Chereads / Wild Blood / Chapter 16 - Save Him Or Save Yourself

Chapter 16 - Save Him Or Save Yourself

MALALIM NA ANG GABI at maririnig ang malalakas na mga alulong ng mga asong ligaw sa paligid; maging ang mga paniki na tila ba nasisiyahan sa nagaganap na trahedya sa buong akademya ay kalat na kalat din.

Amoy ng nabubulok na hayop ang kasalukuyang maamoy sa paligid na kahit na sino ay mapapatakip ng ilong sa oras na malanghap ito. Madilim sa loob ng kwarto kung saan nakagapos ng paharap sa isa't isa ang dalawa sa mga estudyante ng seksyon Euclid na matagal nang nawawala. Maliban na lang sa bombilya ng ilaw na aandap-andap na na kailangan nang palitan na nasa gitna ng silid.

Nakaupo ngunit nakatali ang mga kamay at mga binti ng dalawa sa isang malamig na bakal na silya. Sa kanila nakatapat ang bombilya kung kaya ay kitang-kita ang sitwasyon ng dalawa. Pawang natutulog ang mga ito habang parehong nakayuko ang mga ulo.

Walang anu-ano'y bigla na lamang nagising si Miko mula sa isang nakakatakot na bangungot. Malalaking butil ng pawis ang makikitang namuo sa noo ng binata. Mas nadadagdagan pa ang kanyang takot nang pagtaas niya ng kanyang mukha, at magpokus ang kanyang mga mata sa dilim ay nakita niya si Mayumi na parehong-pareho sa kanyang sitwasyon.

Sinubukan niyang tanggalin ang lubid na nakatali sa kanya ngunit miski ang kaunting paggalaw ng kanyang mga kamay ay humahapdi na dahil sa galos.

"T-tulong!"

"So... gising ka na pala! Wait—hindi pa pala nagigising ang prinsesa." Bigla na lamang lumabas mula sa dilim ang isang tao habang nakasuksok sa bulsa ng kanyang suot na itim na jacket ang kanyang mga kamay.

"Putangina mo! P-pakawalan mo kami dito!" puno ng galit na sambit ni Miko nang mapagtantong kilala niya ang boses na iyon. Hindi man niya masyadong maaninag ang mukha ng nagsalita dahil sa dilim, kilalang-kilala naman niya ang boses nito.

Tumalikod ito saglit at saka may kinuha sa likod. Pagbalik nito ay may dala na itong isang balde na puno ng malamig na tubig na may halong mga tipak ng yelo. Mayamaya ay bigla niya itong ibinuhos sa ulo ng natutulog na si Mayumi. Maging si Miko ay nabasa rin kung kaya ay nanginig siya sa lamig. Dahil sa ginawang ito ng misteryosong tao, ay agad na nabalikwas ng bangon si Mayumi. Tila ba mula siya sa pagkakalunod sa laki ng ibinuka ng kanyang bibig.

"P-please... p-pakawalan mo na ako..." pagsusumamo ni Mayumi.

Malaki ang binagsak ng katawan ng dalaga sapagkat ilan araw na rin itong hindi kumakain. Tanging tubig lamang na mula pa sa isang maruming balon ang ipinapainom sa kanya ng mga kum-idnap sa kanya mula sa stock room ng kantina. Nandiri siyang inumin ito noong una ngunit unti-unti na rin niya itong nakasanayan. Noong isang araw pa kumakalam ang kanyang sikmura ngunit hindi man lang siya pinakain ng mga kum-idnap sa kanya. Samantalang si Miko naman ay hindi pa gaanong nagugutom dahil ilan oras pa naman ang nakakalipas simula ng kidnap-in siya mula sa restroom.

"Wala kang awa!" bulalas ni Miko dahilan upang sampalin siya nito sa mukha. "P-paano mo nagawa 'to sa amin?!"

"Sa akin wala kayong atraso... pero sa taong nasa likod nitong lahat—malaki!" puno ng diin na utal nito.

"Sino? 'Yong boses ba na nasa campus speaker? Kaya pala! Kasi pareho kayong mga kampon ng demonyo!" sambit ni Miko na may halong panggigigil. "Tinuring pa naman kitang kaibigan."

