Deutschland. The land of the promise.
Nung una nag-doubt ako kasi aalis ka na, parang gusto ko ng sumuko kasi natakot ako na baka makalimutan mo ko, na baka makakita ka ng iba. Maraming agam agam sa isip ko nun, magkaiba na yung oras natin at first time nating magkakahiwalay ng matagal at malayong malayo pero sabi mo walang susuko, walang bibitiw kasi sabay natin aabutin ang mga pangarap natin, Sabay nating bubuuin ung mga plano at pangarap natin hanggang sa magtagumpay… naniwala ako, kaya imbes na sumuko pinanghawakan kong mabuti yung mga binitiwan mong salita, kumapit ng mabuti…but that was the end of it.
Akala ko saglit lang tayo magkakahiwalay at di aabot ng taon. Akala ko konting tiis lang ang gagawin natin at makakasunod na din ako sayo at magkakasama na tayo. Pero hindi pala ganun kadali yun, ang daming delays na nangyari hanggang sa lumampas na ng isang taon, unti unti bigla kang nagbabago, unti unti padalang na ng padalang ang usapan at tawagan natin. Palage kang walang oras pagdating sakin, pero sa ibang bagay at sa mga kasama mo palage kang available. Handang umalis kahit biglaan lang.
Pagkalipas ng isa't kalahating taon, nakarating na din ako. Sa wakas, magkakasama na tayo. Kumikita na ng malaking sweldo kumpara noon sa pinas. Pero you know what's funny??
Nung maaabot na natin ung mga pangarap natin, dun pa tayo biglang sumuko. Dun ka biglang bumitiw. Walang dalawang isip, biglaan.
Bigla na lang ako tila nalaglag, iniwan sa ere. Iniwan ng walang parachute. Sabi mo gusto mo maging malaya, kalayaang magawa ung mga gusto mo ng walang magagalit, walang magbabawal. Walang iniintidi, walang responsibilidad. Kalayaang uminom, magyosi, maglalalabas buong magdamag.
Nung una ayoko, ayokong pumayag. Madaming araw, linggo at buwan kitang pinaglaban, kahit ang sakit sakit na sakin, sabi ko subukan pa natin isang buwan, pumayag ka pero wala padin matigas ka pa din, nakiusap pa ko ulit extend pa natin, isang buwan pa ulit baka sakaling magbago isip mo, baka sakaling makuha sa panalangin. Gabi gabi dinadasal ko sa langit na sana bumalik ka sa dati, na sana bumalik tayo sa dating tayo, na sana ako, tayo na lang, tayo pa din… pero kasama ng ilang beses kong pagmamakaawa ang madaming beses mong pagtanggi, palaging "hindi, ayoko na, hindi na kita mahal, konti na lang, wala na kong care sayo, hindi ko na nakikita sarili kong kasama ka sa future ko, 10% na lang ang love ko sayo" "Tama na, wag na natin ituloy to."
Marami, maraming beses mo kong pinagtulakan, maraming beses akong umiiyak sa harap mo pero balewala lang sayo, ginawa ko ng lahat, pero hindi pa din sapat. Sinasadya mo kong saktan, aalis ka hindi magpapaalam, madalas hindi uuwi, makikipaginuman, or papasyal kasama kaibigan kahit imbes na ako sana ung pinapasyal mo sa mga lugar na napuntahan mo na dito gaya nung pangako mo nung nasa pinas pa lang ako. Pero wala, ni hindi mo ako naipasyal, ni hindi mo ako nailibre o nailabas man lang sa kainan. Wala akong mapagsabihan, kundi iiyak na lang umaasa na sana isang araw magising ka at maisip mong hindi mo pala dapat ako tinatrato ng parang walang halaga. Walong buwan kong tiniis yung pagbabalewala mo, walong buwan akong lumaban, hindi sumuko kahit na harap harapan mo na kong binabalewala.
Hanggang sa dumating ung araw na napagod na ko, lumipas ang pasko, bagong taon pero tila wala na yata talagang halaga sayo. Kala ko noon hindi na ko titigil, kala ko kaya ko pang magpakamartir, pero sabi nga nila, pano mo malalaman kung tama na? Kapag mas lamang na yung sakit kesa sa saya.
Lahat ginawa ko para maging tayo padin sa huli. Pero sabi mo tama na kasi wala ka ng pagibig na natitira. Sarado na ang pinto. Naiwan akong ngiisa, nagunaw ang mundo, nasira lahat ng plano, nawasak, nagkapira piraso, iniwan mo kong durog na durog akala ko hindi na ko mabubuong muli. Akala ko katapusan na ng lahat.
"Sometimes things don't go the way we want and we plan them to, no matter how hard we try."
Sa 10th year anniv sana natin. November 7, 2017, hinding hindi ko makakalimutan yun, it was Winter. Nilapitan kita sa kama mo, habang natutulog ka.
Sabi ko: "Alam mo ba kung anong araw ngayon?"
Tumingin ka lang.
Sabi ko: "10 years anniv natin ngayon." Ngiting ngiti pa ko nun, kahit na madilim sa kwarto.
Sagot mo: "So?!"
Sabay talikod mo, gustong gusto kitang yakapin nun. Pero kasing lamig ng panahon yung sagot mo. Nagulat ako, hindi ko akalain, hindi ako makapaniwala, yung sampung taon natin tinapos mo lang sa dalawang letra. Wala na yatang mas sasakit pa dun sa sinabi mo. Umiyak ako, umalis at hindi nagpahalata. Ang sakit sakit. Para akong pinapatay, unti unti.
Nakita ko unti unti ka ng nawawala sakin. Sabi ko prang gusto ko ng mamatay. Baka sakali magkaron ka khit katiting na pagaalala sakin. Wala akong nagawa kundi umiyak, magdasal na sana alisin ni God yung sakit kasi parang hindi ko na kaya. Gusto ko ng bumalik sa pilipinas nun at dun na lang magsimula, tutal naman ano pa kako ang ginagawa ko dito sa bansang ito kung wala na rin naman akong future na sisimulan.
Germany. The land where I thought would be for the both of us. The land where all our plans and hopes and dreams would come true. The answer to our struggles. But I was wrong. It is the land where our relationship end. The land where everything that started should end. There are no promise of the future. The land where the winter is as cold as you and i.