Chereads / Destiny's Will ( A Compilation of OneShot Stories) / Chapter 4 - All I Want This Christmas

Chapter 4 - All I Want This Christmas

With a big smile plastered on my lips, I walked slowly on the side of the road,  slowly jumping and dancing to the music playing on my headphones.

Nang may makita akong halaman, pumitas ako ng dahon at pinunit-punit ito. Today is a happy day.

Sinagot ko na kasi si Albert, matapos ang halos tatlong buwan niyang panliligaw. Klaro pa sa isipan ko kung gaano siya kasaya, kitang-kita yon sa mukha niya at sa mga ngiti niyang halos 'di na mabura, na kulang na lang mapunit ang mga pisngi niya.

Gusto ko pa sana siyang makasama kaso nga lang may importante siyang lakad. 'Di naman niya sinabi sa akin kung ano 'yon, hindi naman sumama ang loob ko, naiiintindihan ko naman siya. Nag-aadjust pa siya siguro. First boyfriend/girlfriend namin ang isa't isa after all. Darating din kami sa punto kung saan, wala na kaming tinatagong sikreto sa isa't isa balang araw. Tiwala lang.

Tinapon ko sa gilid ng daan ang mga piraso ng dahon at masayang tumakbo.

"Hi!"

"Hello!"

"Ang cute mo po."

"Hello Lola!"

Masigla kong binabati lahat ng makakasalubong ko. I can't contain this happiness. Pakiramdam ko sasabog ang puso ko sa sobrang saya. May kakaibang kiliti akong nadarama sa tuwing naiiisip kong kami na ni Albert. Matagal ko ring pinangarap 'to. Matagal ko na siyang crush kaya para hindi halata, pinatagal ko nang tatlong buwan ang panliligaw niya.

Albert is not your typical handsome guy. Actually he is not that handsome according to my friends, but for me, he is. Super. He has this charisma that I think only me can see. His smile can make you smile too. I love her facial expressions whenever he is annoyed, angry, sad most especially if he is happy. It makes him more attractive.

He is not that good in studying, but if he takes it seriously, it will make him cuter. I think. Imagine, he will wear reading glasses. Oh my! How hot can he be?

He is not that good in sport either, but he plays basketball and football, kaya lang 'di sapat ang galing niya para makapasok sa team ng school.

The thing that he is good at is singing and dancing. Kaya ka niyang dalhin sa ibang mundo gamit lang ang boses at sayaw niya, sa mundo kung saan kayo lang dalawa. Bawat katagang binibigkas niya sa tuwing siya'y kakanta ay puno ng mahika, na sa oras na marinig mo, habang buhay ka nang maghahabol sa kaniya. Kaya ka namang painitin ng mga galaw niya pagdating sa sayaw niya, bawat paggiling niya, nakakagising ng kaluluwa, napaka-init, hindi mo mamamalayang pinagpapawisan ka na pala at tulo na ang laway mo.

Maybe that's some of the reason why I'm madly deeply inlove with him. Na kahit against ang mga kaibigan ko, wala akong pakialam. Hindi ko sila maintindihan, wala namang ginagawa sa kanila ang tao pero ang init ng dugo nila sa kaniya. Kesyo daw, hindi kami bagay. Ang panget daw ni Albert. Eh, hindi naman ako maganda. Kaya bagay kami. Halata daw na mahirap lang sila Albert, hindi daw niya ako madadala sa mamahaling mga restaurant at mabibilhan ng mga mamahaling gamit. Ano naman ngayon? Kaya ka ba nag-jowa para may taga-libre ka at tagabili ng mga gamit?

Ewan ko ba sa kanila? Masyado silang materialistic. Hindi ko nga alam kung paano ko naging kaibigan ang mga 'yon.

Nang makarating ako sa bahay, dumiretso ako sa kwarto ko. Tiningnan ko ang phone ko kung may message, pero wala.

"Baka abala lang siya sa lakad niya. Mamaya magte-text din siya."

Tama. Mamaya, hintay lang.

Mabilis akong nagbihis ng pambahay at nagtungo ng kusina. Nadatnan ko si Mamang busy sa pagluluto ng hapunan. Dumiretso ako sa ref at kumuha ng pitsel.

Uminom ako ng tubig at tumayo sa tabi ni Mama.

"Anong niluluto mo Ma? Amoy adobo."

"Kita mo nang adobo, magtatanong pa? Sayang lang pinapaaral namin sayo."

"Ay Ma, sorry. Kita ko pong adobo, nagtanong lang ako para makasigurado, malay mo, tinolang manok po pala niluluto niyo." Tumawa si Mama.

"Joke lang 'nak. Ito oh, tikman mo." Itinapat niya sa labi ko ang sandok. Hinipan niya ito at isinubo sa akin. Nag-okay sign ako pagkatapos. Kailan ba nagluto si Mama ng hindi masarap?

"Anak magsaing ka nga sa rice cooker. May lulutuin pa kasi ako." Tumango ako at agad na sumunod sa utos ni Mama.

Naghuhugas ako ng bigas ng biglang mag-ring ang phone ko. Ipinunas ko ang aking kamay sa shorts  na suot ko at dali-daling tiningnan kung sino ang tumatawag, umasa ako na si Albert na, pero unregistered number. Nakakadismaya. Labag man sa loob ko sinagot ko pa rin ang tawag.

