Chereads / I'm Back, Gwynette / Chapter 4 - Third Part

Chapter 4 - Third Part

EIGHT YEARS AGO...

After I received Mavis' message, I run as fast as I could para puntahan siya sa bahay nila. I left even though it is our worship service sa church, I left even though alam kong wala ng pag-asa para sa aming dalawa ni Mavis.

Hindi ko siya nadatnan sa kanila. Ang sabi, umalis, may inasikaso. Hindi alam kung anong oras uuwi.

I waited. Maghapon akong naghintay sa tapat ng kanilang bahay pero walang dumating. Pinipilit na din akong pumasok ng kapatid niya pero tumatanggi ako. Sabi ko okay lang ako. Hindi ko alam kung ilang beses ko siyang tinawagan nung araw na 'yun pero hindi siya sumasagot.

Umabot ang gabi, he never came. Hindi pa rin siya umuwi. One thing hit on my mind.

His decision is final. Ako lang ang hindi makatanggap. It's painful. I love him so much to the point the kinaya kong iwanan si Lord. I chose Mavis over Jesus. Guilt ruled over me. Jesus, I do not deserve You.

Isang sampal ang sumalubong sa akin pag-uwi ko ng bahay. It was my ate Clair na ikinataka ko bakit siya nandito. She's in Batangas for work pero bakit siya umuwi? She's looking at me angrily.

"Ate.."

"Sa'n ka galing, Gwynette?" galit niyang tanong. Hawak ang pisngi ko ay tumingin lamang ako sa kanya.

"Stop looking at me like that at sagutin mo ang tanong ko! Saan ka galing? We've been calling you the whole day pero ano? Pinapatay mo!" she screamed! It only added pain in my heart.

My sister and I are not in good terms. Bata pa lamang kami ay hindi na kami magkasundo. Mahirap. Even though Jesus is telling me to love her, I just can't and I know, iyon ang isa sa mga bagay ang hindi ko magawa na nagiging dahilan kung bakit tinatanong ko ang sarili ko madalas kung mahal ko ba si Jesus? Kasi I can't obey Him.

I can't love my sister.

I'm sorry, Lord but I just can't.

"Ano? Hindi ka sasagot? You want me to answer for you?" maldita niyang pagkakasabi. There's a lump in my throat dahil nagpipigil ako ng pagtulo ng luha ko.

"Para sa lalaki nagawa mo 'to?" she said and disappointment is evident in her voice. It gave me the courage to answer her.

"Hindi mo maiintindihan." I said dahilan para mas sumama ang tingin niya sa akin.

"You will never understand." sabi ko habang umiiling ako kasabay ng pagtulo ng luha ko.

My sister was adopted and I don't know why she never liked me. Either way, I don't like her. I will never liked her.

I'm sorry, Jesus. I do not deserved Your love.

"I don't think this is the right time for us to fix our own issues. Gusto mong malaman ang nangyari ng dahil sa ginawa mo?" madiin niyang tanong dahilan para kabahan ako ng husto. I didn't speak pero alam kong halata na sa itsura ko ang kaba lalo na nung magsimula ng umiyak ang ate ko sa harap ko.

"N-Nung umalis ka? Sinundan ka ni mama at papa!" galit niyang sabi! Hindi ako nakapagsalita.

"You think all these years walang nagmamahal sayo sa bahay na 'to?!" sumbat niya sa akin! My tears doubled as they roll down my cheeks. Wala pa siyang sinasabi pero unexplainable pain came in my heart. Lumapit sa akin si ate at niyugyog ang dalawang balikat ko habang humahagulgol sa aking harapan.

"Si mama at p-papa na sinasabi mong hindi ka mahal? They died because of you! It's all your fault!" sigaw niya sa harap ko!

Dumapo ang dalawang kamay ko sa aking bibig. I can literally feel the pain inside my heart.

"You just hate me kaya mo sinasabi 'to!" umiiyak kong sabi sa aking kapatid! She looked at me in disbelief.

"Di ba?! Hindi sila patay!" hagulgol ko! Umiling lang siya.

