Chereads / I'm Back, Gwynette / Chapter 3 - Second Part

Chapter 3 - Second Part

Hindi ako nakatulog masyado.

It's four am in the morning at naghahanda na kami for group morning Bible reading and prayer. Papukat-pukat pa ako ng mata habang nilalakad ang kahabaan ng hallway ng beach resort.

Antok na antok man ay inayos ko ang bitbit kong gitara para pumunta na sa function hall ng beach resort. Nadatnan kong nag-aayos ng table ang mga employees ng resort for our breakfast mamayang six am.

"Good morning!" narinig kong bati sa akin ni kuya Rael bago ginulo ang medyo basa ko pang buhok.

Napahinto ako at ngumuso sa kanya. Humalkhak siya ng makita ako.

"Mukhang hindi nakatulog, a!" tukso niya. Mas lalong humaba ang nguso ko.

"Hindi, kuya. Nasa'n na ang iba?" tanong ko dahil napansing wala pa ang iilan. Well, maaga pa naman.y

"Papunta na ang ilan. Alam mo naman ang ilang youth, medyo mahirap gisingin." sabi niya. Napailing na lang ako habang tumatawa.

"Thank you!" kuya Rael said habang tinitipa ang gitara ng ilapag ko ang coffee sa harap niya. We'll start at 5:30am, hinihintay pa din namin ang iba. Naupo ako sa tapat niya.

"Let's sing for Jesus." he said, kaya tumango ako. Maya-maya ay nagsimula siyang tugtugin ang familiar na song. I started to sing.

"I love You, Lord

For Your mercy never failed me

All my days, I've been held in Your hands

From the moment that I wake up

Until I lay my head

Oh, I will sing of the goodness of God

And all my life You have been faithful

And all my life You have been so, so good

With every breath that I am able

Oh, I will sing of the goodness of God..."

Kuya Rael continued strumming the guitar as we worship Jesus.

"With every breath that I am able

Oh, I will sing of the goodness of God.."

That was a powerful song, knowing that Jesus will never leave us hanging. He is forever faithful and He loves us so much, more we could ever imagined.

"Good morning ate!" bati sa akin ni Wilma sabay halik sa pisngi ko. I chuckled and kiss her cheeks, too. Sabay sabay silang dumating kaya para kaming si Jollibee nina Pastor Glen na sinalubong nila ng yakap. Nakakalimutan yata ng mga ito na hindi na sila children at mga youth na sila. Natawa ako sa naisip. Napuno ng tawanan ang function hall.

"Good morning!" napalingon ako sa bumating Singaporean sa amin. I joyfully greeted Pastor Chris, their leader for this trip. Lumapit ang mga youth para isa isang batiin ang mga Singaporean na kasama namin.

Nagpatuloy ang kuwentuhan bago magsimula ang morning worship. Enjoy na enjoy ang iilang mga youth dahil sa pagpapatawa ni James sa kanila.

"It's nice to see that you're happy serving the Lord, Gwynette." sabi sa akin ni Pastor Chris. Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Yes, Pastor." tangi kong nasabi habang pinagmamasdang masaya sila pero mabilis ding napabaling kay Pastor ng may maalala.

"Pastor, they told us yesterday that you're with a Filipino Surgeon?" tanong ko. It's good to know na may Pilipino silang kasamang pumunta dito.

It means, sa Singapore nakabased 'yun? Bumaling sa akin si Pastor Chris at tumango.

"Yes. He's a psychiatrist also. That man is so smart and kind." pagmamalaki niya. Ngumiti ako at inabot ang tasa ng kape ko sa tapat ko.

"Dr. Tan is almost the same age as you. He's twenty eight" sabi ni Pastor na nakapagpatigil sa akin.

Tan?

No way. Bumilis ang tibok ng puso ko sa naisip. I saw Mavis yesterday here sa El Nido at gusto kong itanggi ang naiisip ko.

Mavis' surname is Tan. No. Hindi naman siguro.

"Oh, there he is. Mavis! Over here!" sigaw ni Pastor Chris dahilan para manigas ako sa kinauupuan ko. Hindi ako lumingon sa kung saan man nakatingin si Pastor.

