Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Destiny's Will ( A Compilation of OneShot Stories)

🇵🇭Fern_Cano
--
chs / week
--
NOT RATINGS
25.3k
Views
Synopsis
Love. Sobrang daming ibig sabihin ng salitang 'yan. Nakadepende 'yon sa tao. Iba-iba tayo nang pagtingin pagdating sa pag-ibig kaya nga nandiyan ang mga kasabihang, "Love is blind," para sa mga taong walang pakialam sa panlabas na kaanyuan. "Love knows no gender," para sa mga miyembro ng LGBT+ at sa mga taong walang pakialam kung kanino mahuhulog, basta kung sino ang tinitibok ng puso niya, go, wala nang atrasan. "Love knows no age," para sa mga taong bet ang mas matanda o kaya'y mas bata sa kanila. Love really moves in mysterious ways. Kung kailan tayo hindi handa tsaka pa lang darating ang itinadhana sa atin. Kung kailan naman handang-handa na tayo tsaka pa natraffic, 'cause it is destiny's will.
VIEW MORE

Chapter 1 - When We Were Strangers

Sayren's P.O.V

Nakatayo ako sa terrace ng kwarto ko, naka-tingala sa madilim na kalangitan na binibigyang liwanag ng buwan at ng mga bituin. Dinukot ko mula sa jacket na aking suot ang headphone ko at isinaksak ito sa aking cellphone. Ipinasak ko ito sa aking mga tainga at plinay ang kantang bagay na bagay sa sitwasyon ko ngayon, someday ni Nina.

Huminga ako ng malalim at ipinikit ang aking mga mata. Naramdaman ko ang mabining hampas ng malamig na hangin sa aking mukha, dinama ko ito kasabay ng tuluyan kong pagkalunod sa kanta, na hindi ko na namalayang tumulo na pala ang mga luha ko.

"Siya na naman ang nasa isip mo 'no?" Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at dali-daling pinunasan ang aking mga luha. Huminga ako ng malalim at humarap sa aking kapatid na matalik ko ding kaibigan. Ngumiti ako ng peke.

"Tigil-tigilan mo ako sa pangiti-ngiti mong 'yan," sabi niya at naglakad palapit sa akin saka pinitik ang noo ko.

"Aray naman," reklamo ko. Ngumisi siya at sumandal sa bakal.

"Baka magising ka at marealized mong wala talaga siyang kwenta, na hindi dapat pinag-aaksayahan ng oras at luha ang tulad niya."

Malungkot akong ngumiti.

"Magbakasyon tayo," seryoso niyang sabi.

"Ate, anong pinagsasasabi mo?" medyo natatawa kong tanong. "Matagal-tagal pa ang summer break, ilang months pa. Excited ka masyado."

"Pwede naman tayong umabsent eh, tayo kaya ang may-ari ng school, isang linggo lang naman. Sige na. Please?" Nawala ang pagka-seryoso niya at napalitan ng pagka-isip bata.

"Ate naman, hindi porke't tayo ang may-ari ng school basta-basta na lang tayong aabsent, isa pa, hindi tayo papayagan nina Mama."

"Ako nang bahala do'n kaya sige na. Hmm?"

"Hindi ko talaga alam kung sinong matanda sa atin," sabi ko at napa-iling.

"Eh. Hindi mo naman sinagot ang tanong ko. Ano na?"

"Sige na nga. Baka maglupasay ka pa diyan eh." Tumawa ako at kinurot ang matambok niyang pisngi. Tinanggal niya ito.

"Bukas ha, wala nang atrasan. Gumising ka nang maaga, kailangan nakaalis na tayo before six."

"Bakit saan ba tayo pupunta?"

"Secret."

"Ate!"

Tumawa lang siya at mabilis na tumakbo palayo sa akin. Napa-iling na lang ako sa pagka-isip bata niya.

Muli akong bumaling sa magandang kalangitan at pinagmasdan ang pinaka-maliwanag na bituin.

Tama lang siguro na mag-bakasyon ako sa loob ng isang linggo. Sapat na siguro 'yun para makapag-move on ako at makalimutan ang damuhong Alfred na 'yun.

Napabuntong-hininga ako at nagpasyang pumasok na sa loob upang matulog.

...

"Ren! Ano ba? Babangon ka ba o hindi? Isa!"

Haist! Nakakainis talaga si Ate, napakalakas ng boses, animo'y naka-lunok siya ng sampung mikropono. Dinaig niya pa ang alarm clock ko sa lakas ng bulahaw niya.

Mangangalahating oras na siyang nasa labas ng kwarto ko. At hindi ko na kayang tagalan pa ang ka-ingayan niya. Marahas kong iwinaklit ang unan na itinakip ko sa dalawa kong tenga at huminga ng malalim.