"Because they're so worried about you, hanap sila ng hanap sa'yo and while searching for you, may naka salpukan silang t-truck. T-They're dead on the spot, Gwynette!" sigaw niya dahilan para mapaupo na ako sa kinatatayuan ko.

"I will never forgive you, Gwynette." sabi niya sa akin bago ako tinalikuran.

Words are not enough to describe my pain right now.

And I know I can never defend myself at this moment. It's all my fault.

"What are you doing?" mahinahong tanong sa akin ni ate habang nandito kami sa loob ng kwarto ko. Hindi ko siya sinagot. It's morning and the accident happened yesterday pero hindi pa rin ako pumupunta doon kung saan ang funeral nina mama at papa.

I know na nakakahiya itong ginagawa ko. Ako, na dahilan ng pagkamatay nila, wala doon, nagmu-mukmok lang dito sa kuwarto ko.

I can't face anyone.

Naramdaman kong naupo ang ate ko sa gilid ng kama ko. Umayos ako ng higa at tinalikuran siya.

"Gwynette..." mahinahong tawag niya. Tumulo ang mga luha ko.

"Halika na--"

"I'm...sorry." sabi ko dahilan para tumigil siya. She didn't speak.

"Wala na akong alam sabihin ate...I'm really sorry. And you're right. It's all my fault." sabi ko. I cried so hard, sobrang hapdi na ng mga mata ko. Naramdaman kong umakyat na ng kama ko si ate at mas lalo akong napaiyak ng maramdaman ang yakap niya.

"I'm sorry." she said. "Everything that I have said last night, I didn't mean it...I'm sorry." she said, crying. Umiling ako.

"You're in pain, that's normal." sabi ko.

"You're in pain, too. We're all in pain." sabi niya.

"I'm sorry, ate. For everything." I sincerely said. I have contemplated everything last night. She was never the black sheep in this family. I was.

I am. Binalot ako ng selos ko, nung pilit pumapasok sa isip ko na, ako ang tunay na anak pero bakit parang mas mahal siya ng mga magulang ko?

I was blind.

I was too blind to see the love of my sister for me.

I was too blind to see the love of my parents for me.

And now, it's too late. Hindi ko na maitatama ang mga pagkakamali ko sa kanila.

I know that I will never escape this agony. I will forever carry it in my heart.

I will not blame anyone. I will never blame God. Wala Siyang ibang ginawa kundi ang mahalin ako. Ako lang ang may problema.

I know the consequence of what I am going to do but I don't care anymore. Sa sobrang sakit na nararanasan ko, I decided to take my own life.

Dugo. I can see how my blood roll down my wrist. I closed my eyes, ready to face my ending, and my forever suffering in hell.

I'm so sorry, Jesus.

-----

PRESENT

"It's not your fault. Huwag mong sasabihin 'yan." Mavis said pero hindi ko pa rin matanggap.

"Dapat hindi mo nalang ako dinala sa ospital non! Sana hinayaan mo na lang ako!" sigaw ko sa kanya. Sumama ang tingin niya sa akin.

"What did you say?" he asked in disbelief. Kita ko ang galit sa mga mata niya.

"I deserved it! I deserved to die! Sina mama hindi! Wala silang kasalanan para maranasan iyon!" sigaw ko sa kanya! Umiling siya dahil hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko.

"Ako 'yung desperada! Ako 'yung nagpupumilit sayo na sumama sa akin, kahit alam kong ayaw mo naman noon! Huwag mo ding sisisihin ang sarili mo dahil kahit hindi mo sabihin alam ko. Alam kong may parte dyan sa puso mo na sana hindi ka nalang nakipaghiwalay sa akin para hindi sana nangyari 'yon! I'm telling you, please don't." umiiyak kong sabi.

"Ako 'yung hindi makapaghintay e. I never had faith in God and even though I'm serving Him now, there's still doubt in my heart. I do not deserve Him." sabi ko and then I looked straight in his eyes.