Bakit ba hindi ko naisip?

Eight years ago, Mavis was taking his pre-med course and he's always telling me na pangarap niyang maging surgeon!

I didn't know what happened next, basta ang alam ko ay mabilis akong tumayo at nakapikit na aalis sana doon pero hindi ako nagtagumpay.

I bumped into someone dahilan para mawalan ako ng balanse.

I really hate saying this, but Mavis is in front of me, holding me tight na para bang takot siyang dumiretso ang nakakatawa kong mukha sa sahig.

Sa drama ko lang to napapanood, e! Bakit kailangan kong maranasan? Napakurap-kurap ako habang nakatingin sa kanya na malalim ang pagtitig sa akin. Mukha siyang seryoso. He changed a lot. He matured...I mean, eight years ago ay lagi ko siyang kinu-kurot sa pisngi kasi ang cute niya but now he's very manly!

I swallowed hard when I saw him slowly smiled at me kaya naman marahang lumayo sa kanya ng bumalik ang kaluluwa kong lumayas saglit.

"S-Sorry." sabi ko.

"It's okay. Be careful next time." he said at marahang inalis ang titig sa akin at bumaling kay Pastor Chris.

"Good morning, Pastor." he greeted.

I think I was pre occupied the whole time. Walang-wala ako sa sarili ko.

Sobrang dami kong tanong!

What happened? Mavis is one of the youth leaders sa church nila sa Singapore.

I know I should be happy for him pero gusto kong malaman kung paano nangyari?

Eight years ago, he broke up with me kasi hindi niya daw kayang gawin ang mga ginagawa ko.

But now, he looks happy and satisfied. Jesus, You are amazing!

We are having our second activity for the day. Kakatapos lang kanina ng third session for this summit. The youth is enjoying it.

Napatayo ako sa aking inuupuan dahil oras na para ikuha ng tubig ang mga Pastors and leaders. Dumiretso ako sa kitchen malapit sa function room. Binuksan ko ang ref para kumuha muna ng tubig ko. I filled a glass of water for myself, saktong napuno iyon ng maramdaman kong may pumasok din sa kitchen. Marahan kong ibinaba ang pitcher ng tubig.

"Hi." he greeted me. Napaawang ang mga labi ko ngunit mabilis akong umayos. Marahan kong ibinaba ang baso ng tubig na iinumin ko na sana at pinagmasdan 'yon bago dalhan ang mga kasama kong youth na naga-activity sa labas.

Mavis is silently observing me dahil hindi ko siya sinagot sa pagbati niya. I looked at him, sa mga mata niya. I can't read his emotions. His eyes, para bang...

"It's been a long time." he said bago pa ako makapagsalita. Tumango ako at marahang ngumiti, ewan ko dahil baka nagmukha lang akong natatae sa ngiti kong iyon.

"Y-Yeah! Ang bilis ano? Uh..." nauutal kong sabi. Madami akong gustong itanong pero parang umurong ang dila ko.

Kumusta ka na?

Bakit ka nandito sa Palawan?

Bakit ka nandito sa kusina kung nasaan ako ngayon?

Bakit ka bumalik?

Mahal mo pa ba ko?

Halos mapasinghap ako sa huling tanong na pumasok sa isip ko. Muntik ko pang masagi ang baso sa tabi ko. Tumalikod ako sa kanya at binuksan na lamang muli ang ref para kumuha ng mga bottled water. Sa kamamadali ko pa ay nahulog pa ang isa.

Nice one, Gwynette!

Pumikit ako ng mariin ng maramdamang pinulot ni Mavis ang nahulog na bottled water. Nagpatuloy ako sa pagkuha habang narinig ko namang tumunog ang iilang kasangkapan sa dulo ng kitchen.

"Here. Ilagay natin dito." sabi niya mula sa aking likuran. Marahan akong lumingon sa kanya at nakita ang isang palanggana na hawak niya. Naroon na din ang bottled water na nahulog kanina. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at nilagay ang ilan pa doon, hanggang sa mapuno iyon.

"Thank you.." sambit ko at akmang kukuhanin sa kanya ang palanggana pero nilayo niya sa akin.

