November 7, 2019
This letter is supposed to be published on Dec.7, 2019 ang huling buwan ng taon. Parang title ng isang pelikula, 'Tayo sa Huling Buwan ng Taon.' Kaso hindi ko na mahihintay pa yung huling buwan ng taon na to dahil gusto ko ng tapusin, mabigat at matagal tagal na rin naman, siguro we both deserve our peace of mind. Kaya naman tatapusin ko na ng maaga. Kasi ganun din naman, Iisa lang naman ang magiging katapusan nito, bat ko pa patatagalin diba?! bat pa natin patatagalin diba?!
"Lumaki ako sa paniniwalang duwag ang lahat ng sumusuko.
Pero sa puntong 'to, ang isuko ka ang isa sa pinakamatapang na desisyong nagawa ko…kahit masakit…kahit maubos ako."
By the time you are reading this, 2 taon at anim na buwan na kaming hiwalay. Oo 2 years na mahigit, may kanya kanya na kaming mga buhay pagkatapos ng 10 taon naming dalawa.
Sa mga sumubaybay ng kwentong ito, maraming salamat. Congrats matatapos mo na ang series. Pitong buwan simula ng ipost ko yung unang liham.
Anong nangyari samin? Maraming nagbago. Maraming nangyari na wala sa plano. Sa mga sumubaybay ng 7 series na ito, pasensya na at kailangan kong lumaktaw sa dulo. Pasensya na rin at 6 letters na lang instead of 7, balato nyo na lang sakin ung pang 6th letter, masyado ng personal at masakit. Napakahirap palang magsulat ng true story, tumatagos sa laman.. sumusugat muli sa puso. Ganun pala yun, pag ginalaw mo ulit yung naghilom na sugat magdurugo pa din kahit naghilom na. Kahit akala mo matagal na, at akala mo hindi ka na maaapektuhan. Kahit akala mo magaling na.
Aaminin ko masakit pa din. Masakit pa din balikan ang mga ala-ala, maganda man o hindi. Pinapaiyak pa din ako nito sa gabi sa tuwing maiisip ko kung bakit kami nauwi sa ganito. Ang dami dami kong SANA. Sana ganito, sana ganyan. Ang dami kong panghihinayang. Pero matatapos na ang taon, kailangan ng iwan lahat ng ala ala. Kailangan na nating wag magfocus sa kung anong nakalipas na, at simulan na nating umusad papuntang hinaharap.
Walang paraan para balikan ang mga pagkakamali, pero galante ang mundo sa ilang libong tsansa para bumawi NGAYON o SA HINAHARAP.
Akala nyo siguro happy ending noh?! Akala ko nga rin eh … akala ko sa dulo kami padin, akala ko sa dulo ng altar ang patutunguhan namin. Walang nakapaghanda sa mga mangyayari, walang nag-akala na may katapusan ang lahat.
Akala din ng maraming taong nakapalibot samin. Mga taong simula nung umpisa ay nakasaksi sa aming pagmamahalan. Mga kaibigan na sumuporta, tumulong at kasabay na nagulat, nalungkot at nasaktan nung malamang wala na kami. Muntik na siguro.. konting konti na lang.. kaso biglang nabago ang ikot ng mundo, nag-iba ang ihip ng hangin. Yung akala kong simula ng aming magandang bukas, magiging simula pala ng aming wakas. Yung dating inaakala mong makakasama mo pagtanda, aabot lang pala sa wala.
Sayo,
Tatapusin ko na to. Mahigit dalawang taon na simula ng maghiwalay tayo.
Akala ko magiging habambuhay na tayo, magkakasamang tumanda..alam mo, sa sobrang ganda ng simula natin, hindi ko inaakalang sa ganito lang pala matatapos yung sampung taon na binuo natin.
Dati naiisip ko kung hindi tayo sumuko, ang saya saya siguro natin naun. Naabot na natin finally ang lahat ng pangarap natin. Unti unti na sana nating tinutupad yung mga plano natin nung college pa lang tayo. May totoo na sana tayong tv sa sala. Naglalaro ng Wii. Magkasamang naglalakbay papunta sa ibat ibang bansa na dating napapanood lang natin sa tv at sa mga pelikula. Magkasama sana tayong pupunta sa Barcelona at Paris. Nakakakain sa totoong fancy restaurant at totoong fine dining.
Pero alam ko at tanggap ko ng hindi na mangyayari ang lahat ng to.
Our story is far from fairytale… we did not live happily ever after. It is true what they say, the break up hurts you but it is the memories that crushes your soul. I lost myself on my journey towards finding a way just to forget you, just to forget our story.
So let this be my last letter for you. Let this be the last time that I will write about you. About us.
Gusto kong malaman mo na maraming beses kong pinagdasal noon na sana ikaw na lang, tayo na lang.. tayo na lang ulit. Maraming beses kong tinanong sa Diyos kung bakit kailangang umabot tayo sa ganito. Pero sabi nga nila, everything happens for a reason.
"I wanted to hold your hand at 80 and said "we made it."
But we didn't.
Salamat sa lahat, salamat sa lahat ng ala-ala. Sa lahat ng magaganda at mahihirap nating pinagsamahan. Sa lahat ng problemang ating nalampasan at napagtagumpayan. Parte ka na ng buhay ko, walang sinuman ang makakapagalis nun. Salamat sa pagmamahal. Habang buhay kong bibitbitin ang ala-alang ito.
Wala akong ibang hihilingin kundi ang kaligayahan mo, sound clichè pero yun naman talaga eh diba? At ngayon nga na nandito na tayo sa dulo, at lahat nasabi ko na. Siguro panahon na para tapusin na.
Paalam, paalam na sayo. Hiling ko ang lahat ng kabutihan para sayo. Hiling kong matupad lahat ng mga pangarap mo at para sa pamilya mo. Hiling kong maging totoong masaya ka na. Hiling kong wag ka na sanang gambalain pa ng mga ala-ala nating dalawa. Hiling kong makatulog ka na ng mahimbing. Mamuhay kang payapa at kuntento. Hiling ko rin na wag na tayong magkita pa. Ngunit kung sakali man, hiling ko na sana sa susunod na sampung taon pa. Yung parehas na tayong masaya, may sarili ng pamilya at higit sa lahat napatawad na natin ang isa't isa.. At tatawanan na lang natin ang lahat ng to.
At simula sa araw na ito, dahan dahan ng nasusunog ang tulay.
Hanggang sa muli. Paalam.
In twenty years, maybe you won't remember my name. I will be just a tiny puzzle of your youth, a forgotten piece. And when you will be old and wrinkled sitting in a rocking chair, outside looking at the stars on a summer night, you will remember us.
I wonder what will become of us. I wonder how things will turn out.
til then.
Ito. Ang. Kwento. Ng. Dating. Tayo.
signing off.