JULYCA: To all people who continually reading my stories, this is all for you, guys! The best kayo! You will always be included in my prayers. Thank you!
THIS WILL BE THE LAST PART. Another story soon!
------
"Hi, ate Mabelle!" tili ko sabay salubong ng yakap sa kanya! Humalakhak siya habang yakap ako.
"Kumusta, Gwynette?" tanong niya sa akin. Nasa airport kami dahil sinundo namin siya. Isa siya sa mga youth leaders ng church, dahil sa work ay ngayon lang siya nakasunod.
Kagabi pa lang ay sinabihan na kami ni Pastor Glen na sunduin si ate Mabelle kaya naman nandito kami.
I'm with Mavis na tahimik lang sa likod ko. Nakiusap si kuya Rael sa kanya na ipag-drive kami kasi nataon na sa oras ng pagdating ni ate Mabelle sa aiport ay si kuya ang speaker ng session sa oras na 'yun. It's our fifth day here sa Palawan. Sunday ng hapon ay babalik na kami ng Manila.
Ngumingiti lang si Mavis kay ate Mabelle kapag napapatingin ito sa kanya. Nakailang kurot na si ate Mabelle sa akin habang pabalik kami ng sasakyan. Habang inaayos ni Mavis ang gamit na dala ni ate Mabelle sa compartment ng sasakyan ay nagkaron siya ng pagkakataon para kausapin ako.
"Ang gwapo, ha! Boyfriend mo?" hagikgik na bulong ni ate sa akin dahilan para mabilisan akong umiling ng sunud-sunod. Ngumuso naman si ate at pinagmasdan ulit si Mavis. Naipakilala ko naman na kanina.
Kuwento ng kuwento si ate Mabelle habang nasa biyahe kami. Nasa thirty minutes din kasi ang biyahe. Si Mavis naman seryosong nakatingin lang sa daan habang nagmamaneho. Sa likod si ate at mabuti nalang dahil kung hindi, mamumula na naman mga braso ko kakakurot niya.
"Pasensya na kayo, ha? Nataon kasi yung kay Rael." paunmanhin ni ate nung malapit na kami sa resort. Ngumiti lang si Mavis sa kanya.
"Okay lang po ate! Di din naman busy si doc!" sabi ko. Tumingin saglit sa 'kin si Mavis na hindi maipinta ang mukha. Ano bang problema nito? Ngumisi naman si ate Mabelle.
"Doc, punta ka sa kasal ko ha?" biglang sabi ni ate. Tumingin naman mula sa front mirror ng sasakyan si Mavis para tumingin kay ate Mabelle.
Yup. She's getting married.
"You're getting married?" tanong ni Mavis. Tumango naman si ate.
"Uh-huh. Three months from now doc ha punta ka! Wala pang partner ni Gwynette!" walang hiya hiyang sabi ni ate dahilan para mataranta ako sa kinauupuan ko. Tumingin saglit si Mavis sakin at wow lang. Nakasimangot na naman.
After ng nangyari kahapon ng madaling araw, hindi na niya talaga ako pinansin! Maghapon! Sa sobrang inis ko din, hindi ko binawi ang pinaniwalaan niya! Bahala siya!
Niliko ni Mavis ang sasakyan papasok ng entrance ng resort.
"I think I won't be available. Si Rael nalang." biglang sabi ni Mavis na nakapagpanganga kay ate Mabelle. Ngumisi ako ng palihim. Tumigil ang sasakyan. Binuksan ko ang pinto para bumaba.
"Doc naman, huwag ka magjoke! Groom ko si Rael, hindi siya pwede kay Gwynette!" halakhak ni ate Mabelle. Hindi ko na nakita ang reaksyon ni Mavis dahil bumaba na ako at binuksan ang pinto ni ate Mabelle na tumatawa pa din hanggang ngayon.
I can't wait na mapag-isa at tumawa ng malakas!