Bumangon ako at umupo saka tiningnan ang oras sa alarm clock ko.

4:50 A.M. Seryoso? Inis kong ginulo ang magulo ko nang buhok. Matalim kong tinitigan ang pinto at mabilis na naglakad palapit dito. Agad ko itong binuksan at tinitigan ng masama ang babaeng sumira ng tulog ko.

"Ikaw!" nag-ngingitngit kong sabi. Nakita kong napa-lunok siya at napaatras. Napa-ngisi ako dahil do'n.

Kilalang-kilala talaga ako ni Ate kaya alam niyang ako 'yong tipo ng taong hindi dapat ginigising ng mga ganitong oras dahil siguradong magiging dragona ako o mas higit pa do'n.

Alanganin siyang napatawa at panay ang iwas ng tingin sa nagbabaga kong mga mata.

"Explain."

Pinag-cross ko ang aking mga kamay sa aking dibdib at tinitigan si Ate, hinihintay ang paliwanag niya.

"Kasi naman po 'di ba? Magbabakasyon tayo? Tapos sabi ko dapat makaalis tayo before six 'di ba?"

"Oh, tapos? Ate 4:50 A.M pa lang! Bakit mo ako ginigising ng ganito kaaga?"

"Kasi, ano, kailangan mong mag-empake. Sigurado akong hindi ka na nakapag-empake kagabi 'di ba?"

"Oo."

"Sabi na eh!" masaya niyang sabi.

"Pero, hindi mo ba naisip na pwede naman akong mag-shopping do'n sa lugar na pupuntahan natin? Maliban na lang kung sa bundok tayo pupunta tapos 'yong bundok na 'yon ay matatagpuan pa sa kasuluklukang bahagi ng Pilipinas. Aba'y kailangan ko nga talagang mag-empake."

Muli itong napatawa ng alanganin. Dahan-dahan niyang ini-angat ang phone niya at tinapat sa mukha ko. Bigla itong nag-flash kaya nagulat ako. Pinicturan niya ako!

"Sorry hindi ko naisip 'yon at isa pang sorry kasi hindi ko mapigilan ang sarili kong kunan ko. Pang-blackmail na din." Tumawa ito ng malakas at mabilis na tumakbo bago pa man ako makabawi.

"Ate!" buong lakas kong sigaw. "Humanda ka sa akin."

...

"Ready ka na ba sa bakasyong 'to?" tanong sa akin ni bruha. Nakatayo kami sa may gate ng bahay habang pinagmamasdan namin na ipasok ng mga kasambahay ang mga gamit namin sa van.

"Tumahimik ka Ate, hindi ko pa nakakalimutan 'yong ginawa mo sa akin kanina."

"Eto naman. Sorry na baby girl." Ikinawit niya ang isa niyang kamay sa aking braso at idinikit ang kanyang ulo dito. "Hmm. Patawarin mo na si Ate, ang cute mo kaya kanina. Gusto mong makita?" Tinitigan ko siya ng masama.

"Ate, nang-iinis ka ba?"

"Medyo." Tumawa siya. "Naiinis ka ba?"

Inambahan ko siya ng hampas ngunit mabilis na kumalas ang bruha sa akin at tumakbo. Hinabol ko siya pero hindi ko siya mahuli-huli dahil ang bilis niyang tumakbo.

"Tama na yan, girls. Pumasok na kayo sa van ng makaalis na kayo," saway ni Papa sa amin.

Lumapit kami sa kanya at sabay siyang yinakap ng mahigpit at sabay ding hinalikan sa pisngi.

"Paano naman ako?" tila nagtatampong tanong ni Mama habang naglalakad palapit sa amin.

"Syempre meron din po kayo," sabay naming sabi ni Ate at sabay din kaming tumakbo payakap sa kanya.

"Sige na. Sige na. Umalis na kayo. Mag-iingat kayo do'n. At Rachelle, alagaan mo ang kapatid mo ha, huwag mo siyang pabaayaan at 'yong pangako mo, huwag na huwag mong kalilimutan."

"Opo naman Ma," kumindat si Ate kay Mama at ngumiti sabay thumbs-up.

Kumunot ang aking noo.

Ano 'yong promise na 'yun?

Tumingin sa akin si Ate at mas lalong ngumiti ng nakaloloko.

Hindi maganda ang pakiramdam ko dito ah.

Lumapit sa akin si Ate at ikinawit ang  braso sa akin.

"Tara na baby girl. Let's enjoy this one week vacation! Tawagin natin itong vacation to totally forget your ex!" sigaw niya sabay taas ng kamay na parang si darna.

Sabi na eh.

Hinila niya ako at pinapasok ng sasakyan.