"It's heavy. Ako na ang magdadala sa sa labas." sabi niya at marahang tinalukuran ako. Nauna siyang lumabas sa akin. I heard some screams outside, siguro ay may nanalo na.

I breathe harshly habang unti-unti akong nanghina paupo.

---

"What happened? Wala ka sa worship service kanina? Sabi ni Leah tumakbo ka daw palayo ng church."

"This is all your fault!"

"Para sa lalaki nagawa mo 'to?!"

----

Tumulo ang luha sa mga mata ko, remembering everything na nangyari eight years ago.

Lord, ang sakit pa din pala. Why did you allow this to happened? Why did you allow me to meet Mavis again? Bumabalik lang yung sakit.

I thought I had forgiven myself.

But, seeing Mavis?

Hindi pa pala.

The next day ay outdoor ang activity na gagawin. Sa tabing dagat kaming lahat. Ako na may hawak na camera ay busy sa pagkuha ng mga litrato, habang sina Pastor Glen at Pastor Kathrine naman ay kausap ang ilan sa mga Singaporean sa gilid. I positioned the camera sa banda nina kuya Rael, but I didn't know na nandoon din pala sa banda nila si Mavis. I was about to change the camera's angle ng napatingin na si Mavis sa banda ko. He didn't smile. Napatingin siya kay kuya Rael na tawa ng tawa habang pinagchi-cheer ang mga youth na naglalaro ng volleyball, then sa akin. I cleared my throat before positioning the camera sa banda nina Pastora Kathrine. She smiled and wave her hand sa tapat ni Pastor Glen to inform him na kukunan ko sila ng litrato.

"Okay ka lang?" tanong sa akin ni kuya Rael ng makita niya akong pinagmamasdan ko lang ang pagkain ko sa tapat ko. Tumingin ako sa kanya na kumakain na ngayon ng dinner. Medyo maingay sa dining hall dahil sa kuwentuhan ng lahat about sa buong araw.

"May recipe kaya sila nito? Ang sarap!" sabi ni Pastora Kathrine kay kuya Rael. Apat kaming magkakasama sa table.

"Wow, Pastora! Mag-aasawa ka na po ba?" pang-aasar ni Pastor Glen sa kanya. Nagtawanan lamang sila kaya nakisali ako.

"Kumain ka na, Gwynette! Lumalamig ang pagkain mo." sabi ni Pastora Kathrine sa akin. Ngumiti ako at tumango. Hinawakan ko na ang mga kubyertos ko. Bahala na. Nakakahiya naman kung hindi ko sila sasamahang kumain. Pero pano naman? Baka maging pabigat pa ko dito.

In the end, naisip kong puro kanin ang kainin ko. Buti na lang ay hindi nila napansin na hindi ko ginalaw ang mga ulam ko. Pasimple akong tumayo at dinala na ang plato ko. I excused myself at dinala na ang plato ko sa lagayan kung saan iniipon ang mga gamit na plato.

Hindi ko alam if napansin ba ng iba ang pag-alis ko saglit. Malaki ang beach resort at maraming nagtitinda ng pagkain tuwing gabi like mga ihaw-ihaw at noodles. Medyo marami pa ding tao ang naglalakad kahit gabi. May mga mini bazaar din at iilang villa.

"Hi, ma'am! Good evening!" bati sa akin nung babae na nagtitinda ng ihaw-ihaw. Medyo malaki ang puwesto nila at may mga table sa loob. Medyo madami ding tao ang kumakain. Tumingin ako sa mga iniihaw niya at mukhang masasarap lahat. Sobrang bango pa! Lord, sorry po if hindi ko makakayang kainin yung ulam kanina, alam mo naman po na hindi pwede, di ba?

"Good evening, sir!" bati ng babae sa tapat ko. Napalingon naman ako sa bagong dating na lalaki at nagulat when Mavis towered over me. Tumingin siya sa mga iniihaw bago ngumiti sa babae.

"Good evening." bati niya at tumingin sa akin. Napakurap-kurap ako.