DOCTOR MAVIS TAN IS OBVIOUSLY JEALOUS EVERYBODY!
Nagpipigil ako ng ngiti habang papasok ng function hall. Kasalukuyan silang naka-water break bago magsimula ang panibagong session. Nakita kong kausap ni Mavis si Pastor Chris sa gilid kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin ng dumapo ang tingin ni Mavis sa akin.
Oh my, Gwynette! Don't laugh!
"Kulit! Thank you sa pagsundo sa asawa ko, ha!" salubong nina kuya Rael sa akin. Humalakhak si ate Mabelle sa sinabi ni kuya.
"Correction! Magiging asawa pa lang! Naririnig ka ni Lord, kuya, ano ba!" pang-aasar ko. Tinawanan lang nila ko.
"Rael, kausapin mo si Doc Mavis! Sabihin mo pumunta sa kasal natin!" sabi ni ate sabay ngiti sa akin. Napanguso ako.
"Sure!" sabi naman ni kuya.
"Walang pang partner si Gwynette sa kasal natin." sabi ni ate na tinawanan naman ni kuya Rael.
"Kaya na ni Gwynette 'yon! Sanay naman siyang walang partner!" pang-aasar ni kuya. Sumimangot na ako.
Sobrang nag-enjoy ang dalawa kaka-asar sa akin kaya naman mabilis na lumipas ang maghapon, gabi na naman.
"Hindi ko alam na may bagoong yun!" reklamo ko kay Mavis dahil magkasalubong ang kilay niya habang iniinject sakin ang gamot for allergy.
Meron kasi sa menu kanina na Lumpiang Gulay. Hindi ko alam na may mga nagluluto pala na nilalagyan ng bagoong yun. Malay ko ba? Hindi ko pa nauubos 'yung isa kanina, nagsimula na 'kong mangati. Sobrang namula yung balat ko buti nga hindi pa namamaga ay napansin namin kaagad.
"Hindi mo talaga gaano mapapansin di ba? Ikaw din naman hindi mo napansin." sabi ko sa kanya. Tumingin siya sakin saglit bago inilagay ang bulak para pigilan ang pagdurugo. Nilagyan niya iyon ng tape.
"Hindi pa 'ko kumakain ng mga oras na 'yun. Hindi ko din alam." sabi niya. Ngumuso ako. Hindi na siya ulit nagsalita at inayos na lang ang mga gamit sa lamesa. Napatingin ako sa doctor sa likod at nurse na tahimik na nakamasid sa amin. Nilalaro nung lalaking doctor yung ballpen niya habang nakangisi ng bahagya. Ng mapansin ng nurse na nakatingin ako sa kanila ay pakunwari niyang inayos ang mga gamot sa shelf na katabi niya kahit na sobrang ayos naman na.
"Gwynette." tawag sa akin ni Mavis ng mapansing sa bandang likod niya ako nakatingin. Tumingin ako sa kanya.
"Yes?" tanong ko.
"Are you okay now?" he asks habang nakatingin sa akin. Tumango ako. Muli akong napatingin sa dalawang tao na nakatingin sa amin mula sa likod.
"Is your breathing normal?" tanong ulit ni Mavis. Tumango ako ng hindi tumitingin sa kanya. Tumaas ang kilay ko ng makitang nagpipigil na ng tawa ang dalawa sa likod. Napatingin ako kay Mavis ng bigla din siyang tumingin sa likod niya. Mabilis na nag-iwas ng tingin yung dalawa.
"Hindi ka naman nakikinig kanina." naiinis na sabi ni Mavis sa akin habang pabalik kami ng function hall. Gusto niyang magpahinga muna ako sa kuwarto namin but I refused. Okay naman na ako, namumula na lang ng kaunti 'yung balat ko.
