Chereads / Anxious Heart / Chapter 4 - Kabanata 2

Chapter 4 - Kabanata 2

Nang pumasok kami ni Aryesa nung lunes na iyon, wala nga akong Greg na nakita. Bulong-bulungan din sa iskwelahan na kaya hindi na nakakapasok si Greg sa school ay dahil sa pang aaway sakin. Nawala na din yung nagtatry na mang-away sakin dahil sa takot na maging sila ay mapaalis sa school.

Kahit na ilang beses kong pinakiusapan si Daddy na palipasin na lang ang ginawa sakin ni Greg sa akin ay hindi ako nito pinakinggan. Kaya ganun na lang yung paninisi ko sa sarili ko ng malaman na wala na nga siya sa school.

Syempre naaawa lang din ako sa kanya, kahit na gaano man siya kasama ay alam kong may kabutihan pa din na natitira sa kanya.

"Hi Ali, sorry nga pala sa pang iinis namin sayo noon ha." Natatandaan ko itong mga lalaking ito! Ang mga ito ay mga kaibigan ni Greg!

"Uh..wala yon..sorry din ha?" panghihingi ko ng paumnahin sa mga ito.

"Bakit ka naman nagsosorry Ali? Wala kang kasalanan. Sila! Sila ang nambubully sayo! Dapat nga kasama sila sa pinatalsik ng daddy mo!" sabat ni Aryesa.

"Nako wag! Ali! Parang awa mo na wag! Last na talaga yun hindi kana namin iinisin promise yun!" pagsusumamo nito. "Pag may umaway din sayo, ipagtatanggol ka din namin! Promise yun! Di ba mga 'pre?" pagdadagdag nito. Nagsitanguan naman ang mga kasama nito.

"Nagsosorry ako kasi napaalis si Greg dito sa school dahil sakin. Hindi ko naman talaga siya gusto ipatalsik dito sa school eh." malungkot na sabi ko.

"Hmmp! Kasalanan nila yun Ali. Ang bait mo kasi masyado eh. Tsk." si Aryesa.

Pero yun ang totoo! Nagi-guilty ako!

Lumipas ang mga taon, 4th year high school student na ko. Graduating na kami! Kagaya noong elementary ako, madami ulit akong award ngayon! Valedictorian ulit ako ng batch ko! Pero di gaya noon, wala na kong expectation ngayon. Alam ko kasi na never akong masusuotan ng medalya ni Daddy.

Pero alam ko ngayon, mapapanood niya ko! Dahil isa siya sa Guest Speaker ng Graduation namin! Ang saya ko!!

"Ali! Nakita mo si Don Felipe! Sigurado akong proud na proud yun sayo! Excited na ko! Ikaw alam ko super excited ka na din!" tuwang tuwang sabi ni Aryesa.

"Syempre naman! Lalo na ngayon na andun si daddy!"

At nagsimula na nga ang program. Tinawag na yung mga honorable mention ng bawat section. At ang pinaka hihintay ko, kami na!

"Martina, Agatha Liondra, Batch Valedictorian" at naglakad na ko pa akyat ng stage kasama ni mama.

"Congratulations, proud na proud ako sayo anak" Bulong ni Daddy, sabay suot ni daddy ng medalya sakin. Napatulo ang luha ko! Nginitian ko siya at sabay tingin kay mama na sobrang saya din. Pakiramdam ko, ako na ang pinakamasayang babae sa buong mundo, pakiramdam ko pinakilala ako ni daddy bilang tunay niyang anak sa buong bayan! Kahit na ang totoo ay si Daddy naman talaga ang nagsusuot ng medalya sa mga nagkamit ng matataas na karangalan.

Matapos naming magpicture kasama ni Daddy ay binigyan na ako ng mikropono ng aking guro.

Umupo na si Daddy kasama ang mga guro sa aking eskwelahan na may matataas na katungkulan at maging ang tunay na asawa ni Daddy na si Donya Minerva Hermosa sa may upuan sa stage. Si mama naman ay bumaba sa may stage para panoodin ako.

"Ako na yata yung pinakamasayang tao sa mundo ngayon." Panimula ko, nagsisimula pa lang ako natulo na ang luha ko. "Hindi dahil sa nakapagtapos na ako ng sekondarya o dahil sa valedictorian ako, kung hindi dahil alam kong proud na proud sakin ang Mama at Daddy ko." pumikit ako upang namnamin ang tagumpay.

"Nagpapasalamat ako sa mga guro na nagturo sakin at gumabay para makamit ko ang tagumpay na ito. Salamat po sa mga paalala at sa kaalaman. Salamat sa pinakamatalik kong kaibigan na si Aryesa na kasama ko simula pagkabata hanggang ngayon, kay Tita Fely thank you. Salamat kay Mama, sa walang sawang pag gabay at walang sawang pagmamahal na binigay mo sakin Mama. Mahal na mahal kita." Sabay ngiti ko ng matamis kay mama.