"I don't deserved you, Mav." sabi ko. He bite his lower lip at kita ko sa mga mata niya ang sakit. His eyes are watery. Pinipigilan niyang umiyak sa harap ko.

"I'm sorry. For forcing you years ago. I should have trusts God's timing. I should have trust His plans for you. I'm really sorry." sabi ko. He didn't speak at tumitig na lang sa mga mata ko kaya napayuko ako at nilaro ang mga daliri ko.

I don't know what happened with him for the past eight years. After ng gabi na iyon na sinubukan kong magpakamatay, he came.

Just in time.

"What do you want me to do?" tanong niya sa akin matapos kong itapon ang pagkain sa harap niya. He tried to feed me, the next day sa ospital kung saan niya ako dinala.

Hindi ako nagsalita. Nakatitig lamang ako sa harap, walang emosyon. Huminga siya ng malalim at naupo sa upuan sa gilid ko, hindi pinansin kahit nadumihan ang damit niya o napaso man siya sa mainit na sabaw na itinapon ko sa kanya.

I don't know who I am anymore. This is not me anymore.

"Do you want me to leave?" tanong niya dahilan para mapatingin ako sa kanya. He's looking at me using his gentle eyes. The eyes that I fell in love with. Humigpit ang hawak ko sa unan na nasa kandungan ko.

"Yes." sagot ko. Tumingin ako sa mga mata niya. "Please, leave." sabi ko. Bumagsak ang mga mata niya sa kamay ko na hawak ng mahigpit ang unan. Umayos ako para hindi niya mapansin.

I don't want him to leave. I want him to stay with me.

But what should I do? Alam ko na sa sitwasyon ko ngayon, hindi kami magwo-work. Masasaktan ko lang siya. Masasaktan lang kami pareho.

Nakaramdam ako ng halik sa aking noo isang gabi sa aking kuwarto, sumunod na araw matapos kong ma discharged sa ospital. I didn't open my eyes because I'm too tired to do so. I'm always crying.

But I decided to open my eyes seconds before the door of my room closes. There I saw.

It was Mavis.

----

Ate Clair told me na umalis ng Pilipinas si Mavis that night. His parents na nasa Singapore told him na ituloy ang kolehiyo niya doon na matagal na niyang tinatanggihan but finally he agreed.

Lumayo siya gaya ng sinabi ko. Lumipas ang mga taon, kahit papaano ay umayos ako. With the help of my churchmates who continually prayed for me, at kay ate Clair na ipinaramdam sa akin na karapat-dapat pa rin akong mahalin.

There's still doubt in my heart about my faith in God, and each day, I am asking Jesus to heal my heart and let Him make me feel that I deserve His love.

I'm still on the process, and I know that God will never let me down.

Huminga ako ng malalim at napagdesisyunan na babalik na ng villa dahil baka hinahanap na kami. I turn my back from him but I felt his hand on my wrist gently pulled me para muling humarap sa kanya at bumagsak ako sa mga balikat niya.

I felt his gentle embrace.

Gulat man ay hindi maiwasang sumaya ang puso ko.

"I missed you..." he whispered. I smiled before hugging him back.

Hindi ko alam kung ilang minuto tumagal ang yakap niya sa akin but for the first time in eight years, I felt so much comfort. Jesus never fails to comfort me everyday, every time na nanghihina ako but this time? Kakaiba. I felt like it is Jesus who's hugging me right now.

Magagalit kaya si Mavis kung sasabihin kong kahit siya ang yumayakap sa akin ngayon ay si Jesus pa rin ang iniisip ko?

Napangiti ako ng lihim at piniling manahimik na lang ng mga oras na 'yon.

Masarap ang tulog ko buong magdamag kaya naman sobrang ganda ng gising ko. I cried so hard last night while reading my Bible and praying because Jesus told me in His word in Jeremiah 31:3 na "I have loved you with an everlasting love."

He gave me the assurance that He will never leave me.

It was our third day sa El Nido at habang tumatagal ay mas tumitindi ang mga topics ng summit na ito. After ng bawat session ay nagga-gather ang bawat grupo to talk about the topic and then we are praying for one another.