"Manong, tara na po!" masiglang sigaw niya. "Bye Mom, Dad!" pahabol niya bago tuluyang isara ang pintuan ng sasakyan.

...

Nagising ako dahil sa marahang pag-alog ng kung sino sa akin. Minulat ko ang aking mata at nabungaran ang napaka-panget na mukha ng Ate ko. Napabalikwas ako ng bangon at napalayo.

"Ate! Ano ba? Bakit ba ang lapit-lapit  mukha mo sa mukha ko?"

"Baby girl, ngayon ko lang na-realized, ang ganda mo pala. Bakit ka kaya hiniwalayan ng boyfriend mo?"

"Tsk. Hindi daw kasi ako magaling sa kama!" sabi ko. Napasinghap siya.

"Ano? Gi-ginawa ni-niyo 'yon?" sigaw niya.

"Naniwala ka naman ate?" sabi ko at mabilis na bumaba ng sasakyan. Alam kong nakarating na kami sa destinasyon namin, tumigil na kasi ang kotse, at nakita ko rin sa may bintana ang magandang tanawin ng dagat.

Humampas sa katawan ko ang may kalakasang simoy ng hangin at amoy na amoy ko ang dagat.

"Nagustuhan mo ba?" tanong ni Ate na nakalapit na pala sa akin.

Nilibot ko ng tingin ang lugar. Nagkalat ang mga puno ng niyog, pinong-pino ang puting buhangin, malinis ang kapaligiran at asul na asul ang karagatan. Ang gaganda din ng mga disenyo ng mga cottages.

Hindi na masama.

"Well, hindi na masama para pagpalipasan ng isang linggo," ngumiti ako kay Ate.

"Tara na sa hotel. Kumain muna tayo at magpahinga saka tayo gumala."

Tumango at ako at naunang maglakad. Hinila ni Ate ang kamay ko at iginaya sa ibang direksiyon.

"Dito 'yung papunta ng hotel," sabi niya.

Sabi ko nga.

...

Matapos naming ayusin ang mga gamit namin, bumaba kami sa may lobby kung nasaan ang mga restaurants at kumain. Halos lahat ng ini-order ni Ate seafoods. Hindi halatang seafood lover siya. Tahimik kaming kumain.

Nang ako'y mabusog, nagpatunaw ako saglit at naunang lumabas. Hindi na ako nagpaalam. Susunod din naman siya. Baka matagalan nga lang, hindi ko naman siya masisisi, mahirap talagang pigilan ang sarili lalo na kung paborito mong nakahain sa harap mo.

Maglilibot-libot na muna ako.

Kanina ko pa pinagmamasdan ang dalampasigan mula sa loob ng hotel. Sobrang nakaka-engganyong maglakad-lakad. Napaka-ganda kasi ng kulay ng karagatan, nagliliwanag ito dahil sa sinag ng araw na tumama dito. Napatingin ako sa wristwatch ko at tiningnan ang oras, 3:00 PM.

Medyo hapon na.

Napagpasiyahan kong magtungo sa may tabing dagat at maglakad-lakad. Rinig na rinig sa tahimik na paligid ang napakagandang musika na nililikha ng mga alon sa tuwing hahampas sila sa dalampasigan, idagdag mo pa ang may kalakasang simoy ng hangin na inililipad ang mahaba kong buhok at ang 'di kainitang sinag ng araw na tumatama sa balat ko.

Pinagmamasdan ko ang paglubog ng mga paa ko sa puting buhangin sa tuwing ako'y tatapak at hindi ko mapigilan ang mapa-ngiti dahil sa kiliting dulot nito. Nang magsawa, nag-angat ako ng ulo at nilibot ng tingin ang buong beach.

Walang masyadong taong naglalakad at naliligo. Mabibilang lang sa daliri.

Aksidenteng nagawi ang tingin ko sa may batuhan, 'di kalayuan sa kinatatayuan ko. May lalaking naka-upo sa isang flat na bato habang yakap ang sariling mga tuhod at naka-tingin sa magandang karagatan.

Ramdam na ramdam ko ang kalungkutan niya mula sa kinatatayuan ko. Ang mga mata niyang mapupungay, kita ko ang sakit at kalungkutang nadarama niya.

"Babe, anong gusto mong gift?" Ang boses na yun, hindi ako maaring magkamali.

Tumingin ako sa aking likod at napasinghap ng makita ang taong hindi ko inaasahang makikita ko dito. Naka-akbay siya sa babaeng kasama niya, siya siguro ang ipinalit niya sa akin.

Grabe, dalawang linggo pa lang kaming hiwalay pero may iba na agad siya. Gano'n ba ako kadaling kalimutan?

