Chapter 49 - Jealous

Excited si Alex na makita si Richard sa tagpuan nila nang hapong iyon. Kahapon ay hindi sila nagkita dahil nga maagang umuwi ang lalaki upang maghanda sa event na dadaluhan nito kasama ang mga magulang nito. Siya rin naman ay maagang naghanda para naman sa dinner nila sa mga de Vera. Akala nga kasi niya ay makikita niya ang lalaki doon.

Oh well, past is past. Hindi niya rin ito nakita buong maghapon. Wala kasi silang parehong subjects every Friday. Kaya lalo siyang nae-excite ngayon. Hindi pa man tapos ang kanyang last subject ay nakahanda na ang kanyang mga gamit at ready to go out na siya.

Sa wakas ay natapos din ang oras ng subject na iyon. Isa siya sa mga estudyanteng nakipag-unahan sa paglabas. Dumiretso kaagad siya sa may student lounge sa kabilang school na naging tagpuan na nilang dalawa.

Ngunit natigilan siya nang makita si Richard. Hindi kasi ito nag-iisa sa kanilang tagpuan. May kasama itong iba, at base sa nakikita ni Alex ay enjoy na enjoy silang dalawa sa pagkukwentuhan. And it's not just an ordinary companion. It's not one of Richard's kabarkada. On second thought, pwede naman sigurong maging kabarkada ng isang lalaki ang isang babae?

But this is not just any other girl. It's Kim Agustin, this year's Ms. Business School and one of the candidates for Ms. CPRU. She was Richard's dance partner, or Richard was her dance partner... Whatever! Basta naalarma bigla si Alex pagkakita sa kanilang masayang pagkukwentuhan.

Dahil sa saya ng usapan ng dalawa, nakalapit na siya ay hindi pa siya napapansin ng mga ito. Lalong na-activate ang beast mode niya. Mabuti na lang at napansin siya ni Richard dahil kung hindi ay talagang makikialam na siya sa pagkukwentuhan nilang dalawa.

"Alex!" Richard seemed so happy to see her. Wala man lang sign of defensiveness or guilt. Parang wala lang talaga dito na makita niya itong may kausap na babae.

"Hi!" Kaagad na nag-shift ang tingin niya kay Kim, na nagulat yata sa bigla niyang pagsulpot. And then, was it excitement that she saw in her eyes? Whatever it is, she doesn't like it. The mere fact that this girl is here is already bad news for her.

"Oh! You know Kim," ani Richard na siguradong-sigurado sa sinabi nito.

Tama naman kasi ito. "Of course! Kim Agustin, Ms. Business School."

"That's right," ani Richard na oblivious pa rin sa kakaibang tono ni Alex. "And Kim, this is-"

"Alexandra Martinez," pagtatapos ni Kim sa sasabihin pa sana ni Richard. "Hi!" masayang bati nito, na lalong nagpainis kay Alex. Para kasing tuwang-tuwa pa itong makilala siya.

"You know her too!" Para namang amused na amused si Richard sa nasasaksihan.

"Oo naman," sagot ni Kim. "Very popular kaya ang Martinez Sisters dito sa CPRU. Everyone looks up to them. Ang daming gustong maging sila."

Dapat ba siyang matuwa sa sinabing iyon ni Kim? Dapat, pero ang problema kasi, si Kim ang nagsabi nito. At sa mga sandaling iyon ay beast mode siya kaya kahit anong papuri ang sabihin nito sa kanya ay wala pa ring epekto.

"Talaga?" Muli'y isang amused na tingin ang ipinukol si Richard sa kanya.

But still, wala pa rin iyong epekto kay Alex. She sat down uninvited between them. Saka siya napatingin kay Kim, na parang natigilan sa ginawa niya. Alex smiled bitchily.

Maging si Richard ay nagulat sa ginawa niya. Pero hindi na lamang ito nagsalita.

"So, I didn't know na close na pala kayo?" She eyed Richard.

"Ahm, we're just waiting for her friends," sagot ni Richard.

"Friends?" Alex said sarcastically. "Really?"

Napakunot ang noo ni Richard. "Oo. Parating na rin ang mga iyon."

"Oh! Okay so, what are you talking about?" Si Kim naman ang hinarap niya.

"Wala naman. Random subjects lang," sagot ni Kim.

Lalong nainis si Alex sa kainosentehan ni Kim. Iyong parang wala itong kahina-hinala sa mga nangyayari sa kanilang tatlo.

"Random subjects. Cool!" Kay Richard ulit siya tumingin. To her delight, medyo uneasy na ang dating ng lalaki.

"Oh! Andiyan na sila," biglang wika ni Kim. "Sige Guys, mauna na ako. Bye!"

"Bye!" ganting bati ni Richard.

