Chereads / Thieves of Harmony / Chapter 6 - Atlanta's Request

Chapter 6 - Atlanta's Request

Napabalikwas ako sa'king paggising.

"Ayan, gising na siya," sino iyong nagsalita? It was a voice of a man. Teka, ano bang nangyayari?

Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko, my vision's still blurry. At ang nakikita ko lang ay ang gintong buhok ni... ah, si Asclepius. He helped me to get up, at pumikit pikit ako para luminaw na ang paningin ko.

"Melizabeth, uminom ka muna," this time it was Lea who talked. She gave me a wooden cup of water at kaagad ko namang ininom ito.

I looked around, at napagtantong nasa gubat parin naman kami. Though, mukhang nateleport nga kami sa ibang lugar. "Anong nangyari? Bukod sa nateleport tayo?"

Diane answered, without even looking at me, "Nahimatay ka. Your pulse went out for a while, but Asclepius saved you. Mga dalawang oras kang hindi nagigising."

Napatango naman ako, I had a nightmare. Pero... bakit bigla akong nawalan ng pulso? Strange.

Napatingin ako kay Cassandra. She was looking intently at me, as if she sees the things that I see. Iyong nightmare ko, mga iniisip ko, para bang alam niya. Kumunot bigla ang noo niya sa'kin, and she murmured things na hindi ko naman naintindihan. Perhaps, it was a different language.

Lumapit ako sa kaniya, "Cassandra?"

She didn't say anything pero umiling siya, and mouthed don't ask.

Wala akong nagawa kundi tumango. Maybe she had personal reasons, or something na hindi talaga puwedeng ipagkalat. After all, we have our own secrets to keep.

Melizabeth.. bulong ng isang multo sa'kin.

"Uh... kailangan ko munang umalis. Kakausapin ko lang ang mga kaluluwa rito," pagpapaalam ko sa kanila.

Ascelpius disagreed, "Pero kakagising mo lang, you need to regain energy."

I smiled at him, "Somehow, nareregain ang enerhiya ko by talking to them."

Hindi ko na inintay ang sagot nila, at kaagad na umalis. Nilapitan ko ang isang multo, she was about my age at napakafearless ng aura niya.

Nginitian ko siya nang bigla siyang tumingin sa'kin,"Hi."

She sadly smiled at me, "Melizabeth? Sa wakas nakilala rin kita."

Nagtaka naman ako, bakit may kailangan ba siya sa'kin?

"Totoo pala ang mga kasabihan, na ikaw ay mayroong kakaibang koneksyon sa'ming mga patay na kaluluwa. Nakakatuwang makita ka," pagpapatuloy niya at hinawakan ang aking kamay.

"Ako si Atlanta, tutulungan ko kayong apat na manalo rito at ako na ang bahala sa iba pang mga kaluluwa upang proteksyonan kayo. Ngunit may isa lang akong pabor na hihingiin at kailangan mong gawin ito," wika ni Atlanta sa'kin.

Tinanong ko naman siya, "Anong kailangan kong gawin, Atlanta?"

"Pagsapit ng gabi, mayroong mapang nakatago sa lupang aking tinatapakan ngayon. Hukayin mo ito mamaya at kunin ang mapa. Matapos ay bumulong ka sa hangin, hesperides. At dadalhin ka ng mapa sa iyong pupuntahan. Kapag nakarating ka na, hanapin mo ang grove na nagbubunga ng golden apples. Matapos ay pumitas ka, at dalhin mo iyon sa'kin," sagot niya.

Nagkunot noo naman ako, "Iyon lang ba?"

Tumango naman siya, "Huwag mong sasabihin sa iyong mga kasamahan ang iniutos ko sa'yo. Ako na ang bahala sa inyo, at sa pagkapanalo ninyo."

"Melizabeth!" nagulat naman ako nang biglang sumigaw si Cassandra. Nilingon ko siya, at hingal na hingal siya.

"Atlanta, mamaya—" ngunit napatigil ako nang hindi ko na nakita pa si Atlanta. Kaya't ko dinalo ko si Cassandra, ngunit bigla nalang niya akong niyakap. Lubha akong nagulat.

"B-bakit, Cassandra?" naipit ang boses ko dahil sa higpit ng yakap niya, at ayaw niya akong pakawalan.

"Huwag..."

Inintay ko ang sagot niya ngunit bigla nalang lumuwag ang yakap niya, "Cassandra?"

Tiningnan ko si Cassandra, at nakapikit na pala siya. Nahimatay siya. Bigla akong nataranta kaya't tinawag ko sina Lea at Asclepius. Bahala na kung marinig ng iba, I just don't know what to do.

Tumakbo papunta sa'min si Asclepius, at sumunod din naman si Lea. "She passed out, pero hindi ko alam kung bakit. Heal her, Asclepius."

Tumango si Asclepius at tinapat ang kaniyang kamay sa noo ni Cassandra. Namangha naman ako sa liwanag na nagmula sa kaniyang kamay, kasabay noon ay ang pagkinang ng kaniyang mga asul na mata.

"Melizabeth, may kalaban," napalingon naman ako kay Atlanta. Narito parin pala siya.

Thieves of Harmony

By lostmortals

Plagiarism is a crime.

Thank you for reading!