Chapter 64 - The End

Unti-unting bumalik kay Alex ang lahat ng mga nangyari sa kanilang dalawa ni Richard mula noong dumating si Kim Agustin sa buhay nila.

"Pakiramdam ko ako yung third party, ako yung third wheel. Ako iyong pinagpipilitan ang sarili sa iyo. Ako iyong naghihintay na pansinin mo. Ako iyong naghihintay ng oras para makasama mo. Ako iyong walang katiyakan kung makikita ka ba sa araw na ito, o bukas, o sa susunod na linggo... Ako iyong namamalimos ng panahon mo."

"I can't understand why you felt like that."

"Si Kim pwede mo siyang makasama kahit kailan mo gusto, kahit saan. Pero ako, sobrang pahirapan para lang makasingit ako sa buhay mo."

"It's because of our situation. Alam mo naman, 'di ba? Hindi pwedeng basta-basta na lang tayo magkita. Hindi tayo pwedeng basta na lang mag-usap."

"Alam ko, at iyon, iyon ang masakit. Iyon ang mahirap. Iyong alam ko na ako ang mahal mo, pero ako iyong nahihirapang makalapit sa iyo. Richard, I'm jealous of Kim because she can do exactly what I want to do – to spend time with you and be with you and talk to you whenever, wherever and however I want. I just can't do that!"

Tuluyan nang naiyak si Alex. Para namang pinagsakluban ng langit at lupa si Richard. Para kasi siyang na-disappoint kay Alex.

"You knew from the beginning that this will not be easy."

"I know. Hindi mo ako pinilit. Pumayag ako sa set up na ito kahit alam kong mahirap. Pero Richard, pakiramdam ko, parang bigla ka nang bumibitaw."

"Bigla akong bumibitaw? Ikaw nga iyong umiiwas sa akin!"

"Parang ikaw iyong unti-unting lumalayo... palayo sa akin, papunta kay Kim."

"That's not true." It was almost a whisper. He's frustrated and irritated dahil sa inaarte ni Alex.

"Mas gusto mo pa na makasama si Kim para layuan na siya ng Terrence Mendoza na iyon, kaysa makasama at makakwentuhan ako."

Naiinis na talaga si Richard. "Iyon lang ba iyon? Alex, ang babaw naman ng rason mo. Pwede mo naman kaming samahan. Pwede naman natin siyang makakwentuhan."

Saglit na napatitig si Alex sa kanya.

"What? Mabait naman si Kim. She can be your friend. Hindi naman kami magiging magkaibigan kung hindi siya mabait."

"Ganyan ka ba talaga ka-insensitive?" Si Alex naman ang na-frustrate.

"That I don't understand! What's wrong with being friends with her?"

"Richard! Richard naman!" Napaupo na si Alex. "Hindi mo ba naisip? Iyong sandaling oras na iyon na gusto kitang makasama, iyong tayong dalawa lang, isasama mo pa si Kim? Konting oras na nga lang iyong nakakasama natin ang isa't isa, tapos nandoon pa si Kim? Richard naman..."

Saka lang naisip ni Richard ang punto nito. Oo nga naman. Mga panakaw na sandali na nga lang ang meron sila, tapos may panggulo pa nga naman. Pero, paano naman si Kim?

"Hindi ka ba nag-aalala kay Kim? Hindi ka ba nag-aalala na baka kulitin na naman siya ng Terrence Mendoza na iyon?"

"Wala akong pakialam kay Kim!" Galit na si Alex. "Wala akong pakialam kung sino mang lalaking mangulit sa kanya. Sino ba siya? Bakit kailangan kong isipin ang kalagayan niya? Wala naman siyang epekto sa buhay ko!"

"That is very selfish of you, Alex."

