"Ano? So ibig sabihin, they just let that ceremony end without a crown on your left arm? Eh di wala ka pang weapon niyan at wala ka pang misyon?" mahinang bulong ni Ara, matalik kong kaibigan at isang uncrowned urion. Isang beses na itong bumagsak sa assassins test at nakatakdang mag-retake sa susunod pang taon. Maiksi ang kinky nitong buhok, hindi katangusan ang ilong, singkit ang mga mata at maputi.
Katulad ko bilang si Kiera Roberts sa normal na buhay, nagtatago din ito sa pangalang Ara Tala. Nasa ikalawang taon na kami sa kolehiyo at may kursong Journalism sa Diamond Hills University o DHU. Unibersidad na para lang sa mga mayayaman at matatalinong residente ng malaking rehiyon ng Diamond Hills. Dahil kinupkop ako ni Dr. Roberts noong naulila ako ng lubos, pinamanahan ako nito ng ilang bahagi ng kanyang ari-arian at sa DHU pinag-aral. Isa sa mga huling habilin nito ay ang pag-aralin ako sa DHU at ang anak nitong si Friedan Roberts o kilala bilang si Astrid, ang ikalimang pillar ang magsisilbing guardian ko habang wala pa ako sa legal na edad.
Sa tingin ko'y hindi lang kagustuhan ng yumaong doktor ang ipasok ako sa unibersidad kundi may mas matindi pang dahilan at kailangang malaman ko 'yon. Ngayong pumasa na ako sa pagsusulit at ang tanging hinihintay ko na lang ang ay ang koronang ipapapatong saakin, magagawa ko nang mag-imbestiga ng palihim kung ano ang dahilan ng kamatayan ng aking mga magulang at ni Dr. Roberts. Bukod sa misyong nakaukit sa koronang ipapatong saakin, sisikapin kong alamin at ipaghiganti ang kamatayan ng mga mahal ko sa buhay kahit na labag pa 'yon sa batas ng LOU.
Si Ara, si Friedan at iba pang mga urions ay normal na nakakasalamuha ng mga ordinaryong nilalang pero hindi lang ang pamumuhay ng normal ang dahilan kung bakit nakikihalubilo sila sa lipunan. Bahagi iyon ng ilan sa mga misyong ipinatong sa kanilang korona na kailangan nilang gawin. Bawat koronang dinadala ng mga ito ay may mga nakaukit na buhay na kailangang pangalagaan o buhay na kailangang paslangin. Isang masaklap na katotohanang matagal ko nang natanggap kahit na wala pang nakapatong na mabigat na responsibilidad sa aking ulo -ang pumatay.
Lahat ng urions, may ibang katauhan sa mundo ng normal na lipunan. Ako si Lucy sa mundo ng mga anak ng liwanag. Sa mundo ng mapagkunwaring lipunan, ako si Kiera Roberts, isang babaeng nakasuot ng makapal na salamin sa mata, takot maging sentro ng atensyon, mahiyain, mahina at walang ibang alam kundi ang tumipa ng piano at tumambay sa library. Isa akong nerd na binudburan ng kawirduhan sa lahat ng bahagi ng aking katauhan, isang katauhang salungat sa Lucy na palaban, matapang, mabilis, madiskarte at handang pumatay sa ngalan ng hustisya.
Ito ang pangunahing batas ng LOU para maprotektahan kami mula sa mga outcross na normal ding nakakasalamuha ng mga tao. Bukod sa pagiging born urions namin, may normal kaming buhay -pansamantalang normal na buhay.
***
Nasa harapan kami ng music hall ng DHU, nakapila, tinitiis ang mainit na sinag ng araw sa Silangan habang hinihintay na matawag ang numero namin. Pang twenty three ako at pang twenty two naman si Ara na dala-dala pa ang ukelele para sa kanyang auditon piece. Oo, nag-o-audition kami para sa upcoming Holiday Musicale na pagbibidahan ng campus singing hearthrob na si Phelan Vargas na taga College of Engineering, ang crush ng lahat, pantasya ng lahat, idolo ng lahat at mahal ng lahat. Para sa university na 'to, isa siyang diyos na kulang na lang ay tayuan ng isang estatwa at sambahin sa bawat pagtakbo ng oras. Makikita yan sa haba ng pila sa harap ng hall -halos lahat mga babae na kunwaring may mga talento at pilit isisiksik ang sarili para makasali sa musicale. In short, para mapansin ng lalaki.
Taliwas sa gusto namin ni Ara, ayaw naming nagiging sentro kami ng atensyon. 'Blend in, don't get noticed' ang tanging motto namin pagdating sa eskwelahan para makaiwas sa panlalait ng iba. Campus wallflowers, campus nerds, geeks at betty lafeas, yan ang madalas itawag saamin ng mga certified bullies. Pero since gusto namin ang musika, hindi namin pwedeng bitiwan ito dahil lang sa sasabihin ng iba. Masaya na kami kung bahagi kami ng orchestra, kung natatabingan kami ng malaking telon o nakatago sa dilim habang may mga ganitong event basta bahagi kami ng musika.
