August 7, 2019
Mahilig tayong maniwala sa mga signs. Kung ano ano, maliliit man or malaki. Hindi ko alam kung pano nagsimula. Marami akong signs na natupad, at bago kita sinagot humingi din ako ng sign kay God.
3 bagay yun. 3 buwan ka na yatang nanliligaw sakin. Sabi ko pag nangyari yun, sasagutin na kita at natupad naman lahat.
Naging legal tayo sa mga families natin. My family treated you as part of our family. Hindi ka na iba samin. Kasama ka sa lahat ng mga okasyon, lageng parang hindi kumpleto pag wala ka. "Nasan si ___?" "Bat wala pa si ____?" "Papuntahin mo si____"
Sa tuwing magpapadala ng Balikbayan box si tito palageng meron din para sayo. Tshirt, Spam etc. Ganun, ganun ka na naging part ng family namin. Parang kulang pag wala ka. Parang si B1 at si B2. Ganun na sila kakumportable sayo. Ganun ka na nila kamahal.
SIGN. Sign din yung hiningi mo bago ka nakipaghiwalay sakin. Hindi ko alam kung ano, or nakalimutan ko na. Basta sabi mo nangyari, kaya sigurado ka na kamo. Nung time na yun, hindi ko alam kung maniniwala ako.
Pumapasok ako sa klaseng mugto ang mata, habang ikaw ang saya saya. Walang pakelam.
Minsan magkakasalubong tayo sa hallway ng office kung san ka nagwowork at kung san yung klase namin, pero hindi mo ko papansinin. Makikita ng mga kaklase ko pero dedma lang. Wala eh, hindi ko masabi kasi gusto ko pa ayusin kasi hindi ko pa tanggap. Denial. Kasi alam ko maayos ko pa. Alam ko nakakahalata na sila..pero no one dared to ask.
Nagkukulong ako sa kwarto, nag-aaral. Baka sakali may pumasok sa magulo kong isipan. Naghihintay ako ng suporta mo, ng tulong mo sana para magawa ko at maipasa ko ung exam pero lage ka kamong pagod. Pilit kong pinipilit yung sarili ko sayo. Pero pilit mo ring nilalayo yung sarili mo. Gusto kong magconcentrate nun pero di ko magawa. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa bang magaral o ibagsak na lang ung exam para mapauwi na lang ako ng pinas.
Anger. Minsan gusto kong itanong: "bat kailangang naun pa? Kailangan ba ngayon..kung kelan kailangang kailangan kita? Kung kelan kailangan ko ng suporta mo? Bat sa dinami dami ng pagkakataon naun mo pa talaga napili?"
November 2017. Akalain mo pumasa ako ng exam ng wala man lang suporta o encouragement mula sayo. Hahaha pero nakuha ko pang tawagan ka nung mismong araw ng pagkapasa namin. At isang cold "Congrats" lang ang narinig ko. Nalaman ko nanlibre ka sa mga barkada mo, sa isang sushi restaurant kasi kamo pasado yung kapatid mo. Alam ng iba tayo padin, pero you never mentioned my name, as if wala ako, As if hindi rin ako pumasa sa exam. We never even celebrated my victory. Pero nanahimik lang ako. Wala eh, ganyan ka na. Pero hindi mo alam ang sama sama ng loob ko non, ayokong maniwala na of all people ikaw pa yung magle-let down sakin.
Naalala ko nung birthday mo, and diba favorite mo yung Star Wars, alam mo ba hinahanap ko pa sa kung saan saang Aldi yung limited edition nilang unan at kumot. Nakailang Aldi ako nun, gustong gusto kasi kitang isurprise. Naabutan pa ko ng ulan, makarating lang dun sa malayong part ng Hamburg para lang mabili yung Star wars na un,limited edition and makauwi on time para pagbalik mo galing work nakalagay na sya sa kama mo. Bumili rin ako ng paborito mong Hugo Boss na pabango. Hindi pa kasi kita kayang bilhan nun ng Beats headphones. Kaya yun na lang muna. Naalala mo ba yun? Niyakap mo lang ako, nagpasalamat tapos naglaro ka na ng PSP.. ganun lang, parang hindi mo naappreciate. That night nilagnat ako pero hindi ko sinabi.