"Hello," walang lakas kong sabi.

"Si Martina ba 'to?" Boses babae. Isa kaya siya sa mga Tita ko?

"Opo. Sino po sila?"

"Ate 'to ni Albert. Pwede ba tayong magkita kung free ka ngayon? Kung hindi naman, bukas pwede ka?"

Para akong nabuhayan. Napatayo ako ng tuwid at gumapang ang kaba sa dibdib ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Pw-pwede po ako ngayon. Sa'n po tayo magkikita?"

"Sige. Itetext ko na lang sayo. Magkita tayo after an hour."

Hindi pa rin nagsi-sink sa utak ko kung ano ang nangyayayari. May parte sa puso kong masaya at meron ding natatakot at naguguluhan. Hindi ko alam kung bakit gusto akong makita ng kapatid ni Albert, pero hinihiling ko na sana hindi ito masamang bagay.

Mabilis akong pumasok sa kwarto, nagtungo ng banyo naghilamos at mabilis na nagbihis. Dali-daling nag-make up at nagspray ng pabango.

"Ma, may importante lang po akong pupuntuhan. Hindi ko po alam kung anong oras ako makakauwi, pero sinisigurado kong bago mag-eight nandito na ako. Bye," paalam ko at mabilis siyang hinalikan sa pisngi. Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong makapagsalita, tumakbo na ako palabas ng bahay.

"Ah, Ma, ikaw na lang po ang magsaing. Thank you!" sigaw ko.

Kakabukas ko lang ng gate ng makatanggap ako ng text galing sa kapatid ni Albert. Ito ang address kong saan kami magkikita. Sa isang coffee shop.

'Papunta na po ako.'

...

Maaga ako ng tatlumpung minuto, pero nagulat ako ng pagpasok ko ng coffee shop, isang magandang babae na sa tingin ko nasa 30's ang edad ang nakaabang sa pinto. She ask me if I am Martina and I nodded.

Iginaya niya ako sa isang lamesa. Tinanong niya ako kung anong gusto ko, pero sabi ko wala.

Bawat galaw niya pinagmamasdan ko. Akala ko ba, mahirap lang sila Albert? Parang hindi naman? Mula sa kung paano kumilos ang ate niya, sa pananalita hanggang sa pananamit, hindi mo makikita ang kahirapan.

"Wala ka ba talagang gusto?"

Nahihiya akong umiling. Inilapag niya ang menu sa gilid at tumitig sa akin. Ramdam kong tumatagos ang mga ito patungo sa kaluluwa ko.

"Don't get nervous. Hindi naman ako nangangain ng tao."

Alangan akong tumawa. "Gano'n po ba?" Sino ba naman kasi ang hindi kakabahan, napaka-intimidating ng aura niya.

"I will get straight to the point." Ayaw na ayaw ko talaga sa mga usapang nagsisimula sa ganong pangungusap. Sa mga dramang napapanood ko, kapag nagsimula sa ganon, ibig sabihin hindi payag ang magulang o pamilya sa relasyon ng mga bida. Hindi rin ba siya payag sa relasyon namin ni Albert? Oh my. Unang araw pa lang namin, break na agad? Hindi pa nga kami umaabot ng 24 hours, matatapos na agad?

"Huwag ka ngang yumuko. Baka sabihin ng mga tao, inaaway kita." Pero, parang hindi naman siya gano'n. Hindi naman siya mukhang kontrabida sa mga drama ang bait nga ng mukha niya pati na ang tawa.

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti.

"Ang galing pumili ng kapatid ko. I can feel that your a good person. That's why I'm gonna tell you this. It's for your own sake. Alam kong walang balak ang kapatid ko na sabihin sayo ang totoo. Tawagin mo na akong pakialamera, wala akong pakialam. Ayaw ko lang maging unfair sayo."

Sa pagkakataong 'to, kabang may kasamang takot ang bumalot sa akin. Nararamdaman ko, na kung ano man ang sasabihin ng babaeng kaharap ko, tiyak na babaguhin nito ang buhay ko.

"May taning na ang buhay ng kapatid ko. Kung hindi ako nagkakamali, hanggang sa bagong taon na lang namin siya makakasama."

Nang marinig ko ang kanyang sinabi, bumaliktad ng ilang ulit ang mundo ko. Tama ba ang naririnig ko? Ayaw kong maniwala. Ayaw ko. Hindi ito totoo.

"It was his heart. Ayaw na nga namin siyang papasukin, pero nagpumilit siya. Sabi niya, may babae daw siyang gusto, gustong-gusto, na kahit limitado na lang ang oras niya, gusto niyang sa kanya 'yon ituon. It was you all along. I've been dying to meet you and I finally I did."

Hanggang ngayon, hindi pa rin napoproseso ng maayos ng utak ko ang mga sinabi niya. Na-stuck ako do'n sa parte na may taning na ang buhay niya. Paano kami? Ang relasyon namin?

"Don't cry." Nagtatanong akong tumingin sa kaniya. Hindi ako umiiyak. Dahan-dahan kong hinawakan ang pisngi ko, basa. Umiiyak na pala ako ng hindi ko namamalayan.

