Chapter 3 - Sometimes In Reality

It's been three days since I came back here in the Philippines, sobrang dami nang nagbago sa loob ng limang taong wala ako dito. Mula sa mga estruktura hanggang sa mga taong iniwan ko dito.

Pati na siya. He changed a lot. Sa kaniyang itsura hanggang sa pag-uugali niya.

"Sa'n ka na naman pupunta Fern? Kaka-uwi mo lang kaya, ba't hindi ka muna manatili sa loob ng bahay at makipag-bonding sa mga pamangkin mo?" Napaharap ako kay kuya na nakatayo sa hamba ng pintuan habang nakapameywang.

"Kuya Glyde naman, madami akong oras para diyan since I'm staying here for good. Gusto ko lang ma-familiarized ang lugar natin para hindi ako magkanda-ligaw ligaw."

"Hindi tayo nakaka-sigurado diyan? Baka mamamaya may mangyaring hindi maganda sa'yo tapos matigi ka." Pabiro niyang sabi.

"Kuya! Huwag ka ngang magsalita ng ganyan, parang pinagdarasal mo na may mangyaring masama sa akin eh."

Naglakad siya palapit sa akin.

"Hindi naman sa gano'n bunso," yinakap niya ako nang mahigpit. "Gusto ko lang na, mag-stay ka dito to spend more time with us. You aren't here for five years remember, so we misses you a lot especially Mom and Dad." Mapait akong ngumiti at gumanti ng yakap kay Kuya.

"Na-miss ko din naman kayo, sobra, kaya lang may isang tao akong gustong-gustong makita."

"If you are referring to Jonathan, I'm telling you, you are just wasting your time," biglang sabi ni Sabrine, asawa ni Kuya Max, itong kayakap ko.

Close friend ko si Sabrine, natipuhan ni Kuya kaya niligawan niya, naging sila, sinong mag-aakala na mauuwi sa kasalan ang dalawa. Akala ko nga 'di sila magtatagal kahit dalawang araw dahil sa sobrang laki ng pagkakaiba nila sa mga hilig at ugali. Pero sabi nga, opposites attract.

Humiwalay ako ng yakap kay kuya at bumaling kay Sabrine na siya namang nakatayo sa may pintuan.

"Max, asikasuhin mo muna si baby Tyron, nag-popo, palitan mo ng diaper," napakamot na lang sa ulo si kuya at naglakad papasok ng bahay.

"I love you," rinig kong bulong ni Sabrine nang dumaan si Kuya sa tabi niya. Napangiti naman ang loko.

Naging seryoso ang mukha ni Sabrine nang lumapit siya sa akin.

"What do you mean?" Hindi niya ako sinagot bagkus hinila niya ang kamay ko at pinapasok sa kotse. Akala ko aalis kami pero do'n pala siya magke-kwento. Ayaw niya sigurong may makarinig sa amin.

Tahimik lang kami ng ilang minuto, hanggang sa binasag niya ito.

"He's already married. May anak na at kita ko namang masaya siya." Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Gano'n ba talaga ako, katagal nawala?

Siguro nga, limang taon ba naman kasi.

"Sinasabi ko sayo 'to para hindi masyadong mabigla at masaktan kung sakali mang makita mo siya at ang pamilya niya."

Bigla niya akong niyakap nang sobrang higpit, as if she was comforting me, hindi ko alam kung bakit. Napagtanto ko lang nang tumulo ang luha ko sa aking balat. Umiiyak na pala ako.

Inilabas ko lahat ng sakit, panghihinayang at pagsisising nararamdaman ko, hindi ko alam kung gaano katagal hanggang sa maramdaman kong wala na akong mailuha pa.

Bumitiw ako sa yakap ni Sabrine at lumabas ng kotse nang walang sinasabing kahit na isang salita. Tumakbo ako ng mabilis palayo. Isang lugar lang ang pumasok sa isip kong puntahan.

Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa lugar na 'yon.

Agad akong bumaba ng tumigil ang kotse. Tahimik kong pinagmasdan ang buong ancestral house nina Jonathan. Dito kami nagkakilala, sa bahay na 'to. Napangiti ako kasabay ng pagragasa ng alaala sa isip ko.

"Jonathan apo, ito si Fern. Siya 'yong kinekwento ko sayong palaging nandito at nakikipaglaro sa amin ng Lolo mo."

"Hi! I'm Fern."

"Hi. I'm Jonathan."

