Chapter 5 - A Night With You

A Night With You

Halos dumagundong ang buong arena kung saan ginaganap ang concert ng pinakasikat na idol ngayon dahil sa lakas ng hiyawan ng kanyang mga tagahanga.

At isa ako do'n. Halos iluwa ko na ang vocal cords ko mas lumakas lang ang sigaw ko. Umaasang mapansin niya ako.

"Tumigil ka nga diyan Leah. Para kang kinakatay na baboy. Ang ingay mo. At patayin mo nga 'yang t.v, hindi ka naman nanonood, panay lang cellphone mo. Nagsasayang ka lang ng kuryente," sabi ni Mama habang may bitbit na bayong at dumiretso sa kusina.

"Hulaan ko. 'Yong koreano na naman na 'yon ang dahilan kung bakit nagwawala na naman 'tong si Insan," biglang sabi ng pinsan ko bago umupo sa single sofa at muling binuksan ang t.v na pinatay ko na, sabay patong ng paa sa mesa naming gawa sa glass.

At home na at home si loko. Dinaig pa ako.

"Yong koreanong dinaig pa ang babae dahil sa kaputian at kakinisan?"

Napangisi si loko.

"Opo. 'Yong koreanong mas makinis at maputi pa kay Insan."

Ewan ko ba? Hindi 'ata ako ang anak ni Mama, mas magkasundo pa sila ng pinsan ko na 'to.

Mabilis kong inabot ang tsinelas ko at binato kay Jeh. Mabilis niya itong sinangga at tumawa.

"Pikon," sabi niya sabay belat. Nakakainis.

"Ano bang ginagawa mo dito?" sabi ko at muling ni-resume ang videong pinapanood ko.

"Makikikain." Casual niyang sabi at inabot ang remote. Mas lalo niyang nilakasan ang volume ng t.v. Nang-iinis talaga siya. Muli kong pinause ang video. Padabog na tumayo at inagaw ang remote. Hininaan ko ang volume.

"Wala ba kayong pagkain sa inyo?" Binato ko pabalik ang remote, nasalo naman niya at bumalik sa sofa. Hindi pa man ako nakakahiga, muling lumakas ang tunog ng t.v.

"Meron. Madami nga eh." Kaunti na lang, mapupuno na ako.

Muli akong tumayo at hininaan ang t.v.

"Madami naman pala kayong pagkain bakit ka pa makikain sa amin?" Umupo ako sa tabi niya at hindi na binalik ang remote. Nagtagisan kami sa titigan. Pasamaan kami ng tingin sa isa't isa.

"Hindi kasi masarap luto ni Mama." Nagulat ako sa sinabi niya at tumawa ng bigla siyang sumimangot habang sinasabi niya 'yon.

"Hala ka. Isusumbong kita kay Tita. Hindi pala masarap ah."

"Sino isusumbong sa asawa ko?" Humahangos na pumasok si Tito ng bahay.

"Ito po si Jeh."

"Bakit?"

"Hindi daw po masarap ang luto ni Tita." Pilit na tumawa si Tito at napakamot sa likod ng kaniyang ulo.

"Hindi nga. Kaya makikikain ako dito. Okay lang ba ate?"

Napatawa si Mama. "Okay lang. Manood lang muna kayo ng t.v, hindi pa kasi ako tapos sa pagluluto. Kaunting hintay lang."

Napanganga na lang ako sa mag-amang 'to. Bumalik ako sa sofa at humiga. Si Tito naman naupo sa single sofa kung saan ako naka-upo kanina. Siguradong lagot ang mga 'to kay Tita.

"Edwardo! Jeh! Alam kong nandito kayo!" Malakas na sigaw ni Tita mula sa labas ng bahay namin. Nanigas sa kinauupuan niya si Tito samantalang si Jeh naman ay napakaripas ng takbo sa bintana. Sinilip niya si Tita at aligagang naghahanap ng matataguan. Nang makabawi si Tito, mabilis siyang kumaripas ng takbo papunta sa kwarto. Si Jeh naman sa kusina.

"Hi po Tita!" masayang bati ko ng pumasok siya ng bahay.