Alam mo ba, after ilang weeks nakita ko binalewala mo lang yung pinaghirapan kong hanapin na Star Wars na yun. Iniwan mo nung lumipat ka ng bahay. Abandonado na. Nalungkot ako. Naalala ko yung pano ko pinaghirapang mabili yun. Allowance pa lang kasi ang meron kami that time at hindi pa talaga totoong sweldo. Isang mapait na ngiti. Wasted effort. =(
May times pa nga na pinaglaba pa kita ng damit, pero imbes na matuwa ka.. nagalit ka pa. Parang lahat ng gawin ko nakakainis sayo. Hindi ko maintindihan, parang sabi ko sa sarili ko hindi na yata kita kilala. Minsan naitatanong ko sa sarili ko " worth it pa ba tong taong to?" Sa kabila ng lahat ng ginagawa nya.
December 2017. Nagbakasyon kami sa München. Hindi pa ko nakakabalik, nagtext ka sabi mo kailangan nating magusap. Again, alam ko na. Makikipaghiwalay ka nanaman, kasi sabi mo its not working out. Alam mo, hindi ko magawang mag-enjoy nun sa bakasyon ko. Parang ayoko ng bumalik ng Hamburg at harapin ka. Hindi ko na rin mabilang kung pang ilang beses mo ng sinasabi sakin na maghiwalay na lang tayo at kung pang-ilang beses ko ding sinasabi na extend pa natin, isang buwan pa. Bargaining.
Pasko. Habang lahat ng tao ay nagsasaya, here we were pretending to be okay. Habang ang lahat ng tao nagdidiwang ng pagmamahalan at pagbibigayan, ako naman ay nagdadalamhati, nagpapanggap na masaya. Kunyari hindi masakit. Kunyari ok na ok tayo. Hindi mo lang alam kung gaano ako inggit na inggit sa kanila. Kung paano ko inimagine yung first pasko sana natin together sa Germany. Kung pano natin icecelebrate. Kaso iba ang kinalabasan.
According sa rule, You don't break hearts on Christmas day. Bawal un! But that day, my heart were not just broken, it was shattered into tiny little pieces.
That time, isa na yata yun sa pinakamalungkot na paskong dumating sa buhay ko. For the last 9 years, nasanay akong meron tayong sweet long messages sa isa't isa. Bumabalik sakin yung mga times na nasa Pinas pa tayo and tuwing Pasko magcecelebrate muna tayo with our own families tapos sa hapon magkikita at manonood tayo ng sine…mga MMFF movies. Tapos may popcorn. Masaya lang. Simple lang. Simple lang tayo pero genuine yung saya. Magpapalitan tayo ng ginawang desserts naalala mo ba yun lage ako may gawang graham/Mango float para sayo and sa family mo tapos ikaw din merong buko pandan o kaya fruit salad para sakin at kay lola. Pero this Christmas miles away from our family was different. Walang ganon. Wala yung nakasanayan ko na. Walang palitan ng regalo, sweet messages, or desserts.. ang meron lang palitan ng mga malulungkot na tingin. Just a blank cold stares.
Hanggang sa dumating na yung time na nalaman na din ng lahat, walang makareact. Lahat halos parang nagulat.
Sa totoo lang parang nagunaw ang mundo. You were once my shield, my wall.. and when that wall suddenly crushed and fell down.. natulala na lang ako. Gusto kong isiping panaginip lang lahat.. na sana bangungot.. na anytime magigising ako, kaso hindi eh. Ramdam na ramdam ko yung pag-iisa. Alone in a foreign land at wala akong kakampi. Malungkot. Napakalungkot. Masakit. Napakasakit.
Wala akong mapagsabihan. Hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa family ko ang nangyari satin. I was heavily devastated.