"Sorry. Nakita kitang pumunta dito." sabi niya. Tumango lang ako at muling tumingin sa mga iniihaw. "Tapos ka na kumain?" tanong ko pagkatapos. Napatingin ako sa kanya ng hindi siya sumagot. Pero, Lord, halos pagsisihan ko kasi nakita kong mataman niya kong pinagmamasdan.

"B-Bakit?" tanong ko at mabilis na nag-iwas ng tingin.

"Hindi ka kumain?" tanong niya. Marahan akong napakamot sa ulo ko.

"You're still allergic sa bagoong?" he probe dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.

Alam pa rin niya?

Ngumiti na ako ng pilit sa kanya at tumango. Ginataang Talangka at Bicol Express ang ulam kanina at may sangkap na bagoong ang mga iyon! Nalaman ko kaninang nagrequest ang mga Singaporean ng ganoon kaya napalitan ang menu. Okay lang naman.

Ilang beses akong tumanggi ng siya ang nagbayad ng mga binili kong ihaw-ihaw. Pork Barbecue ang order ko lang sana at isang rice dahil hindi naman na ako ganun kagutom pero dinagdagan niya ng iba pa. Hindi na ako nakapagsalita ng sinabi niyang kakain din daw siya kaya siya na ang magbabayad. Mabilis lang kaming kumain dahil medyo dumadami na ang mga tao doon at biglang may pumasok na customer na may dala pang vape. Mukhang hindi mababawalan yung foreigner na yun kaya hinayaan siya ng may-ari. Halos mapuno ng usok ang malaking tent.

Bumili kami ng kape pagkatapos at nagdesisyon na pumunta sa tabing dagat. Tahimik lang siya habang naglalakad kami. I silently check him. Parang tumangkad siya at pumuti. Well, he's maputi na noon pero mas bumagay sa kanya ang puti niya ngayon.

"Are you sure?" tanong niya habang naglalakad. Medyo maliwanag dahil sa dami ng mga poste ng ilaw.

"Oo nga!" natatawang sabi ko. Tinatanong niya kasi kung hindi ba ako kumain nung ulam kanina kahit konti lang. Tumingin siya sa akin habang nakakunot ang noo. Hindi pa din naniniwala!

"Kung nakakain ako, kanina pa ko namamaga sa harapan mo!" paliwanag ko. Tumangu-tango lang siya at tumingin sa dagat kaya nagkaroon ako ng chance na pagmasdan siya ulit.

"You're a doctor now. Dapat alam mo.." mahinahong sabi ko. Tumingin siya sa akin. Matagal bago siya sumagot at nakatingin lang sa akin.

"I'm just worried." he finally said. Gulat man ay hindi ako nagsalita.

"Gwynette--"

"Kumusta naman? O di ba? Masaya ako kasi you met Jesus na. When did you accept Him?" tanong ko sa kanya. I'm curious sa mga nangyari sa kanya nitong nakalipas na mga taon.

"Six years ago..." sagot niya habang maingat akong pinagmamasdan, inaalam siguro ang magiging reaksyon ko. Napatangu-tango ako.

"I'm...happy for you." I sincerely said. I smiled at him but he didn't. Kaya mabilis ding napawi ang ngiti ko at nagseryoso na.

"I'm sorry." biglang sabi niya na ewan ko ba kasi biglang nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Hindi na ko makangiti kahit pilit man dahil sa nararamdaman ko. He felt it kaya medyo hinayaan niya muna ko. Hindi na siya nagsalita.

"No, it's okay." I said, painfully. Tumingin siya sa mga mata ko. Umiling ako.

"Wala kang kasalanan. It's all my fault. I should be the one to apologize." sabi ko.

"It's not your fault." he said firmly but I can't believe him. Muli akong umiling kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.

"Ako naman talaga. I was forcing you. I didn't wait for God's timing. Ako 'yung pumipilit sa'yo noon na magchurch na." paliwanag ko for him to believe me na kasalanan ko talaga lahat.

It's not his fault kung bakit nagawa ko ang bagay na 'yun at kung bakit namatay ang parents ko eight years ago.

It was all my fault kung bakit nasasaktan pa rin ako ngayon. Hindi kasalanan ninuman.

Ako lang.

TO BE CONTINUED...