Kaya kami siguro naging close ni Ara dahil na rin sa musika bukod sa pagiging urions namin.
"Twenty two!" malakas na tawag ng audition master mula sa loob ng hall.
Nagkatinginan kami ni Ara. Tingin ko'y ninenerbyos ito dahil napansin ko ang pag-usbong ng mga gamunggong pawis niya sa noo. Tinapik ko ang likod nito, pampatanggal nerbyos saka nginitian ng pampaswerte.
"Good luck!" bulong ko saka bahagyang itinulak papasok ng hall.
Narinig ko pa ang pagsalampak ng bawat hakbang nito sa sahig at ilang sandali lang ay sinakop na ang buong hall ang tugtuging 'Soul Sister' ng bandang Train. Napaindak pa ang aking mga talampakan habang tinutogtog ni Ara ang ukelele nito. Walang mintis. Napakagaling. Napakapulido.
Hey soul sister, ain't that Mr. Mister on the radio, stereo
The way you move ain't fair you know
Hey soul sister, I don't wanna miss a single thing you do tonight...
Natapos ang pagtugtog nito. Narinig kong muli ang tila mas mabigat na yabag ng mga paa ni Ara palabas ng hallway. Pakiramdam ko'y may mali. Sa tunog ng mga yapak nitong sumasampal sa semento, parang hindi masaya ang babae sa naging komento ng mga hurado. Napakalungkot ng lakad nito at malayong-malayo sa masaya at parang lumilipad na paghakbang ng babae. Lumabas si Ara, bagsak ang balikat at tila pinagsakloban ng lahat ng sama ng loob sa mundo.
"Ara, w-what happened?"
"My hands were a bit shaky daw. Saka may nakuha na daw silang dalawang tumutogtog ng ukelele pero shortlisted naman daw," nakapanlabi itong tumingin saakin bago nagpatuloy, "Eh diba Kiera kapag shortlisted hindi naman talaga pipiliin? Pampalubag loob lang ang word na 'yon eh."
"Ano ka ba, nasa waiting list ka. Ibig sabihin, may chance pa. Hangga't hindi pa nagsisimula ang musicale, may chance pa tayo," bulong ko sa kaibigan na halos mangiyak-ngiyak. "Makakasali tayo sa m-"
Pinutol ng malakas na hiyawan ang sasabihin ko. Mula 'yon sa dulo ng pila at alam kong iisang tao lang naman sa campus ang nakakalikha ng ganoong kalakas na tilian -si Phelan Vargas. Sumagi agad sa isip ko na marahil ay kasali ito sa audition committee at na-late na naman. Pasikat. Papogi. Paimportante. Gawain ng mga taong gutom sa atensyon ang magpa-late sa isang event para mas dramatic ang entrance. Naisaloob ko.
"Phelan! Phelan I'm here!" malanding sigaw ng isang babae sa likuran ko.
"Oh my Phelan! Pakasalan mo ako!"
"Phelan my labs! Anakan mo ako!" sigaw pa ng isang boses bakla sa di kalayuan ng pila.
Napuno ng mga desperadang hinaing ang waiting area ng music hall hanggang sa tuluyan nang makalapit ang lalaki sa pintuan kung saan ako nakatayo. Napayuko lang ako at umusod ng kaunti palayo sa papasukan nito. Naamoy ko ang mamahaling cologne nito nang bahagya siyang tumigil. Hindi ko alam kung anong dahilan ng pagtigil niya -kung saan siya nakatingin at kung kanino siya nakatingin. Bago ko pa maiangat ang aking mga mata ay tuluyan na itong pumasok ng music hall.
Halos matigil ako sa paghinga nang nilukot ko ang sarili ko sa door frame para hindi ako mapansin o mapagdiskitahan. Nakaramdam ako ng ginhawa nang tuluyan na itong mawala sa tabi ko. I got intimidated or rather silently bullyragged again by the Phelan Vargas. Wala pa man itong ginagawa saakin sa nakalipas na higit isang taon ko sa university pero pakiramdam ko'y lihim ako nitong pinagtatawanan sa tuwing makikita ako sa hallway o malalagpasan sa daan habang pinupulot ang mga nagkalat na gamit ko dahil sa mga kagaya niyang power tripper. Isa siya sa mga silent bullies -'yong mga nakikitawa at walang ginagawa tuwing may nakikitang inaapi o inaagrabyado.
I really hate myself for being Kiera. I feel so weak and helpless with this eyeglasses hiding the strong me. I hate this fucking pretentious normal life!
But I have no choice. Bahagi ito ng tunay kong katauhan. Hindi na ako dapat nagpapanggap pa kung hindi lang ako isang urion na may katungkulan panatilihing payapa ang lipunang ginagalawan ng mga mapang-aping taong ilang beses na akong inaapakan. This is me and my dual personality at wala akong balak labagin ang utos ng LOU. Susunod at susunod ako hangga't hindi ko naisasagawa ang lahat ng aking plano, that is to hunt down all of those who killed my parents and doctor Roberts.
"Number twenty three!" naputol ang malalim kong pag-iisip nang tawagin ako ng isa sa mga audition master na si Professor Ramos.