Then rumors started spreading out. Sabi mo wala lang, kaibigan lang. Tapos nakikita ko na mga pictures nyo. Pinapalayo pa kita nun kasi inaayos pa natin yung satin. That time nagbabakasakali pa din akong magiging okay tayo, na maaayos pa natin. Mag-aadjust. Magtitiis. Tiniis ko kahit ang dami dami ko ng naririnig. Still bargaining with you.
January 2018. Sa sobrang hindi ko na kaya. Lumipat ako ng bahay after new year. Kasi gusto kong magpakalayo. Malayong malayo sayo at sa sakit. Walang bago sa Bagong Taon. Nung new year celebration sa bahay ni hindi mo ko pinapansin o kinakausap. Para akong invisible sayo. Ni hindi mo nga ako binati.
February 2018. It was Valentine's day. We were both in the house. Ang tanga ko kala ko may pasurprise ka man lang. Umasa ako baka sakali. Baka bumawi ka man lang. Pero wala. Sabi ko alis naman tayo pero ayaw mo.
Balita ko ang daming nangyayaring hindi maganda sayo. Sunod-sunod. Muntik makadisgrasya sa kotse. Bumagsak ka sa driving exam mo. Unti unti naiiba na ang direksyon mo. Pawala ka na ng pawala kay God. Yung dating daily devotion na ginagawa natin halos inaayawan mo na. Yung dating sabay nating pagsisimba hindi mo na ginagawa. Yung dating palagian nating pagppray nawala na din sayo.
I was in my room non, I wanted to talk to you so I prayed first before I texted you na kung pwede ba tayong magusap. I thought I could save you. I thought I could lead you back to God, Sinabi ko sayo non baka wake up call sayo ni Lord yung mga nangyayari sayo. I said to myself, kaya ko pa.. na kung noon inaakay mo ko at pinagtyagaan mapalapit kay God at maging Christian, why not gawin ko din sayo un. After all, we were a couple. And dapat nagtutulungan tayo sa hirap at ginhawa.
But I also prayed to God na if this time will not work out, or tatanggi ka pa din, then it will be the last time that I will try to save you and us. That after this i will stop.
Nagusap tayo til night. But you were so firm. There was nothing i can say to convince you to stay. Ang tigas mo, hindi kumukurap at hindi umiiyak. And by that, tinanggap ko na. Tapos na tapos na tayo.
I promised to myself never to speak about it again. Masasabi ko na yun ung official day that I let you go. Wala na. Wala ng atrasan.
March 2018. Suddenly bigla mo kong minessage, namiss mo kamo ako. You were completely confused about your feelings. Hindi din kita maintindihan non. Gusto mo kong makausap, naalala mo nag-uusap tayo in the middle of the night sa may sala, nagiiyakan habang ang tumutugtog sa background ang kanta ng December Avenue's Sa ngalan ng pagibig at Kahit di mo na alam. Nagiiyakan tayo non. Kasi nalaman na ng family mo yung break up natin. Nagalit ata sila sayo at sa mga nabalitaan nila.
But in the end walang naging malinaw na usapan tungkol sating dalawa. Sabi mo baka dahil namimiss mo lang ako pero hindi ka pa sigurado sa talagang feelings mo. At sa kung pano tayo. Ang balita ko nililigawan mo na yata sya. Pero sabi mo hindi ka sigurado. Ewan. Ang labo, ang labo labo ng usapan na yun. Minsan gusto kitang tanungin: "kala ko ba gusto mo non ng kalayaan, eh bat nanligaw ka kagad ng iba?! ni hindi ka man lang nagpahinga. Alam mo ba yung 3-month-rule? may kalayaan ba sa pagpasok sa panibagong relasyon?"
Nung gabi ding yun sinabi ko na rin sayo na merong taong ngpapasaya sakin. That i am entertaining someone. And somehow he was a breath of sunshine in my gloomy and dark days. My days of depression.