"Hello maganda kong pamangkin." Lumapit siya sa akin at yinakap ako. "Nasaan sila?" bulong ni Tita. Nginuso ko ang kusina at ang kwarto.

"Ate, papasok ako sa kwarto niyo ha. May hahanapin lang akong takas sa bahay."

"Sige lang."

Bago pa man mapihit ni Tita ang doorknob, agad na lumabas si Tito, dahil do'n hindi ko mapigilang hindi tumawa.

"Uuwi na ako. Uubusin ko lahat ng niluto mo. Promise."

Ngumiti ng malawak si Tita. "Good. Ngayon, nasaan ang maliit na demonyo." Dumiretso si Tita sa kusina, nasa likod niya si Tito.

Naglakad ng pabalik-balik si Tita, parang hinihintay na kusang lumabas si Jeh.

"Jeh, magbibilang lang ako ng tatlo kapag hindi—"

Mabilis na lumabas si Jeh sa ilalim ng lababo at tumayo ng tuwid.

"Oh my God Ma, excited na akong makakain ulit ng niluto niyong sobrang sarap."

Ako lang ba o talagang sarcastic ang pagkakasabi niya no'n?

Mabilis na piningot ni Tita ang mga tenga ng dalawa niyang lalaki at hinila palabas ng bahay.

"Pasensiya na ate sa istorbo ah. Pamangkin, una na kami."

Nginitian ko si Tita. "Sige po, ingat po kayo."

"Wait Ma, isama natin si insan, sabi niya sa akin kanina paborito niya ang mga luto niyo." Halos mawalan ng kulay ang buong mukha ko dahil sa sinabi ni Jeh. Agad akong bumaling kay Mama upang humingi ng tulong.

"Gano'n ba? Pamangkin halika na. Huwag ka ng mahiya marami akong niluto."

"Ah—Eh, ano. Mag-isa lang si Mama dito wala siyang kasabay tiyak na malulungkot siya kaya dapat dito lang ako. Oo. Tama." Alanganin akong tumawa.

"Pwede namang sa bahay na lang kayong kumain na dalawa."

Kita kong natigilan si Mama at hindi makapaniwalang napitingin kay Tita.

"Hindi na. Okay lang. Nakaluto na din kasi ako, baka masayang. Enjoy na lang kayo."

Halatang kinabahan siya.

"Okay. Kung gano'n, una na kami. Bye."

Pareho kaming nakahinga ng maluwag ni Mama ng sumara ang pinto. Napatingin kami sa isa't isa at napatawa.

Tiyak na kawawa ang dalawang 'yon. Nakikita ko na isip ko kung paano nila sapilitang isubo at nguyain ang pagkaing niluto ni Tita habang parehong may ngiti sa labi ngunit may luha sa mga mata.

Pinatay ko ang t.v at bumalik sa panonood ng concert ni Nathan Lee. Solo artist siya pero mas sikat pa sa mga kpop group. Milyon-milyon ang tagahanga niya sa buong mundo at dahil do'n sandamakmak na awards na ang naiuwi niya. And siya lang ang bukod tanging artista na walang basher. Oo, wala siyang basher. Kaya lang marami siyang obsessed fans, sobrang dami. Recently lang, may isang fan na nagpost ng picture na kuha mismo sa loob ng condo ni Nathan at may hawak siyang brief. Isa 'yon sa mga pinakanakakatakot at nakakadiring ginawa ng isang sasaeng.

Ang gwapo niya talaga kahit saan anggulo mo siya titigan. Napakaswerte ng babaeng mapapangasawa niya, na sana ako na lang. Napabuntong-hininga ako. Kahit anong hiling ko, kahit anong pagdarasal ang gawin ko, malabong mangyari ang bagay na 'yon.

...

Tahimik akong nakaupo sa upuang nasa veranda ng bahay namin. Nakatingala sa kalangitan. Birthday ko na bukas, ang tanging gusto ko lang ay sana makita si Nathan ng personal.

"Pwede ba 'yon? O kahit sa panaginip na lang, kontento na ako. Masaya na ako, birthday gift niyo na lang sa akin oh. Please?" Hiling ko sa mga bituin.