"Selfish? Richard, konting panahon na nga lang iyong meron ako. Konting panahon na makasama ka. Kailangan ko pa bang makihati sa iba? Siguro nga selfish ako, pero kailangan ba laging iyong ibang tao ang iisipin ko? Hindi ba ako pwedeng magdamot ng kaunti para sa ikaliligaya ko? Hindi ko ba pwedeng ipagdamot iyong taong gusto kong makasama kahit konting oras lang ang meron kaming dalawa? Hindi ko ba pwedeng ipagdamot iyong taong mahal ko?"

Natigilan si Richard. Alex... She loves him! Parang biglang nag-iba ang lahat dahil sa narinig niyang iyon.

"Richard, I'm jealous, yes; but what are you doing to make me feel that I should not feel that way? What are you doing to not make me feel jealous? I don't need a perfect boyfriend, Richard. I just want a boyfriend that's perfect for me. Gusto ko lang iyong boyfriend na ipapadama sa akin na wala akong kailangan ipangamba na baka iba na ang nagmamay-ari sa puso niya."

"Alex..." Biglang hindi niya alam ang sasabihin.

"Siguro nga... Siguro nga, Richard, hindi para sa atin ito. Tutal naman, from the very beginning, we know this is wrong. It's wrong for us to love each other. Siguro dapat hindi na natin itinuloy ito."

Oh no... Is it happening again? "Don't say you're giving up on me again."

Umiling si Alex. "I'm not even sure anymore if it's worth fighting for."

Natulala si Richard kay Alex.

"Parang hindi ko na kasi kaya, Richard."

"No! Don't say that!" He held her arms. "Don't give up!"

"Richard, nahihirapan na ako."

"I... I will fix this! Kung ayaw mong makipagkaibigan ako kay Kim, iiwasan ko na siya."

Umiling si Alex. "Your life is easier with Kim, than with me. With her, you can act normally, walang tinatago, walang pinangingilagan. Walang inaalalang baka may makakitang iba. Walang magulang na magagalit kapag nalaman nilang may relasyon kayong dalawa."

"Ano ito, nirereto mo ako kay Kim?"

"She will be perfect for you. She's beautiful, she's nice, she's kind-"

"Damn it, Alex!"

Natigilan si Alex.

"I don't want Kim. It's you that I want. I love you, Alex. You're the one that I want to be with. You're the one that I want to love."

"But it's wrong. Richard, this is wrong."

"Ngayon mo pa sasabihin na mali ang lahat ng ito? Ngayon pa na mahal na natin ang isa't isa?"

Kumawala si Alex sa hawak niya.

"I'm sorry, Richard. I want you to be happy."

"How can you say that? I can only be happy if I'm with you. Ikaw ang mahal ko at ikaw lang ang gusto kong mahalin. You can't choose whom to love. You can't make your heart fall in love that easily. Alex, ikaw ang mahal ko at ikaw lang ang gustong mahalin ng puso ko."

Umiling si Alex. "Nahihirapan na ako."

Napatitig siya dito. With that look on her face, Richard can sense the heartache that she's feeling. Ayaw man niyang isipin pero alam niyang dahil iyon sa kanya. Dahil iyon sa pagmamahal na nararamdaman nito para sa kanya. Ayaw niyang patuloy itong makitang nasasaktan.

"So, you're saying that we should just give up. Ganoon na lang iyon?" Parang bigla siyang napagod. Parang bigla siyang nawalan ng lakas.

"I guess it's just not meant to be."

Biglang nakaramdam ng galit si Richard.

"How will we know what's meant to be? What I know is that when I first saw you, I felt you're someone that I want to love."

"Siguro, paraan na rin iyong pagdating ni Kim sa buhay natin para maiparamdam sa atin na umpisa pa lang mali na ang lahat ng ito. Na hindi na dapat natin ipinagpatuloy ang lahat."

"What if you're wrong? What if it's meant to be?"

"Then, it will happen."

"So you really want to end this, huh?"

Alex's answer was almost a whisper.

"...Yes."

Parang tuluyan nang gumuho ang mundo ni Richard. Wala na nga yata siyang magagawa pa.

"It seems that you're already decided even before I asked you to talk to me. And you didn't even bother telling me that?"

"Hindi ko kaya."