Umiwas ako ng tingin at pinunasan ang mga luha kong tumulo. Nagpasya akong magpatuloy sa paglalakad, nang ako'y muling mapatigil.

"Sayren? Ikaw ba yan?" Nanigas ako sa aking kinatatayuan at hindi alam ang gagawin. Tatakbo ba ako? O, haharapin siya?

Tumayo siya sa harap ko at masayang ngumiti. Wala na akong takas.

"Ikaw nga. Huwag mong sabihing nandito ka para magmove-on?" Ang kapal din ng mukha ng mokong na 'to. Sarap niyang sipain sa ano niya.

Huminga ako ng malalim at tinitigan siya sa mata saka ngumiti.

"Hindi 'no? Hindi ka naman ganun kahirap kalimutan eh," napansin ko ang pagkunot ng kanyang noo.

"So, anong ginagawa mo dito?" Nagsimula na akong kabahan. Anong sasabihin ko. Umiwas ako ng tingin at napatingin dun sa lalaki sa may bato. Nakatingin din siya sa akin kaya nagtama ang aming mga mata.

I'm sorry Kuya. Kung sino ka man, sana mapatawad mo ako. Kasi idadamay kita sa problema ko.

Napa-ngisi si Alfred at tumawa ng malakas kaya muling natuon sa kanya ang pansin ko.

"Sabi na eh. Nandito ka talaga para magmove-on eh."

"Well, mahirap ba talagang kalimutan 'tong boyfriend ko?" tanong sa akin ng babaeng kasama niya. Napatingin ako sa kanya at napataas ang aking mga kilay. Grabe naman kung makalingkis , ahas siguro 'tong babaeng 'to sa past life niya.

Ito ba ang pinalit niya sa akin? Wala pa nga 'to sa kalingkingan ko eh.

"FYI? Alfred Serezo! Hindi ako nandito para magmove-on. At ikaw naman babaeng dinaig pa ang ahas kung maka-lingkis, hindi ganun kahirap na kalimutan ang boyfriend mo. Maiintindihan mo rin ako kapag nag-break kayo."

"Bakit ka nagagalit? Tinatanong lang naman ng boyfriend ko kung bakit ka nandito?"

Patawarin mo talaga ako Kuya, no choice na kasi ako.

"Nandito ako kasi...Ime-meet ko ang fiancee ko!" sabi ko at ngumiti ng pilit.

Sabay na tumawa ang demonyong mag-syota at umiling.

"Ikaw. May fiancee na? What the! Two weeks pa lang tayong hiwalay. Ang bilis naman ata. Arranged marriage ba? Hindi ako naniniwala. Kilala ko ang Dad mo."

"Tristan!" sigaw ko habang naka-tingin dun sa lalaki. Tumingin siya sa akin. Ngumiti ako at tiningnan siya na tila nagmamakaawa. Mula sa peripheral vision ko nakita kong sinundan ng dalawa ang tingin ko.

Ilang minuto kaming nagtitigan bago siya umiwas ng tingin at ibinaling ito sa mag-syota.

Please Kuyang tinawag kong Tristan, sana ma-gets mo ang sitwasyon ko. Tulungan mo ako please.

Sa bawat segundong dumadaan, mas lalong bumibigat ang paligid, mas lalong tumatahimik na halos hindi ko na marinig ang paghampas ng alon sa dalampasigan.

Dahan-dahan siyang tumayo at bumaba sa may batuhan. Tinitigan niya ako sa mata at nagsimula maglakad palapit sa akin na hindi binabali ang titigan namin.

Sa bawat hakbang niya palapit sa akin, bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko sukat akalaing ang gwapo pala niya. Napakalamig ng mga tingin niya, ang magandang hubog ng katawan niyang bumabakat sa kulay puti niyang t-shirt dahil sa pagtama ng malakas na hangin sa katawan niya, ang buhok niyang tinatangay ng hangin na mas lalong nagpapa-gwapo sa kanya at ang napaka-puti niyang kutis na tila nagliliwanag dahil sa pagtama ng sinag ng araw dito. Sa madaling salita, ubod siya ng gwapo.

Tumigil siya sa tabi ko at inakbayan ako.

"Kanina pa kita hinihintay, bakit ba ang tagal mo?" Tuluyan nang bumigay ang puso ko dahil sa boses niyang napaka-ganda. Cold at husky na malambing.

"Sino sila?" tanong niya. Tumingala ako sa kanya, ang tangkad niya pala.

"Ahm. Sila ba? Mga ka-kaibigan ko sila. Oo kaibigan ko sila."

"Ganun ba? Ako nga pala si Tristan, fiancee nitong kaibigan niyo. Nice to meet you." Kahit napaka-lamig ng pagkakasabi niya nun, parang ang bait pa din.

