September 7, 2019
Sinabi mo sakin, eto yung parang sneak peek ng future, natawa ako, at sinabi ko naman eto ang muka ng what ifs.
What-if. noun. A question that asks someone to imagine what might happen or what might have happened in a particular situation if something was or had been different. It is used to ask about something that could happen in the future.
"What" and "If" are two words as non-threatening as words can be. But put them together side by side and they have the power to haunt you for the rest of your life.
What if?
What if?
What if. 2 salita. Simple, pero ang dami at ang bigat ng kahulugan. Ang daming nakakapit na ala-ala. Baka sakali. "Paano kung..?" sa tagalog.
Aaminin ko, meron din akong mga what ifs na hindi ko alam ang sagot. Marami ka rin sigurong ganito.
Paano kung hindi ako nagbakasyon ng pinas, ano kayang nangyari?
Paano kung nabasa ko yung sulat mo bago ako umalis, iba kaya ang kalalabasan?
Paano kung umabot ka ng isang linggo, mapipigilan kaya natin lahat na mawasak ng ganun na lang?
Paano kung hindi tayo sumuko at pinaglaban ang lahat, tayo parin kaya hanggang ngayon?
Paano kung sinundo mo ko nun sa airport nung unang dating ko ng Germany, nagbago kaya lahat?
What if nag-stay na lang tayo sa pinas, tayo parin kaya?
Lumipas ang maraming buwan, 9 months to be exact na wala tayong communication after nung huli nating paguusap. Nakabalik na ko ng Germany, pero sinadya kong iwasan ka at wag magpakita sayo hanggat maaari. Alam ko maraming beses kang nagbakasakaling makita ako.
Nagkita tayo once or twice ng hindi sinasadya pero hindi naman tayo nagkausap ulit. Zero communication. Except for a poem you sent me while I was in the Philippines. Nagulat ka nasa pilipinas pala ako. Hindi ko sinabi sayo.
In a span of 9 months tahimik na ang mga buhay natin. Hinayaan na kita, hinayaan mo na rin ako. Naging kami na ni J.. at nabalitaan ko na kayo rin. And to be honest, I was disappointed.
9 months nagfocus ako sa sarili ko, sa relationship ko, sa pagbuo ng mga pangarap ko, sa pag-ayos at pagbuti ng sarili ko. Marami na rin akong napuntahang iba't ibang lugar na dati akala ko imposible ng maabot.
"Dati umaalis tayo ng magkahawak kamay
Ngayon gumagala na tayo ng magkahiwalay
Magkaibang daan na ang nilalakbay" -ctto
Akala ko don na matatapos ang lahat. Tahimik na tayo. Until…
It was March 14, 2019. Nagkita na lang tayo sa araw ng kasal ng kapatid mo. First time in a long while. We were supposed to be partners, right?! Pero nung nagkakalabuan na tayo hiniling ko sa kapatid mong palitan na lang yung partner ko, naisip ko kasi wala rin namang sense, makikita pa sa picture eh hindi naman tayo ok chaka baka maging isyu pa. That time, gusto ko lang ng tahimik na buhay. Ang totoo nyan wala na sana akong balak umattend ng kasal kung hindi ko lang kaibigan si mika at kung di lang naipatahi na yung mga gown.
So sa araw ng kasal, Tinginan lang walang kibuan. Ni walang hi or hello. Awkward. Kulang na lang magkaron ng uwak.. *crooo *crooo. It wasn't easy being around your family, being with people na dati nakakausap ko at nakakamusta, nakakakwentuhan etc. pero that day hindi na pwede kasi wala ng tayo. All I could do is give them a polite smile in a distance.
Ayos naman ang tinakbo ng kasal, nakakatawa nga kasi sa same day edit video nakuhaan pa ko ng camera habang medyo naluluha. Favorite ata ako nung photographer kasi ang dami kong exposure. hehehe
Madami nagtanong sakin bat daw ako parang naluluha sa video, alam ko tinanong mo rin sakin to. Alam mo ba kung anong nasa isip ko habang nagpapalitan ng vows yung mag-asawa? Parang bigla kasing bumuhos lahat ng ala-ala nating dalawa. Simula umpisa. Kung pano tayo nagkakilala. Kung Paano tayo nagsimula. Kung Paano natin hinarap ang bawat hamon ng walang kasiguraduhan ng hinaharap. Nalungkot ako. Nanghinayang ng konti. Naisip ko tayo dapat yung kinakasal na ngayon. It could have been us. diba? That should have been us. Pero wala eh… Nakakatawa kasi masaya nating inumpisahan, malungkot nating winakasan. ='(
Hanggang sa nagpipicturan na kami, tapos na yung program. Kanya kanya ng papicture sa stage. Nung turn ko na bigla kang lumapit, nung una kala ko makikipila ka din para sa next na magpapapicture pero hindi ko inakala yung sumunod na nangyari, bigla ka na lang umupo sa tabi ko at nagpakuha ng litrato. Lahat kami nagulat. Pati ako napataas kilay, kasabay ng mga hiyawan ng mga kaibigan natin. Walang pasabi tumabi ka na lang sa upuan. Ang hula namin siguro hindi mo na napigilan yung sarili mo.