Gaya nga ng sabi ko, sumuko na ko satin. And gusto ko ng unti unting buuin ang sarili ko, ng wala ka na at magsimula na ng panibagong hinaharap na hindi ka na kasama.
April 2018. Tumatawag ka sakin. Hindi ko maintindihan. Pero for the first time Hindi na kita naiisip. I was slowly moving on. Kala ko noon hindi ko kakayaning magmahal ng iba bukod sayo but I was wrong. Kala ko non hindi na ko makakabangon pa. Na hindi na ko mabubuo ulit.
Pero aaminin ko, may mga araw na parang mas gusto parin sana kitang piliin. Kasi bumabalik sakin yung mga pinagusapan natin sa sala. Hindi din naman kasi ganun kadali kalimutan yun.
One time nagusap tayo sa phone, kasi gusto kong makasigurado satin. Naguguluhan na din ako. Nanghingi ulit ako ng sign kay God.
Dumating sa point na pinapili pa kita, akala ko ako ang pipiliin mo. Akala ko mas matimbang ung pinagsamahan nating dalawa. Akala ko totoo yung mga napagusapan natin nun sa sala. Pero hindi ko inakala yung sagot mo.
Ayaw ko pang maniwala sa una. Kaya pinaulit ko pa. Pero tama pala yung una kong narinig. Hindi ako… hindi ako ung pinili mo. Hindi yung sampung taong pinagsamahan natin. Hindi yung sampung taon na binuo natin na nagsimula sa wala. Hindi yun. Mas ayaw mo sya kamong masaktan. Ganun? "Pero pag ako ok lang na masaktan?" Hindi ko na nagawang itanong yan sayo kasi nanghina na ko. Nasabi na lang ng sarili ko, ".. eto na yung hinihingi mong sign. Mas tamang piliin ko na lang si J__."
Dun ko nalaman na tapos na ang laban. Wala na kong maibubuga. Ubos na lahat ng bala. Kala ko kaya pa eh. Napagtanto ko na ang laban na to ay pangdalawahan, pero lumalaban ako ng ako lang magisa. Imbes na tayong dalawa sana. Pero wala, kumampi ka sa kanya. Mas pinili mo yung isa't kalahating taon nyong pagkakakilala kesa sa sampung taon nating pinagsamahan. Mas pinili mong makinig sa iba. Kaya naman hinayaan na kita.
Minsan naisip ko, bat ako hirap na hirap kang kalimutan pero ikaw, parang ni isang sakit wala kang nararamdaman. Parang hindi mo man lang inintada yung pagkawala ko sa buhay mo. Bat ang bilis? Bat ang bilis mo naman ako napalitan?
Mas pinili mong ipaglaban ang mali kesa tama
Pinagpilitang isalba ang sarili kesa sating dalawa
Ngayon mahal masakit na, palayain na natin ang isa't isa.-ctto
"The saddest thing about our story is that we could have made it work. If you cared about me like I cared about you, about us, you would have fought for me, with me, together.. just like we always did before."
June 2018. Everything was going well. Lumipas na ang mga araw at linggo. I celebrated my 1st year here in Germany. I even posted something about it, and you saw and reacted to it. Tahimik na ang buhay ko non. I didn't even think of you for the longest time. I was happy. I was happy with my current situation. We were happy. For the first time in a few months natuto na ulit akong ngumiti, maging masaya. Hindi na umiiyak. And I believed na ikaw din. Like I've said, tumigil na kong umasa para sating dalawa. Nagising na lang ako isang araw tumigil na kong magbakasakali. I even erased your number. Unfollowed and unfriended you in all social media. Kasi gusto ko parehas na tayong makapagmove on. 5th Stage na ko: Acceptance.
Gaya nga ng sabi ni Elisabeth Kübler-Ross: There are 5 Stages of Coping. Denial-Anger-Bargaining-Depression and finally Acceptance. Tapos na ko sa apat. Ang tagal din pala ng prosesong yun.