"Gano'n mo ba siya kagusto na wala ka nang ibang gustong hilingin kundi ang makita ang lalaking 'yon?"

Napalingon ako sa aking likod at nakita si Mamang naglalakad palapit sa akin. Umupo siya sa harap ko at tinitigan ako.

Napatingin ako sa cellphone ko at titinitigan ang wallpaper ko. Si Nathan. Napangiti ako at bumaling kay Mama saka tumango.

Nakita ko kung paano umiling si Mama habang natatawa.

"Nabaliw ka na nga tuluyan at hindi ko inaakalang makikisakay ako sa kabaliwan mo."

Napansin ko ang pagdukot niya sa kaniyang bulsa at inabot sa akin ang isang sobre.

"Plane ticket 'yan papuntang Korea at pera na inipon namin ng Papa para sa birthday mo. Regalo namin. Hindi mo man siya makita atleast nakatapak ka man lang sa lupa kung saan siya nagmula."

Hindi pa rin ako nakakabawi sa gulat. Nanatiling nakadikit ang tingin ko sa sobre. Nasa loob no'n ang katuparan ng pangarap ko, pangarap na binuno ng ilang taon nina Mama at Papa para lang magkatotoo. Okay lang ba talaga na tanggapin ito?

"Huwag ka nang mag-isip pa ng kung ano-ano. Makita lang namin ng Papa mo na masaya ka, sulit na lahat ng pagod namin." Niyakap niya ang sarili at ilang ulit na hinagod ang magkabilang braso. "Lumalamig na. Una ako sa loob, pumasok ka na din."

Nang mawala siya sa paningin ko, nagsimulang magsibagsakan ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Inabot ko ang sobre at yinakap ito ng mahigpit. Napatingala ako sa kalangitan at nagpasalamat.

Dalawang araw pa ang bago ang flight ko. Kaya sinugurado kong sakto ang gamit na dala ko. Isang linggo akong magbabakasyon do'n, isang linggong sisiguraduhin kong katumbas ay isang taong ligaya.

Sa dalawang araw na 'yon, palagi akong nagpapasalamat kay Mama at Papa, walang palya. Palagi kong pinapakita at pinaparamdam kung gaano kalaki ang pasasalamat ko sa kanila.

Hanggang sa dumating ang araw na pinakahihintay ko. Apat na oras akong maaga sa flight ko dahil sa sobrang excitement na nararamdaman ko. Hindi na ako hinatid nina Mama dahil ayaw kong magpahatid. Just by the thought na aalis ako at iiwan sila, bigla akong nagdadalawang-isip. Nang birthday ko, binati lang ako nina at Mama at naghanda ng spaghetti, pinagsaluhan namin ito ng puno ng saya.

Nang tawagin ang mga pasahero para sa kaparehong flight ko, agad akong tumayo at hinila ang maleta ko.

Isang huling lingon kasabay ng aking pagngiti ang aking iniwan sa Pilipinas bago nagpatuloy sa paglalakad.

...

Nang makalabas ako sa airport, ipinikit ko ang mga mata at huminga ng malalim. Kasabay ng aking pagmulat ay pagkawala ko ng hanging naipon. Napangiti ako ng malapad. Nasa Korea na nga ako. Sad to say Spring ngayon dito, ang gusto ko sana makapunta ng winter, pero sino ba ako para magreklamo?

Ang problema ko ngayon ay, paano ako makakasakay ng taxi, madali lang naman gawin 'yon ang tunay na problema ay kung paano makikipag-usap sa mga driver?

Iwinaklit ko 'yon sa isip. Mamaya ko na poproblemahin 'yon.

Papara na sana ako ng taxi nang sa 'di kalayuan may nakita akong pamilyar na taong naglalakad palapit sa akin. Tinitigan ko siya ng maiigi at nanlaki ang aking mata ng makilala ko siya.

"Tita Claire?" usal ko sa kanyang pangalan. Nakangiti siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat na may hindi makapaniwalang ekspresyon.

"Ikaw na ba talaga 'to, Leah?" naluluha niyang sabi. "Pasensiya na kung ang drama ko. Naalala ko lang bigla 'yong mga panahon kung kailan pinapalitan pa kita ng diaper at pinapatulog pa kita sa mga braso ko habang hinehele ka." Pinunas niya ang mga mata at yinakap ako ng mahigpit.