Bakit? Anong meron? Pero sa lakas ng hiyawan ng mga kaibigan natin, sinakyan ko na lang. Alangan namang paalisin kita. Sabihin ang KJ ko naman parang picture lang. Sa isip ko katuwaan lang naman at for old time's sake. At dahil dyan, Kaya naman meron tayong picture na yan sa taas na sinabi mong sneak peek ng future.hahaha Akalain mo nga naman.. sinong mag-aakalang magkakatabi pa tayong muli sa isang litrato ng nakangiti at parang walang nangyari, na parang hindi 2 taon ang lumipas? At ang mas nakakagulat pa dyan, ganyan ang kinalabasan. Parang natural na natural. Hahaha
Pero pagkatapos non hindi pa rin naman tayo nag-usap. Click. Tayo. Alis. Balik sa pagiging awkward.
Mga ilang sandali pa habang nag-iinuman kami malapit sa may stage ng lumapit ka ulit at nakihalubilo. Kwentuhan konti but mostly hindi naman ako nagsasalita. Ang naaalala ko lang bago kayo umalis, binati mo ang lahat…kinamayan, tapos nilampasan mo ko. Sakin ayos lang naman, wala naman ako pakelam kung di mo ko batiin, pero bigla akong nagulat nung tumigil ka sa harap ko at nagtanong kung pwede mo ba kong yakapin. Hindi na ko nakasagot kasi bigla mo na ko niyakap. Sigawan nanaman sila. Bumulong ako sayo ng "ingat ka." Hindi ko na narinig kung may sinabi ka pa ba.
Natapos na ang gabi. At ang lahat ay naguwian na.
Isang buwan ang bakasyon ko sa pinas. Nakarating na ko ng Batanes, at Cebu.
Nasa CORON. PALAWAN ako nung nakareceive ako ng DM from you sa instagram ko. You were asking if we could meet and talk. Honestly, I didn't expect that. Ang nasa isip ko non is "bakit kaya nagmessage to? Anong meron?"
Nagset ka ng date pero parehas hindi tugma sa mga plano at lakad natin, hanggang sa sinabi ko wag na lang.. baka hindi rin naman talaga meant to be na magkita at magusap pa tayo and besides we were both in a relationship hindi magandang tingnan. Pero nagpumilit ka.. sinabi mo pa na ang hina mo naman sakin. So after ilang attempts of persuasion, pumayag na din ako.
Isang linggo pa ang lumipas after non at dito sa same meeting place natin 10 years ago. Same spot at the corner of the street. Alam mo ba kung saan?
7-11. Kung saan simula estudyante pa lang tayo ng nursing dun na tayo lage nagpupunta. Tambayan. Hintayan. Ang naging saksi sa lahat, minsan alam mo parang nakikita ko pa nga yung younger selves natin dun. Umulan man o bumagyo. Bumaha man. Tag-araw o tagulan. May payong o wala. Sa may upuan hihintayin mo ko, masusulyapan na kita sa salamin o kaya naman pag nauna ako hihintayin kita tapos nakasimangot na ko kasi ayokong nalelate ka. Kasi alam mong ayoko ng naghihintay.
11 am. Walang upuan sa loob puno lahat. Nag-iba din ng konti yung itsura sa loob. Akala ko nauna ako sayo kasi hindi kagad kita nakita sa labas. Akala ko late ka nanaman. Muntik na kong mainis. hahaha
You hugged me first. Nakita kong nagliwanag ang iyong mga mata habang papalapit, parang ang saya saya mo nung araw na yun. Samantalang ako medyo na-awkward pa.
Hinayaan kita na magplano ng araw na yun, kung ano gagawin at kung san pupunta. Sabi mo manonood tayo ng sine. Just like we always do. Our favorite past time. Tapos kakain sa restaurant, na sabi mo imposibleng mahulaan ko kung saan kasi sa sobrang tagal na. Hinamon kita at sinabi ko na kaya kong hulaan kung ano un. Kumasa ka. At nahulaan ko nga ng isang hula lang. Nagulat ka diba?! Hindi mo inakalang maalala ko pa noh? Sabi sayo eh, minsan mahirap yung masyadong matalas ang memorya. Isa lang naman ang nasa isip ko.