Then one day, after some time nagmessage ka nanaman. Gusto mong makipagusap at makipagkita. Sa totoo lang ayoko na sana, kasi para san pa? Ano pa bang hindi natin napapagusapan? Pero may nagsabi sakin na kausapin ka na para once and for all bago ako umuwi ng Pilipinas ika nga.
Closure. June 23, 2018. Saturday. A week before my flight to the Philippines.
We talked. Nag-reminisce tayo ng mga what could have been habang naglalakad. Inaya mo pa ko manood ng sine non. Tumanggi ako. Inaya mo kong kumain sa isang fancy restaurant kasi sabi mo this time tototohanin na natin yung "fine dining" natin. But I also refused. Tinanong mo ko kung kelan ako magbabakasyon ng pilipinas, hindi ko sinabi sayong sa isang linggo na.
Magulo padin isip mo. You were asking me if sarado na ba yung pinto nating dalawa. Umiiyak ka non. I wasn't feeling anything at that time. Nasa isip ko "diba matagal mo ng sinara? Ako lang yung pilit ng pilit na buksan. Sinara na natin diba? Nagusap na tayo, ayaw mo na nga noon pa" Hindi ko alam kung anong irereact ko. That time, I wasn't expecting anything.
We went to say goodbye to each other, and I was ready.
I didn't chose you. Siguro inasahan mo yun, Hindi ko alam, Pero that time sinabi ko na pipiliin ko muna sarili ko. Ayoko ng mawasak ulit. Ayoko ng hindi nanaman sigurado ulit. Ayoko ng sumugal. Takot na kong umasa nanaman tapos sasabihin mo kasi emotions lang, na hindi ka pa sigurado at baka namimiss mo lang ako. That moment for the longest time hindi kita pinili.
May nagsabi sakin nun na sana tinaggap kita, na ako daw sana ang tumulong sayo para mabuo ka ulit, na sana inalalayan kita. Pero sabi ko pano naman ako? Pano naman ung mga panahong durog na durog ako, tinulungan ba nya kong mabuo ulit? Diba iniwan lang naman nya ng walang pagdadalawang isip. Naisip din ba nyang alalayan ako? Buuin ako. Naisip ba nya ung mga panahong kailangan ko sya?
Nakita kong magulong magulo yung isip mo. Wala kang plano. Hindi mo alam kung anong gagawin mo. Akala ko kaya ka nakipagkita sakin non is inayos mo muna yung sa Inyo bago ka nagtanong sakin. Akala ko iniwan mo na sya. Pero nakita kong hindi mo mean yung mga sinasabi mo kaya sabi ko sayo ayusin mo muna sarili mo. Na hindi ako yung need mo kundi si God. I told you to come back to God.
We hugged before we parted ways. Yung na yung huling beses tayong nagkita at nagusap.
That night, hindi ako agad nakatulog, I was a bit sad and concerned. But then sabi ko nga sayo hindi ako ang kailangan mo.
I asked God for a sign, I was weighing my relationship with J__ dumating sa puntong parang willing pa din akong piliin ka kesa sa kanya, na kaya kong bitiwan sya para sayo. I was willing to choose you. Na parang mas mahalaga padin yung pinagsamahan natin. But I wanted you to prove to me na mas karapat dapat kang piliin kesa sa kanya.
At the back of my head gusto kong patunayan mo sakin na mali ako ng pinili. I wanted you to fight for me. Ikaw naman. Kasi pagod na kong ipaglaban ka. And because nasaktan ako sa hindi mo pagpili sakin noon,ng maraming beses. I wanted you to do something. To prove to me that I should choose you, choose us. Sabi ko 1 week bibigyan ko sya ng chance Lord, bago ako umuwi ng Pinas, bago ako sumugal at piliin si J__.
Pero lumipas lang ang isang linggo.
Lunes…Martes…
No signs of you.
Miyerkules…
sabi ko here we go again. Just like before. Same old. Same old.
Thursday…Friday…Saturday June 30
I never heard from you.
And that was the sign that I was waiting…