Chereads / Moonville Series 1: Secret Lovers / Chapter 73 - The Backstory

Chapter 73 - The Backstory

Ipinagpatuloy ni Benjie ang pagkukwento tungkol sa kasaysayan nina Alice, Ricardo Quinto at Gloria de Vera.

"Kaming tatlo nina Ricky at Alice, we went to the same high school. Ahead ako sa kanila ng two years. Silang dalawa, magkaklase. Public school iyon. Hindi naman kami mayaman 'di tulad ng mga de Vera. Ang mga Quinto naman noon, nagsisimula pa lang sa food business. I think isang restaurant pa lang noon ang hawak nila.

"I've known Alice since elementary. Schoolmates na kami since then. Si Ricky naman, nakilala lang ni Alice nung mag-high school na siya. And I think first day of school pa lang niligawan na ni Ricky ang mommy ninyo. Iyon nga lang, your mom is in love with someone else. Elementary pa lang kasi kami, crush na niya ako."

Benjie smiled fondly. "Siya mismo ang nagsabi noon. Iyon ang dahilan kaya kahit pursigidong manligaw sa kanya si Ricky ay hindi niya ito sinasagot. Kahit anong tiyaga ang gawin nitong isa, ayaw pa rin ng mommy ninyo kasi nga ayaw niyang dayain ang puso niya sa pakikipagrelasyon sa taong hindi naman niya gusto. Hindi rin naman kasi madaling turuan ang puso na mahalin ang isang taong hindi nito gustong mahalin."

"Kagaya ko," ani Benjie. "Your mom is a great person. Maganda siya, matalino. But my heart is tied up to my dream. Ang mga pangarap ko sa buhay ang mas mahalaga para sa akin. Iyon ay dahil na rin sa gusto kong maiahon ang pamilya namin sa hirap. Really, we were struggling back then. Kung anuman ang natatamasa ninyo ngayon, hindi namin iyon naranasan dati. Kaya naman nasa pag-aaral lang ang focus ko noon, at hindi ko magawang mag-isip ng ibang bagay katulad ng pag-ibig at pakikipagrelasyon.

"Iyon namang si Ricky, matiyaga rin sa panliligaw sa mommy ninyo. Ilang beses na siyang nabasted, pero sige pa rin siya. Kahit pahirapan pa siya ni Alice, hindi niya iyon iniinda. Hanggang dumating doon sa punto na maging ang pamilya niya, naiinis na rin kay Alice dahil nga sa hirap na dinaranas ni Ricky sa panliligaw sa kanya. Sinasabihan na siya ng mga magulang niya na tumigil na pero hindi siya nakikinig sa mga ito.

"Pero wala nga sigurong hindi nakukuha sa tiyaga. Kalaunan ay nagustuhan na rin ng mommy ninyo si Ricky. Binigyan niya ng pagkakataon ang sarili niya na mahalin ito. Kaya sinagot niya ito at naging magkasintahan sila. Iyon nga lang, hindi naging madali ang lahat. Lalo na noong mga panahong iyon, gumaganda na ang takbo ng negosyo ng mga Quinto. Iniisip ng mga kapamilya ni Ricky na kaya lang siya sinagot ni Alice ay dahil sa maganda na ang buhay nito."

"They thought mom was a gold digger?" tanong ni Angel.

Tumango si Benjie. "Hmn. Ganoon na nga. At hindi naging maganda ang pakikitungo ng mga ito sa mommy ninyo. Harap-harapan kung ipakita nila na hindi sila sang-ayon sa relasyon nila ni Ricky. I guess hindi rin naman natin sila masisisi. Nakita nila kung paanong nabigo si Ricky dahil kay Alice, kung gaano siya naghirap sa panliligaw dito.

"Nang mag-college kami, nakakuha kami ng scholarships sa CPRU. Kami ng mommy ninyo, parehong Accountancy ang kinuha. Si Ricky naman, BS Biology. Iyon ang kinuha niyang pre-med course dahil balak niyang kumuha ng Medicine after. Doon naman niya nakilala si Gloria de Vera. Magkaklase sila. Noong panahong iyon, dahil hindi pa ganoon kadami ang mga estudyante at hindi pa ganoon kakomplikado ang mga kurso, block sections pa ang sistema sa CPRU. Kaya sina Ricky at Glory, magkaklase sila sa lahat ng subjects nila. Kaya naman naging magkaibigan sila at naging malapit sa isa't isa.

"The Quintos love Glory. Mabait kasi ito, at kahit na nagmula sa mayamang pamilya ay hindi ito matapobre. Just like your father." Tumingin si Benjie kay Bryan. "Kaklase ko siya at siya ang naging best friend ko sa college. And we had this dream of putting up the first accounting firm here in Tarlac Province. Magkasama kami hanggang sa mag-review kami sa Manila at mag-take ng board exam.

"Habang hinihintay namin ang resulta ng board exam, nagtrabaho muna kami sa Manila. Noong makapasa na kami, pumasok kami sa isang auditing firm bilang paghahanda sa itatayo nga naming auditing firm dito sa Tarlac. That time, sa Manila na rin nag-aral sina Ricky at Glory dahil wala pa namang Medicine sa CPRU noon, o kahit sa anong pamantasan dito sa Tarlac. At dahil doon, naging malapit pa lalo sila sa isa't isa.