Pilit na napatawa si Alfred at ang babaeng higad naman ay halos tumulo na ang laway sa kakatitig sa katabi ko.

"Hi! Ako nga pala si Alfred at ito si Cassidy, girlfriend ko," pakilala nito.

"Hi! Nice to meet you," malanding sabi ni Cassidy at mabilis na inalis ang pagkaka-lingkis niya kay Alfred saka inalahad ang kamay niya.

Grabe! Ang bilis magbago ng ihip ng hangin.

Hindi inabot ni Kuya ang kamay ni Cassidy. Ngumisi siya at tumingin sa akin.

"Pasensiya ka na, sa pagkakakilala ko kasi sa fiancee ko, selosa siya at ayaw na ayaw niyang may ibang nakakahawak sa akin." Pwede bang himatayin kahit ngayon lang?

"Ganun ba?" Hiyang-hiyang binawi ni Cassidy ang kamay niya.

"Sige guys mauna na kami sa inyo," sabi ko at binalingan si Kuyang naka-akbay pa din sa akin.

"Tara na." Ngumiti siya sa akin at tumango. Sabay kaming tumalikod at naglakad palayo sa dalawa.

Nang makalayo kami, agad kong inalis ang pagkaka-akbay niya sa akin at hinarap siya. Apologetic ko siyang tiningnan at yumuko.

"I'm sorry. I'm really sorry kung dinamay kita. Sana mapatawad mo ako."

Umupo siya sa buhangin at tumingin sa papalubog ng araw.

"Wala yun. Huwag mo nang isipin."

Umupo ako sa tabi niya at tumingin din sa kalangitan.

"Thank you talaga." sabi ko. "Kung hindi dahil sa iyo, malamang napahiya ako ng sobra dun kanina."

Napansin kong tumingin siya sa akin kaya tumingin din ako sa kanya.

"Bakit hindi mo na lang sinabi ang totoo?" bigla niyang tanong. Confirm. Narinig niya lahat ng pinag-usapan namin ng ex ko.

Huminga ako ng malalim.

"Dahil kapag ginawa ko yun, mas lalong lalaki ang ulo ng lalaking yun. Alam mo bang, pang-limang break-up na namin?"

"Woah! Hindi nga?" malungkot akong ngumiti at umiwas ng tingin.

"Sa tuwing magkakamali siya palagi 'yung nauuwi sa mainit naming pagtatalo na palagi 'ding humahantong sa hiwalayan. Ilang araw lang, susuyuin niya ako at mangangakong hindi na siya uulit pa. Kaya, ang tanga namang si ako, papatawarin si loko. Kaya siguro, hindi na siya natatakot magloko nung kami pa, kasi alam niyang kahit gaano pa kalaki ang magawa niyang kasalanan. Papatawarin at papatawarin ko pa rin siya."

"So, you mean kapag sinuyo ka niya ulit ngayon? Makikipag-balikan ka sa kanya?"

"Hindi na 'no! Believe it or not, natuto na ako sa paulit-ulit kong pagkakamali. Sapat na siguro 'yung pagpapaka-tanga ko ng limang beses."

"Hindi ka ba natatakot sa akin? We're totally strangers tapos kinu-kwento mo yan sa akin?" Muli akong tumingin sa kanya at ngumiti.

"Ikaw na mismo ang nagsabi, we're totally strangers, hindi mo ako kilala at hindi din kita kilala. Isa pa, ano bang mapapala mo kapag pinagkalat mo ang mga sinabi ko sa'yo?"

Kumunot ang kanyang noo. "Wala."

Ngumiti ako.

"Sa oras na ipagkalat mo, sa tingin mo, sino 'yung mukhang agrabyado?"

"Ikaw?"

"Oo. Kaya sino 'yung mapapasama?"

Napatawa siya ng ma-realized niya ang ibig kong sabihin. Ako naman ang mag-uusisa.

"Ikaw? Bakit ang drama mo kanina dun sa may batuhan, dinaig mo pa yung artistang nagsho-shooting."

Malungkot siyang napa-ngiti. Umiwas siya ng tingin at bumuntong-hininga.

"Guess what? Pareho tayong durog ang mga puso. 'Yung girlfriend ko, pinagpalit ako sa pangarap niya."

"Ganun ba? Nakakalungkot naman. Siguro 'yung babaeng yun, hindi niya alam na ang makasama ka habang buhay ay pangarap ng ibang babae, pangarap na hawak na niya binitawan niya pa, maabot lang ang ibang pangarap."

Tumawa siya.

"Ganun nga siguro. I'm Tristan."

"Hay! Ikaw naman. Hindi mo na kailangang gamitin 'yung pangalang inimbento ko."