Natigagal pa ako at kinabahan nang marinig kong tinatawag na ako. Bahagyang nanginig ang mga daliri ko bago pumasok sa music hall. Hindi naman ako ganito kakabado kanina. Sumagi sa isip ko ang ideyang nandoon nga si Phelan Vargas at normal na mailang ako at bahiran ng hiya pero bakit parang anlakas ng kabog ng dibdib ko?
Humakbang ako papasok. Nakayuko at yupi ang mga balikat. Lihim akong napasulyap sa ilalim ng aking bangs sa pahabang lamesa kung saan nakaupo ang limang hurado kasama na si Phelan. Nakatingin ito ng diretso saakin. By the kind of stare he's giving, tila nawiriduhan ito sa itsura at postura ko. I was expecting those who-this-freaking-nerdy-weird-girl stare kaya ipinagsawalang bahala ko na lang at mabilis na nagtungo sa studio piano na nasa gilid ng stage. Steinway Piano ang marka nito na gaya ng nasa bahay. Lihim akong nagbunyi dahil mas kabisado ko ang timpla at mas mararamdaman ko ang pagtipa sa keyboard nito.
"Take it away Miss Roberts!" narinig kong sigaw ni Professor Ramos.
Hindi na ako lumingon pa. Nagpakawala ako ng hangin upang mabawasan ang nerbyos ko kaagad na kinapa ang keyboard. Napapikit ako at nagsimulang tipain ng sunod-sunod ang mga nota. Beethoven: Sonata Op. 106 in B flat major, Hammerklavier ang tinugtog ko. Pinakapaborito ko sa lahat ng classical piano pieces dahil sa sobrang tindi ng emosyon ng nilalaman nito.
Hindi pa ako nangangalahati sa aking piyesa nang bigla akong patigilin ni Phelan na halatang hindi natutuwa sa tinugtog ko. Halos magsalubong ang mga kilay nito na halatang na-bore sa musika.
"Can we stop pretending and get rid of those pieces? Masyado na yang gamit," pahayag nito mula sa kinauupuan saka pinasadahan ang application form ko sa kanyang harapan. Napansin ko ang pagkunot ng noo nito at parang may sinalangguhitan sa papel. "Kiera Roberts, can we hear something unconventional? 'Yong something na bago?"
Napakuyom ako ng palad. Hindi niya nagustuhan ang tinugtog kong Beethoven. Ibig sabihin, wala siyang class sa music. Nakakainis, wala akong masyadong alam na bagong kanta. Nilingon ko ang mga hurado at nasalubong ko ang titig ni Phelan -tingin ko'y nauubos na ang pasensya nito. Nataranta ako, at aksidente akong napindot at 'G' and 'Bb' keys. Mas lalo akong natakot sumablay nang panlakihan ako ng mata ni Phelan kaya pinanindigan ko ang paglaro-laro sa dalawang keys hanggang sa makahagilap ako ng pamilyar na kanta. Sinimulan kong ang intro. Naglaro-laro pa sa isip ko ang kanta ni Toni Gonzaga na 'Catch Me I'm Falling' habang tinitipa ang mga nota.
I don't know why
But when I look in your eyes
I felt something that seems so right
You've got yours I've got mine
I think I'm losing my mind
Cause I shouldn't feel this way
Sinapian ako ng kanta. Nakapikit lang ako habang tinutugtog 'yon na parang damang-dama ko bawat salitang nakalapat sa nota. Natapos ko ang kanta at himalang hindi ako pinatigil ng mga hurado lalo na ng antipatikong si Phelan. Bawat pagtipa ko'y tila mga mumunti at nakakakiliting kurot sa puso ko. Teka, wala naman akong lovelife? Bakit ako nadadala sa kanta? It felt weird.
"Okay Miss Roberts. We'll keep you posted. The result will be on the official musicale bulletin board. Callbacks will be listed and hopefully you make it," diretsong sabi ng isa pang hurado para sa audition na nangangahulugang tapos na ako. Marahil ay shortlisted na naman ako gaya ng dati.
Napatayo na ako at humakbang palayo sa piano. Napakagat labi pa ako saka yumuko palabas ng hall. Ang awkward dahil tanging ang mga yabag ng sapatos ko sa sahig ang naririnig.
"W-wait Miss Roberts," tawag saakin ng pamilyar na boses -si Phelan.
Natigil naman ako sa paghakbang at humarap sa nakatingalang lalaki. I have to admit that he really look like a Greek god but he is not the type that would make me drool like a helpless bitch.
"Anong kanta 'yong tinugtog mo?" Phelan asked without looking stupid. He looked serious. He really did not know the song.
Ngumiti ako ng pilit saka sumagot, "It's an unconvetionalized song Mr. Vargas."
Nagitla ito at tila hindi inaasahang ganoon ang magiging sagot ko.
Inismiran ko siya at saka yumuko bilang pagpapaalam sa committee. I have to go bago pa ako literal na mahulog sa stage dahil sa ginawa kong pagsagot sa diyos na si Phelan.
###