Chereads / Moonville Series 1: Secret Lovers / Chapter 70 - Final Test

Chapter 70 - Final Test

Friday noon. Hindi mapakali si Alice sa opisina niya sa MPCF and Associates sa kaiisip. Nasa may mesa niya ang sulat ni Richard Quinto sa anak niyang si Alex at doon siya nakatingin habang pabalik-balik siyang naglalakad sa may likuran ng executive chair niya. May naisip na siyang plano ngunit medyo kinakabahan siya sa gagawin niya.

Kinakabahan siya hindi dahil sa takot siya sa gagawin niya. Kinakabahan siya dahil sa takot siyang malaman na totoo ngang may relasyon si Alex at Richard. Oo. At this moment in time ay gusto pa rin niyang maniwalang mali ang mga nabasa niya sa sulat. Na wala talagang relasyon sina Alex at Richard. Na hindi talaga magkikita ang dalawa mamaya sa CPRU.

O, kung totoo man, at least nagtapos na ang lahat. Gusto niyang maniwala na hindi sisipot si Alex sa tagpuan nila ni Richard. Na nagsisisi na ito sa pagsuway sa utos nila ni Benjie kaya hindi na nito ipagpapatuloy ang kasalanang nagawa nito sa kanila.

Pero kung magkaganoon man, ano ang gagawin niya? Palalampasin na lamang ba niya ang ginawang kapangahasan ng anak? Wala na ba siyang gagawin pang hakbang upang malaman nitong alam na niya ang lahat at talagang na-disappoint siya sa natuklasan?

She doesn't know the answer. Hindi siya makapag-isip ng tama. Ang tanging naiisip niya ay ang plano niya para sa nakatakdang pagkikita nina Alex at Richard. Napatingin siya sa wall clock sa kanyang opisina. One o'clock in the afternoon. Kailangan na niyang umpisahan ang kanyang plano.

With that ay kinuha niya ang wireless landline phone at idinial ang numero sa opisina ng kaibigang si Elvie. Kaagad naman nitong sinagot iyon.

"Hello, good afternoon!"

"Hi, Elvie!" Pilit pinasaya ni Alice ang boses.

"O, Alice! What's up?"

"Well, uh, can I ask you a favor?"

"Hmn? Ano na naman iyon?" Kunwa'y gustong umayaw ni Elvie.

"Ikaw naman! Bakit ganyan na kaagad ang tono mo? Parang hindi tayo magkaibigan niyan," paglalambing ni Alice. Alam naman niyang biro lang ang pag-iinarte ni Elvie.

"O, ano na nga kasi iyon? Lagi ka na lang pabor. Hindi mo man lang ako ilibre ng kape."

"Sige, ipapadeliver ko sa office mo mamaya."

"Hayan! O, ano na nga iyong favor na hihingin mo?"

"Ano kasi, 'di ba last day of exams ngayon? Gusto ko lang naman kasing i-treat iyong mga bata. Alam mo na, for all their hard work. Gusto ko sana silang i-surprise. Eh, pwede mo bang sabihin sa akin iyong last exam nila mamaya? Kung anong oras matatapos?"

"Wow! Ang sweet, ha?"

"Siyempre naman! Ako pa?"

"O sige, tutulungan kita. Iyong kay Angel, easy lang iyon kasi dito sa BS siya. Pero iyong kay Alex, mukhang mahihirapan tayo ng konti."

"Ikaw naman! Alam naman natin na marami kang koneksiyon diyan. Marami kang friends."

"Asus! Nambola pa!"

"Totoo iyon, ha? Sige na, Elvs. Dagdagan ko na lang ng favorite muffin mo iyong kape."

"O sige na! Itatanong ko na sa school nila."

"Thanks, Elvs."

"Yung kape ko, ha?"

"Oo na. Sige na. I have to go."

"Ite-text ko na lang sa'yo mamaya."

"Okay. Bye, Elvs. Thanks."

"You're welcome. Bye!"

Ibinaba na niya ang telepono. Pagkatapos ay tinawag niya ang kanyang assistant.

