Chereads / I'm Back, Gwynette / Chapter 2 - First Part

Chapter 2 - First Part

He has made everything beautiful in its time...

Ecclesiastes 3:11

Ang sabi, "Kapag hindi sa'yo, hindi sa'yo. Darating din ang para sa'yo." Pero sino nga ba ang nararapat para sa akin at para sa mga iilan na matiyagang naghihintay hanggang ngayon? Darating pa ba 'yung tao na para sa atin talaga? Kung darating man siya, sa paanong paraan? Paano kung dumaan na siya sa buhay ko pero pinalampas ko pa?

Ang daming tanong!

"Papasok ang langaw." 

Mabilis kong isinarado ang nakaawang kong bibig sa harap ng laptop ko sa opisina. Mabilis kong isinarado ang laptop at hinarap ang nagsalita. Ngumisi si Maedel sa akin bago inilapag ang kape na binili niya para sa akin.

"Thank you." sabi ko at napatingin sa laptop na sinara ko. Naupo ang kaibigan ko sa aking tabi at pinagmasdan ang bawat kilos ko. Tumingin ako sa kanya.

"What?" tanong ko, painosente.

"Ang saya ni Joysie dun sa picture ano? Kailan ka kaya?" pang-aasar niya sa akin.  Ngumuso ako at inabot ang kape ko. Humigop ako bago siya sinagot.

"She deserves it." nakangiti kong sabi habang nakatitig sa kapeng hawak ko. 

"And you don't?" napailing ako sa kanyang tanong. Joysie got married yesterday sa kanyang long-time boyfriend and best friend. 

"Nako, Gwynette! Darating din ang para sa'yo ano!" masaya niyang sabi sa akin. Ngumiti lamang ako at muling humigop sa kape ko. Halos tumili si Maedel ng tumunog ang kanyang cellphone. She mouthed "wait" bago sinagot ang tawag ng kanyang asawa.

Mas lumapad ang ngiti ko. My friends are happy.

Ako si Gwynette and I'm and currently working as one of the managers sa isang malaking accounting firm. I'm happy with my job and sa araw-araw na pagtatrabaho ko ay satisfied naman ako. I'm twenty six and the most interesting part of my life? I'm single sa edad ko na 'to. Well, it's normal siguro para sa iba.

Well, actually sa moment na 'to, I'm in the process of waiting. Ayoko ng pumasok sa isang relationship na hindi naman ako sigurado. Sa isang relationship na hindi naman will ni Lord. I met Jesus when I was sixteen years old and that was also the moment that I met 'him'.

Darating ang isang time sa buhay mo na kailangan mong maglet-go kasi alam mo para naman sa ikakabuti ninyong dalawa 'yun. Masakit sa una na wala na siya pero along the way, you'll get used to it na lang.

Pero nasanay nga ba ako?

Eight years ago...

"Would you please stop?" marahang sabi sa akin Mavis. Napayuko na lamang ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko.

"Let's just go somewhere else tomorrow. Huwag sa church ninyo. Masusunog ako 'dun." natatawang aniya. Tumawa lang ako ng marahan.

"But...it's my birthday tomorrow. I won't ask for anything, I promise!" masiglang sabi ko at hinawakan siya sa braso.

"Please?" I pleaded. Nag-puppy eyes pa ako para lang pumayag siya na samahan akong magchurch bukas. Simula ng maging kami, hindi ko na yata mabilang kung ilang beses ko na siyang ini-invite sa church. I'm not actually asking him to change himself by going to our church. I'm inviting him because I want him to experience the peace I have in my heart. For him to know Jesus. I'm always praying to God to change Mavis' heart and magkaroon siya ng desire to know our Maker. I'm eighteen now and I met Jesus two years ago and I'm loving the peace I have in my heart and gusto ko maranasan din ni Mavis iyon! It's an amazing feeling!

"No. Let's just go home. Hatid na kita." sabi niya at mabilis na tumayo. Napayuko ako at huminga ng malalim.