Bigla kong naramdaman ang mainit niyang mga palad sa aking kamao. Hinawakan niya ito ng mahigpit.

"Huwag kang panghinaan ng loob.  Kailangan mong maging matapang. Huwag mong isusuko ang relasyon niyo dahil lang sa nalaman mong sandali mo lang makakasama ang kapatid ko. Sana hindi gano'n ang mangyari. Kaya ko sinabi sayo, 'cause I want to know if you love my brother enough for you to stay with him until his last breath."

Puno ng luha akong tumango ng paulit-ulit.

"Alam kong hindi ko na kailangan pang  sabihin 'to, pero, pasayahin mo ang kapatid ko. Gusto namin na lahat ng babaunin niyang alaala patungo sa kabilang buhay ay puro masasaya."

Tumango lang ako dahil wala akong masabi. I've lost for words. Wala akong mahagilap, wala akong makapa. Today is our first day as an official couple it was supposed to be a happy day, but why did it turn like this?

Napatingala ako ng mapansin kong tumayo si ate.

"I'm sorry kailangan ko nang umalis. Emergency."

"Pwede ko po bang malaman ang pangalan niyo?" Napatampal siya sa kaniyang noo.

"Bakit ko ba nakalimutang magpakilala? I'm Ruby, call me sister Ruby, ah, hindi para naman akong madre no'n, ate Rubs na lang, mas better."

Napatawa ako sa sinabi niya.

"Sige po a-ate Rubs, mag-iingat po kayo."

"Sige." Pahakbang na sana siya paalis pero muli siyang bumalik. "Oh nga pala, try your best na hindi mahalata ni Albert na may alam ka tungkol sa kalagayan niya dahil kung mangyari 'yon, I'm sure kusa siyang iiwas sayo."

Tumango ako. "Makakaasa po kayo."

Nang mawala sa paningin ko si ate Rubs, umalis na din ako.

Marahan akong naglalakad sa gilid ng daan. Hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang lahat ng nalaman ko ngayong araw. Napabuga ako ng hangin at napatigil sa paglalakad.

Sumigaw ako ng pagkalakas-lakas, hanggang sa makakaya ng lalamunan at hininga ko. Napansin kong halos lahat ng mga tao sa paligid nasa akin ang tingin.

"Nagulat ako do'n. Baliw ba siya?"

"Baliw 'ata."

"Baka may problema?"

Nakalimutan ko nasa public place pala ako. Mabilis akong naglakad papalayo, tumigil ako sa isang tulay at pinagmasdan ang repleksiyon ng kalangitan sa tubig.

May nararamdaman akong pagsisisi, hindi dahil sa sinagot ko siya kun'di dahil sa pinatagal ko pa ang lahat. Kung nalaman ko lang sana ng maaga, baka sinagot ko na siya hindi pa man siya nanliligaw, o baka nga ako pa ang nanligaw.

Matagal ko na siyang gusto eh. Matagal na. Kinuha ko ang phone ko sa bag na dala ko. Binuksan ko ito at tinitigan ang litrato namin ni Albert. It was taken earlier. We are both smiling from ear to ear. Hindi halatang may taning na ang buhay niya.

Dahan-dahan kong hinaplos ang mukha niya. I will surely miss this guy.

Bumuntong hininga ako at nagpatuloy sa paglalakad. Ayaw kong sumakay, gusto kong makapag-isip-isip ng mas matagal.

Kahit saan ko ituon ang mga mata ko, ramdam na ramdam ko na ang Pasko. Nagkalat na ang iba't ibang parol at christmas lights. Punong-puno ng ilaw ang buong paligid. Umaalingawngaw din sa paligid ang iba't ibang christmas songs. Ang sayang pagmasdan ng mga taong dumadaan, lahat sila parang mga walang problema.

Kung sana totoo si Santa Clause, pwede ko sigurong hilingin na pagalingin niya si Albert? Kaya niya sigurong gawin 'yon? Simula pagkabata naging mabait naman ako, hanggang ngayon wala akong pinagbago, hindi niya ako matatanggihan panigurado.

Kung sana totoo si Santa Clause, pwede ko na lang sigurong hingin na patigilin niya ang oras at hayaang kaming dalawa lang ni Albert ang nakakakilos. Sa ganoong paraan, hindi kami maghihiwalay at magsasama kami habang buhay. Kung sana nga totoo siya pwede siguro 'yon kaya lang hindi naman siya nage-exist.

Nakarating ako ng bahay namin na 'yon pa rin ang nasa isip, mga what if's na mananatili na lang gano'n.

"Happy First Daysarry!" Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa lalaking nasa harapan ko na may bitbit na bouquet ng bulaklak, isang human size teddy bear, at chocolate.

Nang makabawi ako sa pagkagulat, mabilis kong inagaw ang teddy bear at inilapag ito sa lupa. Yinakap ko siya ng mahigpit, sobrang higpit, at hindi ko napigilan ang pagbuhos ng mga luha ko.

Iniisip ko pa lang na hindi ko na siya mayayakap ng ganito, na hindi ko na maririnig ang boses niya, na hindi ko na siya makikita, nanghihina ako, nawawala ako sa katinuan. Pwede bang ganito na lang kami habang-buhay?