"Tita naman. Kailan talaga magbalik-tanaw?" Gumanti ako sa yakap niya at saka bumitaw.

Natawa siya sa sinabi ko.

"Belated happy birthday. Nasa bahay ang regalo ko kaya halika na, para makapagpahinga ka na." Inagaw niya ang maleta ko at naunang maglakad. Sumunod naman agad ako.

"Paano niyo po malamang nandito ako?"

"Ah, tumawag sa akin Mama mo nang isang gabi. Pinapasundo ka at pinakiusap na sa bahay ka na muna tumuloy. Syempre, agad akong umo-oo. Mag-isa lang naman ako sa bahay at paborito kitang pamangkin."

Nasa twenty-five pa lang 'ata ang edad ni Tita, pero ang mukha niya at pangangatawan parang eighteen lang. Para nga lang kaming magkapatid. Maganda siya at kapansin-pansin ang kaniyang clear skin. Bigla akong naiingit.

"Matanong ko lang Tita."

"Ang ano?"

"Wala ka bang boyfriend? Ilang taon ka na dito 'di ba?" Awkward siyang tumawa.

"Sa totoo lang meron kaya lang nag-break na kami last week lang."

"Sorry."

"Wala 'yon."

Nang makasakay kami ng taxi pareho kaming tahimik. Hindi ko na sana tinanong 'yon. Binaling ko ang tingin sa labas ng bintana.

Hindi ko maiwasan ang mapahanga sa napakagandang kapaligiran. Hanggang ngayon pakiramdam ko isa lang 'tong panaginip. Dati sa mga korean drama ko lang 'to napapanood pero ngayon nandito na nga talaga ako. Nasa korea na ako. Pareho na kami ng hangin na hinihinga ng mga oppa ko.

"Inlove na inlove ka talaga sa bansang 'to 'no?" biglang tanong ni Tita. Napabaling ako sa kanya at ngumiti ng malapad saka tumango.

"Hindi dahil sa mga gwapong lalaki na bumibida sa mga kdramas?"

"Isa sila sa mga rason. Oo dahil sa kanila nakilala ko ang bansang 'to, pero hindi no'n maitatago ang katotohanang nakakabighani talaga ang ganda ng bansang 'to. Sapat na rason na 'yon para hangarin ko ng labis ang makatapak dito."

Muling nanaig ang katahimikan sa aming dalawa kaya nagpasya akong ibalik ang tingin sa labas.

Nang makarating kami sa apartment niya. Pinadiretso niya ako sa bakanteng kwarto at pinatulog para daw makabawi ng lakas. Kaya hindi na ako ng pagkakataon para ilibot ang tingin sa buong bahay.

Nang magtagpo ang aking ulo at ang unan, agad akong napadpad sa mundo ng kawalan.

Una kong napansin ang madilim na paligid ng magawi ang mata ko sa labas ng bintana ng kwarto ng ako'y magising. Napangiti ako dahil sa pamilyar na tanawin. Ganitong-ganito ang senaryo sa mga dramang napapanood ko. Ang ilaw sa daan, sa mga bahay at sa mga nagtataasang gusali sa 'di kalayuan. Nasa korea na nga talaga ako.

Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang saya sa aking puso, ang hirap niyang pigilan, para sa siyang sasabog.

Malapad akong ngumiti at kinuha ang phone ko. Pinicturan ko ang napakagandang tanawin ng gabi kasama ang aking kamay.

Bumukas ang pinto bg kwarto kaya napatingin ako do'n.

"Gising ka na pala. Halika na. Kumain muna tayo, pagkatapos no'n aalis na tayo."

"Po? Saan po tayo pupunta?"

"Malalaman mo din."

Dali-dali akong sumunod kay Tita at tahimik na kumain habang sinusubukang hulaan kong saan kami pupunta.

"Dapat before mag-7:30 handa ka na. Saktong seven na kaya bilis!"