"Bye! Take care!" sarcastic pa ring wika ni Alex.

Umalis na nga si Kim at sumama na sa tatlong babaeng nasa may dulo ng lounge. Huminga ng malalim si Alex at pilit pinakalma ang kanyang sarilli.

"Well, that was very uncomfortable."

Napatingin siya kay Richard. Saka lamang niya na-realize kung ano ang ginawa niya. "I'm sorry."

"I didn't know you have the guts to... intercept like that in a conversation." Richard is not condemning her. He just wanted her to realize her fault.

Na-realize din naman niya iyon. "Sorry. Nainis lang naman kasi ako."

"Nainis... Ibig sabihin ba no'n, ayaw mong makitang kausap ko si Kim?" Richard seems to enjoy himself.

Tinalikuran ito ni Alex. "Ahm... Hindi naman."

"Talaga?" Napangiti na si Richard.

"Ano ba kasing pinag-uusapan ninyo? Tsaka bakit andito si Kim? Eh sa kabilang school iyon, di ba?"

"Sinasamahan ko lang," sagot ni Richard. "Ayaw kasi siyang tigilan ni Terrence Mendoza."

"Terrence Mendoza?" Napaharap siya dito.

"Oo, iyong pamangkin ni Congressman dela Rosa."

"Yeah, I know him. Ang ibig kong sabihin, ginugulo niya si Kim?"

"Apparently, this Terrence Mendoza likes Kim a lot. Obsessed na nga yata ito at nagiging stalker na. Kaya hayun, kahit saan magpunta si Kim eh sinusundan siya nito."

"Kaya mo siya sinasamahan? Eh bakit ikaw pa? Kilala mo ba iyong Terrence Mendoza na iyon?"

"Well, he seems to... regard me as someone superior." Nagkibit-balikat si Richard. "Tiklop daw sa akin, eh."

Natawa siya sa sinabi nito. "Sino namang nagsabi sa'yo niyan? At naniwala ka kaagad? Knowing Terrence Mendoza..." Napailing na lamang siya.

"Ganoon kasi iyong nangyari kagabi, eh."

"Kagabi?"

"Oo. Sa party, iyong kasal sa Melting Pot Hotel. Nandoon si Kim, and nandoon din si Terrence-"

"Wait! Kasama mo si Kim kagabi?"

"Well, it just happened that she and her dad were also invited. Buti nga nakita ko siya. Kung hindi, baka inantok na ako doon sa sobrang pagka-bore. Tapos, iyon na nga..."

Hindi na narinig pa ni Alex ang sumunod na sinabi nito. Ang tanging tumatak kasi sa isip niya ay ang katotohanang kasama ni Richard si Kim kagabi. Kagabi kung kailan inasahan niyang makakasama niya ito sa dinner with the de Veras. At ang masama, mukhang na-enjoy ni Richard ang party kagabi kasama si Kim. Samantalang siya, hindi niya alam kung paano magmumukmok sa may patio nina Bryan habang kumakain ng pistachio at inggit na inggit sa paglalambingan ng ate niya at ng boyfriend nito.

Patuloy lang naman sa pagkukwento si Richard. "Kaya iyon. I promised her that if ever I have time, sasamahan ko siya hanggang sa magsawa si Terrence at huwag na siyang guluhin nito. Oo nga pala. Ako rin ang magtuturo sa kanila ni Nick Jacinto sa sayaw nila sa Mr. & Ms. CPRU."

"Tuturuan mo sila ng sayaw?"

"Yup!" Halatang biglang na-excite si Richard. "May concept na nga ako para sa sayaw nila. Sigurado sila ang may best talent for that night."

Tuluyan nang nawalan ng gana si Alex. Akala niya, sa pag-alis ni Kim kanina ay tapos na ang problema niya. Iyon pala, prelude pa lang iyon. Hindi naman niya masabihan si Richard na tanggihan ang pagtuturo nito ng sayaw kina Kim. Mukhang excited pa nga ito sa pagkukwento ng konsepto ng sayaw na balak nitong gawin. Ayaw naman niyang pigilan ang kaligayahan nito.

Isa pa, hindi pa naman siya nito girlfriend. Officially. Kaya wala pa siyang karapatang impluwensiyahan ang desisyon nito. O kahit girlfriend na siya nito. Hindi siya dapat makialam sa mga desisyon nito. Suporta lang siya dapat. Tagapayo. Hindi decision changer.

❀❁𑁍 𑁍❁❀ ❀❁𑁍 𑁍❁❀ ❀❁𑁍

𝙸 𝚜𝚑𝚘𝚞𝚕𝚍𝚗'𝚝 𝚋𝚎 𝚓𝚎𝚊𝚕𝚘𝚞𝚜; 𝚢𝚘𝚞 𝚊𝚛𝚎𝚗'𝚝 𝚎𝚟𝚎𝚗 𝚖𝚒𝚗𝚎.