"May problema ba?" Mas lalo akong napa-iyak dahil sa tanong niya. Naalala ko ang sinabi ni ate Rubs, hindi niya dapat mahalata na may alam ako tungkol sa sakit niya. Dahan-dahan akong kumalas sa aming yakap at marahan siyang pinalo sa balikat niya.

"Ikaw kasi. First day natin tapos inuna mo pa ang lakad mo kesa sa akin, tapos wala ka man lang paramdam kahit isang tawag o text man lang. Ang sama mo!" Clingy na kung clingy, kahit sino naman siguro kapag nalaman ang kalagayan ng taong mahal nila, gugustuhin na lang na manatili sa tabi nito bawat segundo.

"Sorry na," malambing niyang sabi at yinakap ako ng mahigpit. I really wish that there is a button to stop the time. I just want to stay lock in his arms like this, feeling his warmth.

"Yong bestfriend ko kasi, si Arjo kilala mo siya 'di ba?" Marahan niyang sinusuklay ang buhok ko na nagpapakalma sa natatakot kong puso. Hearing his heartbeat, makes me wish that it will not stop. Lost for words, I nodded to answer his question.

"Nakipagbreak sa kaniya si Irene. Mahal na mahal niya 'yon, kaya nagpakalango siya sa alak, syempre dahil bestfriend niya ako dapat nasa tabi niya ako para i-comfort siya."

Napatingala ako sa mukha niya.

"Uminom ka din ba?"

Tumango siya.

"Kaunti lang naman."

Kaya pala amoy alak ang hininga niya.

"Ayaw mo ba sa taong umiinom?"

Umiling ako. Lahat naman siguro umiinom ng alak, maski nga ako. Pero, nag-aalala kasi ako na baka makasama 'yon lalo sa kaniya.

"Basta ba huwag ka lang magpapakalasing ng sobra, 'yong tipong kahit ang maglakad ng tuwid hindi mo na kaya."

Nakangiti siyang tumango.

Nagdesisyon kaming umikot ng isang beses bago siya umuwi. Sa sandaling paglalakad-lakad namin, maraming bagay kaming nalaman tungkol sa isa't isa. Mga bagay na hindi ko sukat akalain.

Tinitigan ko ng puno ng lungkot ang teddy bear na binigay niya. Baka sa susunod na mga buwan, itong teddy bear na lang ang pwede kong mayakap hindi na siya. Sa isiping 'yon, may tumulong luha sa mata ko.

Buong magdamag akong nag-isip ng mga bagay na gusto kong gawin kasama si Albert.  Sa sobrang dami, umabot na ang bilang ko ng isang daan at may balak pa akong idagdag.

Goal ko, magawa ang lahat ng 'to bago pa man mag-pasko. I still have 20 days. Kayang -kaya 'to.

Biglang nag-vibrate ang phone na siyang umagaw ng aking atensiyon. Inabot ko ito at binasa ang message na galing kay Albert.

'Tulog ka na?' Tiningnan ko ang oras sa phone ko, it's 10:30 pm. Okay lang kaya sa kaniya ang magpuyat?

'Not yet. Hindi ka pa ba matutulog?'

'Hindi pa may tinatapos lang akong assignment pagkatapos nito matutulog na ako. Ikaw? Ba't gising ka pa?'

'Siguraduhin mong matutulog ka na pagkatapos. Nagpa-plano lang ako ng mga dapat nating gawin sa mga date natin. Don't worry pagkatapos nito matutulog na din ako.'

Sa totoo lang isa din 'to sa nakasulat sa To Do List With Albert ko, 'Late Night Conversation with the Person I Love with All my Heart.' Kaya lang nagwo-worry ako na baka mas lalong makasama 'yon sa kalusugan niya.

'Totoo? Sabihin mo nga sa akin? Kinikilig ako.'

Napatawa ako. Para siyang bakla. Nakikinita ko na kung gaano kalaki ang ngiti niya ngayon.

'Huwag na. Makisakay ka na lang sa mga trip ko. Bukas after class, magkita tayo. Sige na. Tapusin mo na 'yang assignment mo tapos matulog ka na. I love you.'

'Sige. Ikaw din matulog ka na. Huwag mong seryosohin ang pagpa-plano mo, marami tayong oras para gawin ang lahat ng gusto mo. I love you too.'

Matapos kong basahin ang parteng maraming kaming oras para gawin ang gusto ko, napa-iyak ako ng kusa. Sana nga, marami tayong oras. We only have more than three weeks and time flew so fast this days, natatakot ako na baka isang araw magising na lang ako na wala ka na.

In-off ko ang phone at isinara ang notebook ko. Tumayo ako sa upuan ng study table at humiga sa kama.

Itinakip ko ang unan sa mukha ko at hinayaan ang sariling umiyak nang umiyak.

Kinabukasan, maaga pa lang bumangon na ako. Nagluto ako ng masusustansiyang mga lutuin. Balak ko itong ibigay lahat kay Albert. Starting today, dapat lahat ng kakainin niya nutritious.

Natawa ako sa reaction niya ng makita ang laman ng lunchbox.

"Babe, sa pagkaka-alala ko, hindi ko naman sinabi sayong vegetarian ako 'di ba? Baka para 'to sa isa mong boyfriend?"

