Chereads / Thieves of Harmony / Chapter 14 - Castor and Pollux

Chapter 14 - Castor and Pollux

Third person's point of view

Autolycus, son of Hermes, dragged Melizabeth and pinned her to a tree. "Aray! Ano ba? Basta ka nalang makahila," sabi ni Melizabeth at minura pa si Lycus. Ano bang problema nito? Isip isip niya.

"What are you?" Tanong sa kaniya ni Lycus. Napataas naman ng kilay si Melizabeth. Nagpatuloy naman si Lycus sa pagsasalita, "Narinig kong humingi ka ng tulong from someone or something to help Cassandra. At biglang dumating ang demonyo. Narinig ko namang inutusan mo ang demonyo to stop protecting you, and he did stop."

Ninakaw naman ni Lycus ang lighter sa bulsa ni Melizabeth, "At ano ito? A hypnotizing fire? Paano ka nakakuha ng ganito?"

Galit namang inagaw ni Melizabeth ang kaniyang lighter. Bahagya niyang nakalmot si Lycus kaya't dumugo ang kaniyang daliri, but Melizabeth did not feel sorry, "Wag kang mangialam." Paano niya narinig ang mga pakiusap ko sa mga multo? Is it because anak siya ni Hermes?

Lycus scoffed at her answer, "You are suspicious. I can see you have a very strong and dark energy, pero kung titingnan ka, mukha kang inosente at mahina."

Napairap naman si Melizabeth, "You are the one suspicious here! You knew my name at dinaplisan mo pa ako noon."

Lycus was taken aback, binitawan niya ang kamay ni Melizabeth at pumikit nang mariin, "Don't tell me and I won't tell you then. Malalaman ko rin naman ang tinatago mo, Melizabeth."

Iniwan ni Lycus ang babae at hindi niya alam na may nagmamasid sa kanila kanina pa. Samantalang napansin ito ni Melizabeth. Sinabihan din siya ng multo na may nagmamasid sa kanila kaya't hinawakan niya ang kaniyang dagger.

Namangha ang dalawang nagmamasid kay Melizabeth, "Wah, kuya, tingnan mo! Ang ganda ng mata niya! Tapos ka-match pa ito ng buhok niya. Woah, mukha siyang diyosa!"

Binatukan naman siya ng isa pang nagmamasid, "Pollux, tumahimik ka. Baka marinig niya tayo." Hindi siya normal. I'm sure she has something else within her, kahit hindi iyon halata.

"Castor. Ang layo layo natin, paano niya naman tayo makikita? It's just for my blessed eyes kaya ko siya nakikita kagaad. Inggit ka lang kasi hindi mo ganoong nakikita ang mukha niya. I'm sure you'll swoon over her when you see her face-," napatigil naman si Pollux sa pagsasalita nang takpan ni Castor ang kaniyang bibig.

Castor is a mortal, while Pollux is a demigod, son of Zeus. Kambal sila ngunit magkaiba sila ng ama. Iyon ay dahil nagpanggap si Zeus na si Tyndareus, asawa ng kanilang ina na si Leda, kaya nagbunga ito ng kambal na magkaiba ang ama. It happens sometimes.

Nakita nilang papalapit si Melizabeth sa kanila, kaya't tumakbo sila palayo. They kept their pace slow para hindi makagaw ng ganoong ingay.

Nadapa naman silang pareho nang bigla nilang makita si Melizabeth na may hawak hawak na lighter, "Sino kayo? At bakit niyo ako pinagmamasdan?"

Pollux started to run away pero napatigil siya nang biglang sumagot si Castor. Ha? Castor would never do this unless...

Napatingin siya sa apoy ng lighter ni Melizabeth, then back to Castor that seems to be drawn by the fire, hypnotized.

Napasapo naman sa noo si Pollux nang sumagot ni Castor, "I am Castor, a mortal, and he is Pollux, demigod, son of Zeus."

"Nagmasid kami dahil nagandahan po sa'yo ang kambal ko."

Ngayon nama'y si Pollux ang bumatok kay Castor, "Bakit mo sinabi 'yon?"

Pinatay naman ni Melizabeth ang lighter at binuhay ang kaniyang flashlight, tinapat niya ito sa dalawa at nakitang kambal nga sila ngunit magkaiba lang ang kulay ng mga buhok.

Castor had brunette hair, while Pollux had a silverish one.

"I'm not gonna fight with you since you are a demigod. Pero kapag nahuli ko pa kayong nagmamasid sa'kin, hindi na ako magdadalawang isip," seryosong sabi ni Melizabeth at bumalik kung nasaan sina Asclepius.

Sinuntok suntok naman ni Pollux si Castor, "Bakit mo sinabi 'yon?!"

Siniko naman ni Castor ang kambal, "Tama ka. Ang ganda nga ni Melizabeth," sabi niya habang nakasunod ang tingin sa anghel na kakaalis lamang.

Thieves of Harmony

By lostmortals

Plagiarism is a crime.

Thank you for reading!