"Sorry na!" tanging nasabi ko. Hindi ko kasi masabi 'yung ginagawa nung dalawa kanina sa clinic. Huminga siya ng malalim at hinarap ako. Natigilan ako at hinarap din siya. Tanging alon lang ang maririnig sa paligid.
"Can we talk?" tanong niya. Tumango naman ako. Tumingin muna siya sa dagat bago tumingin sa mga mata ko.
"I'm sorry." he said dahilan para mapakurap-kurap ako. I didn't speak that's why he continued.
"I'm sorry for the way I've been acting." he said dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.
"I-It's okay--"
"I'm sorry for leaving you eight years ago." he said, frustrated. I swallowed hard just to refrain myself from crying.
"Yeah, you're right. I'm blaming myself. Sana hindi nalang kita hiniwalayan noon. Sana okay pa ang lahat." he said. Umiling ako.
"Huwag mo ng isipin--"
"No. Kailangan natin ayusin 'to." sabi niya. Masakit man ay tumango ako.
"It's painful to leave you like that but I had to respect your decision na gusto mong mapag-isa. I'm really sorry if hindi ko kayang tanggapin noon. Na hindi ko nakita 'yung desire mo to let me feel what you are feeling about Jesus." he said. Tumingin siya sa mga mata ko then he smiled.
"I know that you didn't stop praying for me. Even though you're going through something, you still cared for me. You denied your own situation, you denied your own pain. Even though there are questions in your heart, you still trusted Jesus." sabi niya dahilan para tumulo ang mga luha ko. His eyes are watery, too.
"When we trust God, we don't need to understand." sabi ko. It's true. If you trust Jesus, just trust Him. Mahirap pero magtiwala pa rin. Ngumiti siya at tumango.
"You know what I realized?" tanong niya sa akin.
"It was God's plan for us to separate years ago. He knew that the both of us needs healing and He was just preparing us for greater things." sabi niya.
"He did that for us to know that His timing is always perfect. We'll never worked out years ago if pinakinggan ko 'yung sarili ko na dapat akong manatili sa tabi mo." he added. Napanguso ako dahilan para matawa siya ng bahagya.
"We're still on the process, Gwynette but I know that God will never get tired healing us." tumango ako. Huminga siya ng malalim.
"God did His very best for me to encounter Him." sabi niya.
"Curious nga ako kung paano mo Siya nakilala dun, e." I honestly said. Ngumiti siya.
"Actually, bago pa 'ko umalis ng Pilipinas nun, may naitanim ka na sa puso ko." sabi niya na nakapagpakunot ng noo ko.
Huh?
"Nung tayo pa, I saw your passion in serving Him. Not just in church but also outside kapag magkasama tayo. You always pray before having a meal, you're crying everytime na nakakakita ka ng aksidente saying na sana you've given the chance to share Jesus sa taong iyon na namatay sa aksidente. I saw all of that." sabi niya. Natawa ako ng mahina.
"And please don't feel sorry about forcing me to go to church or sharing Jesus to me because that time you're planting the desire in my heart to accept and know Jesus. The result was not instant. May process na naganap." sabi niya. He hold my hand.
"Now, here I am. It is the result of God's grace and your perseverance that's why I am who I am today. I'm thankful to God and to you. I'm back, Gwynette."
That moment, he prayed for us. Mavis told me that everything na nangyari sa mga nakaraang taon, may plano si Lord sa lahat ng iyon. Oo, masakit, but the process will be worth it and God is not done yet.
The summit ended victoriously. Sunday afternoon ay nakabalik kami ng Manila. Monday will be the Singaporean's schedule to go back.
And with Mavis of course.
Aalis na lang si Mavis, may isang parte pa kami na hindi pa rin naayos. After our conversation nung isang araw, hindi namin napag-usapan ang tungkol sa aming dalawa. Ewan ko. Sa mga sinabi niya, gusto kong mag-assume na may nararamdaman pa rin siya para sa kin.