Sa araw na 'yon, lahat ng ginawa namin, eh ang ginagawa ng mga romantic couples na napapanuod ko sa drama. Holding hands, subuan ng pagkain, at habulan sa gitna ng field. Nang mapagod, umupo kami sa damuhan at naglaro ng charades at pinoy henyo. Nang magsawa, pinahiga ko siya sa hita ko at pinaglaruan ang buhok niya habang pinagmamasdan namin pareho ang papalubog na araw.

"Sana ganito na lang tayo palagi, masaya lang at walang problema," bigla kong usal.

"Bakit may problema ka ba?" Tumingin ako sa kaniya.

"Wala naman. Syempre, sa isang relasyon hindi natin maiiwasan ang mga pagsubok. Normal 'yon."

Bigla niyang inabot ang kamay ko na ginagamit ko sa pagsuklay ng buhok niya at pinaglaruan ito.

"Kahit gaano pa kahirap ang pagsubok na dumating sa atin, pangako hinding-hindi ko bibitawan ang kamay na 'to, kahit pa sukuan mo ako."

Pinigilan ko ang mga luha ko para hindi tumulo. Ayaw kong magmukhang mahina sa paningin niya.

Ngumiti ako.

"Hinding-hindi kita susukuan kahit kailan."

Sa mabilis na paglipas ng araw, araw-araw, walang palya kong hinihiling na sana magkaroon ng himala at gumaling si Albert mula sa karamdaman niya. Sa mga araw na nagdaan, kulang na lang tumira ako sa bahay nila. Gusto kong manatili sa tabi niya bawat segundo, ayaw kong magsayang ng oras. Marami pa akong bagay na gustong gawin kasama siya.

Ngayon nasa library kami, nagbabasa, naka-upo siya harap ko at kanina pa ako nagnanakaw ng tingin sa kaniya. Para hindi halata, hinarang ko sa mukha ko ang libro para kunwari nagbabasa ako.

He looks so handsome while holding a book and reading it seriously. May exam kasi siya and after that Christmas break na namin. Ako, katatapos ko lang sa exam namin at sinamahan ko siya para mag-review.

"Babe, pwede ba tigilan mo muna ang kakatitig sa akin, hindi ako makapag-focus." I don't know why, pero bigla akong nainis sa sinabi niya.

"Fine. Punta lang ako ng canteen, bibili ng pagkain."

"Sige."

Mas lalo akong nainis na hindi man lang niya napansin na naiinis ako. Padabog akong umalis ng library at pabulong-bulong na naglakad papuntang canteen. Kinokontrol ko ang sarili ko dahil ayaw kong mag-ayaw kami, aksaya lang sa oras. Kaya hangga't maari, iiwas ako sa mga bagay na maari naming pag-awayan.

Pabalik na sana ako, nang makita ko siya, tatawagin ko na sana ng bigla siyang inakbayan ng bestfriend niyang si Arjo.

"Hey man!" Nagpalinga-linga siya na parang may hinahanap.

"Himala! Wala 'ata sa tabi mo ngayon ang girlfriend mo?"

"May binili lang sa canteen," sabi ni Albert habang patuloy sa pagbabasa ng librong hawak niya.

"Hindi ka ba naiirita sa girlfriend mo? Kung makadikit sayo daig pa ang glue? Takot ba siyang masalisihan siya ng ibang babae?"

Napatago ako sa isang poste ng hallway ng padaan na sila sa tabi ko.

Narinig ko ang pagtawa ni Albert. "Mahal lang ako ng babaeng 'yon."

Hindi ko alam kung bakit na-offend ako ng tawagin niya akong babaeng 'yon. Pwede niya naman akong tawagin sa pangalan ko, pero bakit babaeng 'yon?

Pakiramdam ko sinaksak ako sa puso ng ilang ulit. Hindi ko maiwasang kwestiyunin kung mahal niya ba ako talaga o hindi. O talagang bini-big deal ko lang 'yon.

Kinuha ko ang phone ko at minessage siyang nauna na akong umuwi. Pagdating ko sa bahay, tinitigan ko ang To Do List ko. Halos lahat dito, nagawa na namin at dapat sa araw na 'to, magagawa namin ang limang nakalista. Pero hindi eh.

Ayaw ko muna siyang makita baka uminit ang ulo ko at mag-away kami. Yon ang iniiwasan kong mangyari. Magpapalamig na muna ako ng ulo. Lilipas din 'tong galit ko.

Nang magawi ang tingin ko sa kalendaryo, mapait akong napangiti. Fourteen days left bago mag-pasko at hanggang ngayon wala pa akong naiiisip na regalo.

Biglang nag-ring ang phone ko. Tumatawag si Albert, pinili kong huwag itong sagutin at hayaang kusang maputol ang tawag.

Pagkatapos ng ilang minuto, nakatanggap ako ng text galing sa kanya.

'Bakit hindi mo sinasagot tawag ko? May problema ba? Katatapos lang ng exam ko. Ngayon ko lang nabasa text mo. Ba't ka umuwi agad? Hindi ba may lakad pa tayo?'

Magrereply ba ako? Syempre, mahal ko, hindi ko matitiis.

'Sorry nasa banyo kasi ako. Don't worry okay lang ako, walang problema. Bukas na lang ang lakad natin. Kamusta exam?'