"Hindi mo kaya, o hindi mo gusto? Ayaw mong harapin ako pero okay lang sa iyo na iwanan ako sa ere at patuloy na mag-isip kung ano ang problema, kung saan nga ba ako nagkamali?"

"Hindi totoo iyan!"

"Hindi totoo? Ilang araw ba, Alex? Ilang araw mo na bang nararamdaman ang selos na iyon? You didn't even bother telling me. Ang gusto mo kasi, ikaw lagi ang inaalala. Iniisip lagi ng mga tao sa paligid mo ang kalagayan mo, kung ano ang nararamdaman mo, kung ano ang gusto mo. Hindi mo iniintindi ang nararamdaman ng mga taong nasa paligid mo and you don't even care to ask them and to confront them para maayos ang sitwasyon. Alex, kailan ba iyong huling pagkakataon na naisip mo ang kalagayan ng Ate Angel mo? Kung iisipin kasi, laging siya ang umiintindi sa iyo. Kahit minsan ba, inintindi mo ang kalagayan niya?"

Hindi nakasagot si Alex.

"Kahit minsan ba, inintindi mo ang kalagayan ko? Inisip mo ba kung bakit hindi ko maisip man lang na mali ang ginagawa kong pakikipagkaibigan kay Kim? Naisip mo bang sabihin sa akin iyong maling nagawa ko para man lang sana maitama ko siya? Hindi iyong ganitong lumilitaw na parang ako lang ang may mali."

Napayuko si Alex.

"Alex, siguro nga nagkamali ako. Siguro nga naging tanga ako. Siguro nga naging insensitive ako. Pero bakit hindi mo sinabi? Bakit nagdesisyon ka na kaagad nang hindi man lang sinusubukang ayusin ito? O, gusto mo nga bang maayos, o talagang gusto mong matapos na ang lahat ng ito?"

Umiling si Alex.

"Alex, nasaktan ka. Sinaktan kita. Pero nasasaktan din ako. Kasi ako, hanggang sa mga sandaling ito, lumalaban pa rin. Ipinaglalaban ko pa rin iyong bagay na pinilit nating maging posible. Pero ikaw, matagal ka nang bumitiw. Matagal ka nang sumuko. Matagal na akong naiwanan sa ere. At ang sakit-sakit. Ang sakit-sakit maging tanga!"

Sobrang sama na ng loob ni Richard. Pakiramdam niya ay isa siyang sundalong iniwanan ng mga kasama niya sa giyera at hinayaang mapaslang ng mga kalaban. Sobrang sama ng loob niya na malamang wala na pala siyang ipinaglalaban. Matagal na pala siyang sinukuan ng taong gusto niyang ipaglaban.

Ayaw man niya, pero isa lang ang naisip niyang gawin ngayon. Iniwanan siya ni Alex sa ere, at iyon ang naisip niyang gawin din. Naisip niyang iwanan din ito, hayaang isipin kung ano ang gusto nitong isipin. Masama ang loob na ginantihan niya ito sa ginawa nitong pag-iwan sa kanya sa ere.

He walked away.

🀍🀍🀍

β₯ 𝙰 πš™πšŽπš›πšπšŽπšŒπš πš›πšŽπš•πšŠπšπš’πš˜πš—πšœπš‘πš’πš™ πš’πšœπš—'𝚝 πšŽπšŸπšŽπš› πšŠπšŒπšπšžπšŠπš•πš•πš’ πš™πšŽπš›πšπšŽπšŒπš; πš’πš'𝚜 πš“πšžπšœπš πš˜πš—πšŽ πš πš‘πšŽπš›πšŽ πš‹πš˜πšπš‘ πš™πšŽπš˜πš™πš•πšŽ πš—πšŽπšŸπšŽπš› πšπš’πšŸπšŽ πšžπš™. - Κœα΄‡Κα΄Ιͺssα΄€α΄‘sᴏᴍᴇ.α΄›α΄œα΄Κ™ΚŸΚ€ ❣︎