"You're cute. Common let's play."

...

"What are you doing Than?"

"I'm planting a tree."

"For what?"

"This tree will symbolizes our friendship."

"Really? Let me help."

...

"Than? Umiiyak ka ba?"

"Fern, patay na si Lolo."

"Ano? Tahan na magiging maayos din ang lahat. I'm sure masaya si Lolo mo kung nasaan man siya ngayon. Tahan na."

"Fern, ano ba 'tong malambot sa mukha ko? 'Yong ano mo ba 'to?"

"Bastos!"

...

"Alam mo ba may naikwento sa akin si Lolo dati. May naririnig daw silang umiiyak dito sa bahay."

"Huwag ka ngang manakot Fern."

"Hindi kaya ako nanakot. Totoo talaga. Meron talaga. Naririnig mo 'yon?"

"Yong ano? Wala naman."

"Pakinggan mo."

"Boo!"

"Ahhhhhhh!".

" Grabe, ang lakas ng tili mo. Para kang bakla."

"Bakla pala ha?"

"Oh, bakit hahalikan mo ako?"

"Hindi. Ife-flex ko lang ang muscles ko. Kita mo 'to?

" Taba lang ang mga yan."

"Itong abs ko, tigas oh. Taba ba yan?"

"Taba lang yan."

"Hawakan mo pa. Teka–namumula ka ba?"

"Hindi 'no."

"Namumula ka eh."

"Tumigil ka nga."

...

"Jonathan, congrats graduate na tayo ng college. Yehey!"

"Oo nga eh. Congrats."

"Bakit parang hindi ka masaya?"

"Hanggang ngayon kasi, hindi ko pa rin naririnig ang matamis na 'Oo' ng taong pinakamamahal ko."

"Masyado ka kasing atat, sasabihin ko pa lang dapat pagkatapos kong mag-congrats sayo eh na 'Oo' sinasagot ko na ang taong nakasama ko halos buong buhay ko."

"Hindi nga? Totoo?"

"Pwede ko namang bawiin kung ayaw mo."

"Hindi! Wag!"

"Hahahaha! Ang cute mo talaga."

...

Dumiretso ako sa malawak na bakuran ng bahay. Ang tataas na ng mga mga damo mukhang napabayaan na ito ng matagal na panahon. Ni hindi ko na makita ang bakas ng ganda nito dati na punong-puno ng kulay dahil sa iba't ibang kulay ng mga bulaklak.

Umupo ako sa lilim ng puno ng mangga at patuloy na inilibot ang aking paningin.

Napatigil ako ng makarinig ng tunog ng pagtigil ng kotse.

Huwag naman sanang si Jonathan 'yon.

Pero hindi ako pinagbigyan ng kapalaran. Mabilis akong tumayo at nagtago sa likod  ng puno. Patago ko siyang pinanood habang pinagmamasdan niya ang bahay. Gumuhit ang malapad na ngiti sa labi niya, naalala din kaya niya ang mga alaala namin dito?

"Dad! Whose house is this?" Napatingin ako sa batang lalaking lumapit sa kanya. Kamukhang-kamukha niya no'ng bata pa siya. Mula sa kapal ng kilay, tangos ng ilong, hugis ng labi at kasingkitan ng mata, sa kanyang sa kanya.

Kinarga niya ito. "This house belongs to your Lolo and Lola."

"You mean my great grandparents? Why are we here?"

"Cause today is your great grandmother's death anniversary."

"Why are we here instead in cemetery? We should visit her there."

"You have a point, son."

Ang talino ng bata. Hindi nagmana sa kanya. Buti na lang.

Bigla silang tumawang dalawa matapos may ibulong ang anak niya sa kaniya.

"Baka magalit ang Mom mo?"

"Hindi 'yan Dad. Trust me." Muli silang tumawa. Ang ganda ng mga ngiti niya, 'sing-ganda ng kulay ng ulap nang papalubog na araw. It looks fantastic. Na-miss ko 'yong mga ngiti niyang 'yon.

Pumasok sila sa loob ng bahay. Ilang sandali lang, sumunod ang napakagandang babae. Narinig ko na lang ang pagtili niya at ang malakas nilang tawa. Pinuno ng kanilang mga bungisngis ang kaninang tahimik na paligid.