'Okay naman. Ginawa ko naman best ko.'

'Good.'

Ewan ko ba, bigla na lang nawala ang galit ko. Gano'n talaga siguro pag mahal mo ang tao.

Parang walang nangyari, balak kami sa dati.  Ngayon nasa bench kami sa labas ng bahay namin. Naka-upo at nakatingala sa mga nag-niningningan na mga bituin. It's 9:30 pm. Hindi ako nagwo-worry na makita kami nina Mama kasi alam kong alam na nila ang tungkol sa relasyon namin ni Albert. Hindi lang sila nagsasalita kasi hinihintay nila ako ang kusang magsabi. That's why I love my parents.

I stare at him. Sa bawat paglipas ng oras, domodoble ang lungkot at takot sa puso ko. Pero hanggang ngayon, wala pa rin akong makitang senyales na may balak siyang sabihin sa akin ang tungkol sa karamdaman niya.

Ang kalmado niya, katulad ng kalangitan.

"Oh! May shooting star!" Mabilis siyang napatingin sa akin. Ilang dipa na lang magtatama na ang mga labi namin. Napatingin kami sa mata ng isa't isa. Ang mga mata niya, puno ng pagmamahal gaya ng mga mata ko.

Walang pag-aalinlangan kong nilapat ang mga labi ko sa kaniyang mga labi. I initiated the kiss. Nakita ko kung paano nanlaki ang kaniyang mga mata, hindi siya gumanti sa halik ko ng ilang segundo. Nang ipikit ko ang mga mata ko, dahan-dahang gumalaw ang kaniyang mga labi. Hindi ko alam kung gaano katagal ang halik na 'yan. Nang maghiwalay ang aming labi, kapwa kami hinihingal.

"I love you," malambing kong sabi.

"I love you too," he replied at yinakap ako ng mahigpit.

Bigla akong nahiya sa ginawa ko, ramdam ko ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi.

"Hindi ko alam na, magaling kang humalik," bulong niya sa akin saka hinalikan ang buhok ko.

Pinalo ko ang dibdib niya ng mahina. Pabebe lang ang peg.

"Believe it or not, it's my first kiss." Na hindi ko pinagsisihang ibinigay ko sa lalaking kayakap ko.

"Happy ako na ako ang first kiss mo at dapat ikaw din, 'cause first kiss ko din 'yon."

Nag-uumapaw ang kasiyahan sa puso ko nang sabihin niya 'yon. Nakaka-kilig din.

Buong magdamag, walang sawa kong binabalikan ang moment na 'yon. I can still feel his lips on mine na hindi ko maiwasang mapangiti habang hinahawakan ko ang mga labi ko.

"Martina! Ano bang binubungisngis mo diyan? Matulog ka na nga!"

Panira talaga si Mader. Makakatulog ba ako ngayong gabi? Sa tingin ko hindi.

Kinabukasan, nagtatalo ang isip at puso ko kung magsisipilyo ba ako o hindi? Kasi naman, ayaw kong mawala ang marka ng labi ni Albert sa labi ko. Sa huli, labag man sa loob ko, nagsipilyo pa din ako, kesa naman mangamoy ang bunganga ko tapos mag-kiss ulit kami, edi na-turn off siya.

Napa-iling ako sa mga pinag-iiisip ko.

Five days before Christmas, wala pa rin akong maisip na regalo. Hanggang ngayon, paulit-ulit pa rin ang dasal ko, sana gumaling si Albert.

Saturday ngayon at balak naming mag-bisekletang dalawa sa isang park. Nakikisama naman ang panahon, medyo makulimlim ang langit pero walang senyales na uulan.

Tiningnan ko ang to-do list ko, meron pang sampung activity na natitira, na dapat naming magawa before Christmas at pagkatapos no'n, may isang daan pa.

Sinukbit ko ang bag ko at lumabas ng bahay. Saktong pagsara ko ng gate, dumating siya sakay ng magara niyang motor.

Inabot niya sa akin ang isang helmet, umangkas ako at walang pasabing yumakap sa kaniya ng sobrang higpit. Ramdam ko ang matigas niyang abs o baka imahinasyon ko lang.

Buong biyahe, wala akong ibang ginawa kundi ang pagpantasyahan siya. Joke! Self nakakatakot ka na.

Buong biyahe, puno ng paghanga kong pinagmasdan ang mga nadadaanan namin.

Nang makarating kami ng park, nagpasya kaming mag-ikot-ikot na muna. Bumili kami ng ice cream at kinain ito habang magka-hawak ang mga kamay. Umupo kami sa bench at sumandal ako sa balikat niya.

We didn't talk. Pareho kaming tahimik habang pinagmamasdan ang isang buong pamilya. Biglang sumagi sa isip ko ang tyansang hindi kami magkakaroon ng anak o magiging isang pamilya. Dahil don, may tumakas na luha sa aking mata na dali-dali kong pinunasan.

"Ilang anak ang gusto mo?" bigla niyang basag sa katahimikan. Napangiti ako.

"Siguro mga lima, tatlong babae at dalawang lalaki. Dapat lalaki ang panganay at pangalawa para may tagapagtanggol ang mga prinsesa natin."

"Hindi mo masyadong pinag-isipan 'no?"

Tanging tawa lang ang naging sagot ko.