"Anong pinagsasabi mo? Tristan talaga ang pangalan ko."

Napasinghap ako.

"Weh? Hindi nga? Seryoso?" Tumango siya.

"Talaga ba? Grabe. Hindi ako makapaniwala, manghuhula pala ako! Ma-business nga. Ako nga pala si Sayren."

"Siren?"

"Sayren?"

"Siren?"

"Sayren nga sabi. Sayren!" Napatawa siya ng malakas. Kaya napatawa din ako. Ewan ko ba, ang gaan ng loob ko sa lalaking 'to.

Napaka-tanga ng babaeng yun para iwan ang lalaking 'to. Hindi niya alam kung gaano siya ka-swerte.

Naginat-inat siya at tumayo. Inilahad niya ang kamay niya sa akin.

"Tara, maglibot-libot tayo. Mas maganda ang beach na 'to kapag gabi." Napatingin ako sa paligid at dun ko lang napansin na tuluyan na palang nilamon ng dilim ang paligid. Sa kabila nun, buhay na buhay pa din ang dalamsigan. Ang mga tindahan sa paligid ay bukas na ang mga ilaw. Kalat din ang mga bonfire sa paligid at ang kaninang bilang ng mga tao ay mas trumiple.

Muli kong binalingan si Tristan at ngumiti. Inabot ko ang kamay niya at hinila niya ako patayo.

"Tara!" sigaw ko. Hawak kamay kaming tumakbo at naglibot sa paligid.

...

"Woah!" puno ng pagkamangha naming sabing dalawa ng bumuga ng apoy ang firedancer na pinapanood namin.

"Grabe! Ang galing niya 'no?" tanong ko.

"Tama ka," masaya niyang sagot. "Dun tayo." itinuro niya ang isang barbecue stand 'di kalayuan. Natakam ako sa niluluto nila kaya mabilis ko siyang hinila dun.

"Dahan-dahan lang. Hindi aalis 'yang barbecue stand na yan."

"Sorry," sabi ko.

Naka-ngiti kong binalingan ang nagtitinda at itinuro ang mga pagkaing gusto ko.

"Isa pa nun, tapos yun, tapos yun, tapos dalawa nun, tapos yun, tapos ayon pa po, tapos yun pa. Tapos, iyun pa po."

"Ka-kaya mo bang ubusin ang lahat ng yun?" gulat niyang sabi.

"Uhm! Kayang-kaya! Kulang pa nga yon eh."

"Se-seryoso?"

"Oo, don't worry. Ako naman ang magbabayad no'n. KKB tayo."

...

"Grabe! Nabusog ako dun!"

"Wow! Naubos mo talaga ang lahat ng yun. Bilib na ako sayo."

Ngumiti ako at huminga ng malalim.

"Medyo matagal na panahon na din ng huli akong kumain ng ganito kadami sa isang public place at barbecue pa."

"Bakit naman?"

"Nang kami pa ni Alfred, palagi kong iniingatan ang mga kilos ko. Palaging kalkulado. Ayaw ko kasing ma-turn off siya. May mga point nga na halos isang kutsara na lang ang kinakain ko kapag may date kami."

Napa-iling siya. "Grabe ka."

Napa-ngiti na lang ako.

"Kuya bayad po oh," sabi ko.

"Ako na ang magbabayad," alok niya.

"Hindi na kailangan, KKB nga 'di ba?" sabi ko. "Eto po Kuya oh, saan na tayo?" Pumihit ako paharap sa kanya. Napatalon ako sa gulat ng maramdaman ko ang isang malamig na bagay na dumampi sa pisngi ko. Sinapo ko ito at tiningnan.

"Tristan! Ang sama mo!" sigaw ko. Nilagyan lang naman niya ng ice cream ang mukha ko. Tumawa siya at tumakbo ng mabilis.

"Humanda ka sa akin." Hinabol ko siya pero hindi ko siya maabutan, ang haba kasi ng biyas eh.

Panay ang tawa namin habang naghahabulan sa buhangin. Para kaming mga bata.

Napatigil ako ng makita siyang matumba at masubsub sa buhangin. Nang mag-angat siya ng tingin, ang daming buhangin sa mukha niya kaya hindi ko napigilan ang mapatawa ng malakas.

Pati ang mga bakasyunistang nakakita sa nangyari ay napatawa din.

Nang okay na ako. Nilapitan ko siya at tinulungang makatayo. Pinagpagan niya ang sarili.

"Okay ka lang?"

"Sa tingin mo?" Napatawa ako sa sagot niya.

"Mukhang okay ka naman. Ang bilis ng karma 'no?"

"Tsk." Ngumiti siya at tumingin sa akin. Nagulat ako ng bigla niya akong sinakal gamit ang braso.