Palabas kami ng coffee shop ng maabutan naming padaan si ate Shane, ang ka-church ko. Mabilis siyang kumaway kasabay ng paglapad ng ngiti niya.

"Gwynette!" halos tili niya kaya napangisi ako. Marahan kong binitawan ang kamay ni Mavis at yumakap kay ate Shane. Humagikgik siya at tinapik ang likod ko. Ngumiti siya kay Mavis at kumaway. Mavis awkwardly smiled at tumango.

"Pauwi ka na, ate?" tanong ko. Nakita kong may mga bitbit siyang dalawang paper bags.

"Ah, oo. May pinabili lang si kuya Jake, mag-aayos sa church kasi ngayon. Hindi ba may gathering ang mga kids sa church bukas?" paliwanag niya.

"Totoo, ate? Hala, nawala sa isip ko!" malungkot kong sabi. Tumingin ako kay Mavis sa likuran ko at nakita kong tahimik lang siyang nagmamasid sa amin ni ate Shane. Maya-maya ay tumango siya.

"Sumama ka na. Kita na lang tayo bukas sa church n'yo?" he gently said. Lumapad ang ngiti ko at halos mapatalon kaya mabilis ko siyang niyakap. Marahan naman niya akong hinalikan sa aking noo bago pinakawalan.

"Thank you, Mavis!" nakangiting sabi ko. He smiled at tinalikuran na kaming dalawa.

Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdang paalis si Mavis. Lord, sana dumating 'yung time na malaman niyang mahal na mahal Mo siya. Thank You, Jesus! The best Ka!

I've been calling Mavis multiple times the next day but he's not picking up. It's almost time for church, nandito pa din ako sa labas, umaasang darating siya. Hindi mapakali, I texted him again.

"It's my birthday today. I'm waiting here sa labas ng church, anong oras ka darating? I love you."

I waited for more minutes, hindi siya nagreply. I tried to call him again pero wala pa rin. I was about to  call him again ng makita kong may mensaheng dumating mula sa kanya.

From: Mav

"I'm sorry, Gwynette. Hindi na ako makakapunta. And I'm really confused about our relationship. I'm sorry. I'm sorry kung hindi ko kayang gawin ang gusto mo. Hindi ko kayang gawin ang ginagawa mo. Let's just end it. I'm really sorry."

PRESENT

"Hi, tita!" bati ko kay tita Lucia sabay yakap sa kanya. Humagikgik siya at hinila ako papasok ng kanyang bahay. Dumiretso kami ng kitchen niya para ibaba ang mga pinamili ko para sa kanya.

Binuksan niya ang ref at kumuha ng tubig doon. She filled a glass for me at ibinigay sa akin.

"Pagod ka na sa trabaho, dumiretso ka pa dito!" nag-aalalang sabi niya. Umiiling ako habang umiinom ng tubig. Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kanya.

"Miss ko na ang maganda kong tita, e!" maligayang sabi ko. Humalakhak naman siya at napailing.

"Pano nalang ako kapag pumunta ka na ng Singapore at mag-aral sa Theology school doon?" malungkot niyang sabi. Natawa ako.

"Hindi pa naman ako pumapayag, tita." sabi ko. Ngumuso lang siya at tumayo sa kanyang kinauupuan. Lumapit siya sa mga pinamili ko. Kinuha ko ang isang orange sa table niya at sinimulang balatan iyon.

"I'm still praying for it, tita." sabi ko. "I'm still waiting for confirmation from the Lord." I added.

"Ini-encourage ka din ni Pastora to accept it. Seven months lang naman doon, anak. Mabilis lang iyon." she said. Tumayo ako sa inuupuan ko at lumapit sa kanya. She's still busy fixing the groceries I bought for her habang kinakain ang orange na binalatan ko.

"Ano bang sign ang hinihingi mo kay Lord para pumayag ka na?" aniya. Marahan akong tumingala sa kisame na para bang nandoon ang sagot.

"O, ano? May naisip ka na?" tanong ni tita.

