Chereads / Thieves of Harmony / Chapter 23 - The Forgotten Goddess

Chapter 23 - The Forgotten Goddess

Bumalik ako sa kanila na parang walang nangyari sa'kin. Nakangiti kong ibinigay kay Asclepius ang banga at nagpasalamat naman siya kaagad, "Salamat, kumain ka na muna. Sabayan mo na si Lycus, at kayo nalang dalawa ang hindi pa nakakakain sa'ting anim."

Tumango ako, at nilapitan si Lycus. Ningitian ko siya ngunit umirap lang siya sa'kin. Napakataray, hmp! Akala mo naman kung sino, e soon mas malakas na ako sa kaniya- oops. Napahagikhik ako kaya't mas lalong sumama ang tingin niya sa'kin.

Binigyan niya ako ng stick ng roasted chicken na mayroong honey. Binasa ko ang labi ko at napangiti nang malawak, favorite!

Nagsimula nang kumain si Lycus kaya't nagsimula na rin ako. Napapikit ako sa sarap.

"Sarap na sarap ka, ah," wika ni Lycus sa isang malalim na boses. He chuckled a bit kaya't namula ako. Teka lang sis, iba na atang sarap ang naiimagine ko! kidding asides.

Ako naman ngayon ang napairap, pero pinagpatuloy ko pa rin ang pagkain ko sa chicken. Nito kasing nakaraan, ang laging pagkain ay baboy. It's nakakasawa naman. Ang arte ko 'no.

"Melizabeth!" Napalingon naman ako sa kambal na tumawag sa'kin. Mabilis kong inubos ang pagkain ko, at sinalubong si Castor at Pollux. This week, I also got closer to them. Madali kasi silang utuin, at alam nila ang sikreto ng girdle ko. Kaya't ramdam ko safe ako sa kanila.

Ngumiti ako at kinawayan sila. Binigyan ako ni Pollux ng dalawang stick ng mga marshmallow. Mas lalong lumapad ang ngiti ko nang tanggapin ko iyon.

Akmang kakagatin ko na ang marshmallow nang punasan ni Castor ang labi ko. Naramdaman ko ang soft brush ng kaniyang thumb sa akin ibabang labi. Talandi! Napanganga naman ako nang supsupin ni Castor ang thumb na pinangpunas niya sa bibig ko...

Yuck! May laway ko na 'yon tapos tapos... "Melizabeth! Ayusin mo nga 'to," kaagad kong nasara ang bibig ko nang sigawan ako ni Autolycus. Sabay namang tumawa si Castor at Pollux, at tinapunan sila ng masamang tingin ni Lycus.

Mas lalo namang napatawa ang kambal, at natatawa akong sinabihan ni Castor, "Alukin mo nga n'yang marshmallow."

Tumango ako at pumunta sa tabi ni Lycus. Itinapat ko ang marshmallow sa kaniyang bibig at ninganga ko ang bibig ko.

Nainis naman ako nang muli na namang paluin ni Lycus ang bibig ko. Aba! Napakahilig mamalo ng bibig, "Ayaw mo, edi wag ka!"

Mabilis kong kinain ang marshamallow na halos napuno na ito sa aking bibig. Nag-ayos na ako ng table namin, at niligpit ang mga kalat.

Narinig kong nag-uusap ang mga demigods sa isang tabi, at si Cassandra naman ay nagpapahinga pa rin ata sa loob ng tent.

Napatingin ako kina Lycus. Lima silang demigods: Lycus, Lea, Harmonia, Pollux, and Asclepius. Kami lang ni Castor and Cassandra ang mortal sa grupong ito ngayon. Nagtatawanan sila na tila matagal nang magkakakilala. Well, baka nga. Si Lea lamang ang tanging sobrang tahimik. Nakikisama minsan si Lycus, kapag siya na ang inaasar.

Pero okay na rin yon, at least I will learn from them. At maaaral ko rin ang mga galaw nila. Kapag nakuha ko ang loob nila, mas lalakas na ang kapangyarihan ko. I smirked devilishly, onti pang lambing, Melizabeth, they would eventually fall for my charms.

Isang malakas na tawag naman ang nakapagpatigil sa'min, "Narito na ang mga dolphin ni Aphrodite. Magtungo na lahat sa seaside!"

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang sigaw pero sabagay nga, isa itong mahikal na mundo.

Kinaon ko si Cassandra mula sa loob ng tent. Sa loob ng isang linggo, I have been distant to her. Gusto ko siyang tulungan, pero hindi ko alam kung paano. I'm afraid that I will bring her danger again.

Inalalayan ni Asclepius si Cassandra sa paglalakad. Okay na naman siya pero nandoon lang si Asclepius sa likod niya, nakaantabay kung sakaling ano man ang mangyari.

"Aphrodite's apperance changes," sabi ni Lycus sa tabi ko habang naglalakad. Napalingon ako sa kaniya nang saglit bago niya pa maituloy ulit ang sasabihin, "She appears as the most beautiful we have ever seen. Kaya huwag ka malilinlang. Baka nga makita mo sarili mo don 'e."

Napatango ako, well sino nga kaya ang pinakamaganda sa paningin ko. But I was sure, hindi sarili ko ang nakita ko kay Aphrodite noong nagtipon sila last week para sa parusa ni Cassandra na hindi natuloy.

I thought it was her true form.

"But some are blessed to see Aphrodite's true form. Hindi ba't may third eye ka? Baka makita mo ang totoong kaanyuan niya," sabi sa'kin ni Lycus.

Napatanong naman ako, "How about you? Sino ang nakikita mo kay Aphrodite?"

He sighed sadly, "Someone I loved." Napatingin siya sa'kin at naramdaman ko ang lungkot sa kaniyang mga mata, "Minsan natutuwa akong tingnan si Aphrodite. She really shows her na para bang nandito pa siya sa'kin. Nakakadala, nakakapanlinlang."

Hiniwalay naman niya ang tingin niya sa'kin, "But of course, no one can replace her."

"Nasaan na siya ngayon?" Tanong kong muli.

Napatigil naman siya sa paglalakad, pero mabilis ding nagresume, "Hindi niya kagustuhan na mawala. But then, she was forgotten. The Gods cease when the mortals forget them. It kills them to be forgotten."

"So what you are implying is... she is a forgotten Goddess?"

Tumang siya at ngumiti nang malungkot, "Melinoe. The Goddess of Ghosts and Illusions. The forgotten Goddess."

Thieves of Harmony

By lostmortals

Plagiarism is a crime.

Thank you for reading!