Chereads / Crowned Assassins / Chapter 6 - Chapter 5

Chapter 6 - Chapter 5

The instantaneous magnet that binds our eyes was replaced by the instant anger that came out as he saw me -I was recognized: the auditionee, the girl who played a conventionalized song, the brave spirit who gave him what he deserved. Mula sa mapupungay niyang mga mata, nagising ang isang mala-demonyong tingin na tila handa akong bawian ng buhay sa oras na takasan ko uli siya.

"The pianist," bulong nito pero ramdam ko ang diin sa bawat salitang binitiwan niya, nakatitig lang ito habang tinatanaw ko siya sa ilalim ng alun-alon kong bangs.

Ngayon ko lang nalapitan ng ganto ang lalaki. Natitigan ko ang itsurang tinitilian at kinababaliwan ng mga kababaihan sa campus. Hindi ko pwedeng ikailang natulala ako sa misteryoso nitong mga mata at ang mukhang pinag-aagawan ng mga modelling agencies sa bansa. He's got flawless bone structure and dreamy features: beautiful eyes, red subtle lips, pointed nose perfectly placed between those raging dark eyebrows. Tao pa ba 'to? Tanong ko sa sarili habang nakatitig lang sa nang-uusig niyang mukha. Bigla akong nahiya sa itsura ko.

"Why were you running away from me yesterday?" he said with his destructively handsome bored face. Naka-polo shirt ito at bukas pa ang butones hanggang sa tapat ng dibdib dahilan para matanaw ko ang kakinisan nito doon. He looks perfectly intimidating kaya naman hindi ako nakasagot sa tanong niya.

Yumuko lang ako gaya ng dati kong reaksyon kapag kinakausap ako ng mga lalaki sa campus. I am a loser, a nerd, an ugly duckling in her eyeglasses with no confidence to brag.

"Kailan mo balak sumagot?" sarkastiko nitong tanong na tila malapit nang maubusan ng pasensya. Halatang hindi ito sanay na pinaghihintay ng sagot.

"M-may lakad kami ng friend ko kahapon kaya kaagad akong umalis," mahinahon kong sagot. Saka ko tinangkang lumihis na ng direksyon at maglakad na palayo sa lalaki.

Nagsimula nang dumami ang mga taong nagkukumpulan kaya nailang na naman ako. Karamihan sa mga estudyanteng tumigil sa ginagawa upang pagmasdan kami ay mga kababaihang halatang miyembro sa fans club ng binata. The massive attention is about to drown me kaya kinailangan ko nang umiwas. Again, I hate the crowd and I hate being the center of attention.

Bago pa man ako nakahakbang paiwas ay nahawakan ako nito sa kanang braso at malakas niya akong naibalik sa dati kong kinatatayuan. Bigla kong sinisi ang sarili ko dahil sa ginawa ko kahapon. Kung sana ay nagpakabait ako, eh di sana'y hindi ako minumulto ng hayop na lalaking 'to at mapayapa parin ang buhay ko bilang ordinaryong estudyante. "Bawal akong talikuran kapag kinakausap, ginawa mo na kahapon ah! Iisa ka pa ngayon? Ngayong, napapaligiran tayo ng mga tao?" May bigat parin sa bawat salitang binitiwan nito na tila isang banta. Nakakatakot iwasan.

Nilibot ko ng tingin ang buong paligid, mistulan na nga kaming mga manok sa sabungang pinapalibutan ng mga taong hayok na hayok sa eksenang pag-uusapan at pagchichismisan ng buong campus. Bigla akong namula nang mapagtanto kong nasa gitna ako ng mapang-usig na madla.

Pumalatak ang pigil nitong tawa. Napansin ko ang paglabas ng mga biloy niya sa pisngi na mas lalo niyang ikinagwapo. Alam kong balewala sa kanya ang atensyon ng mga tao ngayon dahil sanay na sanay na siya pero bakit parang pilit na pilit ang tawa niya?

Nagkukunwarimarahil. Naisaloob ko.

"Fake," naibulong ko sa hangin.

"Look," huminga ito ng malalim na parang ang pakikipag-usap saakin ay isang pagsasayang ng oras, "I was about to return your song book yesterday na naiwan mo. Para kang baliw kahapon na tumatakbo ng walang dahilan kaya hindi ko na nasoli 'yong songbook mo!"