"Paki-order ng kape si Elvie. Padala mo na lang sa office niya. Tsaka pala yung favorite muffin niya."

"Okay po Ma'am."

"That will be all. Thanks."

Lumabas na ang assistant. Kabisado na ng assistant niya ang paboritong muffin at kape ni Elvie. Madalas din kasi itong dumalaw sa office nila, o kaya naman ay pinag-o-order niya talaga ito ng kape at pinapa-deliver sa opisina nito sa CPRU Business School.

Ilang sandali pa ay nakatanggap na siya ng text message mula kay Elvie.

3-4๐˜—๐˜” ๐˜บ๐˜ถ๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜ˆ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜น. 3-5๐˜—๐˜” ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜บ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฆ๐˜ญ.

Nag-reply din siya kaagad dito.

๐˜›๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฌ๐˜ด ๐˜Œ๐˜ญ๐˜ท๐˜ด. ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ง๐˜ง๐˜ฆ๐˜ฆ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ง๐˜ง๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ...

Tapos na ang unang bahagi ng plano niya. Mamayang alas-cuatro ng hapon niya isasagawa ang susunod niyang hakbang.

โš ๏ธโš ๏ธโš ๏ธ

Katatapos lamang ng final exam ni Alex para sa term na iyon. Kasalukuyan siya ngayong naglalakad sa corridor palabas ng School of Arts and Humanities. Naglalakad siya ng walang patutunguhan. Hindi nga niya nakikita ang kanyang dinaraanan. Nakatingin siya sa harapan pero sa malayo ang tanaw ng kanyang paningin.

Pupunta ba siya sa tagpuan nila ni Richard? Ilang oras na niyang pinag-iisipan ang bagay na iyon. Kanina pa bago magsimula ang kanyang huling exam ay hindi na siya mapalagay. Mabuti nga at nakapag-concentrate pa siya at nasagutan niya ng maayos ang exam niya. Kung hindi ay malaki ang chance na bumagsak siya sa subject na iyon.

At ngayon nga, tapos na ang lahat. Wala na siyang dahilan pa para hindi makapunta sa tagpuan nila. Pero, pupunta nga ba siya? Gusto ba niyang pumunta? Gusto ba niyang makita ulit si Richard?

Oo. Oo ang sagot sa dalawang tanong na iyon. Matapos ang ilang araw at gabing pag-iisip, napagtanto niyang nagkamali siya. Sobra siyang naging selosa. Wala nga namang masamang intensiyon si Richard sa pakikipagkaibigan kay Kim. Masyado siyang naging paranoid. At dahil doon, isinara na niya ang isip sa lahat ng paliwanag ni Richard.

Bukod pa doon, kaagad siyang sumuko. Kaagad siyang naging duwag. Oo nga at mahirap ang kinakaharap nila. Oo nga at nasasaktan na siya ng sobra. Pero hindi pa rin ito sapat na dahilan para sumuko dahil in the first place, siya rin naman ang may kasalanan noon. Siya rin ang nag-isip ng masama kay Richard kaya siya dapat ang unang umayos ng sitwasyon. Pero imbes na piliting maayos ang lahat at mapaliwanagan si Richard sa ginagawa nitong hindi niya gusto, pinili niyang umiwas na lamang upang huwag nang tuluyang masaktan.

Tama si Richard. Minsan sarili lang niya ang iniisip niya. Minsan, o parang madalas. Kaya laging may napapahamak na tao dahil sa kanya. Laging may nasasaktan. Tulad ng ate niya. Nakakasama na sa iba ang selfishness niya.

Kung inintindi lamang sana niya si Richard. Kung hindi sana naging sarado ang isip niya. Kung hindi sana siya naging masyadong selosa. Talagang nasa huli ang pagsisisi.

Pero, hindi pa naman huli ang lahat. May pagkakataon pa siya para itama ang pagkakamali niya. Buo na ang isip niya. Pupunta siya ngayon sa tagpuan nilang dalawa ni Richard, hihingi siya ng tawad dito, at aayusin niya ang lahat sa kanilang dalawa.