"Salamat Daddy." Sambit ko sabay pikit, dahil hindi ko pwedeng tignan si Daddy sa kanyang pwesto dahil nasa likuran ko siya kasama ang ibang taong may mataas ng tungkulin sa aming lugar. "Daddy maraming salamat sa lahat, kung di po dahil sayo hindi ko po makakamit lahat ng ito. Kung hindi po dahil sa inyo ni Mama, wala po ako dito. Hindi po kayo nagkulang, naiintindihan ko po lahat lahat. Ang gusto niyo lang po ay protektahan ako sa lahat ng sakit at sa lahat ng pwedeng manakit. Thank you Daddy." pagkatapos kong sabihin iyon ay dumilat na ko at nakita ko si Mama na iyak ng iyak.

"Sa lahat ng kaklase ko at sa mga ka batch ko. Sabay sabay nating salubungin ang bagong yugto ng ating buhay! Gusto kong I-bahagi ang leksyon na itinuro sakin ng daddy ko." huminga ako ng malalim bago nagpatuloy.

"Ang buhay natin, hindi laging masaya, madalas komplikado pero lahat iyon ay may dahilan kung bakit nangyayari. Sa bawat kalungkutan ay may kasunod na kasiyahan. Lagi nating tatandaan na sa bawat pagsubok sa ating buhay ay may leksyon tayong matututunan. Kaya wag tayong susuko sa anumang hamon ang ibigay sa atin ng panginoon. Harapin natin ito ng buong tapang at lakas ng loob dahil sa huli makakamit din natin ang tagumpay! Maraming salamat po!" Sabay talikod ko para makita si Daddy na sobrang lawak ng ngiti. Bumaba na din ako pagkatapos.

Alam kong proud na proud sakin si Daddy at Mama. Ganun din ako sa kanila. Sobrang saya ko kahit na pagkatapos ng graduation ko ay hindi namin kasama si daddy dahil gabi na. Pero kahit na ganun, masayang masaya ako dahil sa iyon ang unang beses na nakasama ko si daddy sa entablado at siya mismo ang nagsuot sa akin ng medalyang siya ang ginawa kong inspirasyon.

-

"Daddy! Nakapag enroll na po kami ni Aryesa!" Magiliw na sabi ko.

"Don Pelipe, nakita nga po namin yung mga apo niyo sa unibersidad eh, ang gugwapo at ang gaganda po!" malanding pahayag ng kaibigan ko. Siniko ko lang ito at ng lumingon ay pinandilatan ko ng mata.

"Mag meryenda na kayo." Putol ni mama sa usapan namin.

Tuwing nakikita ko ang mga apo ni Daddy ay may lungkot akong nararamdaman, gusto ko kasi silang makabonding para maging close kami. Hindi naman nagkakalayo ang edad namin eh.

"Ang gwapo talaga niyang si Yuan ano?" putol ni Aryesa sa pag-iisip ko, simula nung nagpasukan ay lagi na nga naming nakikita ang mga Hermosa, kung noong high school ako ay si Yuan lang ang nakikita, ngayon pati yung ibang pinsan nito na hindi nalalayo ang edad kay Yuan at sakin ay nakita ko na!

"Iba talaga pag dugong Hermosa ano?" Napatungo ako ng marinig yun kay Aryesa.

"Daddy, kailan po tayo mamamasyal ulit?" Pangungulit ko kay Daddy.

"Ali, wag mo kulitin ang daddy mo. Ikaw na bata ka, pupwede ka namang mamasyal kasama ni Aryesa eh, basta uuwi bago mag gabi." Napanguso na lang ako kay Mama.

Nagdaan pa ang mga araw, ay kinukulit ko si Daddy sa pamamasyal. Pero dahil nga sa may inayos pang mga dokumento si Daddy ay hindi niya magawa.

"Ali Anak." Tawag sakin ni daddy ng makalabas ako ng gate ng university. Nakakagulat! Dahil sinundo niya ko! Pero ang mas nakakagulat ay ang isang matangkad at makisig na lalaki ang nasa tabi ni Daddy! Nilukuban ako ng matinding kaba ng makita ko siya!

"Ah...Ali una na ko ha? Ingat kayo!" Pagpapaalam ni Aryesa sakin. Tumango na lang ako pagkatapos lumapit na ko kay Daddy para yakapin siya.

"Hindi ba gusto mong mamasyal? Pasok na sa sasakyan." Tugon ni Daddy ng nakangiti.

Sa unahan umupo si daddy sa tabi ng driver,sa likod naman ako at ang mas kinagulat ko ay ang pag sunod ni Yuan sa tabi ko!