"Ikaw? Ilang ang gusto mo?"

"Gusto ko isang dosena." Napaayos ako ng upo.

"Isang dosena?" Hindi makapaniwala kong bulalas.

"Isang basketball team na 'yon tapos dance squad dapat lahat puro lalaki."

Napahalakhak ako sa sinabi niya. Alam kong seryoso siya pero nakakatawa kasi talaga.

"Hindi ako nagbibiro."

"Bakit may sinabi ba ako?"

"Bakit ka tumatawa?"

"Eh sa nakakatawa."

"Gano'n pala ha." Bigla niya akong tinulak ng marahan sa sandalan ng bench at kinulong sa gitna ng kanyang mga kamay. Ngumiti siya ng nakakaloko ngunit nakakapang-akit.

"Gusto mo," dahan-dahang bumaba ang kaniyang mga tingin sa labi ko pababa.

"Gawin na natin ang unang member ng basketball team?"

Pwede bang tumango?

Marahan ko siyang tinulak. Ngayon siya naman ang tumatawa.

"Kung nakita mo lang ang mukha, matatawa ka din."

"Baliw! Halika na nga!"

"Saan? Gagawa na ba tayo?"

"Argh! Nakakaasar ka! Mag-renta na tayo ng bike!"

"Ah. Akala ko mag-rerenta na tayo ng kwarto." Sobrang init na ng mukha ko na mas lalong nadagdagan ng makita ko ang tingin ng mga taong nakarinig sa sinabi ni Albert.

"Baliw ka talaga!" Mabilis akong naglakad papalayo subalit rinig na rinig ko pa din ang malakas niyang tawa.

"Babe. Wait lang!"

"Bahala ka diyan."

Tag-isa kami ng nirentahang bike at nagsimulang mag-ikot sa buong parke. Nasa gilid ko siya at naka-ngiti na parang baliw.

Bigla niyang inilahad ang isa niyang kamay.

"Hold my hands."

Inabot ko ito, kaya lang ilang minuto pagkatapos kong gawin 'yon, gumewang-geywang ang bike ko, pati na din ang sa kanya at pareho kaming bumagsak mabuti na lang at sa damuhan kaya hindi masakit.

Nakapatong siya sa akin, nagtama ang mga mata namin.

"Wala ka bang—" Mabilis niya akong hinalikan at naka-ngiting tumayo. Shock pa rin ako dahil sa nangyari kaya tinulungan niya akong makatayo.

"Natulala ka na?" Mabilis ko din siyang ninakawan ng halik at itinayo ang bike ko saka mabilis itong pinaandar.

"Babe! Ang daya mo!" Napatawa ako sa sinabi niya.

Today is 24th day of December at ilang oras na lang pasko na.

Nakabihis na ako para dumalo sa simbang gabi, kaming buong mag-anak. Maaga pa lang nakaluto na si Mama para sa noche buena.

"Martina, halika na. Baka wala na tayong maupuan."

"Opo Ma."

Pagkatapos ng misa, sasabihin ko na kina Mama ang tungkol sa amin ni Albert. Sigurado akong hindi 'yan siya magagalit, pasko eh.

Successful naman ang mission ko. Natapos namin lahat ng nakalista sa to-do list ko before mag-christmas at ang last eh, 'yong sabihin sa parents namin ang tungkol sa relasyon namin.

Isang regalo lang ang gusto kong matanggap ngayong pasko, 'yon ay ang balitang magaling na si Albert. It sounds impossible, pero sa diyos lahat posible 'di ba?

Makokompleto ko na ang simbang gabi, at 'yon ang hihilingin ko.

Palabas na sana ako ng kwarto ng makatanggap ako ng message galing kay Ate Rubs.

'Nasa hospital si Albert. Naghihingalo. Dalian mo kung gusto mo pa siyang makita sa huling pagkakataon.'

Naramdaman ko ang pag-uunahan ng mga luha ko. Sa isiping nasa loob ng kabaong si Albert, mas lalong bumilis ang pagtalo ng luha ko.

Tumakbo ako ng mabilis, walang paalam na umalis. Ang tanging nasa isip ko lang ay makarating ng hospital sa lalong madaling panahon.

Ilang ulit akong pumara ng taxi pero halos lahat may sakay. Naiinis na ako at gusto ko nang magwala.

May nakita akong deliveryman ng Jollibee. Mabilis ko siyang nilapitan at naki-usap na ihatid ako sa hospital. Sa kabutihang palad, pumayag siya.

Nang makarating kami, mabilis akong bumaba at tumakbo patungo sa kwarto ni Albert.

Ilang minuto ang nagdaan simula ng makarating ako, ngunit hanggang ngayon wala pa rin akong lakas ng loob na pihitin ang doorknob.

Natatakot ako. Sobra.

Isang malalim ba hininga ang hinugot ko at pikit-matang binuksan ang pinto.

Sa pagmulat ko, nakatalukbong na tao ang nakita ko at sa kaniyang tabi, walang humpay na umiiyak si Ate Rubs.

Nawalan ng lakas ang mga tuhod ko. Napa-upo ako at tila tubig ng talon, mabilis na nagsibagsakan ang mga luha ko. Nahuli ako. Huli na ako. Patawad Albert. Patawad.