Italianni's Restaurant. Trinoma. 10 years ago, pangarap nating kainan to since first monthsary natin, naalala ko pa nung gabi na nakaupo tayo sa may fountain katapat ng restaurant na yan.. it was the night of my birthday, sabi natin sa first monthsary natin dun tayo kakain, kasi mukang masarap tapos maganda yung ambiance. Pero first, second third, fourth monthsary..hanggang umabot ng years… hanggang nakapag-abroad na tayo hindi na natin napuntahan. and finally after 10 years, no actually after 12 years lang natin nakainan…kung kelan hiwalay na tayo hahahahah that took so long. Sa 12 years naalala ko pa, isang hula lang diba?! weeew…
Madami kasi tayo mas inunang kainan at puntahan hanggang sa naisantabi na natin at nakalimutan na natin syang kainan. Tinanong mo ko: "is it worth it? Is it worth the wait?"
Well I guess, I think so. Food is not bad. Masarap sya and desserts too. Muntik pa nga tayong mag-wine eh kung hindi lang mag-uumpisa na yung movie. Iba din ano? Alam mo yun? Iba din yung feeling na kaya mo ng bilhin at kumain ng hindi na iniisip kung mahal or kung magkano yung presyo. Samantalang dati, Mcdonalds lang tayo kumakain, samantalang dati pag-iipunan pa natin tapos pag may Pera na magdadalawang isip pa tayo kung itutuloy natin or sa Iba na lang tayo kakain. Samantalang dati, isang libo napakamahal na satin. Samantalang dati hanggang tingin lang tayo sa labas haaaay.. akalain mo nga naman, ang hirap ng buhay natin noon. Yes we were POOR that time 12 years ago but we were so RICH in love and understanding, and perseverance and hope. Yun ang di kayang tapatan ng pera or ng success.
Nanood tayo ng movie, Hotel Mumbai. At katulad ng dating nakagawian, with salted popcorn na nauubos agad natin bago pa magstart yung movie. Somehow at the back of my mind, parang walang nagbago. Parang dati lang nung movie buddy natin ang isa't isa. Noon.
The feeling was somewhat familiar. Para akong bumabalik sa past, yung parang tayo, Masaya. Walang iniisip… aalis, kakain, uuwi sa bahay.. kaso this time.. nanghihiram lang tayo ng oras, at wala ng tayo.
YOLO. You Only Live Once. March 29, 2019.
Nung una natatawa ka, inaasar mo ko kasi bat ganun ako mag-isip, go lang ng go. Sinabi ko sayo kasi maikli lang ang buhay, and ayokong dumating ang panahon na matanda na ko tapos puno ng regrets. Minsan ka lang mabubuhay sa mundo, bat di mo pa sulitin diba? Bat di ka pa sumugal diba?! YOLO moderately sabi ko pa. Natahimik ka. Napaisip. Hanggang sa sinabi ko "bat di mo i-try?!"
Sinakyan mo trip ko, and for once diba masaya?! Nagets mo yung ibig kong sabihin at nakita ko sumaya ka. Masyado ka na kasing seryoso pansin ko, Nagmumuka ka ng matanda. Parang pasan mo ang daigdig at nakalimutan mo na yatang mgpaka-chill, Relax lang. Wala ganong iniisip kundi ang present. Not the past nor the future, only NOW.
Sabi nga sa isang quote na nabasa ko: "If there is even a slight chance at getting something that will make you happy , risk it. Life is too short, and happiness is too rare."
At saan tayo dinala ng yolo natin?
UP Sunken Garden. For once sumugal tayo. Bahala na. Walang pakelam. Atin ang oras at araw na yun. Kung ano maisip, gagawin. Masaya diba? Mga bagay na di mo akalain na mangyayari pa. Pero nangyari. Kala mo panaginip. Idea mo pa nga na sulatan yung movie ticket natin sa likod tapos may pirma natin at date tapos exchange tayo. Pero bago yun dahil wala tayong ballpen, dinare pa kita to talk to stranger and ask if you can borrow a pen. Hahaha alam mo ba, di ko akalaing gagawin mo yun. Kala ko mahihiya ka. Pero nakahiram ka nga.. hahaha tawang tawa talaga ako nun, parang gusto kong ivideo.. except.. hindi pwede.
Pagkatapos natin magsulat, umupo na tayo. Bigla mong kinuha yung cellphone mo at nagselfie. Ginaya pa nga natin yung sa movie na Alone Together, na sabi mo mga 5x nagpaiyak sayo nung pinanood mo *insert 214 song by Jm de Guzman. Actually peg nga ata natin yun.
May naisip ako biglang lyrics ng kanta.
