Chereads / Thieves of Harmony / Chapter 22 - River Styx

Chapter 22 - River Styx

"Melizabeth," tawag sa'kin ni Harmonia. Ever since naging allies na ang team namin, naging mabait na siya. Maybe I just got my first impression wrong on her.

Mas nakakasalimuha ko pa siya kaysa kay Lea. Para kasing ang hirap hirap niyang lapitan, at kausapin. She's so distant to people.

It has been at least a week nang natapos na ang test namin kay Artemis. We did not do anything for a week para makapagpahinga, and Cassandra was also healing. Iyon nga lang naging scar na ang sugat sa likod niya. But it's somehow okay, hindi naman iyon makikita.

Tumabi sa'kin si Harmonia at ningitian ako, "Anong susuotin mo mamaya sa party?"

Sinagot naman siya ni Lea, "Hindi ba't si Aphrodite raw ang magpoprovide ng mga isusuot natin?"

Nanlaki ang mata ni Harmonia, "Really?"

Tumango si Lea at tumingin sa kaniyang relo, "Mamayang twelve noon, mag-aassemble na ulit tayo sa field, at doon tayo susunduin ni Aphrodite."

"Sa tingin ko nga ay iyon na ang test niya," dagdag pa ni Lea.

Nagbukas ang tent namin, yumuko si Asclepius para makita kami at ngumiti, "Uh- Meli, favor naman. Pwede bang kumuha ka ng tubig sa lawa. Hindi naman 'yon masyadong malayo. Kailangan ko lang ng malinis na tubig na maihahalo sa panggamot ko kay Cassandra."

Tumango naman ako at kinuha ang banga mula sa kaniyang kamay. Mabilis akong lumabas sa tent, at hindi ko na narinig ang utos niya kina Harmonia at Lea.

Pagkalabas ko ay nakita kong nag-aayos ng mga pagkain. Nag-iihaw siya at seryoso ang kaniyang tingin sa apoy. His yellow eyes reflected the fire kaya ayon nagmumukha tuloy araw ang mga mata niya.

Bahagya nang tumutulo ang pawis niya, ngunit seryoso pa rin siyang nakatingin sa iniihaw niya. Nagulat ako nang mag-angat tingin siya sa'kin at pinanliitin ako ng mata. He mouthed, "Bakit?"

"Tumutulo na ang pawis mo. Baka maglasang pawis ang pagkain, yuck," natatawa kong sambit.

Nagulat ako nang tumawa rin siya, pero minimal lang. Pero tumawa nga siya! Mas lalo akong napangiti at napailing nalang. Dumiretso na ako sa daan patungo sa lawa. Sa totoo lang ay hindi naman ako sigurado sa mga dinadaanan ko, but with the help of the ghosts, nagawa ko namang makapunta sa lawa.

Hinawakan ko nang mahigpit ang banga at sumalok ng tubig. Namangha naman ako nang biglang magliwanag ang banga. Nang mawala ang liwanag, napangiti ako nang makitang mas luminaw ang tubig sa banga.

Akmang babalik na ako pero nagulat ako nang may biglang tumulak sa'kin sa lawa. Napalublob ako sa tubig at nagulat ako nang may makitang mga bungo at buto ng tao. What in the underworlds is this river?!

Kaagad akong umahon sa tubig kahit medyo nahirapan. Napaubo-ubo ako at nalungkot nang makitang nabasag ko ang banga ni Asclepius.

Napatingin ako sa paa sa harap ko kaya't unti-unti kong inangat ang tingin ko. "So it's true," sabi ni Goddess Eris at napangisi sa'kin. Nilahad niya ang kamay niya sa'kin kaya't tinanggap ko ito. I don't want to be rude to a Goddess kahit tinulak niya ako sa lawa.

Itinayo niya ako kung kaya't nagpantay na ang tingin naming dalawa. "Ikaw ang unang nakapasok sa Garden of Hesperides. Melizabeth nga, hindi ba?"

Tumango ako at tumungo. Alam naman pala niya, eh. Anong gagawin niya sa'kin, paparusahan?

Nagulat ako nang tumawa siya nang malakas, baliw ba 'tong si Eris?

"I'm sorry," bumawi siya at tumayo na nang tuwid, "Totoo ngang kinain mo ang golden apple. You are immortal now."

Tumingin siya sa lawa at ibinalik ang tingin sa'kin, "At hindi ka rin namatay nang itulak kita sa River Styx."

My jaw dropped pero sinara ko ito agad. River Styx? The river that connects the underworld and the other living places. Ang sabi nga ay namamatay ang kung sino mang mortal na makalublob sa River Styx, o kilala rin bilang river of death.

Pero mayroon ding mga panahon na nagagrant ng river na ito ang invisibilty. Such as Achilles nang ilublob siya rito ng kaniyang ina na si Thetis, ngunit dahil hindi nalublob ang heel niya, ito ang naging kahinaan niya. He died when he was shot in the heel by Paris of Troy during the Trojan War.

Pero nalublob lahat sa'kin. Does that mean I have no weakness at all?

"Para ka nang diyosa, Melizabeth. You are immortal by the means of the golden apple, and you are invisible because of the River Styx. Thanks to me," sabi niya at hinaplos ang buhok ko.

Kinilabutan ako nang bumaba ang kaniyang kamay sa aking braso, then down to my waist until she felt my magical girdle.

"At mayroon kang kapangyarihan through this girdle. Wow, a mortal turned into a goddess-like because of the artifacts of Olympians," dagdag niya at pumalakpak.

Tila nakakita ako ng kidlat sa kaniyang mga mata, ngunit kaagad din itong napalitan ng kadiliman, "Magkakaroon ng digmaan."

Wika niya at napahigpit ang hawak sa bewang ko. Bahagya akong napangiwi, pero wala pa rin akong binitawang salita.

"Ako pa rin ata ang magpapasimuno ng gulo," she smiled sweetly, "At kagaya ng trojan war, golden apple parin ang pinagsimulan."

"But this time, ikaw na Melizabeth ang pag-aagawan," sabi niya bago siya kumindat, at nagbalik sa'king kamay ang banga. Nawala na rin siya pero ramdam ko parin ang pagbabago sa'king katawan.

It was as if nothing happened, but Eris' words still lingered on my mind.

Napailing ako. Mukhang nagkakamali si Eris. Hindi ako ang pag-aagawan, ako ang manggugulo at mandidigma sa mga diyos, at ngayon ay tinulungan niya pa akong mas matalo sila. Napangisi ako, maghintay-hintay ka lang.

I will rule over the Gods with this invisibility, power and immortality.

I'll be the thief of the harmony of Olympus.

Thieves of Harmony

By lostmortals

Plagiarism is a crime.

Please do comment if I have any typographical or grammatical errors.

Thank you for reading!