"Don't move." sabi ni Mavis kay kuya Rael habang iniinject ang anti-tetanus na gamot. Aksidenteng nakatapak si kuya Rael ng pako sa beach kanina habang ginagawa ang activity matapos ang pang-apat na session kanina. Medyo may kalawang yung pako na 'yun kaya mabilis namin siyang dinala sa clinic ng resort.

"Hindi kasi nag-iingat 'yung pako no kuya?" pang-aasar ko kay kuya Rael habang binebendahan ni Mavis ang sugat nito sa paa. Mavis is silent.

"Kaya nga e. Pero mas maganda meron dito, medyo dapat lumayu-layo na at baka makurot pa sa pisngi." he fired back at akmang aabutin ako para kurutin ang pisngi ko pero pinigilan siya ni Mavis.

"I'm not done yet." he said coldly. Natahimik kaming dalawa ni kuya Rael. Tumingin ako sa binebendahang paa ni kuya Rael. Ngumisi ako.

"Doc, make sure na magsabon ka ng kamay after ha? Mabaho paa ni kuya Rael." sabi ko at pabirong tinakpan ang ilong ko. Tumingin si Mavis sa akin at itinaas ang isang kilay. Ngumuso ako.

"Dun ka nga, Gwynette! Iniistorbo mo 'tong si Doc! Napaghahalataang crush na crush mo ko, e!" mayabang na sabi ni kuya Rael dahilan para mapatingin ako kay Mavis na ngayon ay seryosong inaayos ang mga gamit sa table. Saktong wala yung doctor pero they gave us naman the permission to use the clinic kapag kailangan.

"O di ba, totoo? Hindi ka nakasagot, e!" pang-aasar pa din ni kuya Rael sa akin. Dumako na ang tingin ni Mavis sa akin and based on his stare, kinukumpirma niya kung totoo ang sinasabi ni kuya.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanya at tumingin sa ibang direksyon.

"Naku, Gwynette, sinasabi ko na nga ba!" sabi ni kuya Rael habang tumatawa. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Okay ka na di ba?" tanong ko sa kanya pero tumawa lang siya. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at nagpasalamat na kay Mavis. Magsisimula na niyan ang susunod na session.

Nakanguso ako habang naglalakad pabalik ng function hall. Gusto ko pang mainis dahil bumabaon ang mga tsinelas ko sa buhanginan. Inis kong tinanggal ang dalawang tsinelas ko at muling naglakad.

Bakit ba ko naiinis?

Naiinis ako sa sarili ko.

'Yung puso ko, umaasa kasi.

Come on, Gwynette. Normal lang naman na yakapin ka ng isang tao kapag missed ka niya. Sa yakap ni Mavis kagabi? Wala namang pinagkaiba sa iba!

Asa!

I don't know why pero I felt love sa yakap sa akin ni Mavis kagabi. Lagi naman niya 'kong niyayakap noong kami pa, eight years ago pero bakit parang iba 'yung kagabi?

Nakahiga na ako sa kama ko kinagabihan then I decided to browse my news feed sa facebook. Gusto kong matawa dahil halos pictures ng mga youth na kasama ko ang laman ng feed ko.

Pero may naligaw yatang post. Hindi ko kilala yung nagpost pero friend ko na normal naman sa panahon ngayon na kahit hindi mo kilala ay inaaccept mo.

Julyca Cunanan:

"Pray for a man that loves Jesus more than you. Ibang klase magmahal ang lalaking nakasentro ang puso kay Jesus."

Naalala ko ang yakap ni Mavis kagabi. May nagbago nga dahil ibang-iba ang yakap ni Mavis noon sa Mavis ngayon.

Dahil ba nakasentro na ang puso niya kay Jesus?

Napabangon ako at sinabunutan ang sarili ko! Stop assuming, Gwynette! You two broke up eight years ago at malay mo, may girlfriend pala siyang iniwan saglit sa Singapore? Hindi na ikaw ang mahal niya!

Pero bakit niya ko niyakap ng ganon?