Kumaripas ako ng takbo papuntang kwarto at mabilis na inayos ang sarili. Hingal na hingal akong tumigil sa sala at pilit na hinabol ang hininga ko.

"May 10 minutes ka pa. Pahinga ka muna."

"Huwag na Tita, alis na tayo. Excited na ako eh." Tinawanan ako ng bruha at inakbayan. Sabay kaming lumabas ng bahay. Binusog ko ang mata sa napakagandang paligid ng apartment. Picture dito, picture do'n. Katulad ng katulad ang senaryo sa paligid ng bahay ni Bok Sil sa Shopping King Louis.

Nagselfie din kami ni Tita kahit medyo natatakot ako dahil baka mamaya may mag-photobomb na multo.

Naglakad kami ng ilang minuto hanggang makarating kami sa isang bus stop. Saglit kaming umupo sa bench at muling nag-selfie. Pakiramdam ko tuloy nasa isang kdrama series ako.

Nang may tumigil na bus, agad kaming sumakay. Buong byahe nasa labas lang ng bintana ang paningin ko. Hindi talaga ako makapaniwalang nararanasan ko ang lahat ng 'to. Napangiti na lang ako sa sobrang saya.

...

"Namsan Tower?" Hindi ko makapaniwalang saad na may kasamang kasiyahan. Mabilis kong hinila si Tita.

Nagbayad kami ng entrance at buong saya kong pinagmasdan ang Seoul sa viewing deck ng tower. Walang humpay akong kumuha ng picture hanggang sa magsawa ako. Tumingala ako sa kalangitan. Sana makita ko siya.

Nabaling ang tingin ko sa grupo ng mga babaeng nagkukumpulan sa isang bahagi ng marinig ko ang salitang Nathan. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila pero nakuha nila ang atensyon ko.

"Tita? Anong pinag-uusapan nila?" Sandaling gumawi ang tingin niya sa tinutukoy ko.

"Tungkol 'yon sa recent sasaeng attack kay Nathan. Hanggang ngayon kasi hindi pa din nila alam kung sino ang taong 'yon at kung paano siya nakapasok sa high end condo na 'yon."

Malungkot akong napatingin sa grupong 'yon.

"Ilang buwan na 'yan ha. Hindi pa rin nareresolba?"

"Oo. Kaya nga halos lahat ng oras may nakasunod na guard kay Nathan."

"Siguradong nakakasakal 'yon. Halos wala na nga silang privacy, tapos kukunin pa 'yong katiting na natitira."

"Tama ka." Pagsang-ayon niya. Nagtagal pa kami ng ilang oras do'n. Sa sobrang dami ng tao, parang hindi lumalalim ang gabi.

Sa Namsan Tower natapos ang unang araw ko sa Korea. Buong gabi ko pinag-isipan at plinano ang mga lugar na pupuntahan ko kinabukasan, kasama si Tita, syempre.

Pagkatapos, nanood lang ako ng t.v na hindi ko din pinagpatuloy kasi walang subtitles, hindi ko maintindihan.

...

Mabilis lumipas ang araw, huling gabi ko na ngayon sa Korea. Naupo ako sa kama ko at tinitigan ang mga pictures ko sa iba't ibang lugar na pinuntahan namin.

May sa Gyeongbokgung Palace, Nami Island, Lotte World, Bukchon Hanok Village, Myeong-dong, Changdeokgung Palace at sa iba't ibang shooting destination ng iba't ibang kdramang napanood ko. Nagsuot din ako ng Hanbuk.

Napapangiti ako sa tuwing naaalala ko ang masasayang sandali ko sa bawat lugar. Natikman ko na din ang iba't-ibang street foods at pagkaing dati pinapangarap kong lang tikman. Isa na lang ang hindi—soju.

Balak ko sanang magpasama kay Tita pero huwag na lang. Mas masaya kong ako lang mag-isa. Ma-experience man lang. Sanay na din naman ako sa neighborhood.

"Tita, lalabas lang muna ako. May bibilhin lang diyan sa malapit na convenience store."

"Samahan na kita."

"Hindi na po. Gusto kong ma-experience maglakad dito na ako lang."

Napangiti si Tita.

"Kung 'yan ang gusto mo. Balik ka kaagad ha. Mag-ingat ka."

