off from the chains. Hindi natigil ang hiyaw ko at pigil naman ang mga sigaw ni Phelan na nasa tabi ko. 

Sa gitna ng kagustuhan kong kumawala dulot na marahil ng isa pang enerhiyang nananalaytay sa katawan ko, ay bigla na lang nanlabo ang paningin ko. Halos sakupin na ng dilim ang ulirat ko. Nangangahulugang sasakupin na naman ng isang persona ang pagkatao ko. 

That persona will seek for blood. A fearful bloodlust like what it used to do everytime I black out. Nilabanan ko ang pagsakop nito sa katawan ko. Napalakas ang sigaw ko. Madilim na ang paligid. Wala na akong makita kundi dalawang anino. 

Hanggang sa marinig kong napigtas ang mga kadenang nasa di kalayuan. Phelan took them off. Humahangos ito sa sobrang kirot at kapaguran. I felt him get closer to where I was. 

I was about to black out when suddenly, his warm hand held mine. Naramdaman ko ang init at kuryente sa mga palad nito at tila binuhay no'n ang liwanag sa aking mga mata at binalik ako sa dati. 

"Hold tight Kiera. Hold my hand tight. We're not outcross nor urions. We're not like them anymore. We're hybrids and we are special." 

###