Muli kong sinabunutan ang sarili ko.

Jesus, what should I do?

Napansin ko ang pag-iwas sa akin ni Mavis kinabukasan. Kapag nakakasalubong ko siya, mabilis siyang umiiwas. Kapag kakausapin ko siya, ngiti lang isinasagot niya sa akin, at kung magsasalita man, sobrang ikli!

Bawat session ay nasa gilid lamang siya at nakikinig din. Dahil they're here to observe, they just help us to delegate the youth for this summit. He's seriously listening sa session while ako naman ay paminsan-minsang napapatingin sa kanya.

I still have questions in my mind. Gusto kong malaman ng detalyado kung paano niya nakilala si Jesus. I know that God's ways are perfect and alam kong matindi ang ginawa Niya sa buhay ni Mavis. For the past eight years, hindi kami nagkausap kahit sa chat man lang.

I'm so curious.

Pastora Maylalyn is encouraging us to pray na yung makakasama namin habang buhay ay mahal din si Jesus. Eight years ago, Mavis didn't know about Jesus and he's very honest na hindi niya gustong makilala ito. Dumating din sa point na naisip kong siguro kaya kami naghiwalay ni Mavis ay hindi will ni God si Mavis para sa akin, at ako para kay Mavis.

His ways are higher than our ways and His thoughts than our thoughts. Sometimes, iniisip natin na bakit parang ang damot ni God? Na hindi Niya ibinibigay ang ibang mga gusto natin. Hindi natin alam, na yung mga gusto natin na iyon ay mga maliliit lang kumpara sa mga malalaking bagay na inihanda Niya para sa atin. God will break our dreams if those dreams are about to break us. We should trust God's timing.

"For I know the plans I have for you," declares the Lord. "Plans to prosper you and not to harm you. Plans to give you hope and a future." - Jeremiah 29:11

Hawak ang gitara ay nakaupo ako sa tabing dagat, kinabukasan ng madaling araw. It's four in the morning and I decided to do my worship here na tanging alon lang ang mariring mo.

Nakailang kanta na ako then after I prayed, itinabi ko ang gitara at balak ko na sanang bumalik sa villa ng may maupo sa tabi ko at kinuha ang gitara ko.

Mavis strum the strings of the guitar and smiled at me and he said to me the words I am longing to hear from him. Simula pa noon.

"Will you worship Jesus with me?" he asked. I smiled at tumango. He started strumming a familiar song.

"You are the strength of my life

You flood the darkness with light

I throw myself on Your never failing love

You are the strength of my heart

I'm running into Your arms

I throw myself on your never failing love"

This is a dream come true. I never stopped praying for him. I prayed that he will meet God no matter what. Words cannot express what I am feeling right now.

"Almighty Savior, You are the anchor for my soul

Your name is greater

Greater than any other name I know

"You are the strength of my life

You flood the darkness with light

I throw myself on Your never failing love

You are the strength of my heart

I'm running into Your arms

I throw myself on your never failing love"

-----

"You were avoiding me yesterday." sabi ko sa kanya after our worship kanina. He didn't look at me. Diretso lang ang tingin niya sa dagat. Napanguso ako at hindi na din nagsalita.

"You have a crush on him?" tanong niya bigla kaya napatingin ako sa kanya.

"Huh?" tanong ko, nagtataka. Tumingin siya sa akin at para bang naiinis siya.

"Rael." sabi niya kaya nagulat ako.

He believed kuya Rael?!

"Uh..." hindi ako makapagsalita ng maayos.

"It's fine. I understand." he said. Kumunot ang noo ko at napakamot ng ulo. Tumingin na lang din ako sa dagat gaya niya. Silence is deafening afterwards but then nagsalita din siya.

"I will accept it and let you go if you'll promise me that you'll be happy with him." sabi niya na nakapagpanganga sa akin. Lalong hindi ako nakapagsalita.

Bigla siyang tumayo at iniwan ako. Napatayo ako pero hindi na siya tinawag pa.

What was that?! Is he still in love with me?!

TO BE CONTINUED...