Kaya naman nagulat ako kinabukasan ng makita ko siya sa tapat ng pinto ng bahay namin. Marahan akong kinurot ni ate Clair sa tagiliran ko habang nakatingin din kay Mavis na nakangiti sa amin.
"Mavis! It's been a long time!" bungad ni ate sa kanya.
Halos palayasin ako ni ate matapos akong ipagpaalam ni Mavis kung pwede ba niya akong kausapin saglit. Sa likod ng bahay namin ay may mga puno na pwedeng silungan at may mga upuan naman na ginawa ni Papa noon. Napatingin si Mavis sa akin ng mapansin niyang natawa ako.
"Sorry, sorry. May naalala lang kasi ako." sabi ko. Tumingala ako sa puno at ganun din siya.
"Sa punong 'to, nahulog ako nung bata pa ko." sabi ko habang natatawa.
"Ba't ka natatawa?" tanong niya.
"Kasi, naalala ko noon na sinabi ko kina Mama na tinulak ako ni ate Clair kaya ako nahulog kasi nga inis na inis ako sa kanya. Napagalitan tuloy siya ni Papa." sabi ko. Tumingin ako kay Mavis na nakangiti lang.
"I'm glad, na okay na kayo ng ate mo." sabi niya. Tumango ako.
"Natuto ako. Kahit gaano ka pala kagalit sa isang tao, makukuha mo pa ring magpatawad when you decided to let Jesus take over in your life." sabi ko.
"We're okay na. Jesus is faithful kasi, after our parents died, ate Clair accepted Christ as her Lord and Savior." I said. Tumango siya.
"God is using trials for us to draw closer to Him, hindi para lumayo. Every trial is an opportunity to know Jesus more. The Lord is telling us how might He is kapag may problema so we should be glad whenever we are facing trials. May plano si Lord." sabi niya.
Sobrang saya ko. I've been praying to God na darating ang araw na makakausap ko si Mavis ng ganito. God, thank You for answering my prayers.
"Aalis...na kayo mamaya?" tanong ko sa kanya. Napatingin siya sa akin.
"Yes. Five pm ang oras ng flight namin." sabi niya. Napatango ako at tumingin sa malayo. Hindi na ako nagsalita.
"I'm sorry about Rael." sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilang mangiti, pero napansin pa rin niya yata dahil tumaas ang isang kilay niya.
"I didn't know he's getting married. I didn't know na nagbibiro lang siya--"
"Apology accepted. Okay lang!" nakangiting sabi ko. Mayabang siyang nag-iwas ng tingin. Ngumiti ako ng mas malapad.
"Kailan ka babalik ulit?" tanong ko. Tumingin siya sa akin. Ako naman ang nag-iwas ng tingin.
"Uhh...Matagal pa bago magkaron ng summit ulit." sabi ko habang nakayuko. Pinaglaruan ko ang mga daliri ko, hindi pa din siya nagsasalita pero alam kong nakatingin pa rin siya sa akin.
"P-Pero okay lang din naman kung hindi ka na sasama sa next summit. A-Alam kong magiging busy ka doon." sabi ko. Nilakasan ko ang loob ko at tumingin sa kanya.
Tumingin ako sa mga mata niya.
"Before you leave, I just wanna say thank you sa lahat. S-Sa paghatid sakin sa ospital nung gabing 'yon. I'm sorry, sa mga nasabi ko, sa mga nagawa ko. I'll be praying for your happiness." sabi ko. Hindi nawala ang pagtitig niya sa akin.
I am always praying for him. I am always praying to God na sana maging masaya si Mavis, kahit sino man ang plano ng Diyos na makasama niya habang buhay. I will gladly accept if hindi ako ang plano ni Lord para sa kanya.
I will accept it even though masakit.
I will accept it even though I'm still in love with him.
I never stopped. Every night in my prayers sana pagsapit ng bukas, babalik na siya kasi sobrang miss na miss ko siya.