Umiling ako then I swallowed half of the orange. 

"Thank you, sir!" maligaya kong pasasalamat sa aming general manager kinabukasan bago ko ibinaba ang teleponong hawak ko. I scanned the files beside me. I need to finish all these bago ako mag-leave bukas.

"Hindi mo pwedeng gawin 'to sa 'kin!" 

Napatingin ako kay Maedel at tinaasan siya ng kilay. Napailing ako ng mag walling siya kuno. 

"Gwynette naman, e! Iiwan mo ako dito ng isang linggo?!" hysterical niyang sabi. Napatingin na tuloy ang mga office-mates namin sa gawi namin. 

"Matagal na akong nag-file ng leave na iyon. I just called GM to remind him about it." natatawa kong sabi dahil humahaba na ang nguso niya. Umupo siya sa kanyang swivel chair at nagpaikot-ikot.

"Saan ka nga ulit pupunta?" tanong niya. Huminto ako sa pagtatype ng monthly report at humarap sa kanya.

"Youth Summit namin, sa Palawan. Kailangan ko samahan mga youth doon." sabi ko. Tumangu-tango siya. 

"Okay." aniya at umayos siya ng upo bago muling humarap sa kanyang computer. Napailing muli ako.

Pambihira.

"Po?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Pastora Grace dito sa kanyang opisina. Tumingin siya sa akin matapos isara ang folder na hawak niya.

"May mga Singaporean na sasama sa inyo sa Palawan." she smiled at me. 

"Gusto lang nilang makita kung paano mag grow ang mga kabataan natin." she said kaya tumango ako. It would be a one week youth summit sa Palawan and as one of the youth leaders, I need to be with them. Tumikhim ako bago muling tanungin si Pastora na tahimik na nagmamasid sa akin.

"Pastora?" I called her.

"Yes?" she attentively asked.

"Susunduin ba namin po sila sa airport or..." usually naman kasi, kapag may mga bisita galing ibang bansa, like mga missionaries, sinusundo namin. 

"Uh, no. Sa El Nido na kayo magkikita." sagot niya. Tumango ako. Pastora looked at me intently, and she looks worried.

"Don't worry, mag-o-observe lang naman sila about our youth activities. They're not going to force you to enroll in their Theology school." ngisi ni Pastora. Ngumiti ako ng pilit,

"E, kasi po Pastora, hindi pa po kasi ako sure if I'll accept their offer." I honestly confessed. Tumango si Pastora at sumandal sa kanyang upuan.

"We understand. Just keep on praying, iha. If it is God's will, no one will be against it." she said while smiling.

"Yes po." I answered, smiling, too.

We traveled at 5am the next day from Manila to Palawan. Me, with other some youth pastors and leaders, together with more than seventy youths, we landed safely in the paradise of El Nido.

"Come on, let's take a selfie!" kuya Rael, one of our youth leaders, excitedly said habang binabaybay namin ang tabing dagat. We just arrived an hour ago. We had our lunch already then they decided to check the place. Ang ganda!

"Say grace!" sigaw ni Pastor Kathrine sa amin before we take our groupie. Tawanan ang mga youth na kasama namin. Humalakhak ako ng mabasa ang paa ko ng alon mula sa dagat. Mabilis kong hinubad ang beach sandals ko at nilaro ang tubig. Ang sarap sa pakiramdam. Holding my long  hair that is being arrested by the cold winds, I take a photo of myself.

"Gwynette!" biglang tawag sa akin ni Pastor Glen kaya mabilis akong napalingon. Mabilis ko siyang nilapitan.

"Yes po, Pastor?" tanong ko.

"The Singaporeans has arrived." he informed me habang pabalik kami ng villa namin. 

"Mga ilan sila, Pastor?" I asked.

"They're five with a filipino surgeon and psychiatrist." sabi niya kaya tumangu-tango ako. Pabiro akong tinakbuhan ni Pastor Glen at nagmadali ng bumalik ng villa. Alam niya kasing mabagal akong tumakbo!