Nang siguro'y maramdaman ni Ate Rubs ang presensiya ko, tumingin siya sa akin at patakbo akong yinakap.

Mas lalo akong napa-iyak sa ginawa niya.

"Bakit ngayon ka lang? Hinintay ka niya. Hinintay ka. Kaya lang, hindi na niya kinaya. Ang sabi niya mahal ka daw niya. Ikaw lang. Pero kung magmamahal ka nang iba, ayos lang sa kaniya basta huwag mo lang siyang kakalimutan."

Mas lalo akong napahagulhol, ayaw ko. Ayaw kong magmahal ng iba, siya lang ang gusto ko.

Kumalas ako sa yakap ni Ate at tumakbo patungo kay Albert. Tinanggal ko ang kumot at tinitigan siya.

"Albert. Albert." Marahan ko siyang yinugyog.

"Albert naman oh, bumangon ka na diyan. Marami pa tayong gagawin, sobrang dami pa. Albert kapag hindi ako nagkaroon ng anak, sisisihin kita. Albert!"

Kulang na lang, ibalibag ko ang katawan niya, magising lang siya. Hindi pa ako handang mawala siya. Bakit naman biglaan? Akala ko ba aabot pa siya ng bagong taon? Bakit naman ngayon pa?

"A-aray!" Halos tumalon ang puso ko sa sobrang gulat. Napaatras ako at hindi makapaniwala sa nakikita ko.

"Ma-martina? Anong ginagawa mo dito?" Do'n ko lang napansin ang mga galos sa katawan niya.

"A-ate Rubs?" puno ng takot kong tawag sa kapatid niya ngunit ng tumingin ako sa pwesto nito kanina, wala na ito.

Oo, gusto kong mabuhay si Albert pero huwag naman sanang ganito, nakakagulat eh.

"B-buhay ka?" puno ng takot kong tanong.

"Oo. Patay na patay lang naman ako sa pagmamahal mo. Kinilig siya."

Muling bumuhos ang luha ko at parang batang inaway ng kalaro niya, patakbo akong yumakap kay Albert. Ngunit mabilis din akong napalayo ng dumaing siya.

"Bakit?"

"Wala lang 'to. Pasa at galos lang." Kumunot ang noo ko.

"Lang? Saan mo nakuha ang mga 'yan?"

"Papunta kasi ako sa inyo kanina, kaya lang ang naaksidente ako. Kaya ito, nasa hospital ako."

"Sabi ng ate mo, naghihingalo ka na daw."

"Naghihingalo? Hindi naman grabe ang pinsalang natamo ko."

"May sakit ka 'di ba?"

"Sakit?" Nagsimula na akong maguluhan.

"Oo, sakit sa puso."

"Sa puso? Sobrang lusog ng puso ko para magkasakit."

"Totoo ba?"

"Oo." Lumuluha ko siyang yinakap, ngayon luha naman ng kasiyahan. Wala na akong pakialam sa mga pagdaing niya, bahala siya.

Mukhang naloko ako ni Ate Rubs.

Bigla siyang tumawa ng malakas.

"Mukhang umatake na naman ang kabaliwan ni Ate Rubs."

Sinimulan niyang ikwento ang parehong pangyayari na ginawa din ni Ate Rubs sa  mga kasintahan ng kapatid niya na ngayon kabiyak na ng mga ito.

Dapat ba akong magalit, o matawa na lang?

Ipinagdiwang namin pareho ang pasko sa loob ng hospital.

Malaki ang pasasalamat ko, na tinupad ng diyos ang kahilingan ko. Hindi man literal pero, natupad pa rin ang gusto ko.

All I want this Christmas is this man, named Albert Conarco.

Pagkaraan ng ilang minuto, nakatanggap ako ng text galing kay Ate Rubs.

'Open your messenger.'

Ginawa ko ang nakasulat sa text. I open my messenger at una kong nakita ay ang message galing kay Ate Rubs.

'Hey! Martina, it's a prank! Sana hindi ka nagalit sa ginawa ko. Hindi lang naman ikaw ang nabiktima ko. Hahaha. Take note lahat ng nabiktima ko, nakatuluyan ng mga kapatid ko, malay mo dahil din sa akin ikasal kayo. Hahahaha. Under this message is my peace offering and christmas gift sayo. Make sure that you will watch it with Albert. Enjoy!'

Narinig ko ang pagtawa ng katabi ko na nakikibasa sa message na 'di para sa kanya, kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Klinick ko ang video at nagsimula itong mag-play.

Mukhang nasa cafe shop ang setting dahil sa table na pamilyar sa akin. Pagkaraan ng ilang segundo, umupo kaming dalawa ni Ate. Hindi masyadong marinig ang pinag-uusapan namin, subalit may subtitle naman. Eksaktong-eksakto sa mga salitang binitawan namin ng araw na 'yon.

Unti-unting may nabuong ngiti sa aking mga labi ng magsimulang magbalik sa akin ang lahat.

Napuno ng kilig at tawa ang buong hospital room dahil sa aming dalawa habang patuloy naming pinapanood ang dramang kami ang bida.

Paano niya kaya nakuhanan ang lahat ng 'to?

The End.

Hope you enjoy reading guys.

Thank you and Godbless us all.

Merry Christmas and Happy New Year!