Tama nga si Sabrine, masaya na siya. Kasalanan ko naman kung bakit ako nasasaktan ngayon. Kaya dapat hindi ako nagsisisi, o hindi naman talaga ako nagsisisi bagkus ay nanghihinayang, kung sana nakinig ako sa paliwanag niya noon, hindi ganto ang kalagayan namin ngayon.

Napakabobo ko naman kasi eh. Sobrang tagal ko na siyang kilala pero bakit hindi ko pa rin nagawang magtiwala sa kanya?

Five years ago, nahuli ko siya sa club na may kahalikang babae. Sinugod ko ang babae at ibinuhos sa kanya ang galit na nararamdaman ko pero hindi pa man ako nangangalahati, pumagitna si Jonathan. Sa ginawa niya, pakiramdam ko pinagtatanggol niya ang babae kaya mas lalo akong nagalit. Nag-walk out ako. Hinabol niya naman ako, pero hindi ko siya binigyan ng pagkakataong magpaliwang. Bago pa man niya maibuka ang mga labi niya, inunahan ko na siya, sinabi ko ang mga katagang parehong bumasag sa mga puso namin. I broke up with him at kinabukasan umalis agad ako ng bansa.

Last week lang, aksidente kong nakatagpo sa New York ang babaeng nakahalikan ni Jonathan sa bar.

"Miss, it's you right?"

"What are you talking about miss? I think you got the wrong person. Let me go, I'm in  a hurry."

"Five years ago, Moonhalo bar in the Philippines, I caught you kissing my boyfriend."

"Wait, I think I remember now. Tungkol do'n sa nangyari, I'm sorry. I'm just so broken and drunk that night kaya hindi ko alam kung anong ginagawa ko. Hindi ko sinasadya ang nangyari no'ng gabing 'yon."

"Dahil sayo naghiwalay kami ng boyfriend ko."

"Hindi ko na kasalanan 'yon. Oo, nagi-guilty ako sa nangyari pero nag-sorry na ako, tama na 'yon. If you really love your boyfriend, you should have listen to his explanations. Now, kung wala ka nang sasabihin, aalis na ako."

...

Dahil sa mga sinabi niya, nagising ako. Tama siya, dapat sinubukan kong makinig sa paliwanag ni Jonathan. 'Yon ang desisyong, pinaka-pinagsisihan kong hindi ko ginawa.

For the last time, tumingin ako sa bahay. Nakapagdesisyon na ako, hindi na ako magpapakita sa kanya. Masaya na siya at masaya ako para sa kanya. Hindi man buo, pero masaya ako.

Masaya ako na kahit minsan sa reyalidad ko, nakasama kita, sapat na 'yon. Ngayon, iba na ang reyalidad mo. Sila na ang kasama mo.

Ang tanging hiling ko lang ay sana, maging masaya ka habang-buhay. Ako, matagal pa siguro bago ko mahanap ang kasiyahang nararapat sa akin o kaya'y hindi na.

Salamat sa lahat, sa masasayang alaala pati na din sa malulungkot. I will treasured them forever.

Sana, kahit imposible, na kahit mahirap, kung magkita man tayo, kahit pagkakaibigan na lang, tatanggapin ko.

I wish you all the best, Jonathan. Goodbye.

Tumalikod ako at naglalakad papalayo kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.

I've learned a  lot of lesson.

Huwag nating pairalin ang galit kapag nagde-desisyon tayo, kasi dahil sa galit, nagagawa natin ang mga desisyong pagsisisihan natin at panghihinayangan.

Subukan din nating makinig sa mga  paliwanag. Alamin natin ang kwento ng magkabilang panig, pagkatapos no'n, gumawa tayo ng desisyon na sa tingin natin ay nararapat.

At higit sa lahat, subukan nating magtiwala sa taong nakasama natin halos buong buhay natin, na ultimo tunog ng paghinga niya alam natin pati na ang mga pinakatatago niyang sikreto. Kasi hindi sila gagawa ng bagay na makakasakit sa atin.

Alam kong may magsasabing mali ako sa pangatlo, pero 'yon ang natutunan ko at 'yon ang ibabaon ko sa puso't isip ko.

Pumara ako taxi at tahimik na umupo. Muli, paalam sa taong una kong minahal, sa taong naging matalik kong kaibigan at sa taong hindi ko pinagkatiwalaan, Jonathan.

Ngayon bahagi na lamang tayo ng alaala ng isa't isa, hindi na nang ating reyalidad.

The End...

Hope you've enjoyed reading.

Kamsahamnida!