Chereads / Thieves of Harmony / Chapter 12 - Villain

Chapter 12 - Villain

Muli na naman akong napatingin sa bahay namin. Marami na namang tao ang nagkumpol ang nagtsismisan.

Ngumisi ako, mukhang nabalitaan na nila ang nangyari kagabi. Lumapit ako rito, at nakisiksik sa dami ng tao. I head their gasps, and prayers to their Gods.

Finally, nakakuha ako ng spot sa unahan. Nagulat ako nang takpan ng isang matanda ang aking mga mata, "You should not see this, Kid! Umuwi ka na sa inyo."

Dinala niya rin ako sa pinakalikod at iniwanan ako roon. Aish! Ang hirap makapunta sa unahan, tapos dadalhin lang nila ako rito sa likod? I have to see my own work!

I pouted and thought of what I did. Gamit ang dugo ng lalaki, nagsulat ako sa espasyo sa harap ng bahay namin.

Do not enter, or you'll anger the demon.

Sana ay hindi iyon nabura ng ulan!

"Grabe naman pala ang demonyo, something is really strange sa bahay na iyan," rinig kong sabi ng isang tindera. The other answered, "Nakakatakot naman diyan, tara na! Baka kung ano pang mangyari sa'tin. Sasabihan ko ang anak ko na huwag lalapit d'yan!"

I smiled. My plan is successful. Finally ay lalayuan nila ang bahay, at hindi na rin nila ito ibebenta. For sure, walang bibili riyan! I giggled ngunit kinurot ako ng malamig na kamay.

Multo na naman! Sinamaan ko iyon ng tingin. Ano naman kayang kailangan nito?

"You are smiling like an idiot and crazy girl. People will think ill of you," sabi sa'kin ng multo at umalis na.

I pouted and left the crowd. I tried looking around, tried appreciating the beauty of the Earth.

But then wala akong maramdaman. I could not feel any deep emotions but darkness.

Tumingin ako sa aking mga kamay.

Main characters are always brave, fearless, helpful, thoughtful, selfless, and they held light within their hearts. Kahit ilang beses silang dumaan sa mahihirap na mga pagsubok, they still had the light.

I clenched my fists.

I have turned into a main character, but I was far from the typical one.

I may be brave, fearless but I was selfish, malevolent, ruthless, and evil. At mas lalo lang akong nagiging madilim dahil sa mga pagsubok. Why is that? Why can't I seem to hold on to light?

"You are a heroine, Melizabeth," my mother once told me.

Umiling ako. I'm sure I am no heroine.

I am Melizabeth de Vera, and I am a villain of my own story.

Thieves of Harmony

By lostmortals

Plagiarism is a crime.

Thank you for reading!