"Opo."

Mabilis akong lumabas ng bahay at tahimik na naglakad papunta sa direksyon ng tindahan na malapit sa apartment namin.

Nang mapadaan ako sa mini park, may narinig akong tila mga impit na daing dahil sa sakit. Balak ko na sanang baliwalain 'yon ng muli kong itong marinig.

Hinanap ko kung saan nanggagaling ang tunog na iyon. Napatakip ako ng bibig ng makita ang isang lalaki sa likod ng halamanan, nakahiga at namimilipit dahil sa sakit. Parehong nakahawak ang mga kamay sa kanyang tiyan. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil sa madilim na paligid at sa face mask na suot niya.

Agad akong lumuhod at dinaluhan ang lalaki.

"Ayos ka lang ba?" Natataranda kong tanong, nang maalala ko kung saan ako, agad akong napamura sa sarili ko.

"Are you okay?" Gusto ko sanang sabihin 'Gwaenchana?' pero baka sumagot siya ng Korean at hindi ko maintindihan.

Tanging pagdaing lang ang naging sagot niya.

"I will bring you to the hospital." Bwesit. Baka maubusan ako ng English dito.

Balak ko na sanang tumawag ng ambulansiya ng maalala kong hindi ko alam ang contact number. Muli na lang akong napamura.

Halos mapatalon ako ng biglang hawakan ng lalaki ang palapulsuhan ko kung nasaan ang cellphone ko.

"Please don't." Hirap na hirap niyang sabi.

"What should I do then?" Nanginginig na ang boses ko dahil sa labis na pagkataranta at takot na baka mamatay 'tong lalaking 'to, at ako ang masisi.

"Just...just bring me some food." Sandali akong natigilan. Ano daw? Pagkain?

"What? Food?" Ulit ko.

Tumango siya.

Tinulungan ko siyang makatayo at maka-upo sa isang bench.

"Just wait here. I'll just buy food, quickly. Promise I will be back." Ewan ko kung tama pa ba ang pinagsasasabi ko. Basta naintindihan niya okay na 'yon.

Tumakbo ako sa convenience store at agad na kumuha ng mga pagkaing ready to eat gaya ng complete set ng meal na nasa parang bento box, mga triangle triangle na madalas kung makita sa kdrama, ewan ko kung anong tawag do'n tapos mga sausages. Bumili na rin ako ng bottled waters at canned drinks. Nagawi ang tingin ko sa soju, balak ko na sanang kumuha ng isa pero baka magkulang ang pera ko.

Labag man sa loob ko. Inalis ko ang tingin sa sojung nang-aakit sa akin at dumiretso sa counter upang magbayad.

Mabilis kong tinakbo pabalik ang park. Agad kong nakita ang lalaki na namimilipit pa din sa sakit. Dapat siguro tinawagan ko na si Tita eh.

"Here. Eat." Inabot ko sa kanya ang plastic bag na hawak ko at nagsimula siyang kumain na parang hinahabol siya ng kung sino at aagawan siya. Napailing na lang ako. 'Pag 'to nabilaukan—

Hindi pa man ako natatapos, naubo ang lalaki. Mabilis kong kinuha ang plastic at hinanap ang tubig, agad itong binuksan at inabot sa kanya.

Nang humarap siya sa akin, do'n ko nakita ang mukha niyang pilit niyang iniiwas sa akin kanina simula ng tanggalin niya ang suot na face mask.

"Na-nathan Lee?" tila hindi makapaniwala kong usal.

Mabilis niyang itinaas ang hintuturo sa pagitan ng kaniyang mga labi at mabilis na inilibot ang tingin sa paligid.

Magte-ten na kaya wala nang masyadong tao. Tila ba nakahinga siya ng maluwag ng makitang walang tao.

"You know me?" Ang tanong na 'yon na ata ang pinakabobong tanong na narinig ko.

"Sino ba naman kasi ang— I mean who would not know you? You're so famous, my niece and nephew know your name and songs even your dance steps." Hala paano ako nakapag-english ng ganoon?

Bumakas ang takot sa kaniyang mukha kasabay ng mabilis niyang paglayo sa akin.