"Isa, Tristan pakawalan mo ako."

"Ayaw ko nga!"

"Tristan!"

"Ay! Be ang sweet naman nila. Ang gwapo ng jowa niya ah. Mukhang ang sarap," rinig naming sabi ng isang bakla. Napatigil kami at tumingin sa kanya ay mali sa kanila.

"Oo nga be!" sagot ng kasama niya.

"Hi Kuya!" sabay nilang bati habang kumakaway kay Tristan at sobrang lagkit ng kanilang mga tingin sa kaniya. Ang iba sa kanila ay binasa pa ang labi gamit ang kanilang dila.

"Ahm. Sa tingin ko kailangan na nating umalis," bulong ko kay Tristan.

"Tama ka. Hatid na kita sa hotel mo. Gabi na rin eh. Tara." Ramdam ko ang takot sa boses niya. Natatawa tuloy ako.

"Okay." Sabay kaming kumaripas ng takbo upang makalayo sa mga baklang may pagnanasa kay Tristan.

"Papa, wait!"

Nang tuluyan kaming makalayo, tumigil kami sa pagtakbo at tahimik kaming naglalakad pabalik sa hotel, panay ang tingin namin sa mga taong masayang nagsasayawan, nagtatawanan, nagkwe-kwentuhan at nagkakantahan. Napakasaya ng buong paligid.

"Ang saya pagmasdan ng mga tao habang naka-ngiti sila 'di ba? Para silang mga walang problema."

Hinintay kong sumagot siya ngunit wala akong narinig. Napatingin ako sa tabi ko ngunit wala na siya. Tumigil ako at tumingin sa likod. Nakita ko siyang nakatayo at seryosong nakatingin sa iisang direksiyon. Sinundan ko ang kanyang tingin at nakita ang isang babaeng masayang nakasakay sa likod ng isang lalaki.

Kilala na niya kaya ang couple na yun? Teka, don't tell me.

Mabilis siyang naglakad palapit sa pwesto nang dalawa at sinuntok ang lalaking walang kamalay-malay. Natumba ang dalawa at bumagsak sa buhangin ang babae.

"Yesha, okay ka lang?" puno ng pag-aalalang tanong ng lalaki.

"O-oo. Okay lang ako."

Mabilis na tumayo ang lalaki at kwinelyuhan si Tristan.

"Pre, ano bang problema mo?"

Ngumisi si Tristan at hinawakan ang kamay na nakahawak sa kanya.

"Problema? Ikaw ang problema ko gago!" sabi niya at muling sinuntok ang lalaki.

...

"Ah! Dahan-dahan naman," reklamo niya. Magkaharap kaming naka-upo sa kama ng kwarto niya. Buti na lang talaga at nauso first aid kit dahil kung hindi ewan ko na lang.

"Huwag kang mag-reklamo riyan, kasalanan mo kung bakit may mga sugat ka ngayon," sabi ko at marahang inilagay ang band aid sa sugat niya. Nagkatitigan kami. Hinimas ko ang ulo niya at ngumiti.

"Alam ko kung ano ang nararamdaman mong yan, pero kasi hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan mong pairalin ang galit mo. 'Yan tuloy. Napahiya ka."

"Hindi ko naman kasi alam na shooting lang pala 'yun."

"Kahit pa, hindi ba sabi mo tapos na kayo. Break na."

"Hindi naman kasi ganun kadaling kalimutan ang lahat ng sa amin."

"Alam ko, kaya naiintindihan kita."

"Thank you." Umiling ako.

"Huwag kang mag-thank you, isipin mo na lang na bayad ko 'to sa ginawa mo para sa akin kanina. Yan, tapos na magpahinga ka na. Huwag mo nang isipin ang babaeng yun mas lalo ka lang masasaktan. Ah, nga pala kailan ka aalis?"

"Bukas."

"Bukas, bago ka umalis. Hintayin mo ako sa labas ng hotel na 'to."

"Saan tayo pupunta?"

"Basta. Sige na. Una ako. Good night." Nang makalabas ng kwarto, nginitian ko muna si Tristan bago marahang sinara ang pinto.

Sinong mag-aakala na ex-girlfriend pala ni Tristan 'yung sikat na teen star ngayon na si Yesha Guzman. Well, gwapo naman siya kaya siguro hindi na kataka-taka at isa pa mukhang mayaman si Kuya.

...

"Kanina ka pa?" tanong ko at mabilis na lumakad palapit sa lalaking tila inis na inis, nakatayo sa harap ng hotel na ilang kilometro ang layo sa hotel kung saan ako naka-check in.

Humarap siya sa akin. "Oo kanina pa ako. Saan ba kasi tayo pupunta?"