Nag-angat ako ng tingin. Muli kong nakatitigan ang mapupungay nitong mga mata na tila isang aparatong panghipnotismo. "N-nasaan ang songbook ko?" Muntik pa akong mabulol sa sasabihin. Parang nawawala ang mga salita sa utak ko kapag kaharap ko siya. Isa siyang magnanakaw ng katinuan.

"Nasa bahay, tinamad na akong dalhin kaya kunin mo na lang do'n." Sumilay ang isang pigil na ngiti sa kanyang mga labi. Sa tingin ko'y pinagtitripan ako ng lalaki at may balak itong ipahiya ako sa harap ng maraming tao. Lumingon pa ito sa paligid saka biglang bumaling saakin. Naguluhan ako bigla nang sa isang iglap ay nag-iba ang aura ng kanyang mukha -naging maamo ito at parang nanlalambing.

"May sayad ka ba sa ulo Phelan Vargas?" pigil kong sabi saka ko tinangkang umalis sa harapan nito.

Hindi ito pumayag, mabilis ako nitong nahawakan sa magkabilang braso na parang isang nobyong sinusuyo ako't ayaw pakawalan.

"Babe, please pag-usapan natin 'to," malakas niyang sabi na animo ay gustong marinig ng mga nanonood. Titig na titig ang mga mata nito sa mukha ko pero hindi ito makatingin sa mga mata ko ng diretso. Halatang may gusto itong pagtakpan o palabasin at ginagamit niya ako para magawa ang mga plano niya.

"B-babe what?! Tigilan mo ako animal ka!" nagpumiglas ako mula sa pagkakahawak niya. Ayokong magpagamit sa kalokohan ng playboy na si Phelan. "Kung ginagamit mo ako para mapagselos ang isa sa mga babaeng nasa paligid natin o kahit sa ano mang dahilan, itigil mo na 'to bago ako magwala!"

Naging mas mahigpit naman ang pagkakahawak ng lalaki sa mga braso ko na halos yakapin na ako para hindi makawala sa mga bisig niya. "Baby, let's talk about this."

Hindi parin sumuko ang lalaki sa balak na gawin akong props sa nililikha niyang role playing. Nahigit na nito ang likuran ko habang sinusubukan kong kumawala sa mga makapangyarihang bisig niya. I felt weak inside his arms.

Kung pwede lang sanang gisingin ko ang kakayahan ko bilang isang anak ng liwanag ay kahapon ko pa nagawa. Kaso, mahigpit na ipinagbabawal ng LOU ang paggamit sa natatagong lakas sa kadahilanang baka makaramdam ng mga nakalat na human-outcross ang presensya ko sa campus. Konting-konti na lang talaga at baka hindi na ako makapagpigil. Buburahin ko na sa mundo ang maangas na Phelan Vargas na 'to!

Naghihiyawan na ang mga tao sa paligid nang mahimasmasan ako. Nakahapit na sa baywang ko ang mapangahas na lalaki at dama ko na ang ilang parte ng katawan nito. "Itigil mo 'tong ginagawa mo Mr. Vargas kung ayaw mong mareport kita sa dean's off-"

Biglang may bumalandra sa bibig ko at naging dahilan 'yon para hindi ko matapos ang sasabihin. Isang mainit at malambot na bagay ang bigla na lang sumakop sa nakaawang kong mga labi. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang kuryenteng bumulusok sa aking buong katawan. Nakapulupot sa baywang ko ang braso ng lalaki habang nakahawak naman sa batok ko ang kamay nito na pwersahang itinutulak ang mukha ko sa mukha niya.

We kissed!

Holly son of the bitches!

Yes! We kissed!

Phelan Vargas kissed me?

Bull crap! No!

Anong nangyayari?

Gulat. Taranta. Takot. Hiya. Lito. Pinaghalo-halo ng lalaking 'yon ang lahat ng emosyong yan sa dibdib ko nang bigla niya akong hinalikan sa harap ng maraming tao.

No! No! This isn't happening! Hindi katulad ng isang Phelan Vargas ang first kiss ko! Hindi ito totoo. Hindi maaari! Pilit tinatanggi ng utak ko ang mga kaganapan. Hindi ko alam kung ilang segundo o inabot ng minuto na magkalapat ang mga kabi namin ng mapangahas at manggagamit na lalaki. Sabay-sabay na nanginig ang kahat ng kalamnan ko at nanghina ang mga tuhod ko nang humiwalay ang mga labi ng lalaki sa nanginginig kong mga labi.