Pero kung hindi ako, tatanggapin ko.
God's plans are always perfect. Kung kailan man darating ang para sakin, that would be in God's perfect time.
I don't have to worry.
Mavis is still silent habang nakatingin sa akin. Hindi ko natagalan kaya ako na ang nag-iwas ng tingin.
"Gwynette.." he called. Tumingin ako sa kanya. He's smiling at me kaya hindi ko na rin maiwasang mapangiti.
I'll be surely happy for him.
"I'm back." sabi niya kaya kumunot ang noo ko.
"I'm back and my heart is still the same..." he said dahilan para matulala ako. Maya-maya ay natawa siya, umiling bago muling tumingin sa mga mata ko at nagsalita.
"Mali pala. Ulit nga. Listen carefully." he told me.
"The Lord have changed my heart..."
Tears are now rolling down my cheeks.
"...but I am still so in love with you." he confessed.
Perfect timing. Madaming nagtatanong kung kailan nga ba? Madami tayong hinihintay sa buhay natin na madalas, naiinip tayo kasi ang tagal dumating. Baka hindi naman talaga para sa atin? O baka hindi naman talaga plano ni Lord iyon para sa atin?
But by the end of the day, the Lord is still telling us to be patient. His plans for us are perfect. Sa ano mang parte ng buhay natin, alam ng Diyos ang makakabuti para sa atin. Tumagal man ang pagtupad ng plano na iyon ni Lord sa buhay natin, alam nating darating at sa bandang huli masasabi nating:
"Mabuti nalang naghintay ako." sabi ko kay Mavis habang magkahawak kamay kaming naglalakad palabas ng ospital.
"Sakin?" nakangising sabi niya sa akin. Kinurot ko ang braso niya dahilan para matawa siya.
"Umayos ka nga." sabi ko sa kanya. Tumango naman siya bago ako inakbayan.
"Sa perfect time ni Lord para sa ating dalawa." nakangiti kong sabi sa kanya. Ngumiti siya at hinawakan ang dalawang kabay ko. Tumingin siya sa mga mata ko bago niya ako halikan sa aking noo. I smiled.
"I will never stopped thanking Jesus for giving you to me..." he said before touching my tummy.
"...and our baby." sabi niya.
It's been three years simula nung araw na sinabi niya sa aking mahal niya pa rin ako. Ang amazing ni God di ba? We're married now and we're having a baby. Words cannot express the joy in my heart that Jesus gave me.
God allowed me to study sa Singapore months after lang nung summit. I earnestly prayed to God kung will Niya talga 'yun, walang makakapigil. Even Mavis encouraged me to do it. Seven months after ay graduation ko na. I didn't expect Mavis to propose to me sa mismong araw ng graduation ko. Nalaman kong niligawan niya lahat ng mga tao sa paligid ko. Si Tita, si ate Clair, ang mga Pastors namin and most especially, sa parents ko and si Jesus. He promised God and my parents that he will take care of me na walang magiging third party sa amin kundi si Jesus lang.
Napa-oo niya lahat and now here we are.
"Thanks for everything, baby. I love you." sabi niya sa akin. Ngumiti ako bago ko siya niyakap.
"I love you, too." I replied.
THE END
JULYCA: THANK YOU! Isang kuwento na naman ang natapos. Maraming salamat sa mga nagtitiwala.
May hinihintay ka mang mangyari sa buhay mo or matagal mo ng ipinapanalangin, maniwala ka lang. Sa tamang panahon ibibigay ni Lord iyan. Huwag tayong umasa sa instant or sa mga temporary lang. Yung plano satin ng Diyos? Matindi at higit pa sa inaasahan natin. Marami akong gustong iparating sa story na 'to pero baka umabot tayo ng madaming chapters. Hehe! You are welcome to message me if you have prayer requests or you have some questions.
This is it.
Never stopped trusting God. Wait for his perfect timing.
Again, thank you so much!