"Sa pagkakaalala ko wala akong tinuring na kaibigan... kahit na isa sa inyo!"

"M-miko, tama na..." utal ni Mayumi na halatang nanghihina na.

"No, Mayumi. Kailangan nating ipaglaban ang buhay natin ngayon."

"Speaking of ipaglaban. I am giving Mayumi the right to choose kung mabubuhay pa kayo pagkatapos nito," misteryosong saad ng killer at saka bumaling ito kay Mayumi. "So, Mayumi... pumili ka. Save Miko or save youself?"

Napaawang ang bibig ni Miko sa gulat.

[Malamang pipiliin ni Mayumi na maligtas ang sarili niya!]

"W-what?! No... I w-will not dare play your e-evil game... P-pakawalan mo na lang kami..." nanghihinang sambit ni Mayumi habang nakayuko ito, pagkatapos ay dahan-dahan itong tumingin sa mga mata ni Miko.

"M-mayumi..." maluha-luhang turan ni Miko sapagkat hindi siya makapaniwalang gagawin iyon ng dalaga. "J-just save yourself."

Noon pa man ay may tinatago nang pagtingin si Miko sa dalaga. Kada dumadaan itonsa kanyang harapan ay hindi niya mapigilang amuyin ang halimuyak nitong nakakabaliw. Tila ba dinadala siya sa ikasiyam na alapaap. Maging ang mga ngiti nito ay mistulang nagpapatulala sa binata.

Alam niyang marami pang pangarap sa buhay itong si Mayumi. Ni programa na lalabas ang dalaga sa telebisyon ay hindi niya pinapalagpas. Saksi rin siya sa unti-unting pag-abot nito ng kanyang mga pangarap. Kaya hindi niya maaatim na mamatay ang dalaga nang dahil lamang sa kanya at tuluyan na nitong hindi maabot ang mga pinapangarap nito.

"Kung hindi ka talaga pip—"

"N-no! W-wait... p-pipili na ako..." mahinang tugon ni Mayumi at saka dahan-dahan itong tumingin sa mga mata ni Miko—puno ng awa. "M-miko... I'm s-sorry but I have to do this... for my dreams."

Sa simula pa lang ay alam na ni Miko na mas pipiliin ng dalaga na sagipin ang sarili niya kaysa sa kanya.

[Sino ba naman kasi ako para i-save niya? I'm just a nobody para sa kanya.]

Nalungkot siya sa kanyang naisip. Tanggap na niya na hanggang dito na lamang siya.

"So... what do you choose?" nagagalak na tanong ng killer.

"I'm s-saving myself," aniya at saka dahan-dahan itong yumuko.

"Well... if you think that ako ang papatay sa lalaking ito—nagkakamali ka. Because I'm leaving that business to you. In order for you to fully save yourself from death," utal nito at saka dahan-dahan itong yumuko sa gawi ni Mayumi at bumulong sa mga tainga nito. "you have to kill him." Mala-demonyo itong ngumiti.

Lumaki bigla ang mga mata nina Mayumi at Miko. Hindi sila makapaniwala na kailangan pa pala nilang patayin ang isa sa kanila. "G-gawin mo na, Mayumi..." utal pa ni Miko at saka yumuko ito. Unti-unti na ring namumuo ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata.

Matapos ang ilang sandali ay pinakawalan ng killer si Mayumi mula sa pagkakagapos nito. Muntikan pang matumba ang dalaga nang makatayo ito sapagkat ilang araw na rin itong hindi nakakagalaw at nakakatayo. Hinang-hina siya na tinanggap ang nail gun na inabot ng killer sa kanya upang kitilin ang buhay ni Miko. Saglit niya pang inilibot ang kanyang paningin sa buong paligid upang siguraduhin na walang kamera sa loob. Natatakot kasi siyang malaman ng buong mundo na nakapatay siya at baka ito pa ang maging mitsa upang hindi siya sumikat ng lubusan.

Nagsimula nang mamuo ang ilang butil ng pawis sa kanyang noo at sintindo dahil sa kaba pagkahawak niya sa mabigat na nail gun. Hinawakan niya ito nang mahigpit gamit ang kanyang dalawang kamay habang nakatutok ito sa sahig.