"Sasamahan kitang mag-sorry kay Yesha."

"What? No need. Hindi ko kailangang mag-sorry. Hindi ko naman pinagsisihan ang ginawa ko."

Binatukan ko siya.

"Magso-sorry ka ba o hindi?"

"Haist! Oo na!"

Napa-ngiti ako ng palihim. Yes, tagumpay!

...

"Hi! Yesha!" bati ko kay Yesha. Naka-upo siya sa upuang niyang pang-artista. Naka-pwesto sila sa dalampasigan. Magsho-shooting na naman ata.

"Uhm. Yes."

"May sasabihin daw si Tristan sayo." Sinenyasan ko si Tristan na lumapit. Pilit na pilit siyang naglakad at tumingin kay Yesha.

"Sorry sa nangyari kagabi. Paki-sabi na lang din sa gunggong na yun na humihingi ako ng tawad," mabilis nitong sabi at mabilis na tumalikod. Hinabol ko siya.

"Tristan! Tristan wait!" Nang mahabol ko siya, hinuli ko ang braso niya at sapilitang pinaharap sa akin.

"Tristan! Ano ba?" Marahas niyang winaklit ang kamay ko at puno ng galit akong hinarap.

"Bakit ba napaka-pakialamera mo!" Napaatras ako ng isang hakbang dahil sa gulat.

Napansin kong napatingin sa pwesto namin ang mangilan-ngilang taong dumadaan.

Linunok ko ang sariling laway para maalis ang bara sa lalamunan ko at makakuha ng kaunting tapang bago siya tinitigan sa mata.

"Huwag ka namang ganyan Tristan! Gusto ko lang naman na mag-sorry ka sa kaniya."

"Bakit?" pasigaw niyang tanong.

"Itong tatandaan mo. Hindi porke't maganda ang pakikitungo ko sayo kahapon. Close na tayo. Estranghero pa din tayo sa isa't isa at mananatiling ganoon 'yon." Nagulat ako sa mga sinabi niya kaya hindi ako nakapag-salita. Tinalikuran niya ako at mabilis na naglakad palayo.

Naguguluhan ako. Okay naman kami kagabi ah. Anong nangyari? Bakit bigla siyang naging ganun? Ang gulo! Dahil ba sa ginawa ko? Napakababaw naman. Pinag-sorry ko lang naman siya ah, masama ba yun?

Akala ko pa naman, akala ko, pinagtagpo kami ng tadhana para paghilumin ang puso ng isa't isa.

Well, kahit pagbalik-baliktarin man natin ang sitwasyon, kahit saang anggulo tingnan, we were strangers.

Si Mr. Stranger na tinulungan ako para kalimutan ang ex ko.

Ngayon, siya naman ang kailangan kong kalimutan. Mukhang totoo nga talaga.

Na sa loob ng tatlong segundo, pwede kang ma-fall sa isang estranghero. Sa isang estranghero na hindi mo alam kung makikita mong muli.

Tinitigan ko ang likod niyang paunti-unting lumiliit. Napa-ngiti ako. Masaya ako na nagtagpo ang mga landas natin. Kahit sandaling panahon lang, nagkaroon ka na ng espasyo sa puso ko.

Hindi ko makakalimutan ang mga oras na magkasama tayo Tristan, nung mga panahong estranghero pa tayo sa isa't isa at mananatiling estranghero na lamang habambuhay.

Muntik akong matumba ng tumalon papunta sa akin ang Ate ko at yinakap ako.

"Baby girl! Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap. I mean, kahapon pa kita hinahanap."

"Aray ko naman Ate," reklamo ko.

"Tara! Nood tayo ng shooting dun. Dali na!" Hinila niya ako at sa huling pagkakataon sinulyapan ko ang likod ni Tristan.

Bye...

"Sasama na ako, sasama na ako kaya binitawan mo na ako Ate," sabi ko at hinila ang aking kamay.

Bigla kong naramdaman na nag-vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ng aking pantalon. Dinukot ko ito at binasa ang message na galing sa unregistered number.

Sorry sa nangyari. Sorry kung nagsigawan kita kanina. Maging ako hindi ko maintindihan kung bakit ko nagawa yun. Kapag nakabalik ka na ng Manila, magkita tayo. Sorry talaga. Si Tristan 'to.

Gumuhit ang ngiti sa aking labi dahil sa labis na kasiyahan na aking nadarama sa mga sandaling 'to.

Ito na ba ang simula ng bago kong pag-ibig? Sana.

"Ate, sandali!"

Hindi maalis ang ngiti sa aking labi habang tumatakbo palapit sa ate ko.

"Ang saya mo 'ata?"

"Hindi kaya."

THE END...

Hope you enjoy reading.