Sa tagpong 'yon, ginusto kong maging bula na lang na biglaang maglalaho sa gitna ng kahihiyan. Wala akong makapang reaksyon sa mga nangyari. Tila naging bato na ang utak ko at ayaw nang mag-isip ng gagawin dahil sa mga naganap.

Kumilos ka Kiera, bilis! Biglang utos ng utak ko sa aking katawan ngunit tila paralisado na ang bawat bahagi ko't ayaw nang sumunod sa kagustuhan ng isipan ko. Tanging ang gusto ko na lang ay lamunin ako ng lupa o di kaya'y tamaan na lang ng kidlat nang maging abo na ako ng tuluyan. Somebody stole my first kiss and it was someone I didn't wish for. Naitulak ko ng bahagya si Phelan at tuluyan akong nakawala sa mga bisig niya.

"Babe, you okay?" narinig kong tawag uli saakin ng binata. His husky voice seemingly sincere. Hinagod nito ang likuran ko at tila isang milyong boltahe 'yon na gumising sa katauhan ko.

Nagdilim ang aking paningin at mabilis na dumaloy ang gigil ko patungo sa aking kamao. Napapikit ako at sinubukang pigilan ang paggising sa natutulog kong katauhan. Pero tila trinatraydor ako ng pagkatao ko. Biglang humapdi ang gilid ng aking mga mata na sensyales na nag-iba na nga ang kulay ng mga ito. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso at parang nagkarerahan na sa bawat ugat ko ang mga natutulog na dugong nagambala dahil sa kapangahasan ng isang nilalang.

"Kiera," narinig ko ang pagtawag ni Ara mula sa aking likuran habang ako'y nakayuko. Sa tono nito'y mukhang naramdaman na niya ang paggising ng natutulog kong dugo. Kaya ba kaagad na itong sumulpot kahit na sa totoo'y kagaya ko siyang hindi kayang magnakaw ng atensyon sa ganito kadaming tao? "Kiera, don't!" pigil pa nito saakin.

Naramdaman ko ang sensasyong parang sinabuyan ng malamig na tubig ang sikmura't dibdib ko. Nahirapan akong huminga at tila unti-unti nang nawawalan ng buhay ang aking puso at baga. Napahawak ako sa sikmura nang parang hinihila pababa ang bawat bahagi ng aking katawan. Pinagpawisan ako -malagkit at malamig. Umikot ang mundo ko at tila matutumba nang sinubukan kong kumapit sa lalaking gulat na gulat sa mga pangayayari.

Mabilis akong nahawakan sa braso at awtomatiko akong nasalo ng katawan nito. Ayaw ko man pero wala akong nagawa kundi sumandal sa matipuno nitong balikat. Unang beses na nangyari ito saakin. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit naging ganoon na lang ang reaksyon ng katawan ko nang pigilin ko ang paggising ng natutulog kong dugo bilang isang anak ng liwanag. Hindi ganito katindi. Parang may iba pang dahilan.

Naramdaman ko ang mainit na hininga ng lalaki sa balikat ko bago ko ito narinig, "Hoy, huwag mong totohanin ang mga sinabi ko. Halik lang 'yon kaya huwag kang umarteng tunay kitang girlfriend."

Naalog-alog pa ako habang nakasandal sa kanya bago ko naramdaman ang presensya ni Ara sa aking tagiliran.

"Hayop kang garapal ka, you stole my first kiss," mahina ngunit may diin kong bulong sa lalaki. Sinubukan kong sabunutan ito pero hindi ko na magawang itaas ang mga kamay ko sa sobrang panghihina.

"Acting lang ba 'tong pangingisay mo?" tanong uli nito habang nakahawak parin saakin. Naghintay ito ng sagot mula saakin pero nabigo siya dahil hindi ko na nagawang magsalita pa. "Huwag mo akong biruin Miss Roberts. I'm kinda worried here."

"Kiera," kinakabahang tawag ni Ara saakin, naramdaman ko ang mga palad nito sa aking likuran. "Sir, she's not okay. We have to take her home," baling niya kay Phelan.

"Hah? Anong she's not okay? Maayos lang 'to kanina ah?!"

"A-ako na lang po ang bahala sa kanya. M-magtataxi na lang kami pauwi." Sagot naman ni Ara sa lalaki.