"May prize ako sa 'yo if ever magawa mo ang pinapagawa ko sa 'yo. Ahihi..." utal ng killer matapos ay humaklak ito ng mahina. "Ang tagumpay ay may gantimpala, ang kabiguan ay may nag-aabang na kaparusahan."

Sandaling ipinikit ni Mayumi ang kanyang mga mata upang pakalmahin ang kanyang sarili. Makaraan ang ilang segundo ay kinalabit niya ang gatilyo ng naturang nail gun sa direksyon ng kinauupuan ni Miko. Limang beses niya itong ginawa. Inisip na lamang niya na isa ito sa kanyang mga hakbang upang mailigtas ang kanyang sarili sa kamatayan. Narinig niya pang umungol si Miko dahil sa sakit. Sakit na nagawa siyang patayin ng kanyang sariling minamahal.

Pagbalik niya sa reyalidad ay natunghayan na lang niya na patay na si Miko. May mga tumusok na pako sa noo, sa kaliwang mata, at maging sa pisngi nito. Nagsimula ring umagos ang pulang mga dugo sa mga butas na ginawa ng mga pako. Hindi makapaniwala si Mayumi na nagawa niyang mapaslang ang nasabing binata.

"I j-just did it. I have already k-killed him. G-give me my prize," puno ng diin na sambit ng dalaga.

"You're too excited, young lady." Tumawa ito saglit. "Ok, here it is."

Inabot ni Mayumi ang isang kahon ng donuts at isang bote ng softdrinks na ibinigay ng killer sa kanya. Agad na nagningning ang mga mata ng dalaga dahil sa natanggap. Amoy na amoy niya ang mga donut kahit na hindi pa niya ito tuluyang nabubuksan. Sandali siyang nagalak sapagkat masasagot na nito ang gutom na ilang araw na niya ring natatamasa.

"S-salamat dito..." aniya. Nakita pa niyang ngumisi ng nakakakilabot ang killer ngunit ikinipit-balikat na lamang niya ito. Ang importante sa kanya ay ang magkalaman na ang kanyang kumakalam na na sikmura.

Pagkabukas niya sa kahon ay may nakita siyang anim na donut na siyang laman nito. Iba't iba ang mga disenyo nito na lalong nagpaningning sa mga mata ni Mayumi.

Agad niyang nilantakan ang apat sa mga ito nang sabay-sabay. Walang palya. Gutom na siya kung kaya ay wala na siyang pakialam kung mabilaukan man siya sapagkat may softdrinks naman siyang maiinom pagkatapos.

Walang anu-ano'y napatigil siya sapagkat nabibilaukan na siya. May mga nakapalaman palang mga thumbtacks ang mga nasabing donut. Bumara na ang ilan nito sa kanyang ngala-ngala at lalamunan dahilan upang magkasugat-sugat ang mga ito. Nalalasahan na rin niya ang mala-bakal na lasa ng kanyang sariling dugo. Agad na inabot niya ang bote ng softdrinks na nakapatong sa silya na inupuan niya kanina, at ininom ito. Ngunit gayon na lamang ang hilakbot niya nang maramdaman niyang tila ba may sumusunog sa kanyang lalamunan at dila. Pilit siyang dumuwal upang maisuka man lang ang mga nakabarang thumbtacks ngunit tuluyan na palang dumikit ang ilan nito sa kanyang lalamunan. Halos mapuno na rin ng masagang dugo ang kanyang bunganga.

"P-paano?" Hindi makapaniwala si Mayumi na nagawa siyang paglaruan ng killer. Maging ang pagkitil sa buhay ni Miko ay ipinagawa rin sa kanya.

Mayamaya ay tuluyan nang binawian ng buhay ang dalaga. Isang malungkot na ngiti ang kanyang iginawad sa direksyon ng killer sapagkat mababaon na sa limot ang pangarap niyang maging isang sikat na artista at modelo.

Humalakhak ang killer habang tinitingnan ang mga bangkay nina Mayumi at Miko na nagsisimula na ring dapuan ng langaw.

["2 down. 10 more to go, my dear classmates."]