Dumadagungdong ang puso ko sa kaba! Hindi ko alam kung bakit ganito! Hanggang sa umandar na ang kotse, Hindi ko alam kung saan kami pupunta, hindi ko din naman kayang makapagsalita dahil sa matinding kaba na nararamdaman ko.

"Yuan, ikaw muna ang bahala kay Ali ha. I trust you." Parang naubusan ako ng dugo sa sinabi ni Daddy! Magsasalita na aana ako ngunit biglang sumagot si Yuan sa tabi ko.

"Yes lolo. Take care." Natahimik na lang ako, ganun din siya. Lumabas na si Daddy ng sasakyan, inalalayan naman siya ni Kuya Caloy at lumipat sila sa SUV na madalas na ginagamit ni Daddy pag napunta sa bahay.

"S-saan t-tayo p-pupunta?" Nauutal kong Tanong.

"Twin lakes." Magtipid nitong tugon.

Hindi lang isang beses nangyari ang pamamasyal namin ni Yuan! Nasundan ito, hanggang sa naging apat na beses sa isang linggo. Pero kahit na ganun ay pakiramdam ko ay may malaking pader pa din na naka pagitan sa aming dalawa. Kahit kasi madalas na kaming gumala ay hindi kami nag uusap.

"Bessy, anong plano mo sa 18th birthday mo?" Tanong ni Aryesa.

"Simpleng handaan lang ang gusto ko. Yung tayo tayo na lang, wala naman ako masyadong kaclose sa school eh. " ewan ko ba, yung ibang babae gusto nila bongga ang 18th birthday nila, pero ako? Kuntento na ko, Basta nandito sila Mama at Daddy.

"Philip, sobra naman na yata ito." Narinig kong sabi ni Mama kay Daddy ng nag uusap sila sa kwarto. Hindi ko naman sinasadya na marinig iyon. Nakaawang kasi ang pinto ng kwarto ni Mama, sakto naman na may kukuhanin ako sa kwarto ko kaya narinig ko.

"Alicia hindi, gusto ko lang siguraduhin ang kinabukasan niyo ni Ali." Sagot ni daddy.

"Pero sobra sobra ito Philip. Madami ka ng naitulong sakin, sa amin ni Ali." kahit hindi ko man nakikita, alam kong umiiyak si Mama dahil halata sa boses nito.

"Alicia, para ito kay Ali. Para sa kanya ito. Para sa kinabukasan niya, gusto ko lang siguraduhin na maayos kayo kahit mawala ako." Duon napatulo ang mga luha ko, pakiramdam ko na kahit hindi ako ang kausap ni Daddy eh ako ang sinasabihan niya noon.

"Alicia, aminin na natin. Matanda na ako, hindi na ako malakas kung ikukumpara noon. Madami na akong pagkukulang kay Ali. Kahit naman sa paraang ito ay mapunan ko iyon." Gusto kong sabihin kay Daddy na hindi siya nagkulang. Gusto kong yakapin si Daddy ng mahigpit, pero hindi ko magawa sa ngayon.

-

Dumating ang kaarawan ko, kagaya ng gusto ko simpleng handaan lang ang naganap. Wala akong ibang bisita kung hindi ang pamilya ni Aryesa. Nandito din si Daddy at ang pamilya ni Kuya Caloy.

"Happy birthday Sa pinaka magandang Hermosa na kilala ko!" sigaw ni Aryesa. Napatingin na lang ako kay Daddy at Mama na natahimik sa sinabi ni Aryesa.

"Nako Aryesa, kumain ka na lang ng kumain dyan. Dada ka ng dada, tapalan ko ng tinapay yang bibig mo eh!" bulyaw ni Tita Fely. Napangiti na lang ako sa kanila,

Nagpatuloy ang pagkukwentuhan ng mga matatanda. Wala tuloy akong ibang ginawa kundi makinig sa kalandian ni Aryesa.

Sumapit na ang ala-sais ng gabi nang mapagpasyahan nilang umuwi. Pati si Daddy.

"Happy Birthday anak, mahal na mahal ka ng daddy ha? Yung regalo ko, kay Mama mo kunin" Sabay ngiti ni Daddy.

"Ikaw talaga Daddy, di ko naman po kailangan ng gift eh! Osya, ingat po kayo sa pag uwi, I love you Daddy!" Sabay higpit ko ng yakap sa kanya.

Papasok na si Daddy sa loob ng kotse nang biglang sumigaw si Kuya Caloy!

"Alicia! Ali! Si Don Pelipe nako!" Sigaw nito.

"Daddy!" Umiiyak na sigaw ko sabay takbo sa direksyon kung nasan si Daddy! Nakahandusay na siya sa sahig at walang malay!

Lord, please hindi ko po kakayanin kapag may nangyaring masama sa Daddy ko.