"Things started falling apart naman kina Ricky at Alice. Siguro dahil na rin sa long distance ang relationship nila. Tapos, hindi rin maiwasan ni Alice na magselos kay Glory lalo pa nga at tahasang ipinapakita ng mga Quinto na si Glory ang gusto nila para kay Ricky. I guess, it just got worse. Naghiwalay sina Ricky at Alice, at sobrang nasaktan ang mommy n'yo dahil doon. Hindi lang kina Ricky at kay Glory nagalit si Alice, kundi maging sa mga magulang at kapatid ni Ricky. Lalo na noong tuluyang magkaroon ng relasyon sina Ricky at Glory.

"Alice became my friend. Sabi ko nga, elementary pa lang magkakilala na kami. Kahit ahead ako ng dalawang taon sa kanya, lagi rin naman kaming nagkakasama sa mga clubs and organization, tulad ng JPIA. Kaya noong mag-review at magtrabaho din siya sa Manila ay tinulungan ko siya. Noong magkagalit kami ni Raul at magpasya akong bumalik ng Tarlac upang ituloy mag-isa iyong binabalak naming accounting firm, niyaya kong sumama si Alice. Dahil sa galit siya noon sa mga Quinto at pati na rin kay Glory na kapatid ni Raul, pumayag siya at nangakong tutulungan na matupad ang pangarap ko para maipamukha kay Raul na kaya kong gawin iyong pinaplano namin kahit na hindi ko siya kasama. And eventually, I let myself fall in love and since si Alice ang laging nandiyan para sa akin, siya na ang minahal ko."

Saglit na natahimik ang lahat pagkatapos magkwento ni Benjie.

"That was..." Hindi malaman ni Angel ang sasabihin.

"It's more than twenty years ago. Bakit hanggang ngayon hindi pa rin maka-move on si Mommy?" ang tanong naman ni Alex.

"I guess nasaktan lang talaga siya ng sobra," ani Benjie.

"Dad, twenty years! Ang tagal na noon. Did she even try to let go? Was it because of the closure between him and Ricky Quinto that never happened? Iyon ba ang dahilan?"

"Whatever it is, intindihin na lang natin ang mommy ninyo."

"Dad, andiyan ka na sa buhay niya, eh. In the first place, she loved you before that Ricardo Quinto. Tapos, noong naging kayo, was it only because she wanted a rebound?"

"Alex!" saway ni Angel sa kapatid.

"Hindi ko lang maintindihan kung bakit hanggang ngayon hindi pa siya maka-move on. Ang tagal na noon. May asawa na sila pareho and their kids are already in college. Why do we still have to suffer?"

"Try to understand your mom, Alex," ani Benjie sa anak. "Don't worry. We will find a way to fix this." Saka ito tumingin kay Bryan. "Tell this to your parents, Bryan. We need their help."

Tumango si Bryan. "Opo, Tito."

"Right now, let's try to calm ourselves for us to think of a better solution to this," ang sabi pa ni Benjie. "Angel, ikaw na muna ang bahala dito kay Alex. I'll try to talk to your mom."

"Yes, Dad," ani Angel.

Umalis na si Benjie at hinanap ang asawa. Si Bryan naman ay nagpaalam na rin.

"Pupuntahan ko muna si Richard," aniya. "Baka hanggang ngayon nandoon pa rin iyon sa CPRU at naghihintay sa'yo."

"Please tell him that I really wanted to come," ani Alex dito.

"I will. Ipapaliwanag ko sa kanya ng mabuti."

Umalis na rin si Bryan. Ang dalawang magkapatid na lamang ang naiwan sa balkonahe.

"Ate, I'm sorry." Niyakap ni Alex ang kapatid. "I never wanted it to be like this."

"I understand. Pero sana, sinabi mo na ang totoo. Sana sinabi mo nang may alam ako sa relasyon ninyo."

"No, Ate. Tama si Richard. Minsan sarili ko lang ang iniisip ko. Kaya napapahamak iyong mga tao sa paligid ko. Kagaya mo. Kagaya ninyo ni Bryan. Nadamay pa kayo."

"Ewan ko kung tama bang sabihin ko ito ngayon, pero nagpapasalamat ako na me and Bryan happened. It was one of the most wonderful things that had happened in my life. Wala akong pinagsisisihan. Siguro, kung may inaalala man ako, iyon ay ang maling simula at pinagmulan noon. Kaya naman heto tayo ngayon. Nahihirapan, nasasaktan."

"Basta Ate, kahit anong mangyari, ayoko nang madamay ka pa sa mga problema ko. You've done enough already. Ayoko nang mahirapan ka pa ng dahil sa akin."

"You're my sister, and my best friend. Gusto kong tulungan ka at madamay sa mga problema mo dahil mahal kita. Lagi mong tatandaan iyan."

Nagyakap ang dalawang magkapatid na pareho na ring lumuluha dahil sa bigat ng mga pangyayari ngayon sa kanilang buhay.

💜💜💜

𝐻𝑒𝑎𝑣𝑒𝑛 ℎ𝑎𝑠 𝑛𝑜 𝑟𝑎𝑔𝑒 𝑙𝑖𝑘𝑒 𝑙𝑜𝑣𝑒 𝑡𝑜 ℎ𝑎𝑡𝑟𝑒𝑑 𝑡𝑢𝑟𝑛𝑒𝑑, 𝑛𝑜𝑟 ℎ𝑒𝑙𝑙 𝑎 𝑓𝑢𝑟𝑦 𝑙𝑖𝑘𝑒 𝑎 𝑤𝑜𝑚𝑎𝑛 𝑠𝑐𝑜𝑟𝑛𝑒𝑑. ~ Wɪʟʟɪᴀᴍ Cᴏɴɢʀᴇᴠᴇ