"May clinic ang university, bakit sa bahay pa 'to dadalhin?"

"Nasa bahay nila 'yong gamot niya. I think wala ang clinic no'n sir," ilang na sagot ng kaibigan ko. Alam na alam na nito ang irarason kapag may gulo. Alam nitong bawal tawagan si Friedan, bawal akong dalhin sa clinic o ospital at bawal akong makitang nag-iiba ang kulay dahil sa dugong namamahay sa katawan ko.

"Oh crap!" Narinig kong reklamo ng lalaki bago ko naramdamang binuhat ako nito. Mabilis itong naglakad patungo sa kung saan.

Mga ilang minuto ding pakiramdam ko'y karga-karga ako ng lalaki hanggang sa biglang sumalampak ang likuran ko sa isang malambot na bagay. Pinilit kong imulat ang aking mga mata at napagtanto kong nasa isang top down convertible sports car ako. Nasa sasakyan ako ng mayamang si Phelan Vargas. Nakita ko na dati ang kotseng ito, isang Ferrari 458 Spider na kulay pula at tanging siya lamang ang mayroon sa buong rehiyon ng Diamond Hills.

"That's a two seater. Saan ako uupo?! S-sasama pa ba ako?" dinig kong reklamo ni Ara na nakasunod lang pala.

"Natural, eh alam ko ba kung saan yan nakatira? Alangang iuwi ko yan?" asik ni Phelan. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng sports car nito saka umupo sa driver's seat kasabay ng pagsara uli ng car door. "Anong hinihintay mo diyan Miss? Magpapakarga ka rin? Magshare na kayo ng upuan! Kandungin mo kung gusto mo!"

Marahil ay natigagal si Ara sa bulyaw ng lalaki, mabilis nitong binuksan ang pintuan ng kotse saka ako inalalayang bumangon upang magkasya kami sa upuan. "Ipaparada mong ganito si Kiera?"

Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ng binata. Pagkatapos no'n ay narinig ko ang pag-angat ng retractable folding hard top mula sa likuran ng sasakyan hanggang sa tuluyan na kaming natakpan nito. "May reklamo pa ba?"

"W-wala na po."

"Magseatbelt ka at hawakan mong maigi 'yang kaibigan mo dahil paliliparin ko 'tong sasakyan."

Pagkatapos sabihan ni Phelan si Ara, matuling tumakbo ang sasakyan na labis na ikinagulat ng huli. Mahigpit ang paghawak nito saakin habang humaharurot ang sasakyan sa gitna ng kalye na sinabayan ng histerikal na tili ni Ara. Parang nasa gitna kami ng karera. Walang preno at walang busina na tila pagmamay-ari ng lalaki ang daan.

Tumagal 'yon ng ilang minuto hanggang sa biglang tumigil ang lalaki at halos tumilapon ako sa loob ng sasakyan sa walang pasabing preno.

"Oh gosh," usal ng kaibigan ko sa biglaang pagtigil ni Phelan. "Oh my god!"

Narinig ko uli si Ara at sa puntong iyon, bigla kong naramdaman ang dahilan kung bakit bigla na lang siyang natakot at kinabahan. Nasundan kami at tila hinarang ang sasakyan ni Phelan ng mga grupo ng kalalakihan.

"Trouble," nasambit ni Phelan saka napahampas sa manibela ng sasakyan.

"Kiera, gumising ka. N-nandito sila at mukhang naramdaman ka nila kaya sila nakasunod. A-anong gagawin natin?" nanginginig ang mga palad ni Ara habang inaalog ako.

Napabalikwas ako't pinilit na idinilat ang mga mata. Nasa liblib na sulok kami ng Diamod Hills, ilang kilometro ang layo mula sa tinutuluyan ko. Nasa gitna ng tahimik na kalye ang sports car ni Phelan habang nakaharang sa harapan ang limang itim na Suzuki Hayabusa motorbikes lulan ang lima ring kalalakihang nakasuot ng leather suit.

"Kiera," isa iyong babala mula kay Ara nang subukan kong buhatin ang sarili ko, "baka kung anong gawin nila kay Phelan Vargas." Bulong nito saakin.

Kumurap-kurap ako upang siguraduhing hindi nagkakamali ang pandama ko. Mukhang mga ordinaryong sanggano ang itsura nito pero ramdam kong hindi sila pangkaraniwan... Mga human-outcross!

###