"Bagal!" panunukso niya dahilan para tumawa ako ng malakas sa lobby ng villa. Natahimik ako ng mapansing nasa lobby pa pala ang mga Singaporean. Feeling ko namula ang dalawang pisngi ko ng mapansing nakangiti ang mga ito sa akin, ang iba naman ay parang nagpipigil ng tawa. Tumikhim ako at umayos ng tayo pero nawala sa isip ko na hindi ko pa pala nasusuot ang sandals ko. Nasapo ko ang noo ko at isinuot ang mga iyon. Gusto kong mainis sa sarili ko sa mga oras na iyon dahil bakit naisipan kong magsuot ng ganung klaseng sandalyas? Bakit yung may strings pa? Ang hirap tuloy isuot!

Alam kong nakatingin na silang lahat sa akin ngayon, nakakahiya! Humalakhak muna si kuya Rael bago lumapit sa akin at lumuhod na sa harap ko para tulungan na akong isuot ang mga sandalyas ko. Humagikgik ang iilang youth na nandoon.

"Thanks, kuya!" sabi ko kay kuya Rael pagkatapos akong tulungan. Tinapik niya lang ang ulo ko at muli ng hinarap ang mga Singaporeans na makakasama namin. Nahihiya na din akong lumapit sa kanila.

"Welcome to the Philippines, Pastor!" bati ni Pastor Glen sa isang matangkad na Singaporean na lalaki na siguro ay nasa mid-thirties na.

"Oh, thank you, Pastor!" nakangiting sabi nito sa kanya. Kinamayan ko din sila isa-isa. Most of them are holding their DSLR Cameras, ready to document everything.

"Hi, I'm Gwynette! It's nice meeting you, Pastor." bati ko sa isang lalaking kasama nila na singkit ang mata. Ngumiti ito ng malapad sa akin bago tanggapin ang kamay ko.

"Hi, Gwynette! It's nice to meet you. You may call me James. I'm not a Pastor by the way." tumatawang aniya sa akin. Napanguso ako sa nagawa. Pambihira, Gwynette! Tumawa naman si James.

"Pastor Glen, you didn't mention that you have a gorgeous youth leader." sabi bigla ni James kay Pastor Glen na ikinatawa ng mga kasama namin. Napailing na lamang ako.

"Thank you, James. How's your trip?" tanong ko. 

The rest of the day was perfect. Nagpahinga muna ang lahat, ang iba ay naligo na sa dagat. Ang mga Singaporeans ay nagpapahinga na din pero 'yung doctor na kasama nila ay hindi namin nameet kanina, pinasyalan daw kasi ang clinic ng beach resort at nagtagal kaya naman hindi na namin nakita. Baka bukas na. Tomorrow will be the start of the summit. Isinarado ko ang laptop kong dala matapos icheck ang schedule ng mga activities bukas at ang flow. I'm also the secretary of the Youth Department kaya naman ako ang in-charge sa bawat event. I love this ministry. I'll never get tired of it. Jesus appointed me to do it and I gladly accepted it last year lang.

Madilim na sa labas, tulog na din ang dalawang kasama ko sa villa na ito. It's a very nice place and ang mga rooms ay napakalinis at maganda.  After doing my evening Bible readings and prayer, I decided to check all the photos sa DSLR na dala ko kanina. Tumagilid ako ng higa habang yakap ko ang isang unan ko, while checking the photos. After checking the camera, ang cellphone ko naman ang pinagdiskitahan ko. Puro selfies ko naman. Napahagikgik ako ng mahina habang isa-isang pinagmamasdan ang mga litrato.

I thought that day would be perfect. Pero mali ako. Mabilis akong napabangon dahil sa nakita kong picture ko. If you will zoom it in, makikita mong may isang tao sa likuran ko mula sa malayo. Nakatanaw.

It's been eight years, pero malinaw na malinaw pa rin sa isip ko ang itsura niya. My heart is beating so fast while looking how Mavis stare at me on the picture.

He's back!

TO BE CONTINUED...