❀❁𑁍 𑁍❁❀ ❀❁𑁍 𑁍❁❀ ❀❁𑁍

Alas-diyes na yata nagising si Alex kinabukasan. Sabado naman, walang pasok. Kaya hinayaan niyang mapuyat kagabi ang sarili dahil wala namang pasok kinabukasan. Hindi kasi siya makatulog dahil sa problema nila ni Richard.

Problema niya, to be precise. Naka-pyjama pa siyang lumabasa ng silid at bumaba sa unang palapag ng bahay nila. Sabado ngayon at kumpleto silang pamilya. Wala rin kasing trabaho sa opisina ang parents niya, though once in a while eh kumukutinting ang mga ito sa laptop ng mga ito.

Pagdaan niya sa sala, narinig niya ang Ate Angel niya na may kausap. She peeked in and saw Bryan. Napabuntong-hininga siya. Saturday pero kasama pa rin ng ate niya si Bryan. Can't they get enough of each other? 'Perfect.' And again, hindi niya maiwasang mainggit sa ate niya.

Dumiretso siya sa kusina. Binuksan niya ang ref at tumingin ng kung anumang nandoon. Parang wala siyang ganang kumain. But she has to eat. Kumuha na lang siya ng loaf bread at pinalamanan ng mayonnaise. Tsaka siya nagtimpla ng kape.

She put the coffee on the kitchen island and sat down. Matamlay siyang kumain ng sandwich. Sa ganoong ayos siya nadatnan ni Angel sa kusina.

"Well, good morning, Sleepy Head!" Dumiretso si Angel sa may cabinet kung saan naroon ang iba't ibang chichiria nila. She got a pack of potato chips at saka kumuha ng bowl.

"Hindi ba kayo nagkakasawaan ni Bryan?"

Napatingin sa kanya si Angel. "Ganyan talaga kapag in love." Kinindatan siya nito.

Napangiti siya. "Happy for you, Ate." Though she's not feeling any happiness right now.

Isinalin ni Angel ang chips sa bowl at saka kumuha ng canned juice sa ref. "May tinatapos kaming project. Tinatapos na namin para sa exams week eh maluwag na kami. Lalo na at malapit na ang CPRU Intramurals. Busy na naman si Bryan sa basketball team tapos siyempre, as part of The Echo, busy rin ako sa pagko-cover ng mga events."

"You make a perfect couple."

Napatingin ulit sa kanya si Angel. "Are you okay? Bakit kasi sandwich lang iyang kinakain mo? Meron pang natirang food diyan, i-microwave mo na lang."

"Wala akong gana, Ate." Uminom siya ng kape.

Tinabihan siya ni Angel sa may kitchen counter. "May problema ka ba?"

"Wala."

Pero may maitatago ba siya sa ate niya? "Si Richard pa rin ba?"

She just sighed.

"Ganyan ka na mula nung hindi natin siya makasama sa dinner kina Bryan... Don't tell me, inaway mo siya dahil wala siya noon?"

"No, Ate. Hindi sa ganoon."

"Eh ano nga?"

"Wala!" Medyo naiinis na siya sa kakulitan ng ate niya, though naisip niyang concerned lang talaga ito sa kanya. "I'm sorry."

Angel is really the most understanding ate in the world. "It's okay. Basta I'm just here if you need me, okay?"

Tumango siya. "Thanks, Ate."

Angel smiled. Kinuha na nito ang isinaling potato chips at juice tsaka na lumabas ng pantry. Ipinagpatuloy na lamang ni Alex ang pagkain ng sandwich.

Pagkatapos kumain ay bumalik na siya sa kanyang silid. Pagdaan niya sa may sala ay muli siyang sumilip sa loob. Nandoon pa rin ang kapatid niya at si Bryan. Masaya ang dalawang nagbibiruan habang patuloy sa paggawa ng project nila. She smiled sadly.

Tumuloy na siya sa pag-akyat ng hagdan. At least, masaya ang ate niya. At least, merong isa sa kanila ang masaya. Well, pwede naman siyang maging masaya. Kapag siguro nawala na iyong selos na nararamdaman niya, baka sakaling maging masaya na siya ulit. She just needs time. A lot of time, maybe.

♥️♥️♥️

𝙴𝚟𝚎𝚛𝚢𝚘𝚗𝚎 𝚊𝚛𝚘𝚞𝚗𝚍 𝚖𝚎 𝚜𝚎𝚎𝚖𝚜 𝚜𝚘 𝚑𝚊𝚙𝚙𝚢...

𝙰𝚗𝚍 𝚝𝚑𝚎𝚗 𝚝𝚑𝚎𝚛𝚎'𝚜 𝚖𝚎...