Nagtatanong akong tumingin sa kaniya.

"What's wrong?"

"St-stay away please." Pagsusumamo niya. Bakas ang labis na takot sa boses niya at parang ano mang oras maiiyak na siya. Agad kong napagtanto ang dahilan ng maalala kong hindi pa rin nareresolba ang tungkol sa sasaeng attack na 'yon. Huminga ako ng malalim.

"Nathan, calm down. Yes, I am one of your billion fan but believe me I'm not the obsessive one, 'cause if I am then I would have kissed you and grabbed that thing between your legs and never let you go home." Para naman siyang naniwala sa sinabi ko ng dahan-dahan siyang bumalik sa pwesto niya kanina. Na-trauma talaga siya.

"Are you telling the truth?"

"I am. Now continue eating then call your manager to fetch you up."

"Actually, that was my initial plan, the problem is I left my phone on my van."

"Speaking of that, what are you doing here anyway without your manager?"

"Ah, earlier when I'm done shooting for my new music video, my fans suddenly gets wild and tried to approach me. Even my security couldn't stop them. So, I left with no choice but to run because of fear. Good thing I bring my mask. They chase me like zombie, and it lasted all day. God knows how I tried my best to lose them. And that's when you saw me lying in pain because too much hunger. I'm sorry for my English."

Napatawa ako.

"As long as we can understand each other, it's okay. So that's what happen." Bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya.

"What's with that look? Do you pity me?" Tila natatawa niyang turan.

Marahas akong umiling.

"No. No. No. Of course not. Actually, a little." Sumenyas ako ng maliit. Napahalakhak siya dahil dito.

"Honestly, sometimes I feel pity for myself too. Because of that, I starting to doubt my decision, chasing this career. Sometimes, I kinda regret it."

"Don't say that. I know how much you love music and because of that I came to know you. We Athens—your fandom came to know you. You're the happiest person whenever your holding a microphone or playing a guitar. To us, you are our inspiration, you gave us strength and happiness. So don't you ever say that you regret being Nathan Lee, 'cause it sounded like you also hated us."

"Am I the reason why you are here in Korea right now?"

Natawa ako.

"How could you say so?"

"Cause you are may fan." Mas lalo akong natawa.

"Partly yes, but knowing the chances of bumping to you in the middle of the streets is so low I gave up on that and focus on enjoying Korea."

"Wanna have a selfie?" Nagulat ako sa bigla niyang pag-aaya pero mas pinili kong umiling.

"No need. I just want this experience to be like a dream. An unforgettable one. Instead can you sing for me? Any of your song would be okay."

Tumango siya at nagsimulang kumanta. Ipinikit ko ang aking mata at nagpalunod sa napakaganda niyang tinig na hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko.

Dahan-dahan kong minulat ang aking mata. Unang bumungad sa akin ang pamilyar na kisame.

Tapos na ang magandang panaginip na 'yon. Balik na ako sa reyalidad. Dahan-dahan akong umupo mula sa pagkakahiga at pinatay ang speaker na pinapatugtog ko. Parehong kanta sa panaginip ko.

Nagawi ang tingin ko sa poster ni Nathan..

"Masaya akong nakilala ka, kahit isang gabi lang. Hinding-hindi ko 'yon makakalimutan kailanman."

Simula ng maka-uwi ako galing Korea, araw-araw ko nang napapanaginipan ang eksaktong mga senaryong nangyari ng makita ko si Nathan ng personal.

That one night with him that I chose to believe to be a dream was actually real and happened when I was in Korea.

The End...

Hello guys, dahil hindi ko alam kung paano maglagay ng creator's thought, dito na lang. Salamat sa mga nakaabot dito sa parteng 'to ng libro. Sana patuloy niyo itong suportahan hanggang sa huli. Plano kong sumulat ng labinlimang kwento pagkatapos, panibago namang compilation. Pasensiya na sa mga typo. Ie-edit ko din naman po pero hindi pa ngayon.

Para do'n sa nagtatanong kung kailan ang update, once in a month o kaya ay once in a two months lang po ako naga-update dahil sa busy din po akl at mahirap mag-isip ng kwento.