"Two old sweethearts who fell apart, somewhere long ago.. how are they to know, someday they'll meet again and have a need for more than reminiscin'…" - Maybe this time
Nagusap tayo habang nakatingin sa malayo. Ang layo na ng narating natin ano?Sinong mag-aakala. Ano nga bang nangyari satin? San nga ba tayo nagkulang? Bakit tayo sumuko? Bakit yung dating kasing tibay ng bato bigla na lang nagkapira-piraso? Yun din ang tanong ko kagaya mo. Ang layo ng narating natin, at nagkalayo rin tayo. Eto pala yung future.
"When you both imagined your future together, but now that you are both in the future, the difference is.. you're not together anymore."
Dati akala ko hindi na tayo magkakahiwalay, nung medyo on the rocks na tayo may nagtanong sakin kung what if hindi na tayo maayos and maghiwalay na talaga, denial pa ko noon as I was really trying hard to save us, sinagot ko na lang sya ng Paborito nating linya: "I'll cross the bridge when I get there." Hindi ko naman inakala na darating pala talaga tayo sa dulo ng bridge na yun.
Aaminin ko, nasaktan din ako at nalungkot sa mga taong nalungkot nung nalaman na wala na tayo. Sa mga kaibigan, kaklase at kapamilya na na katulad nila umasa din na happy ang ending ng storyang to. Na hindi sa dulo ng tulay kundi sa dulo ng altar magtatapos. We were so close to a relationship goals. Alam ko tinitingala din nila tayo.. ng mga youth sa church. Sa mga sumuporta sa team Erika and Harvey. Ang hirap no? Ang hirap na parang na-let down natin sila.
Parang ang haba ng araw at hindi natin alintana ang paglalim ng gabi. Isaw. Videoke. Padi's point. Nag-inuman tayo. First time ata natin ginawa yun. Maghahatinggabi na nun. Naglaro pa tayo ng truth or dare.
Tama nga siguro sila, nakakapagpalakas ng loob ang alak. Akala ko tapos na tayo magusap nung nasa UP sunken tayo, pero nung gabing yun mas madami pa palang revelations.
Epekto ng alak? Siguro. Pwede. Kasi nalaman ko pumunta ka sa Schenefeld nung araw na nasa Pinas ako. May bitbit ka kamong 3-page letter para sakin. But you figured out you were too late. A week too late. I was speechless. Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi mo. Lasing na ba ko? Tama ba yung narinig ko? Teary-eyed kang nagkukwento, you didn't know I was in the Philippines, you were so hopeful to see me and to talk to me. You even thought of posting your letter on your fb profile… "letters I have never sent". Na nasa isip ko na sana tinuloy mo.
Para akong biglang nakuryente sa mga narinig ko, what if nabasa ko yung letter na yun?
Sinabi mo tinapon mo din yung sulat out of frustration of being too late.
What if…sinabi ko sayong pauwi ako ng pinas nung linggong yun? Naging mas maaga at maagap ka kaya? Baka sakaling naabutan mo pa ko or napigilan.
Nung turn ko ng magsabi ng truth, I told you my side of the story, I told you that I waited for a week for you to make a move. I told you I was willing to choose you, but you were a week too late. Nakita ko rin ang panghihinayang sa muka mo, nung tinanong kita kung ano ang sana mo… Sinabi mong sana mas naging maaga ka. I was teary eyed. We were both teary eyed. Speechless. There were so many scenarios playing at the back of my mind. I wanted to hug you that night. I wanted to cry on your shoulders. I wanted to turn back time.
"For a moment we're both silent, staring. I wonder if either of us really sees the other clearly anymore or if we're stuck looking at the frozen images of who we used to be." - from The Love That Split the World.
Nag-aya na kong umuwi. Parang that time I couldn't bear it. I needed time to sink everything in. I was too overwhelmed. Naalala mo.. nung pauwi na tayo, may nakakatawang nangyari, Ewan ko lang kung napansin mo.. nung pagbaba ng hagdan.. naglalakad sa may skygarden.. yung music sa loob, yung bandang kumakanta sa loob "Nanghihinayang.. nanghihinayang ang puso ko…" narinig mo ba un?? Ako narinig ko, natawa ako pero pinigilan ko na lang. Minsan lakas trip din ng tadhana eh no, sa dinami dami ng pedeng patugtugin sa isang bar un pa talaga yung kinanta nila. hahaha sa dami dami ng pwedeng pagtripan tayo pa talaga.
Sa huli, hinatid mo ko hanggang sa may gate ng bahay namin, kung pwede lang sana kitang papasukin sa loob at makita mo si lola at makamusta. Pero hindi, hindi na pwede. Ang weird noh, Kala natin walang nagbago pero malaki rin pala yung nabago.
One last hug. We both said goodnight. I wanted to look back, but I stopped myself. And that is how our day ends.
Regrets. There it is, that one thing in your past you wish you could undo. It sits in your mind like a big, red, tantalising bow. A gentle tug is all it would take to set things right.
If only you could get to it.
But you can't.
- Lang Leav